• March 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 23rd, 2026

PBBM, PSAC tinitingnan ang hakbang para tiyakin na matatag ang air transport operations

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) para pag-usapan ang hakbang na makapagpapagaan sa epekto ng presyo ng langis sa air transport sector.
“During the meeting, Marcos and PSAC identified several measures to mitigate the immediate effects of rising fuel costs on air transport,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Nais din ng Pangulo na matiyak ang ‘affordability, operational stability, at minimal disruption’ sa mobility at supply chains.
“President Marcos also underscored the administration’s commitment to work closely with the aviation sector in pursuing other measures to secure a steady supply of oil and fuel amidst global tightening and to cushion the impact of price increases to the traveling public,” ang sinabi pa rin ng PCO.
Binrief naman ng Department of Transportation si Pangulong Marcos ukol sa adopsyon ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa 15-day airfare price monitoring at implementasyon ng cycle para sa imposisyon ng mga pasahero at cargo fuel surcharges sa domestic at international flights.
Ang pinakabagong pagkilos ng CAB ay nakahanay sa kamakailan lamang na direktiba ni Pangulong Marcos na lumikha ng mas “responsive mechanism” para pasibatin ang fuel price volatility at makatulong na pakalmahin ang fare adjustments.
Inaprubahan naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang pagbabawas ng passenger service at airport navigation charges sa government-operated airports.
Layon ng inisyatiba na magbigay ng pansamantalang kaginhawaan para sa airlines at mga pasahero bilang resulta ng gradual increase sa airfare prices at pagkakaloob ng temporary relief sa mga negosyo. (Daris Jose)

ALCANTARA AT SANTOS, TINANGGAL BILANG MGA RESPONDENT

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAL bilang mga respondent sa mga kaso kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer Henry Alcantara at contractor Sally Santos dahil sa pagiging state witness, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Spokesperson Polo Martinez, tinanggal sina Alcantara at Santos bilang mga respondent sa tatlong kaso ng malversation at graft na isinampa sa isang korte sa Bulacan kaugnay ng flood control projects na kinasasangkutan ng SYMS Construction.
Dagdag pa ni Martinez, tinanggal bilang respondent si Alcantara at hindi isinama sa information na isinampa sa korte dahil sa kanyang pag-amin bilang state witness sa ilalim ng WPP.

Ang dalawa ay itinakdang state witnesses noong Enero, kasama sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at dating DPWH regional director Gerard Opulencia.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Fredderick Vida na ang pagiging state witness ay nangangahulugang pagkalas sa pananagutang kriminal.
Samantala, sinabi ni Martinez na ang mga kinasuhan ay sina dating DPWH assistant engineers Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at ilan pang iba.
Isinampa ang mga kaso noong Enero 30, Pebrero 9, at Pebrero 13 sa korte sa Bulacan, ngunit kalaunan ay inilipat sa isang korte sa Quezon City na itinalaga bilang espesyal na korte para sa mga kaso ng katiwalian.
Dagdag ni Martinez, ang mga respondent sa mga kaso ay na-arraign noong unang linggo ng Marso at ang pre-trial hearing para sa dalawang kaso ay nakatakda sa Abril 13 sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79.
Kasalukuyang namang nakadetine sina Hernandez at Mendoza sa New Quezon City Jail kasama ang iba pang respondent sa flood control anomaly. (Gene Adsuara)

PBBM, ipinag-utos ang P10-B na tulong para sa mga magsasaka, mangingisda sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang alokasyon o paglalaan ng P10 billion para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagsirit ng presyo ng langis.
Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ang bagong direktiba ng Pangulo ay naglalayon na palawigin ang fuel subsidy program sa pamamagitan ng pagsama sa “food producers” sa hanay ng mga benepisaryo.
Idinagdag pa ni Recto na ang pinakabagong inisyatiba ng Pangulo ay makatutulong sa mga magsasaka na makayanan ang tensyon sa Gitnang Silangan dahilan ng global oil price hikes.
“We know that fuel inflation can trigger food inflation. That is what we are trying to mitigate. If fishermen are spending less time out in the sea because they are limited by their gas supply, then it results in lower catch, which in turn makes fish expensive,” ang sinabi ni Recto.
Aniya pa, batid ng pamahalaan na ang mga magsasaka at mangingisda ay umaasa sa fuel, kaya’t ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tulungan ang mga ito sa lalong madaling panahon.
“In this mechanized era, farmers rely on equipment from tractors to harvesters… And fishermen no longer paddle out to sea. They are brought there by boats powered by gas or diesel engines. That is why as much as 75 percent of the market price of fish represents fuel cost,” aniya pa rin.
“It is not a new program for the DA. They know the drill. They have the list. They have the institutional muscle memory,” dagdag na pahayag ni Recto.
Nauna rito, hiniling ng DA na maglaan ang gobyerno ng P10 billion na cash assistance para protektahan ang mga magsasaka at mangingisda mula sa tumataas na presyo ng langis.
Ang pondo ay huhugutin mula sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFF) sa ilalim ng 2026 budget ng DA.
Gayunman, ang PAFF, ay nakatakdang ilabas sa second o third quarter ng 2026. ( DARIS JOSE)

Obrero na wanted sa rape sa QC, nabitag sa Caloocan

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang 33-anyos na construction worker na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Quezon City nang maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na nanunuluyan sa Brgy. 179, Caloocan City ang akusado.

Dahil dito, kaagad ikinasa ng mga tauhan ng East Bagong Silang Police Sub-Station (SS13) ang manhunt operation laban sa akusado hanggang makorner siya malapit sa tinutuluyan niyang bahay.

Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng mga tauhan ni Col. Goforth sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 99, Quezon City para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Matapos nito, dinala ang akusado sa isang government hospital para sa medical examination bago tinurnover sa kostodiya ng SS13 kung saan pansamantala siyang nakapiit habang hinihintay ang utos ng korte.

Pinuri naman ni BGen. Dela Cruz ang arresting team para sa kanilang kasipagan, disiplina, at propesyonalismo sa matagumpay na pagpapatupad ng warrant. (Richard Mesa)

SAGOT NI CONG. TOBY TIANGCO KAY REP. ACIDRE

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng kanyang sagot na pahayag si Navotas Representative Toby Tiangco hinggil sa sinabi ni Rep. Jude Acidre na maglabas ito ng ebidensya tungkol sa umano’y panunuhol sa mga mambabatas para suportahan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“With all due respect to Rep. Jude Acidre, nakalimutan na yata niya na ilan sa mga pumirma sa first impeachment complaint ay umamin na kaya sila pumirma ay dahil hindi sila mabibigyan ng AICS, AKAP at TUPAD kung hindi nila ito gagawin” ani Tiangco.

“Yung sinabi ko naman na kaya pinirmahan ang first impeachment ay dahil sa mga insertions ng infrastructure projects, proven na din yun. Hindi ba’t nakasuhan na si Zaldy Co at inirekomenda ng DPWH at ICI na sampahan ng kasong plunder si former Speaker Martin Romualdez?” dagdag niya.

“Ngayon, kung ang tinutukoy nya ay ang second impeachment na tinatalakay ngayon, eh masyado naman syang guilty”. “Sumagot lang naman ako when I was interviewed and asked if the DPWH projects that are marked “For Later Relese (FLR)” can be used as a carrot and stick” sabi niya.

“Ang sagot ko was that we can only find out after the voting whether the FLR projects in the districts will be released, depending on their vote” dagdag niya.

“To be clear, I am not an ally of the Vice President. But unlike them, I am not scared of a Sara Duterte presidency because I can be accountable to any President. Hindi ko kailangang sumipsip sa kahit sinong Presidente. I can work with any President I agree with and oppose a President I don’t agree with,” giit ng mambabatas.

“My track record shows that I have opposed even the most popular Presidents. Eh sila? Hanggang ngayon hindi pa nila pinapaliwanag ang P5.96 billion insertion ng Tingog Partylist sa 2025 GAA. Baka kaya nanginginig sila sa takot sa posibilidad na maging Presidente si Sara. Posibilidad palang takot na takot na sila,” sabi pa niya. (Richard Mesa)

Mga magulang Navoteños, nagtapos sa Project APAT

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTAPOS sa Project APAT (Ang Paaralan sa Ating Tahanan) ng Schools Division Office of Navotas at Food for the Hungry ang mga magulang Navoteños mula sa 25 na pampublikong paaralan sa Navotas City.

Dumalo sa kanilang graduation si Mayor John Rey Tiangco para personal na binati ang mga nagtapos na mga magulang.

“Nakakatuwang makita ang mga magulang na sa kabila ng trabaho at responsibilidad sa bahay ay naglaan pa rin ng oras para matuto kung paano mas magagabayan ang kanilang mga anak sa pag-aaral at sa buhay,” ani Mayor Tiangco.

“Malaking bagay ito dahil kapag ang magulang ay handang matuto, mas nagiging matatag ang pamilya. At kapag matatag ang pamilya, mas nagiging matatag ang ating lungsod,” dagdag niya.

Patunay lang aniya sa Project APAT na ang pag-aaral ay hindi lang sa paaralan. Nagsisimula din aniya ito sa tahanan, sa paggabay ng magulang, at sa suporta ng komunidad.

“Muli, binabati natin ang lahat ng nagtapos sa P4S (Pagsasanay sa Pagiging Magulang tungo sa Pinagpalang Pamilya). Ipinagmamalaki ko kayo,” pagbati ng alkalde.

Pinasalamatan din ni Tiangco ang mga guro, school leaders, at education stakeholders kung saan patuloy aniya nilang susuportahan ang mga ganitong programa dahil naniniwala siya na walang batang dapat maiwan kung sama-samang kumikilos. (Richard Mesa)

LTFRB, INAPRUBAHAN NA ANG MGA PETISYON NG TRANSPORT GROUPS PARA SA DAGDAG-PASAHE

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UPANG mapanatili ang balanse sa kapakanan ng milyun-milyong mananakay at interes ng sektor ng pampublikong transportasyon, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng patnubay ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang mga petisyon ng transport groups para sa dagdag-pasahe.

Ipinaliwanag ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II na ang komputasyon para sa dagdag-pasahe ay dumaan sa masusing pag-aaral at deliberasyon, kalakip ang datos mula sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

“Ang desisyong ito na sumasaklaw sa lahat ng uri ng land public transportation ay patunay ng tunay na malasakit ng pambansang pamahalaan sa kapakanan ng sektor ng transportasyon, habang pinangangalagaan ang interes ng pangkalahatang commuting public,” ani Chairperson Mendoza. “At ito ay napapanahon dahil ang sektor ng transportasyon ay kasalukuyang humaharap sa seryosong hamon dulot ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bilang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan,” dagdag pa niya.

Mga Dagdag-Pasahe
• Tradisyunal na jeepney: Dagdag na ₱1 sa minimum fare (mula ₱13 naging ₱14) at ₱0.20 kada susunod na kilometro (mula ₱1.80 naging ₱2.00).
• Modern jeepney: Dagdag na ₱2 sa minimum fare (mula ₱15 naging ₱17) at ₱0.10 kada susunod na kilometro (mula ₱2.20 naging ₱2.30).
• Airport taxi: Dagdag na ₱40 sa flag-down rate (mula ₱75 naging ₱115). Walang pagbabago sa succeeding 300 meters at two-minute waiting time charge.
• TNVS: Dagdag na ₱20 sa base fare.• Sedan: ₱65 (mula ₱45)
• AUV: ₱75 (mula ₱55)
• Hatchback: ₱55 (mula ₱35)
• Premium: ₱165 (mula ₱145)
Walang dagdag sa per kilometer at per minute travel time.

• Metro Manila at city buses:• Ordinary: Dagdag ₱2 sa minimum fare (₱13 → ₱15) at ₱0.24 kada susunod na kilometro (₱2.25 → ₱2.49).
• Aircon: Dagdag ₱3 sa minimum fare (₱15 → ₱18) at ₱0.33 kada susunod na kilometro (₱2.65 → ₱2.98).

• Provincial buses: Dagdag ₱1 sa unang limang kilometro. Dagdag kada kilometro:• Ordinary: ₱0.30 (₱1.90 → ₱2.20)
• Deluxe/Super Deluxe: ₱0.35 (₱2.10 → ₱2.45)
• Luxury: ₱0.45 (₱2.90 → ₱3.35)

Ang mga petisyon para sa ordinary taxi at UV Express ay kasalukuyang nasa deliberasyon.

Mga Kondisyon
• 20% diskwento para sa senior citizens, PWDs, at mga estudyante tuwing pasok sa eskwela.
• Provisional approval para sa provincial buses kahit inaasahan ang pamamahagi ng ₱5,000 fuel subsidy.

Mga Dahilan ng Pagtaas
• Pagtaas ng maintenance at operational costs mula 7.54% (2022) hanggang 54.29% (2024).
• Geopolitical tensions (Ukraine war, Middle East conflict).
• Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa mula 2022.

• Halimbawa: Manila–Baguio trip (246 km) → ₱542 mula ₱469 (dagdag ₱73).
• Sa 50-seater bus, dagdag kita ₱3,650.
• Fuel cost tataas ng ₱4,920 (246 liters × ₱20/liter increase).

Ang bagong fare adjustment ay ipatutupad sa sandaling makakuha ng fare matrix ang mga operator at maipaskil sa kanilang mga unit. (PAUL JOHN REYES)

Presyo ng basic goods, patuloy na minamanmanan ng DA sa mga pamilihan

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINATINDI pa ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang patuloy na price monitoring sa mga pangunahing bilihin sa iba’t ibang pamilihan sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng isinagawang pag-inspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. katuwang ang DA at DTI sa Agora Market sa San Juan City upang tiyakin ang sapat na suplay at tamang presyo ang mga pangunahing bilihin.

Ayon kay DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., oras na may napatunayang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin, handa silang magpatupad ng price control measures kabilang ang price ceiling, alinsunod sa umiiral na batas.

Anya, bagamat nauunawaan niya ang pagtaas ng presyo ng bilihin dulot ng tumaas na gastos sa transportasyon, hindi pinapayagan ng ahensiya ang pananamantala at hoarding ng mga pagkain tulad ng bigas, karne at mga gulay.

Tiniyak naman ng Kalihim na sapat ang suplay ng bigas at iba pang pagkain sa bansa, gayundin ang farm inputs.

Patuloy rin ang pagbibigay ng tulong ng ahensiya sa mga magsasaka upang mapababa ang gastos sa produksyon at maiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Tulak, kulong sa P136K droga sa Valenzuela 

Posted on: March 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga nang makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Ian”, 45, ng Brgy., Bisig ng lungsod.

Ayon kay Col. Talento, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA laban kay alyas Ian matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng ilegal na droga.

Isa sa mga tauhan ni Lt. Dascil na nagpanggap na buyer ang nagawa umanong makipagtransaksyon kay alyas Ian ng P7,500 halaga ng shabu.

Nang matanggap umano ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur buyer na hudyat na positibo na ang transaksyon, kaagad lumapit ang back-up na operatiba at dinamba ang suspek dakong-8:20 sa Del Castillo St., Brgy. Coloong.

Bukod sa isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nabili umano sa suspek, nakuha pa sa kanya ang tatlong plastic sachets ng umano’y shabu na tumimbang lahat ng humigi’t kumulang 20 grams at may standard drug price na P136,000, buy bust money, at P300 cash.

Ayon kay P/MSg Ana Liza Antonio, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni BGen. Dela Cruz ang Valenzuela Police sa kanilang matagumpay na operation na bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga indibidwal na sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa area ng CaMaNaVa. (Richard Mesa)

Ads March 23, 2026

Posted on: March 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments