• March 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2026

Nang matanong kung ano ang ginawa nila noong Valentine’s Day… KIM at PAULO, nabuko dahil ‘di pinag-usapan kung ano ang isasagot nila

Posted on: February 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANALO ng Best Actress award si Glaiza de Castro sa NDM+ Acting Awards sa pelikulang Sinagtala na ipinalabas last year.

Katulad ni Glaiza, espesyal daw sa kanya ang movie kaya natuwa kami sa pagka-panalo niya. Inalay niya rin ito sa namayapang ama.

Ayon kay Glaiza, “Sinagtala holds a special place in my heart. I almost didn’t make it into the film, yet it’s message of the film resonated deeply with me– specially because it was the last movie my father ever saw.

“I drew inspiration for my character from him, knowing that he once part of a band and later found his way to the Lord. In many ways, this role was a tribute to his journey.

“This awards represents more than recognition– it is a meaningful victory that honors both the film’s message and my father’s memory.”

***

MUKHANG hindi aligned, hindi napag-usapan before hand ng magka-loveteam o mag-jowa na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang dapat na sagot nila.

Hayun, tila nabuko tuloy sila sa one-on-one interview sa kanila sa mediacon ng kanilang serye.

Naitanong kasi kung ano ang ginawa nila noong Valentine’s Day. Sabi ni Kim, ma-traffic, maraming tao.

At saka n’ya isinunod na, “nag-running lang.”

Pero sumagot si Paulo na, “The week before.” At tila gusto pa itong maitama ni Kim nang sabihin na, “A day before…”

Bumawi naman si Paulo nang sabihin na, “Siguro sa KimPau World Tour na lang. Utang muna.”

So hayun nga, ilan tuloy sa mga comment, “major fail. anuba talaga? choose the correct answer!”

“Si pau tlg halatang halata n hindi marunong mag Alibi sa reaksyon mo cya mapapansin kung nagsisinungaling e hehhe.”

“D nya talaga kayang lusutan hahaha inutang n lang nya.”

“Final verdict, guilty beyond reasonable doubt.”

Mula entertainment tungong edukasyon… Puregold Channel, hangad na pasiglahin ang mga ‘naiiwang’ paaralan

Posted on: February 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA paghahangad na pasiglahin ang mga last mile o napag-iiwanang paaralan sa Pilipinas, handog ng Puregold Price Club Inc.

President na si Vincent Co ang buong kita o streaming revenue ng Puregold Channel sa Pusong Panalo Program.

Isang personal na inisyatibo ni Vincent mismo, mithiin ng Pusong Panalo Program na magbigay-tulong sa mga hindi naaabot na pampublikong paaralan sa pamamagitan ng mga interbensyon na tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan at sistematikong puwang: solar panel para sa mga paaralan na may limitadong akses sa kuryente; pangkabuhayan na package para sa mga guro; groseri para sa mga mag-aaral; pagpapaayos ng mga klasrum; at iba pang kagamitang panuro. Layunin ng program na umabot sa 10,000 mag-aaral sa 30 pampublikong paaralan sa palibot ng arkipelago bago ang 2028.

Ang Puregold Channel sa YouTube ay nagsisilbing lulan ng retailtainment na estratehiya ng kompanya, isang ecosystem ng content–mula libreng digital na serye, kolaborasyong pang-musika kalahok ang mga nangungunang OPM artist, at orihinal na pagkukuwentong Pilipino sa pamamagitan ng taunang Puregold CinePanalo Film Festival.

Lumagpas na sa 300,000 na subscriber ang channel, at natamo nito ang Silver Play Button ng YouTube. Naitakda na ng channel ang sarili bilang isa sa mga pinakamayabong na brand-owned media platform sa industriyang retail sa bansa.

Subalit ang pinakamahalagang panukat ay hindi ang pagdami ng subscriber ng Puregold Channel, kung hindi ang pagbibigay-daan ng mga estratehiyang retailtainment sa paglalaan ng rekurso sa mahahalagang adbokasiya ng kompanya. Bawat panonood sa channel ay nagiging kita, at ang bawat piso ay nailalaan sa pampublikong edukasyon. Sa modelong ito, hindi lamang balidasyon ang panonood ng mga netizen, mekanismo na ito para sa pagpopondo. Lahat ng ito tungo sa serbisyo.

Para kay Vincent Co, ang pagsasanib ng paglago ng negosyo at panlipunang pamumuhunan ay hindi lamang isang naratibong pangkomunikasyon kundi isang mandato ng pamumuno. Sa kontekstong ito, hindi lamang kasangkapan ang retailtainment para sa paglago, kundi isang paraan upang mapakilos ang kapital tungo sa mga resultang tumatagal lampas sa bawat quarterly performance.

Sa ilalim ng pamumuno ni Vincent Co, may panlipunang epekto ang Puregold na hindi lamang maituturing na bunga ng tagumpay, kundi isa sa pinakamalinaw na sukatan nito.

Thankful na hindi sila nagmadali noon… Relasyon nina GABBI at KHALIL, mag-iisang dekada na

Posted on: February 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NINE years na pala ang relasyon nila Gabbi Garcia and Khalil Ramos.

Parang ang bilis ng panahon dahil parang kailan lang ay nililigawan pa lang ni Khalil si Gabbi after nilang magsama sa isang pelikula. Ngayon ay mag-iisang dekada na ang samahan nila.

Sa panahon kasi na bigla na lang naghihiwalay ang ilang showbiz couples after ng ilang taong sa kanilang relasyon, thankful sina Gabbi at Khalil dahil hindi raw sila nagmadali noon.

“Once we wanted to make this work, it was at the same time. It was simultaneous to making yourself improve and grow,” sey ni Khalil sa slow-burn love story nila ni Gabbi.

Sey naman ni Gabbi: “It was a conscious effort for the both of us to work on ourselves individually and not consume each other just because you’re in a relationship. Because if your partner isn’t secured individually, it won’t ever work.”

Sa isang teleserye pa lang nagsama ang dalawa (‘Love You, Stranger’ in 2022), mas madalas silang mag-travel sa iba’t ibang bansa.

Lumabas sila sa bagong music video ng Ben&Ben na “Duyan”.

***

BINALIKAN ni Pambansang Ginoo David Licauco ang ilang alaala niya sa yumaong lolo na si parapsychologist Jaime Licauco.

“Pag-bend ng fork, titingnan lang niya ‘yung [fork], magbe-bend na. ‘Yung toothpick, napapagalaw niya. Siyempre ‘pag bata ka, ‘yun lang naman mapapansin mo, maalala mo,” kuwento ni David.

Dahil isa sa mga respetadong tao sa larangan ng pag-aaral ng psychic phenomena ang kanyang Lolo Jaime, minsan na ring pumasok sa isip ni David na baka paranormal ang ugat ng kanyang sleep apnea.

Matatandaang matagal nang iniinda ni David ang kundisyong ito at sumailalim pa sa operasyon noong 2024.

“Akala ko before, ‘yung sleep apnea ko paranormal kasi binabangungot ka eh. Naalala ko, nakatingin ako sa wall tapos sinusuntok ko ‘yung wall eh. ‘Tigilan mo na ako.’ Ganyan. But actually, wala naman kasing hangin sa wall, eh. ‘Di ba ‘pag sleep apnea, kailangan mo ng hangin,” paggunita ng aktor.

Bukod sa pagiging paranormal expert, isa ring published author, newspaper columnist, at lecturer ang kanyang lolo.

Marami daw siyang natutunan mula dito at sinikap niyang gamitin ang mga ito sa pagiging isang businessman.

***

NAG-VIRAL ang video ng troubled Hollywood actor na si Shia LaBeouf habang nakikipagbardagulan siya sa isang bar sa New Orleans.

Sa nakunan na video ng TMZ video, makikita ang 39-year old actor na hine-headbutt ang isang lalaki at pinuwersa siyang dumapa sa kalsada.

Nangyari ang gulo sa French Quarter, sa may Royal Street, kunsaan inaresto si LaBeouf nang madaling araw. Inireklamo ang aktor for assault and he is now facing two charges of simple battery.

Dinala rin si LaBeouf sa isang ospital para magamot ang mga sugat niya.

Noong nakapagpiyansa, nakita si Shia na sumasayaw sa kalsada, wearing Mardi Gras beads at ang kanyang jail release paperwork ay nasa bibig niya.

Napag-alaman ng TMZ na hiwalay na pala si LaBeouf at ang wife niyang Mia Goth last year. Meron silang 3-year-old daughter.

Ads February 20, 2026

Posted on: February 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Lamar Odom bumubuti ang lagay sa loob ng rehab center sa Las Vegas

Posted on: February 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng magandang epekto ang pananatili sa rehabilitation center ni dating NBA star Lamar Odom.

Ayon sa kampo nito na nagiging maganda na ang lagay ng dating NBA star sa rehab center sa Las Vegas.

Lalo aniya ito ng naganahan dahil sa mainit na suporta na ibinigay ng kaniyang kaanak at mga kaibigan.

Mayroon pang ilang linggo bago tuluyang matapos ni Odom ang kaniyang rehab program.
Magugunitang inaresto si Odom dahil sa pagmamaneho sa ilalim ng nakakalasing na inumin sa Las Vegas.

Tumalima naman ito at handa umano nitong pagbayaran ang kasalanang kaniyang nakamit.

Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr., maghaharap sa exhibition fight sa Congo sa Abril 2026

Posted on: February 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magharap sa isang exhibition bout sina Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr. sa Abril 25, 2026 sa Democratic Republic of Congo, ayon sa mga ulat.

Gaganapin umano ang laban sa Kinshasa, na kilala sa makasaysayang “Rumble in the Jungle” noong 1974 kung saan nagharap sina Muhammad Ali at George Foreman para sa heavyweight championship.

Si Tyson, 59 anyos, ay may rekord na 50 panalo, 7 talo at 2 no contests. Huli siyang lumaban noong Nobyembre 15, 2024 laban kay Jake Paul, kung saan siya natalo via unanimous decision sa walong round.
Hindi na siya nanalo sa isang opisyal na laban mula noong 2003.
Samantala, si Mayweather, 48 anyos, ay nananatiling undefeated sa rekord na 50-0. Huli siyang lumaban sa exhibition match laban kay John Gotti III noong Agosto 24, 2024.

Ito na ang ikawalong exhibition fight ni Mayweather mula nang magretiro siya matapos talunin si Conor McGregor noong 2017.

Unang inanunsyo ang laban noong Setyembre 2025 ngunit walang detalye ng laban noon.

Nagkaroon pa ng agam-agam nang ianunsyo ang laban ni Mayweather kontra kay Mike Zambidis sa Greece. Gayunman, kinumpirma ni Tyson sa TMZ na kanilang itutuloy ang laban.
“Yeah, that’s happening. You think I’d give that up? I was minding my business, he challenged me!” ani Tyson.

PBBM sa mga Pinoy: Gamitin ang Fire Horse energy para umunlad

Posted on: February 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes, ang mga Filipino na pantayan ang simbolismo ng katapangan at pasulong na galaw ng Fire Horse na may disiplina, pagsusumikap at pamamahala.
“I invite all Filipinos to move with purposeful haste — swift when necessary; measured when it matters most. Momentum can be energizing, but direction is what truly delivers results,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Lunar New Year.
“Let us protect what is essential such as fair opportunity and reliable public services, while enhancing productivity, stronger value chains, and communities that never leave the vulnerable behind,” aniya pa rin.
Binigyang diin pa ni Pangulong Marcos na hindi nagsusulong ng simbolismo ng nag-iisa.
“It (the country) progresses when Filipinos show up for work, when households make every peso count with prudence and good judgment, and when government and industries keep the country growing through consistent service and sound decisions, and the rigor that turns daily effort into long-term growth,” anito.
Inilarawan naman ni Pangulong Marcos ang Lunar New Year bilang “a season of renewal for many Filipino families, communities, and businesses — a time to set priorities, execute plans, and focus on what sustains them.”
‘Across generations, we have come to see prosperity as something we cultivate: built by everyday work, guided by discipline, and multiplied when it creates jobs and supports initiatives that hold our people together,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, itinigil na ni Pangulong Marcos ang pagtawag sa selebrasyon na “Chinese New Year,” at sa halip ay tinawag niya itong “Lunar New Year” upang maging mas ‘inclusive’ sa ibang Asian nations na nagdiriwang ng kasiyahan.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1006 ipinalabas ni Pangulong Marcos noong Setyembre ng nakaraang taon, kasama ang Feb. 17, 2026 sa listahan ng karagdagang special non-working days para sa pagdiriwang “Chinese New Year.”
(Daris Jose)

3 DAYUHAN, INARESTO SA PAGLABAG SA BATAS SA IMMIGRATION

Posted on: February 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG dayuhan ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay na operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga lumalabag sa batas sa imigrasyon.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, isang South African national ang naaresto noong Pebrero 12 sa Camp Fort Magsaysay sa Nueva Ecija dahil sa paglabag sa kondisyon ng kanyang working visa.
Kinilala ang dayuhan na si Faaiz Ameer Garnie, 32, na nahuling nagtatrabaho sa kumpanyang hindi niya petitioning employer—isang paglabag sa mga tuntunin ng kanyang 9G working visa.
Ipinaliwanag ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na isinagawa ang operasyon ng BI Regional Intelligence Operating Unit (RIOU) 3 sa pakikipag-ugnayan sa Military Police ng kampo, batay sa mission order na inilabas ng Commissioner.
Pagdating sa lugar ng trabaho, nadatnan si Garnie na aktibong gumaganap bilang project manager ngunit hindi nakapagpakita ng pasaporte o anumang dokumentong pang-imigrasyon. Siya ay inaresto, ipinaalam ang kanyang mga karapatan, at dinala sa BI Main Office para sa booking at dokumentasyon.
Sa parehong operasyon, nadakip din ang isa pang dayuhan na kinilalang si Imran Khattak matapos matagpuang nagtatrabaho bilang operations specialist nang walang balidong working visa. Siya ay isinailalim din sa kaukulang immigration proceedings.
Samantala, sa hiwalay na operasyon noong Pebrero 13, dalawang Chinese nationals ang inaresto ng BI Intelligence Division sa Iloilo dahil sa overstay at paglabag sa kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa.
Kinilala ang mga ito na sina Wang Jiabai, na kilala rin bilang Kevin Wang, 43, at Wang Libi, na kilala rin bilang Lisa, 46.
Ayon sa BI, nagsagawa ng koordinadong operasyon ang RIOU 6 sa mga bayan ng Balasan at Barotac Nuevo matapos makatanggap ng ulat hinggil sa mga dayuhang umano’y sangkot sa hindi awtorisadong pagtatrabaho.
Natuklasang pinamamahalaan ni Wang Jiabai ang isang negosyo sa Balasan kahit wala na siyang balidong visa extension, at kinumpirmang lampas na siya sa itinakdang panahon ng kanyang pananatili sa bansa.
Samantala, naaresto si Wang Libi sa Barotac Nuevo matapos matagpuang nagtatrabaho sa kumpanyang hindi niya petitioning employer at mabigong magpakita ng balidong pasaporte o immigration documents sa isinagawang inspeksiyon.
Kapwa ipinaalam sa dalawa ang kanilang mga karapatan bago dinala sa mga awtoridad para sa booking at dokumentasyon, at kalaunan ay inilipat sa Maynila. Sila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng BI Warden Facility habang nakabinbin ang deportation proceedings.
Binigyang-diin ni Viado ang patuloy na pagpapatupad nang mahigpit na batas sa imigrasyon.
“Ang mga dayuhang pinipiling manatili at magtrabaho sa Pilipinas ay kailangang sumunod sa mga kondisyon ng kanilang visa. Hindi namin kukunsintihin ang anumang paglabag sa ating mga batas. Ang mga lalabag ay aarestuhin at ipade-deport,” ani Viado. (Gene Adsuara)

Halos P.1M marijuana, nasamsam sa Caloocan drug bust

Posted on: February 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT sa halos P.1 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam sa ikinasang buy bust operation ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang drug suspect habang nakatakas naman ang kanilang target sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng marijuana ni alyas “King”, (HVI), ng Tagaytay St., Brgy. 131.
Nang magawang makipagtransaksyon kay ‘King’ ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police, kaagad ikinasa ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation laban sa kanya, sa koordinasyon sa PDEA.
Gayunman, nakatunog umano si ‘King’ na pulis ang kanyang katransaksyon kaya mabilis itong tumakas habang naaresto naman nina Lt. Mables ang kasabwat umano nitong si alyas “Atan, 25, dakong alas-1:22 ng madaling araw sa isang Vapeshop sa Tagaytay St., Brgy. 131.
Nakumpiska ng mga operatiba ang nasa 500 grams ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P60,000, 25.25 grams ng high grade marijuana na nasa P37,875 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang P1,000 boodle money at identification ni ‘King’.
Ayon kay Lt. Mables, kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Gen. Dela Cruz ang arresting team sa kanilang matagumpay na drug operation na bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga indibidwal na nagpapakalat ng iligal na droga. (Richard Mesa)

METRO PACIFIC FRESH FARMS, BINISITA NI YORME ISKO

Posted on: February 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BUMISITA si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso nitong Miyerkules, Pebrero 18, sa Metro Pacific Fresh Farms (MPFF) sa San Rafael bilang bahagi ng kanyang adyenda na maipakilala ang makabagong teknolohiya sa urban farming sa kabisera ng bansa.
Sa isinagawang pagbisita, binigyan ng briefing ang alkalde ni Shahar Turgeman, Director ng MPFF, hinggil sa operasyon ng greenhouse facility at paggamit nito ng controlled-environment agriculture upang makapagprodyus ng mga gulay nang episyente at tuloy-tuloy.
Ang Metro Pacific Fresh Farms ay isang greenhouse complex na gumagamit ng controlled-environment agriculture upang magtanim ng mga gulay sa isang mahigpit na pinamamahalaang kapaligiran.
Ang pagbisita ay bahagi ng pagsusulong ng alkalde sa planong gawing urban farming areas ang mga bukas at hindi nagagamit na espasyo sa lungsod upang mapalakas ang lokal na suplay ng pagkain.
Sa mga nakaraang linggo, nakipagpulong ang alkalde sa mga opisyal ng Singapore Food Agency upang pag-aralan ang mga regulasyon sa food safety at mga sistema ng pamamahala ng suplay ng pagkain na maaaring iangkop sa mga lungsod na may mataas na densidad ng populasyon.
Nakipag-ugnayan din siya sa mga kinatawan mula sa Israel hinggil sa mga teknolohiyang pang-agrikultura, kabilang ang water-efficient systems at modernong pamamaraan ng pagtatanim na angkop sa limitadong espasyo.
Nakipagpulong din ang alkalde sa mga opisyal ng Department of Agriculture upang talakayin ang high-density urban gardening initiatives at posibleng teknikal na suporta para sa lungsod.
Kabilang din sa kanyang mga isinagawang hakbang ang pag-inspeksyon sa isang 23-ektaryang lupain sa Boystown Manila na ikinokonsidera para sa paggamit na pang-agrikultura, gayundin ang pagtanggap ng ₱463,343.62 halaga ng tool kits at training equipment mula sa Technical Education and Skills Development Authority para sa mga lokal na institusyon ng pagsasanay bilang bahagi ng mas malawak na paghahanda sa urban farming initiatives. (Gene Adsuara)