• October 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 BUS COMPANY, PADADALHAN NG SHOW CAUSE ORDER NG DOTr

‎IPATATAWAG ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong bus company dahil sa ilang problema sa kanilang pasilidad.

‎Sa ginawang pag-iikot ni DOTr Sec. Vince Dizon natuklasan na walang comfort room ang ilang bus terminal sa Sampaloc, Maynila.

‎Ang mga pasahero ay nakikiamot lamang ng CR sa katapat na gas station.

‎Habang ang isa naman bus terminal ay walang suplay ng tubig kaya’t pahirapan ang paggamit ng mga naghihintay na pasahero.

‎Ikimadismaya naman ni Dizon ang isang bus terminal sa Sta. Cruz, Maynila dahil naniningil ang pamunuan nito ng bayad sa paggamit ng comfort room.

‎Muling iginiit ng kalihim na dapat ay libre at walang bayad ang paggamit ng mga comfort room sa mga bus terminal kung saan ipinaliwag niya na dapat ang kapakanan ng pasahero ang nangunguna at nararapat din na komportable sila sa pagbiyahe.

‎Matatandaan na mismong si Dizon ang nag-iikot sa mga bus terminal para inspeksyunin ang mga ito lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa paggunita ng Undas. (Gene Adsuara)