• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 9th, 2026

PBBM, mananawagan ng paggalang sa int’l law sa panahon ng kanyang US trip —DFA

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gagamitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang working visit sa Estados Unidos bilang pagkakataon para manawagan sa mga partidong sangkot sa matinding tensyon sa Gitnang Silangan na igalang ang international law.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona na hihikayatin din ng Pangulo ang mga ito na magbalik sa negotiating table.
”Napakahalaga po ng biyaheng ito, ito po ang tamang pagkakataon ngayon dahil sa mga nangyayari sa Middle East,” ang sinabi ni Escalona.
“The President would offer a voice from the region, calling for restraint and respect for international law and the UN Charter amid the ongoing conflict,” ayon kay Escalona.
Kabilang din aniya sa nakatakdang byahe ng Pangulo sa New York sa Marso 9 hanggang 10 ay ang high-level engagements sa United Nations (UN).
Winika ni Escalona na makakapulong ni Pangulong Marcos si UN Secretary-General Antonio Guterres sa sidelines ng kanyang US visit.
Magpapartisipa rin ang Pangulo sa pagbubukas ng 70th session ng UN Commission on the Status of Women.
Gayundin, magbibigay din siya ng mensahe sa special session ng UN General Assembly.
(Daris Jose)

Pagpirma ni PBBM sa Republic Act (RA) No. 12315 na pinalawig ang mandato ng EDCOM II, pinapurihan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAPURIHAN ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapalawig ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), na aniya ay tuluyang matutustusan ang mga major reforms sa ikauunlad ng Philippine education system sa mga susunod na taon.
Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) No. 12315 na pinalawig ang mandato ng EDCOM II mula sa inisyal nitong tatlong taon dagdag ng dalawang taon para matustusan ang research, consultations at oversight ng mga education reforms.

“Ang paglagda ng Pangulo sa panukalang magpapalawig sa EDCOM II ay malinaw na patunay ng iisang paninindigan ng Kongreso at ng administrasyon: seryoso tayo sa reporma sa edukasyon,” pahayag ni Dy.

Sinabi pa ni Dy na ang extension ay pagpapatibay ng mga reporma sa sektor ng edukasyon.

“Hindi ito simpleng extension. Isa itong malinaw na mensahe na ang mga repormang sinimulan ay kailangang tapusin, palalimin, at tiyaking may pangmatagalang epekto sa buhay ng ating mga mag-aaral, guro, at pamilya,” ani Dy.

Sinabi ni Dy na ipinapakita ng Kongreso ang determinasyon, hindi lamang sa pagbabalangkas ng batas, kundi pati sa pondo, sa pagbibigay ng pinakamalaking badyet na ₱1.3 trillion sa edukasyon, sa kasaysayan ng bansa.
“Dahil naniniwala tayo na ang tunay na puhunan ng bayan ay ang edukadong Pilipino. Sa EDCOM II, sinisiguro nating ang mga desisyon sa edukasyon ay batay sa datos, karanasan, at aktwal na pangangailangan sa buong bansa. Ito ang tamang hakbang, sa tamang panahon, para sa kinabukasan ng ating kabataan,” sinabi ni Dy.
(Vina de Guzman)

Gobyerno naghahanda sa pagtaas ng presyo ng langis dahil sa giyera sa Middle East – PBBM

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang gobyerno sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa umiigting na tensyon at labanan sa Middle East.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mga hakbang upang mabawasan ang magiging epekto nito sa mga pamilyang Pilipino.

Sinabi ng Pangulo na nararanasan ngayon ng Pilipinas at ng buong mundo ang epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, lalo na sa pagtaas ng presyo ng langis.
Naapektuhan ang daloy ng mga barkong may kargang langis sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang daanan ng langis sa mundo.
Dahil dito, posibleng tumaas ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang madaragdagan ang presyo ng gasolina ng P7.48 kada litro, diesel ng P17.28, at kerosene ng P32.35.
Bilang tugon, nakikipag-ugnayan ngayon ang Malakanyang sa Kongreso upang mabigyan ang Pangulo ng kapangyarihang pansamantalang bawasan ang excise tax sa petrolyo kung aabot sa US$80 kada bariles ang presyo ng langis sa world market.
Plano ring amyendahan ang Biofuels Act of 2006 upang magamit ang mas murang bioethanol.
Siniguro rin ng Pangulo na maglalabas ang pamahalaan ng fuel subsidy at cash transfer para sa apektadong sektor.
Patuloy ding mino-monitor ng pamahalaan ang presyo ng mga bilihin upang maiwasan ang hoarding at profiteering, habang tinutulungan ng DFA, DMW, at OWWA ang mga Pilipinong nasa Gitnang Silangan, kabilang ang repatriation para sa mga nais umuwi.
Iginiit ng Pangulo na bagaman hindi kontrolado ng Pilipinas ang digmaan, gagawin ng pamahalaan ang lahat upang maprotektahan ang kapakanan ng mga Pilipino. ( Daris Jose)

4-day work week ipatutupad sa mga tanggapan ng gobyerno – Malakanyang

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALANG ipatutupad ng pamahalaan ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo simula Marso 9, 2026.

Ngunit nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kabilang dito ang mga tanggapan na nagbibigay ng emergency at frontline services tulad ng pulisya at bumbero.

Bukod dito, inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid sa konsumo ng kuryente at petrolyo at ipagbawal muna ang mga hindi kinakailangang biyahe at aktibidad ng pamahalaan.

Binigyang-diin ng Pangulo na hihirit siya sa Kongreso ng kapangyarihan para pansamantalang bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ito ay kung aabot sa 80 US dollars kada bariles ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Layunin ng hakbang na mapigilan ang labis na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa bansa.

Naglabas na ng memorandum circular ang Palasyo na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto kaugnay sa four day work week.
(Daris Jose)

Naturalization nina Diouf at Means tinalakay sa Senado

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Tinalakay ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang panukalang batas para sa naturalization ng mga basketbolistang sina Malick Diouf at Elizabeth Means.

Pinangunahan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang public hearing kasama sina Diouf, Means, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick Gregorio at representative ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Ayon kay Gilas Pilipinas coaching staff Ryan Gregorio , na malaki ang potensiyal sa international basketball tournament sina Diouf at Means.

Si Means ay NCAA Division II player mula sa Westminster University sa US habang si Diouf ay Senegalese na naglalaro na sa UAAP na tumulong sa University of the Philippines Fighting Maroons para magkampeon noong Season 84.
Hindi naman naisama ang citizen bids nina dating Beerment import Bennie Boatwright III at Fil-Am wrestler Matthew James Ramos dahil wala sila sa bansa.

F1 champion Lewis Hamilton wala pang balak magretiro

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang balak na magretiro si Formula 1 champion Lewis Hamilton.

Sinabi ng seven-time world champion na mayroon pa itong ninanais na makamit.

Hindi pa kasi nito nasubukan ang magkaroon ng grand prix sa Africa.
Dagdag pa nito ng mabalitaan ito ay hindi niya maipaliwanag ng saya dahil siya ay half-African.

Huling naisagawa ang karera sa Africa ay noong 1967-85 at 1992 at 1993 sa Kyalami sa South Africa.

Si Hamilton ay unang black driver kung saan ang ama nito ay isan Afro-Caribbean habang American ang Ina nito.
Nasasabik ito ng sabihin ng F1 na inaayos nila ang nasabing karera sa Africa.

Disney and Pixar’s “Hoppers” Brings Wild Beaver Comedy

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Disney and Pixar’s “Hoppers” Brings Wild Beaver Comedy — Now Showing in Cinemas.jpeg
Disney and Pixar’s animated comedy “Hoppers” hops into Philippine cinemas with outrageous humor, lovable characters, and a robotic beaver on a mission to save the animal kingdom.

What happens when a passionate teenager takes on a powerful mayor—and ends up living inside a robotic beaver? In Disney and Pixar’s new animated comedy adventure “Hoppers,” the answer is a wildly unpredictable ride packed with laugh-out-loud moments, heartfelt themes, and chaotic animal antics.

Now playing in cinemas nationwide, Hoppers introduces audiences to an imaginative world where humans and animals collide in the most hilarious way possible.

At the center of the story is Mabel, a determined animal lover voiced by Piper Curda. When she discovers that the natural habitat of countless animals is under threat, Mabel refuses to stay silent.

Armed with experimental technology, she makes an unusual decision—transferring her consciousness into a life-like robotic beaver. The plan allows her to communicate directly with animals and understand their world from the inside.

What begins as a bold experiment soon turns into a thrilling mission.

As tensions grow between humans and animals, Mabel must navigate both sides of the conflict while trying to prevent disaster for everyone involved.

For director Daniel Chong, best known for the hit animated series We Bare Bears, comedy served as the creative heartbeat of the film.

That approach gives Hoppers its energetic personality, blending quick-witted humor with absurd situations and memorable characters.

Filled with outrageous humor, thrilling moments, and plenty of heart, Disney and Pixar’s “Hoppers” delivers a fresh animated adventure that the whole family can enjoy.

With Mabel caught between the human world and the animal kingdom, audiences can expect plenty of twists, laughs, and high-stakes moments along the way.

“Hoppers” is now showing exclusively in Philippine cinemas.

(ROHN ROMULO)

Nananatiling tikom ang bibig nina Anne at Erwan… VICE GANDA, nag-litanya at ‘di tinago ang pagkainis kay Rep. SUNTAY

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG beses gustong ipa-review sa MTRCB ang pelikulang “Los Sabungeros.” Pero contrary sa naging pahayag ni Nessa Valdellon na dalawang beses din itong na-decline o tinanggihan.
Not true. Hindi ito tinanggihan, kung hindi, hinihingan pa ng ilang kailangang documents.
“Clarification on the Film “Lost Sabungeros”
“The MTRCB clarifies that the film “Lost Sabungeros,” was not rejected nor denied review. Instead, the producers were asked to submit the documentary requirements needed for the Board to properly evaluate the film.
“One of these requirements was a certification confirming that the subject matter of the material is not the subject of any pending case before the courts.
“The Board said this is necessary to comply with the sub judice rule, which prohibits the public discussion or presentation of matters that are currently under judicial consideration.
“The requirement is consistent with the mandate of the Board under Presidential Decree No. 1986, which authorizes the MTRCB to review motion pictures and ensure that materials presented for public exhibition comply with existing laws.
“Under Section 3(c) of the decree, the law explicitly provides that the MTRCB is mandated: “to approve or disapprove…
(vii) Those which may constitute contempt of court or of any quasi-judicial tribunal, or pertain to matter which are sub-judice in nature.”
“According to the MTRCB, the production was unable to submit the required certification.
“In fact, in a letter dated Feb. 12, 2026, to the MTRCB, Lost Sabungeros director Kristoffer J. Brazil acknowledged the Board’s requirement for such certification.
“Until the necessary document is provided, the Board said it cannot continue with the review process. It is therefore incorrect to statbe that the MTRCB twice denied review of the film.”
Sa totoo lang, parang napaka-easy target ng MTRCB.
***
KASALUKUYANG nasa bansang Oman pa rin si Anne Curtis at ang kanyang mag-ama na sina Erwan at Dahlia.
Marami na ang nag-react at nagbigay ng kanilang komento sa naging mahalay na pahayag ng Congressman na si Bong Suntay sa Quezon City habang nasa session.
Mararmi ang nag-aabang sa magiging litanya ni Vice Ganda na alam ng lahat na very close kay Anne.
Sa “It’s Showtime” nga, during Laro Laro Pick, nag-litanya si Vice.
Aniya, “Pinag-iinit mo ‘yung ulo ko. Napunta sa iyo ‘yung buwisit ko kay Bong Suntay.”
Sabi pa niya, “Huwag mo na ipakita baka ma-imagine ka pa niya.”
Si Anne ay nananatiling tikom pa ang bibig pero ang kanyang legal counsel ay naglabas na ng statement.
Sa lahat, ang pahayag ni Erwan naman ang gusto naming marinig.

(ROSE GARCIA)

Apat na taon na ang relasyon nila ni Derrick… ELLE, ‘di pa ready na magpakasal dahil marami pang gustong ma-achieve

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at nobyong si Derrick Monasterio.
Pero ayon mismo kay Elle ay hindi pa siya ready na magpakasal kay Derrick.
Lahad niya, “Parang hindi pa. Gusto ko pa nang achievement, more achievement pa.
“And contented. Actually contentment, may contentment na ako sa life.
“But then I feel like I wanna do more before I settle.”
May ideal na edad ba siya para mag-asawa?
“Alam mo, sabi ko nung una, by twenty-four, gusto ko nang ikasal. Gusto ko ng magkaroon ng baby. “Tapos naging twenty-eight. Tapos ngayon naging thirty na.”Thirty, I just turned thirty. So paiba-iba, e. Alam mong mararamdaman mo naman when is the right time.
“I don’t wanna dictate an age kasi ikaw lang yung ma-pressure, di ba? So iyon.
“Walang specific age for me sa ngayon, kung kailan ko lang mararamdaman.”
Kung si Derrick naman ang tatanungin…
“Ako? Wala. Naka-base ako sa kanya,” reaksyon ng Sparkle actor.
“It’s important for her to, to grow on her own, na ma-achieve pa niya ang mga dapat niyang ma-achieve.
“Siyempre, ako, patient lang naman ako. Basta I’ll do what I do.
“Gagalingan ko sa lahat ng bagay at ita-try kong maging… ita-try kong mag-save for our future.
“Para pag ready na siya, ready na ako.”
Handa na ba si Derrick ngayon?
“Ah, ngayon, ready na ako,” mabilis na sagot ng binata.
Bida sina Elle at Derrick sa GMA Afternoon Prime series na ‘Apoy sa Dugo’ na umeere na ngayon.
Tampok rin sa serye sina Ashley Ortega, Pinky Amador, Thea Tolentino, Cai Cortez, Patricia Coma, Ricardo Cepeda, Toniyuh at Larkin Castor, sa direksiyon ni Ralfh Manuel Malabunga.

(ROMMEL L. GONZALES)

Aminadong na-culture shock sa pagpapa-sexy… MARGARET, may nagsasabing kahawig nina ANDREA at LOVI

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NEWBIE man sa mundo ng showbiz si Margaret Diaz, pero pulos lead role ang nabibigay sa kanya sa mga sexy movies na ginagawa niya sa VMX app (dating Vivamax).
Ilang months pa lang siya sa showbiz pero apat na agad ang nagawa niyang projects. Kabilang dito ang “Balahibong Pusa,” “Aliwan Iinn,” “Bagong Tukso,” at ang “Warat,” na number-1 ngayon sa VMX.
Tourism student si Margaret, 19 years old at launching movie ng aktres ang remake ng “Balahibong Pusa” na pinagbidahan noon ni Joyce Jimenez.
May mga nagsasabi na si Margaret ay look-alike ng combination nina Andrea Brillantes at Lovi Poe.
Ano ang reaction niya na kahit newbie pa lang ay ang gaganda ng projects na natotoka sa kanya?
Tugon ni Margaret, “Almost four months na po since nag-start ako sa showbiz. Flattered po at super thankful, kasi nabibigyan po ako o napagbubuksan ng opportunities.”
Aminado ang dalaga na kinabahan siya nang unang sumabak sa pagpapa-sexy sa pelikula.
Bulalas ni Margaret, “Super! Since bago lahat po sa akin ito, nakaka-culture shock din dahil iba pala talaga kapag ikaw na yung nandoon sa position… unlike sa napapanood mo lang po.”
Gaano siya ka-sexy sa ‘Warat’ na pinagbibidahan nila ng hunk actor na si Itan Rosales?
Aniya, “I would say, ibinigay ko po talaga lahat! Pero more than just the physical, yung pagiging sexy ko rito ay nasa confidence at sa emosyon na dinala ko sa aking character na ginampanan dito.
“It’s a different kind of palaban, yung tipong hindi lang sa balat nakukuha, kundi sa tingin at sa presence. Masasabi kong talagang kakaiba itong project na ‘to para sa akin dahil may action na tema, na it was a good experience.”
Nabanggit din ng aktres na ang love scene nila ni Itan ay hindi lang basta hubaran.
“Our scene was intense pero tasteful. Sobrang naging comfortable ako kay Itan, kasi napaka-professional niya, kaya lumabas na natural yung chemistry namin.”
Pahabol pa ni Margaret, “Hindi lang siya basta hubaran it was more about the connection and the heat of the moment between the characters. Ramdam mo talaga yung story sa execution and character.”
Sa taglay niyang alindog at matinding sex appeal, plus sa lakas ng loob sa mga daring scenes, ngayon pa lang ay tinatayang candidate bilang future VMX Queen si Margaret.
Handog ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, tampok din sa Warat sina Christy Imperial, Marco Gomez, Elmo Elarmo Jr. at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Christian Paolo Lat.
20 of 8,564
SWAKTO!
Inbox

Rohn Romulo
Mar 6, 2026, 11:24 PM (3 days ago)
to me

It looks like this message is in Filipino

Aminadong na-culture shock sa pagpapa-sexy…

MARGARET, may nagsasabing kahawig nina ANDREA at LOVI

NEWBIE man sa mundo ng showbiz si Margaret Diaz, pero pulos lead role ang nabibigay sa kanya sa mga sexy movies na ginagawa niya sa VMX app (dating Vivamax).
Ilang months pa lang siya sa showbiz pero apat na agad ang nagawa niyang projects. Kabilang dito ang “Balahibong Pusa,” “Aliwan Iinn,” “Bagong Tukso,” at ang “Warat,” na number-1 ngayon sa VMX.
Tourism student si Margaret, 19 years old at launching movie ng aktres ang remake ng “Balahibong Pusa” na pinagbidahan noon ni Joyce Jimenez.
May mga nagsasabi na si Margaret ay look-alike ng combination nina Andrea Brillantes at Lovi Poe.
Ano ang reaction niya na kahit newbie pa lang ay ang gaganda ng projects na natotoka sa kanya?
Tugon ni Margaret, “Almost four months na po since nag-start ako sa showbiz. Flattered po at super thankful, kasi nabibigyan po ako o napagbubuksan ng opportunities.”
Aminado ang dalaga na kinabahan siya nang unang sumabak sa pagpapa-sexy sa pelikula.
Bulalas ni Margaret, “Super! Since bago lahat po sa akin ito, nakaka-culture shock din dahil iba pala talaga kapag ikaw na yung nandoon sa position… unlike sa napapanood mo lang po.”
Gaano siya ka-sexy sa ‘Warat’ na pinagbibidahan nila ng hunk actor na si Itan Rosales?
Aniya, “I would say, ibinigay ko po talaga lahat! Pero more than just the physical, yung pagiging sexy ko rito ay nasa confidence at sa emosyon na dinala ko sa aking character na ginampanan dito.
“It’s a different kind of palaban, yung tipong hindi lang sa balat nakukuha, kundi sa tingin at sa presence. Masasabi kong talagang kakaiba itong project na ‘to para sa akin dahil may action na tema, na it was a good experience.”
Nabanggit din ng aktres na ang love scene nila ni Itan ay hindi lang basta hubaran.
“Our scene was intense pero tasteful. Sobrang naging comfortable ako kay Itan, kasi napaka-professional niya, kaya lumabas na natural yung chemistry namin.”
Pahabol pa ni Margaret, “Hindi lang siya basta hubaran it was more about the connection and the heat of the moment between the characters. Ramdam mo talaga yung story sa execution and character.”
Sa taglay niyang alindog at matinding sex appeal, plus sa lakas ng loob sa mga daring scenes, ngayon pa lang ay tinatayang candidate bilang future VMX Queen si Margaret.
Handog ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, tampok din sa Warat sina Christy Imperial, Marco Gomez, Elmo Elarmo Jr. at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Christian Paolo Lat.

(NONIE NICASIO)