3 KATAO HULI SA DROGA SA MAYNILA
- Published on May 28, 2022
- by @peoplesbalita
SWAK sa kulungan ang tatlong indibidwal nang mahulihan ng marijuana at shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 7 Biyernes ng madaling araw.
Sa imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Rufino Casilit apyas Basi ,47; Loisa Casipit ,19, kapwa nakatira sa Prudencia St., Tondo, Maynila at Lowela Mae Gutierrez,19, ng 2nd Street, Manila North Cemetery Sta. Cruz, Maynila.
Ikinasa ang operasyon sa kahabaan ng Juan Luna Street malapit sa kanto ng Corcuerra Street, Tondo, Maynila ng mga tauhan ng MPD-PS7 sa pangunguna ni PLt Joan Dorado.
Nakuha sa mga suspek ang anim na maliit na heat sealed transparent plastic na naglalaman ng shabu na may timbang na 8 gramo at nagkakahalaga ng P54,400.
Gayundin ang 16 na medium ziplock ng marijuana na aabot Naman sa halagang P6,600.
Pansamantalang nakadetine ngayon sa PS7 Custodial facility ang mga suspek para sa booking at documentation.
Pagalbag sa RA 9165 o may kaugnayan sa illegal na droga ang isasampa laban sa mga naarestong suspek. (GENE ADSUARA)