• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 2nd, 2026

77 laptops, 22 desktop computers ipinamahagi sa Navotas

Posted on: March 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng 77 laptops para sa mga guro upang mas mapadali at mas mapahusay pa ang kanilang pagtuturo. Nagbigay ng 22 desktop computers para sa mga computer laboratory ng mga paaralan sa lungsod upang mas maraming estudyante ang magkaroon ng pagkakataong matuto gamit ang modernong teknolohiya.

Ani Mayor Tiangco, patuloy ang suporta nila sa sektor ng edukasyon dahil naniniwala sina na ang pamumuhunan ng mga guro at kabataan ay pamumuhunan para sa kinabukasan ng lungsod. (Richard Mesa)

PAG-APPLY SA COAST GUARD, WALANG BAYAD

Posted on: March 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga indibidwal na nag-aalok ng tulong sa mga aplikante kapalit ng pera, at pinaalalahanan ang publiko na walang bayad ang pag-apply sa ahensya.

Ito ay matapos maaresto ang isang tauhan ng Coast Guard na umano’y humingi ng P300,000 kapalit ng pag-secure ng slot para sa mga aplikante.

Paalala ng PCG walang bayad ang pag-apply at kung may babayaran man ay para sa medical examination.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Guirao-Cayabyab ang pagsusumite ng dokumento at pag-apply ay libre at walang reserved slot.

Sinabi ni Cayabyab na lahat ng aplikante ay dumadaan sa proseso tulad ng exam physical at fitness test at hindi kailangang magbayad dahil merit-based ang aplikasyon sa PCG.

Ipinaliwanag din ni Guirao-Cayabyab na masusing recruitment process ang ipinatutupad ng PCG dahil sa dami ng aplikante. Noong 2025, halos 44,000 ang nag-apply, ngunit 4,000 slots lamang ang available.

Hinimok niya ang mga aplikante na isumite ang kanilang aplikasyon sa opisyal na social media platforms ng PCG upang makaiwas sa gastusin sa pagbiyahe.( Gene Adsuara)

Malabon, pinalakas ang partnership sa Filipino-Chinese communities

Posted on: March 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINALAKAS ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang partnership nito sa Filipino-Chinese communities sa pagdiriwang ng 3rd Filipino-Chinese Cultural Festival, na nagpapakita ng mga makukulay na tradisyon, mayamang kasiningan, at isang shared spirit na tumutulay sa mga kultura at pagsasama-sama ng mga tao.

Ang cultural festival, ay may temang “Isang Bayan, Isang Diwa: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (One Nation, One Spirit: Unity in Diversity),” bilang culminating activity ng isang linggong pagdiriwang ng National Arts Month na pinangunahan ng City of Malabon University (CMU), Philippine Malabon Cultural Institute, Malabon Chamber of Commerce and Industry, at iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ginanap sa kahabaan ng C4 Road sa Barangay Longos.

“Isang napakasaya at napakakulay na gabi na puno ng pagkakaisa at pagpapala! Sa ating ikatlong Filipino-Chinese Cultural Festival, ipinakita natin ang napakagandang ugnayan sa pagitan ng mga komunidad sa gitna ng pagkakaiba. Ang ugnayang ito ay ating pinapalakas para sa patuloy na pag-unlad ng bawat buhay, kultura, at tradisyon. Sa pagkakataong ito, ating ipinapamalas ang talento at kakaibang ganda ng kasaysayan, tradisyon, kultura, at sining na ating ipinagmamalaki,” ani Mayor Jeannie Sandoval.

Naghatid din ng mensahe ang Ambassador ng People’s Republic of China sa Pilipinas na si His Excellency Jing Quan na nagha-highlight sa partnership ng Filipino-Chinese communities at matatag na partnership sa pagitan ng Filipino at Chinese community.

Tampok sa pagdiriwang ang makukulay at masiglang pagtatanghal ng mga awit at sayaw mula sa iba’t ibang grupo habang pinarangalan ng pamahalaang lungsod ang dalawang mestisong Filipino-Chinese na ipinanganak sa Malabon na may malaking kontribusyon sa edukasyon, kasaysayan, tradisyon, at kultura hindi lamang ng Malabon, kundi sa bansa.

Tampok rin ang mga produktong pagkain at non-food mula sa mahigit 30 kalahok na micro at small enterprises sa pangunguna ng Local Economic Development and Investment Promotions Office na naglalayong palakasin ang lokal na ekonomiya.

Bilang bahagi ng mga aktibidad, inorganisa ng City Tourism and Cultural Affairs Office ang Malabon Plein Art Caravan, na nagpapakita ng mga talento ng mga lokal na visual artist na lumikha ng on-the-spot na mga painting ng San Bartolome Church, Immaculate Concepcion Parish, at iba pang mga eksenang nagpapakita ng pang-araw-araw na buhay sa Malabon.

Isinagawa rin ng mga mag-aaral mula sa Malabon National High School ang Cultural Immersion Field Trip themed “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting, PAGTITIPON: Weaving Filipino and Chinese Heritage in Malabon.” sa mga makabuluhang kultural at makasaysayang pook na sumasalamin sa kasaysayan ng mga pamayanang Pilipino at Tsino.

Binigyang-diin naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang pagdiriwang ay sumasalamin sa matatag na pangako ng Malabon sa inklusibong pamamahala at pagtutulungan sa kultura. (Richard Mesa)

Walang ‘credible direct threat’ sa Pilipinas ang gulo sa Middle East… Seguridad sa PH nananatiling matatag – AFP

Posted on: March 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling matatag ang seguridad ng bansa at walang namo-monitor na “credible direct threat” sa teritoryo ng Pilipinas o sa mga mamamayan nito sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Sa isang opisyal na pahayag ng AFP, inihayag nito na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa Department of National Defense (DND) at iba pang ahensya ng pamahalaan para bantayan at imonitor ang sitwasyon.
Pinayuhan din ng militar ang publiko na manatiling mahinahon, maging mapagmatiyag laban sa disinformation, at magtiwala lamang sa mga beripikadong impormasyon mula sa gobyerno.
(DARIS JOSE)

Krisis sa Middle East… US, Israel binomba ang Iran

Posted on: March 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLUNSAD ng serye ng pag-atake ang Estados Unidos at Israel laban sa Tehran na capital ng Iran.
Base sa ulat, ang pag-atake ay ginawa matapos na ­magpahayag ng pagkadismaya si US President Donald Trump sa paninindigan ng Iran sa mga negosasyon tungkol sa kanilang mga programang nuclear at missile.
Sinabi ni Trump na ang layunin ng Washington ay ang pag-aalis ng mga agarang banta mula sa Iran habang inilarawan naman ng Ministry of Defense ng Israel na si Israel Katz na ang hakbang ay bilang isang “preventive strike” para maiwasan ang mas malaking panganib.
“The United States military began major combat operations in Iran,” sabi ni Trump sa isang video message na naka-post sa social media.
Nagbanta pa si Trump sa Iran na wawasakin ang kanilang missile at dudurugin ang kanilang industriya hanggang sa tuluyang maglaho at lilipulin din ang kanilang hukbong dagat.
Samantala, iniulat naman ng Iranian state television na ang kanilang presidente na si Masoud Pezeshkian ay ligtas at nasa mabuting kalagayan matapos ang pag-atake ng US at Israel.
Pinayuhan naman ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang mga Filipino doon na manatili sa loob ng kanilang mga tirahan at maghanda sa kanilang pagtataguan.
Tinatayang mayroong 30,000 manggagawa na karamihan ay caregivers sa Israel at mahigit 1,000 sa Iran.
Inabisuhan din ng embahada ang mga Pinoy sa Israel na bawal ang public gatherings at lahat ng tanggapan at institus­yon ay sarado maliban sa mga essential services.
“We encourage all Filipinos to remain indoors and prepare to seek shelter in a mamada if there is an urgent alert,” abiso pa ng embahada. (Daris Jose)

Ads March 2, 2026

Posted on: March 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments