Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
ANG pambato ng Pilipinas at Kapuso singer na si Arabelle dela Cruz ang itinanghal na Grand Champion sa international reality singing competition sa South Korea, ang ‘Veiled Cup’ para 2026.
Sa naturang kompetisyon, ang mga kalahok ay nakatago sa likod ng stage at silouette lamang ang makikita ng mga judge at audience.
Kinanta ng Laguna Diva sa grand finals ang version niya ‘Feeling Good’ ni Michael Buble.
Sa IG post ng singer, sinimulan niya ito ng, “Pilipinas, panalo tayo!”
Ganun na lang ang pasasalamat niya sa Panginoon, sa pamilya, mga kaibigan at mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.
Kuwento pa ni Arabelle, “Marami na akong nasalihan na kompetisyon sa buhay ko, karamihan pa roon ay hindi pinalad. Pero maraming naging aral sa akin lahat ng napagdaanan ko na yun. I am always grateful. And I will always be.
“Dahil hindi ako magiging si Arabelle ngayon kung hindi nangyari lahat ng yun.
“Mula sa batang nangangarap na marinig ng lahat, nabigyan na sya ng panahon ngayon!”
“Hindi ko lang panalo ito. Para ito sa lahat ng taong nagtitiwala sa akin at nangangarap na katulad ko! Mahal ko kayo!” pahayag pa ni Arabelle.
Bago nagwagi sa naturang international reality singing competition ay nanalo muna ang dalaga bilang 1st Runner-up sa “The Clash 2025” at Top 5 Grand Finalist sa “Tawag ng Tanghalan Season 2” ng “It’s Showtime.”
Bukod kay Arabelle, kinilala rin ang husay ng dalawa pang Filipino singer na sina Thea Astley at Garrett Bolden sa Veiled Cup Korea 2026, na parehong nagmarka rin sa mga tagasubaybay ng programa.
Congrats Arabelle!
***
SA pagpapatibay ng pangako nito sa mga kasosyo sa paghahatid nito, patuloy na itinatakda ng foodpanda Logistics ang pamantayan para sa pakikipag-ugnayan ng fleet sa pamamagitan ng matatag na serye ng mga inisyatiba na nakatuon sa rider.
Sa pagho-host ng malakihang mga kaganapan sa komunidad, ang kumpanya ay nakatuon sa pagpapaunlad ng kultura ng pagpapahalaga at pakikipagkaibigan sa buong bansa nitong network ng mga Ka-panda riders.
Sa gitna ng mga pagsisikap na ito ay ang multi-city Pau-tastic Party ng Taon, na ginanap sa mga pangunahing lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao, kung saan mahigit ₱1.5 milyong halaga ng mga premyo ang naipamigay sa mga Ka-panda riders. Ang bawat paghinto ay pinagsama ang mga paboritong interactive na laro, kapana-panabik na raffle draw, at live entertainment.
“Napaalala sa amin kung bakit namin ito ginagawa kapag nakikita namin ang mga Ka-panda riders na magkakasama-sama,” sabi ni Ron Sanders, Rider Experience Lead ng foodpanda Logistics Philippines.
“Ang aming layunin ay gawing mas madaling ma-access ang pagpapahalaga sa rider, at nalulugod kaming makita iyon na makikita sa malakas na turnout at pakikipag-ugnayan. Umaasa kami na ang pagdiriwang ay patuloy na magbigay ng inspirasyon sa aming mga kasosyong rider sa mga susunod na taon.”
Hino-host nina Tanya Chinita at Terry Gian, kasama ang mga lokal na host sa mga piling lungsod, ang party ay nagtampok ng mga high-energy performances nina Maui Bordador, Bert Symoun, Dreycruz, at Lucas Garcia.
Ang bawat yugto ay nagsara sa isang nostalgic note kasama si Salbakuta, na ang pagganap ay malakas na umalingawngaw sa karamihan. Kasama sa raffle giveaways ang mga cash prize, gadget, riding gear, at mga bagong motorsiklo, na may suporta mula sa Immuni+, Motivo, at SeaOil. Isa sa mga pangunahing highlight ay ang Pera o Panda Bag, na itinampok sa bawat lungsod.
Maraming rider-partners din ang nagbahagi kung gaano kabuluhan ang pagdaraos ng selebrasyon sa kanilang sariling mga lungsod, na nagpapahintulot sa mas maraming Ka-panda riders na makilahok. Higit pa sa mga pangunahing hintuan, sinuportahan ng foodpanda Logistics ang mga pagdiriwang na pinangungunahan ng komunidad ng rider sa mahigit 40 lungsod sa buong bansa, na nagpalawak ng diwa ng kapistahan sa mga lokal na komunidad ng Ka-panda.
Dahil sa momentum na ito, pinalawak ng foodpanda Logistics ang pagpapahalaga nito sa rider sa pamamagitan ng Pau-tastic Holiday Raffle, isang buong araw na pagdiriwang na ginanap sa Vice Comedy Club at livestreamed sa buong bansa. Habang nakatuon ang Pau-tastic Party sa mga on-ground regional gatherings, pinalawak ng Pau-tastic Holiday Raffle ang partisipasyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga Ka-panda riders mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao na sumali sa pamamagitan ng live draws, online games, at phone patch.
Nagbukas ang Pau-tastic Holiday Raffle sa pamamagitan ng mga interactive na laro at sorpresang draw, bago lumipat sa isang pangunahing programa na naggawad ng maramihang mga tier ng premyo at kinilala ang mga nangungunang rider team sa pamamagitan ng PAUkada Biyahe Challenge.
Nanalo ang mga Ka-panda riders ng cash prize na hanggang ₱150,000, mga smart device, at mga bagong motorsiklo, kabilang ang mga Honda ADV unit.
Sama-sama, ang Pau-tastic Party ng Taon at Holiday Raffle 2026 ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng foodpanda Logistics sa pagsuporta sa mga Ka-panda riders—hindi lamang sa pamamagitan ng mga programa at insentibo, ngunit sa pamamagitan ng paglikha ng mga sandali na bumubuo ng koneksyon, motibasyon, at mas malakas na pakiramdam ng komunidad sa buong bansa.
(ROHN ROMULO)
SA pagdiriwang nina Benjamin Alves at asawa nitong si Chelsea Robato ng kanilang ikalawang anibersaryo ng kasal, inamin ng aktor na naging malaking pagsubok para sa kanila ang nakaraang taon.
Ngunit kasabay umano nito ay naging mas malapit sila sa isa’t isa.
Sa Instagram, nag-post si Benjamin ng ilang litrato nila ni Chelsea. Ang ilan ay mula sa kanilang kasal, habang ang iba naman ay mula sa kanilang travels.
Kaakibat nito ay ang mensahe ng dating ‘Akusada’ star para sa kaniyang asawa.
“This past year has been the most trying for us. Though we’ve been tasked to be patient, I’m glad we’ve grown together, closer, as husband and wife. I cherish this season for us,” sulat ni Benjamin.
Pagbabahagi pa ng aktor, nakita niya sa kanilang journey ang pagiging resilient at strong ng kaniyang asawa sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila.
Ipinahayag din ni Benjamin kung gaano siya kaswerte na makasama niya si Chelsea sa paglalakbay na iyon.
“This year has taught me to slow down, listen, really hear you, and not always try to find the solution for you, but to just BE with you through everything,” sabi ni Benjamin.
Pinangako rin ng aktor na magiging mas-sweet siya sa asawa, at mas present sa mga moment nila ng magkasama.
“I pray we will soon enter a new season in our life as husband and wife…,” sabi ni Benjamin.
Sa huli, binati niya ang asawa, “Until then… I will love you unconditionally, always. Happy second anniversary my love.”
***
NILINAW ni Kendall Jenner ang kumukuwestiyon sa kanyang sexuality.
The Keeping Up with the Kardashians star is rumored to be a closeted lesbian.
“You want to know what really bothers me? How mean people are about it. It’s not with, like, a welcoming arm of like, ‘Hey, if you were, yes, come join.’ It’s not kind. It’s very mean. It’s very like, ‘What the f**k are you doing?'” sey ni Kendall sa isang podcast interview.
Ayon sa 30-year old reality star, wala raw masama sa pagiging lesbian. She would be open it if she was one.
“I understand that coming out is not an easy thing for anybody, if not most people. And I’m not saying that’s an easy thing, but knowing, and I can speak for myself here, and knowing myself, I think at this point in my life I’d be out if I was.
“I think that there’s this whole narrative that I’m hiding this thing … I’ve seen really f**ked up things that are like, ‘It’s bad for business,’ and I’m like, ‘What? How?’ I don’t understand it.
“I am not gay. I don’t think I will be, but I’m not closing doors to experiences in life.”
(RUEL J. MENDOZA)
SINAGOT ni Kris Bernal ang mga bashers n’ya.
Dalawa sa mga ito ay ang tungkol sa pagiging O.A. raw n’ya dahil sa ginawa n’yang halos sambahin si Vice Ganda nang makita n’ya at mag-guest siya sa “It’s Showtime.”
Inamin naman ni Kris na O.A. siyang talaga sa kanyang Tiktok account.
Sey n’ya, “Alam n’yo ang daming nairita sa akin at sabi nila, ang O.A. ko raw. Pero alam n’yo, ang O.A. ko talaga. Ang nangyari kasi, yung ibang hosts, nakita ko na sila sa backstage.
“Si Meme Vice, ang tagal ko na sa showbiz, noon ko lang talaga siya nakita. Pina-follow ko lang siya. Tapos nakatabi ko siya, nahawakan n’ya ko, parang ‘di totoo! O.A, O.A.”
With regards naman sa yaya ng anak nila na kunsaan, naka-uniporme raw ‘pag lalabas sila, parang pinapamukha na mataas sila at mababa ang yaya.
Pumalag si Kris dito at kinuwento na ‘pag bago ang yaya, tinatanong nila kung ano ang gusto. Naka-uniform o hindi, mismong ang yaya raw nila ang may choice, kahit na kapag lalabas sila. So, ano raw ba ang magagawa n’ya?
Hmmm in fairness na-explain naman ng main kontrabida ng ‘House of Lies’ ang isyu. Pero sa pagka-faney, medyo bawasan din n’ya siguro ang pagiging O.A. na lang.
***
PUMATOL na rin ang ina ni Rhian Ramos sa naging akusasyon sa kanyang anak, maybe, along with her friends na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio sa akusasyon ng driver ni Rhian.
Ayon kay Clara Ramos, “I don’t understand VACC’s support for a lying thief. Nagpa-interview pa left and right, dishing out unverified information.
“It has helped fuel this social media frenzy, leaving the ones stolen from and betrayed to be victimized even more by depraved imaginations with stories morphing like cancer.
“Watching the internet tear my daughter apart for things she didn’t do. She doesn’t deserve this.
“Sure, through the years we know bashers will bash, but this?
“This is brutal, and whoever’s running this show is sick!”
Si Rhian naman, ay may cryptic post na mga symbol ng isda.
NAGPASALAMAT si Mayor John Rey Tiangco sa Department of Labor and Employment sa kanilang pagkilalang ibinigay sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Aniya, patunay ito na sinisigurong buhay ang mga industriya at negosyo sa lungsod na makakapaghatid ng mga oportunidad sa trabaho at hanapbuhay sa mga Navoteño. (Richard Mesa)
NAGWAKAS na ang maligayang araw ng isang lalaki wanted sa kaso ng pagpatay sa Malabon City matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.
Sa nakalap na report sa tanggapan ni Northern Police (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nakatala ang 41-anyos na akusado bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person ng NCRPO, No. 2 sa Malabon City Police Station at No. 3 naman sa NPD.
Nabatid na may nakabinbing warrant of arrest ang akusado na inilabas ng Malabon City Regional Trail Court (RTC) Branch 293, para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Sa isinagawang extensive intelligence gathering, research, validation, at surveillance operation ng mga operatiba ng NPD District Special Operation Unit (DSOU), nagawang matunton ng mga ito ang kinaroroonan ng akusado.
Katuwang ang mga tauhan ni Malabon CPS Chief P/Col. Allan Umipig, agad ikinasa ng mga operatiba ng NPD-DSOU ang manhunt operation na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:55 ng umaga sa Libis Espina, Barangay 18, Caloocan City.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula korte para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail.
“Hindi titigil ang kapulisan sa paghuli ng mga lumalabag sa batas, upang mapanatili ang kaligtasan, kapayapaan, at katarungan para sa Komunidad.” pahayag ni BGen. Dela Cruz. (Richard Mesa)
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 18-anyos na teenager matapos maaresto ng pulisya dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan City Police Station Chief P/Col. Joey Goforth, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality foot patrol ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Brgy., 175, nang mapansin nila ang isang lalaki na may bitbit na baril habang nakatayo sa well-lighted area.
Kaagad nila itong nilapitan sabay nagpakilala bilang mga pulis bago sinunggaban ang dala nitong isang kalibre.38 revolver na kargado ng isang bala.
Nang walang naipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing armas ay inaresto ng pulisya ang suspek.
Sinampaha ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Section 28 ng R.A 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Caloocan City Prosecutor Office.
Pinuri naman ni Northern Police (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang arresting team sa kanilang kasipagan, disiplina, at propesyonalismo na binigyang-diin ang pangako ng NPD para protektahan ang kaligtasan ng publiko.(Richard Mesa)
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pangunahing ahensiya ng gobyerno kung saan tinalakay ang paghahanda para sa pagho-host ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit and Related Summits.
Sa nasabing miting, nagbigay ang mga ahensiya ng kani-kanilang updates sa priority plans, may kasamang talakayan na nakatuon sa mga konkretong paghahatid na naglalayong lumikha ng trabaho, suportahan ang mga maliliit na negosyo, paghusayin ang digital services, at palakasin ang people-centered programs.
Sinabi ng mga opisyal na ang inisyatibang ito ay naglalayon na tiyakin na ang ASEAN chairmanship ay makapaghahatid ng malinaw na benepisyo para sa mga filipino at sa mas malawak na rehiyon.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ganap nang handa ang Pilipinas para mag-host ng summit.
Itutulak din aniya ng Pangulo ang ASEAN na mag-pokus sa pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao may kaugnayan sa napipintong Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) discussions sa panahon ng summit.
Idinagdag pa nito na ang koordinasyon sa hanay ng mga ahensiya ay nagpapatuloy upang matiyak ang “smooth, secure, at well-coordinated hosting” ng event.
Samantala, ang miting ay dinaluhan nina Acting Executive Secretary Ralph Recto, Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, Trade and Industry Secretary Cristina Aldeguer-Roque, Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda; Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Science and Technology Secretary Renato Solidum, at Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez, kasama ang ibang opisyal ng gobyerno. ( Daris Jose)
UNANG inihain sa opisina ng House Secretary General ang impeachment complaint na inendorso ng mga miyembro ng Makabayan Bloc.
Sinabi ng koalisyon na limang articles of impeachment ang kabilang sa naturang reklamo.
Inaakusahan ang VP ng culpable violation of the constitution, bribery, graft and corruption, betrayal of public trust at iba pang high crimes.
Binanggit ang alegasyon ng umano’y asasinasyon laban kina PBBM, First Lady Liza Marcos at dating Speaker Martin Romualdez, misuse ng daang milyong halaga ng public funds sa pamamagitan ng confidential, money laundering at kabiguang ideklara ng buo ang kanyang ari-arian at assets sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN), extrajudicial killings at partisipasyon sa destabilization plot laban sa gobyerno.
Ang unang impeachment complaint na inihain noong nakalipas na taon ng mga koalisyon na kinabibilangan nina Aquino Dee, Deles Villanueva at iba’t ibang youth groups at sectoral leader na ibinasura ng Korte Suprema dahil sa pagiging unconstitutional nito.
Ang ikalawang impeachment complaint laban sa VP ay inihain ng coalition ng mga civil society organizations, religious leaders, at concerned citizens.
Kabilang sa mga complainants ay sina Kiko Aquino Dee, co-convenor ng Tindig Pilipinas; dating peace secretary Ging Deles; at 2025 Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flavie Villanueva.
Inendorso naman ito nina Akbayan party-list Representative Perci Cendaña at Mamamayang Liberal party-list Representative Leila de Lima.
(Vina de Guzman)
SINABI ng Malakanyang na hindi sumasalamin sa policy direction ng Pilipinas ang maikling pagtatagpo nina Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isang event.
Nitong weekend, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang Chinese Embassy sa Maynila ay nagbahagi ng larawan na magkasama ang Unang Ginang at Chinese envoy, sa gitna ng pagpapalitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng Philippine at Chinese officials ukol sa isyu ng karapatan at soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Castro na na brief interaction ay dapat na hindi iniuugnay sa diplomatic matters.
“Unang-una po, kung dumalo man ang ating Unang Ginang sa mga public consular events, hindi po ito nagre-reflect ng policy direction at hindi po ito nali-link sa anumang diplomatic matters,” ang sinabi ni Castro.
Idinagdag pa ni Castro na batid naman ng mga mambabatas na ang Pangulo lamang ang may awtoridad na magdeklara ng isang foreign official na persona non grata.
“Alam naman po ng mga mambabatas na ang Pangulo po ang may authority kung magde-declare man ng isang tao bilang persona non grata. Kaya wala pong masasabi na political impasse,” ani Castro.
At nang tanungin kung ang “pleasant conversation” sa pagitan nina Unang Ginang Liza at Chinese envoy ay maaaring makatulong na de-escalate ang nagpapatuloy na ‘war of words’ sa pagitan ng mga mambabatas at Chinese Embassy, sinabi ni Castro na batid ng administrasyon na prayoridad ang diplomasiya sa paglutas sa sigalot.
“Alam naman po ng bansang China na ang ating Pangulo at ang administrasyong ito ay tanging diplomasya ang nais para maayos kung anuman ang isyu,” ang winika ni Castro.
“So malamang po, hindi na kinakailangan na magkaroon ng init o initan sa pagitan ng dalawang bansa,” aniya pa rin.
Nauna rito, mariing tinutulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panawagan na idekladang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng isyu sa agawan pa rin ng teritoryo sa West Philippine Sea at ang palitan ng mga pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng Pilipinas at ng Embahada ng China.
Sinabi ni Castro, isang maiksing “no” ang sagot ng Pangulo tungkol sa panawagang ito.
Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na diplomasya ang paiiralin sa usaping panglabas ng bansa.
Matatandaang nanawagan si Senate President Vicente Sotto III sa Senado na pag-aralan ang posiblidad na ideklara si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei na persona non grata sa Pilipinas dahil sa mga pahayag nito nang pag-atake sa mga mambabatas. (Daris Jose)