NANGGULAT ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook at IG post noong Lunes, Marso 30.
May caption ito na… “Thank you, kiddos, for surprising us last night. Love you all! Happy anniversary again, my husband Art—pangit! Love you most!”
Kasama ang series of photos na kuha sa bahay habang nagdi-dinner kasama ang pamilya para sa anibersaryo ng mag-asawa.
Dahil dito, napatunayan ng celebrity couple na sina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde na isang malaking fake news ang pinakakalat na naghiwalay na sila.
Bukod kina Arjo at Maine, makikita rin sa mga larawan ang mag-asawang Ria Atayde at Zanjoe Marudo kasama ang anak nilang Sabino; Gela Atayde kasama ang napapabalitang boyfriend na si Zaijian Jaranilla; at si Xavi Atayde ang bunsong anak ng mag-sawa.
Nandun si Mamita Pilar Atayde at Ramon Atayde, na brother ni Papa Art.
Nagsimula nga ang balita na nagkakalabuan daw ang celebrity couple matapos mapansin ng netizens na wala si Maine sa mahahalagang okasyon sa pamilya Atayde.
Pero nilinaw naman agad ito ng publicist ng Atayde family na si Chuck Gomez na hindi tootoo ang balita. May sakit daw si Maine kaya hindi nakadalo sa joint birthday celebration ng mag-amang Art at Ria. Aniya,
Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens, na ang ilan dito ay tila pambabasag ng fans nina Arjo at Maine sa mga bashers at haters na naniniwala at nagpapakalat na naghiwalay na ang mag-asawa.
“Basag na naman mga umaasa sa hiwalayan ni Maine at Cong Arjo… Happy Anniversary po Mr and Mrs Atayde.”
“Oh sa mga naghahanap jan kay Maine ayan fresh na fresh! Di lang napost sa iba, dami na agad issue. happy anniversary po.”
“Thanks GOD! We love @mainedcm & Arjo together! Walang hiwalayan period. Happy anniversary po.”
“Kaya nakikipag-away ako eh kasi ndi ako naniniwala na magagawa un ni Arjo… Maganda ang pagpapakalaki sa kanya ng mga magulang niya… I love this family… God bless this family.”
“Happy Anniversary po Boss Art & Maam Jojo Campo Atayde . may our good continue to bless you so you will be a blessings to others too.”
“O AYAN NA may resibo na. OK NA?! konting kibot ang daming hanash!”
“Sa mga fake news yan na…”
“Yun mga Marines dyan, ayan na yun ebidencia na buo cla. Aysus! Masyado kayong advance mag-isip.”
“Happy happy anniversary to this beautiful and power couple Art Atayde and Jojo Campo Atayde !!! May your love story continue to unfold with each passing day, filled with laughter, adventure, and endless joy.”
***
MTRCB sa PUV operators: ‘G’ at ‘PG’ lang na pelikula sa byahe ngayong Semana Santa
NAGPAALALA ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga operator ng public utility vehicles (PUVs) at iba pang common carriers na tanging mga pelikulang “G” at “PG” lang ang dapat ipalabas sa loob ng sasakyan, laluna ngayong inaasahang dadagsa ang mga biyahero sa Semana Santa.
Sa memorandum na may petsang Marso 24, inatasan ng Board ang lahat ng operator na sumunod sa umiiral na patakaran sa pagpapalabas ng pelikula sa loob ng pampublikong transportasyon.
Ayon sa MTRCB, “tanging mga pelikula at/o trailers na may klasipikasyong General Patronage (G) at Parental Guidance (PG) lamang ang maaaring ipalabas sa loob ng mga common carrier.”
Ipinaliwanag ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto na ang “G” ay para sa lahat ng manonood at walang anumang eksenang makasasama sa mga bata. Samantala, ang “PG” ay maaaring may ilang sensitibong eksena o tema kaya kailangan ng gabay ng magulang o nakatatanda, laluna sa mga menor de edad.
Saklaw ng direktiba ang lahat ng common carriers tulad ng mga bus, barko at iba pang sasakyang pampubliko na nagpapalabas ng video o pelikula habang bumibiyahe.
Para masigurong nasusunod ang patakaran, tuluy-tuloy ang inspeksyon ng monitoring at inspection unit ng MTRCB.
Nitong nakaraang linggo, nagsagawa na ng dalawang inspeksyon ang Ahensya upang paalalahanan ang mga bus operator at pasahero sa tamang palabas sa loob ng sasakyan.
Ayon kay Sotto, layunin ng patakaran na maprotektahan ang mga komyuter, laluna ang mga bata, laban sa hindi angkop na palabas habang nasa biyahe.
“Ngayong Semana Santa, sabay-sabay ang paglalakbay ng mga pamilya. Gusto nating siguraduhin na ang napapanood sa loob ng sasakyan ay ligtas at angkop para sa lahat, laluna sa mga bata,” ani Sotto.
Dagdag pa niya: “Sa pagpapalabas ng ‘G’ at ‘PG’ na content, nakakatulong ang mga operator na maging maayos at family-friendly ang biyahe ng bawat pasahero.”
Bahagi ito ng kampanya ng Ahensya na “Responsableng Panonood,” na nagtataguyod ng tamang paggabay sa panonood ng media.
Nagbabala ang MTRCB na maaaring masuspinde o makansela ang permit ng mga operator na lalabag sa patakaran, bukod pa sa multa at iba pang parusa.
Samantala, sinabi ni Sotto na nakikiisa ang MTRCB sa buong bansa sa paggunita ng Semana Santa at hinikayat ang mga Pilipino na maglaan ng oras para magnilay.
“Panahon ito ng pagninilay at pagkakaisa. Nawa’y magdala ang Semana Santa ng pag-asa, lakas, malasakit at pagkakabuklod sa bawat Pilipino,” aniya.
(ROHN ROMULO)