• February 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 14th, 2026

PBBM, nakikita ang mas mabilis na timeline para sa Metro Manila subway project

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project ay mas mabilis ngayon kaysa sa orihinal na timetable.
“I’m happy to report that the progress is proceeding. And the work is proceeding and we are very much on schedule. In fact, from the original timetable, we have accelerated the process and we are moving even more quickly than that,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos na personal niyang inspeksyunin ang konstruksyon ng Shaw Boulevard Station sa Pasig City at pangunahan ang groundbreaking ng Kalayaan Avenue Station at BGC Station sa Taguig City, Biyernes ng umaga.
Nauna rito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na target nito na isagawa ang demo run ng Metro Manila Subway sa unang quarter ng 2028, bilang bahagi ng paghahanda sa operasyon ng kauna-unahang underground railway system ng bansa.
Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, saklaw ng demo run ang unang yugto ng proyekto mula East Valenzuela hanggang Quirino Avenue sa Quezon City.

Nilinaw ng DOTr na iba pa ang demo run sa testing at commissioning, at layon nitong masuri ang aktuwal na operasyon ng mga bagon sa riles bago tuluyang buksan sa publiko.
Sinimulan ang Metro Manila Subway Project (MMSP) noong 2019 at bubuo ito ng 33-kilometrong linya na may 17 istasyon, mula Valenzuela City hanggang Pasay City, na may spur line patungong NAIA Terminal 3.
Tinatayang matatapos ang buong subway system sa huling bahagi ng 2031 o 2032, depende sa budget at right-of-way acquisition.
Mahigit 90% ng right-of-way ang nakuha na ng ahensiya at inaasahang maaayos ang natitirang isyu sa ikalawang quarter ng 2026.
Kapag ganap na operational, inaasahang makikinabang ang 300,000 hanggang 400,000 pasahero kada araw, at makokonekta ang subway sa LRT-1, MRT-3, MRT-7, LRT-2, at North-South Commuter Railway.
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na mahigit sa P49 bilyon ang inilabas ngayong taon para sa railway sector sa ilalim ng DOTr, kabilang na ang ‘station upgrades at accessibility improvements.’
“Once fully operational, the project is expected to serve approximately 500,000 passengers daily and will have an end-to-end travel time of about 46 minutes,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO).
(Daris Jose)

Mga kabataan hindi mahina kundi pag-asa ng bayan- Malakanyang

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa Malakanyang, hindi dapat na sabihin na ang mga kabataang Filipino ay mahina dahil ang mga ito ay siyang pag-asa ng bayan.
Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na mismong si Dr. Jose Rizal ang nagsabi na “the youth is the hope of the nation.”
Sa ulat, hindi na kasi nakapagpigil si Sen. Robin Padilla sa paglalabas ng kanyang saloobin patungkol sa “kahinaan” ng loob ng henerasyon ng kabataan ngayon.
Ikinumpara ng action star at public servant ang ugali at personalidad ng mga bata noon kung ikukumpara sa generation ngayon na tinawag niyang “weak.”
Nagsalita si Sen. Robin sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ngayong araw, February 11, at dito nga niya binengga ang mga millennial at Gen Z.
“Kung mayroon pong gustong iresolba si Senator Robin Padilla, siguro tingnan na lang po natin kung ano ba talaga ‘yun nais niya para sa kabataan,” ang diing pahayag ni Castro.
Winika pa ni Castro na ang Pangulo at ang administrasyong Marcos ay committed na magpatupad ng mga programa na naglalayong paghusayin ang kapakanan ng mga kabataan.
“Kaya nga ang Pangulo, pinagbubuti ang mga programa para sa edukasyon, pangkalusugan lalung-lalo na sa mga kabataan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Bagong Bahay, Bagong Buhay para sa Pamilyang Valenzuelano, Disiplina Village Arkong Bato, pinasinayaan

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng lungsod sa ika-28 Charter Day nito, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ang Phase 1 hanggang 3 ng Disiplina Village Arkong Bato sa M. H Del Pilar Street, Barangay Arkong Bato na minarkahan ang isa pang milestone sa in-city housing program ng lungsod.

Ang Disiplina Village Arkong Bato ay nagtatampok ng apat na palapag na residential building na may kabuuang 336 na housing units. Sa panahon ng seremonya ay pormal na ipinamahagi sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ang Certificates of Award bilang mga bagong may-ari ng bahay sa ilalim ng pangunahing inisyatiba ng pabahay ng lungsod.

Naisakatupatan ang Disiplina Village Arkong Bato sa suporta ng National Housing Authority (NHA) at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na ika-apat na in-city housing relocation project ng lungsod, kasunod ng Disiplina Village Ugong, Bignay, at Lingunan.

Pangunahing inilaan ang proyekto sa mga pamilyang biktima ng sunog at Informal Settler Families (ISFs) na dating nanirahan sa mga mapanganib na lugar, kabilang sa tabig ilog at sa ilalim ng transmission line.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor WES “Gusto nating makilala ang Valenzuela hindi lamang lugar kung saan nakikita ang mga naglalakihang mga pabrika, kundi makilala bilang isang liveable city. Ngayon ay matutunghayan natin ang isang panibagong kasaysayan sa pag inaugurate natin ng Disiplina Village Arkong Bato. Gusto natin maging isang lugar na hindi lamang trabaho ang meron, may pabahay, edukasyon, malakas na sistema ng gobyerno, healthcare, at peace and order para tayo ay matawag na ganap na liveable city.”

Binigyang-diin nito ang patuloy na misyon ng pamahalaang lungsod na magbigay ng disente, abot-kaya, at ligtas na pabahay para sa mga Valenzuelano.

Dumalo rin sa kaganapan sina DHSUD Secretary Jose Aliling, NHA General Manager Joeben Tai, Vice Mayor Marlon Alejandrino, City Council, at Barangay Arkong Bato Punong Barangay Alvin Feliciano Jr.
(Richard Mesa)

WREATH LAYING AT PAG-AALAY NG BULAKLAK SA 125 – ANIBERSARYO NG MPD

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng wreath laying ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng mga heroes roles sa ika-125 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Manila Police District (MPD) bilang pagpupugay sa mga namayapang pulis sa pagtupad sa kanilang tungkulin ngayong Pebrero 13.
Dinaluhan ito ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso kasama si Manila Vice Mayor Chi Atienza, mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, ilang mataas na opisyal ng PNP ; DILG Undersecretary for Peace and Order Nestor B . Sanares bilang kinatawan ni DILG Secretary Jonvic Remulla bilang gusto honoraria and speaker na hindi nakasipot sa mahalagang okasyon at ang Chinese community organization .
Kasabay ng wreath laying ceremony, pinasinayaan din ang “Museum of the Manila’s Finest” kung saan tampok ang mga artifacts na ginamit ng mga kapulisan simula ng maitatag ito kung saan may temang “MPD@125: Pinatay ng Kasaysayan, Naglilingkod nang Mabilis ,Tapat at Nararamdaman : Tungo sa Matatag na Bagong Pilipinas”.
Nagbigay din ng 21 gun salute bilang pagbibigay respeto sa mga kapulisan ng Maynila na tinaguriang mga bayani.
Sa nasabing pagdiriwang pinuri ni Mayor Isko ang MPD sa maayos na pagpapatupad ng peace and order situation at sa walang humpay nilang pagpapatrolya sa lungsod.
Ikinatuwa at pinasalamatan ng alkalde ang pamumuno ni MPD Director PBrig.General Arnold Abad dahil sa huling kuwarter ng 2025 , ang crime rate o crime incident sa Maynila ay -13 percent.
Kung sa kabuuang taon ng 2025 bumaba ng 10.83 percent ang focus crime kumpara sa 2024 na datos, ayon sa MPD.
Tiniyak ng alkalde sa DILG na ang polisiya ng lokal na pamahalaan kaugnay sa peace and order situation sa ilalim ng pamumuno ni Interior Secretary Jonvic Remulla.
(Gene Adsuara)

Malakanyang kay VP Sara: ” Puro drama, walang gawa”

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa Malakanyang, kailangan nang itigil ni Vice-President Sara Duterte ang drama at sa halip ay gumawa ng aksyon na magpapatunay na ganap na ginagampanan nito ang kanyang mandato.
Pinalagan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ang sinasabing pag-aalala ni VP Sara sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at hayagang sinabi na nakagawa ng impeachable offense si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Unang-una, masasabi natin ang Bise President ay bulag, hindi niya nakikita kung ano ang ginagawa ng Pangulo,” ayon kay Castro.
Ani Castro, hindi na nakagugulat ang pambabatikos ni VP Sara laban kay Pangulong Marcos at sa administrasyon nito dahil ang kanyang ginagawa at aksyon ay sumasalamin sa tunay na pag-uugali ng isang Duterte.
Malinaw na ipinapakita na ngayon ng isang Duterte ang katangian ng isang “emotional vulture pretending to be concerned about the state of the country.”
“Nananatili siyang bulag dahil malamang ay hindi niya pinanonood or ayaw niyang panoorin kung ano ang nagaganap na katotohanan sa mga ginagawa ng Pangulo at ng administrasyon ngayon,” anito.
“In fact, she admitted that she doesn’t want to help the President in his projects for the country. Drama pero walang gawa,” dagdag pahayag ni Castro.
Samantala, pinayuhan naman ni Castro si VP Sara na iprayoridad ang sarili niyang impeachment cases bago pa batikusin ang kasalukuyang administrasyon. (Daris Jose)

Konstruksyon ng Metro Manila Subway sa Shaw Boulevard Station… PBBM, ininspeksyon ang kauna-unahang underground mass transit system ng bansa

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ININSPEKSYON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes, Pebrero 13 ang patuloy na konstruksyon ng Shaw Boulevard Station, isang mahalagang bahagi ng Metro Manila Subway Project (MMSP), at pinuri ang tuluy-tuloy na pagbuo ng kauna-unahang underground mass transit system ng bansa.
Pumunta ang Pangulo sa construction site upang personal na obserbahan ang paggawa ng subway segment. Binigyan siya ng briefing nina Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez at MMSP Project Manager Engr. Mikaela Eloisa Mendoza sa kabuuang status ng proyekto.
Dumalo rin sa inspeksyon sina Pasig City Lone District Representative Roman Romulo at Pasig City Mayor Victor Ma. Regis Sotto.
Kasunod ng inspeksyon, dumalo ang Pangulo sa groundbreaking ceremony para sa MMSP Kalayaan Avenue at Bonifacio Global City (BGC) stations sa Uptown Parade Parking Lot sa BGC, Taguig City.
Sa kanyang talumpati, itinampok ni Pangulong Marcos ang progreso ng Shaw Boulevard Station at nagpahayag ng optimismo tungkol sa pagpapatupad ng proyekto.
“Kaninang umaga, ininspeksyon natin ang Shaw Boulevard Station. Ang nasaksihan nating patuloy na progreso doon ay nagpapakita ng aktibong pagpapatupad,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Kalayaan Avenue at BGC stations ay magdudugtong sa Shaw Boulevard Station sa Pasig City sa Lawton Avenue Station sa Taguig City.
Ang mga istasyon ng BGC ay inaasahang magsisilbi ng higit sa 200,000 mga pasahero araw-araw sa kanilang pagbubukas ng taon, sabi ng Pangulo.
“Ito ay nangangahulugan na ang mga manggagawa ay dumarating sa oras, ang mga mag-aaral ay makakauwi nang mas maaga, at mababawi ng ating mga mamamayan ang oras na nawala sa kasikipan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng Contract Package 104, ang segment ng Shaw Boulevard Station ay ipinapatupad ng Tokyu-Tobishima-Megawide Joint Venture, na may kontratang nagkakahalaga ng P18.27 bilyon.
Saklaw ng package ang pagtatayo ng 3.40 kilometro ng subway tunnels at dalawang underground station: Ortigas Avenue Station at Shaw Boulevard Station sa Pasig City.
Sa pinakahuling update, 88.15 percent na kumpleto na ang demolition works sa Ortigas Avenue Station, habang ang excavation works sa Shaw Boulevard Station ay umabot na sa 40.77 percent.
Target na makumpleto ang segment bago ang Nobyembre 2031.
Sa Phase 1 ng MMSP, magtatayo ng 33.10 kilometrong underground railway system na magbabawas sa oras ng biyahe mula Quezon City hanggang sa Manila airport mula sa mahigit isang oras at 10 minuto hanggang 35 minuto lamang. Ito ay magpapatakbo ng 30 eight-car train sets, bawat isa ay kayang magdala ng hanggang 2,228 pasahero.
Target na magsagawa ng demonstration run sa 2028, habang inaasahan na ganap na makumpleto ang proyekto sa 2032.
(Daris Jose)

MAYOR ALONG, GINAWARAN NG P1M CASH INCENTIVES ANG MGA BAGONG ABOGADO NG UCC

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

GINAWARAN ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ng cash incentives na nagkakahalaga ng P1 milyon ang 2025 bar passers mula sa University of Caloocan City (UCC) sa kanilang Testimonial Ceremony na ginanap sa Bulwagang Katipunan, ng Lungsod.

Pinuri ni Mayor Along at 1st District Congressman Oscar ‘Oca’ Malapitan ang 16 bagong abogado na produkto ng UCC-College of Law (UCC-COL) at kinilala ang pagsisikap at dedikasyon na kanilang ibinuhos sa pagharang sa Bar Examinations at pagkamit ng kanilang titulo.

“Congratulations po, at maraming salamat sa karangalan na ibinigay ninyo sa ating lungsod. Kayong lahat ay patunay ng sipag, talino, at determinasyon ng Batang Kankaloo,” ani Mayor Along.

“Ngayong ganap na kayong mga attorney, nawa’y dalhin ninyo ang mga natutunan niyo sa UCC sa pakikipaglaban para sa karapatan ng ating mga mamamayan. Maglingkod nang buong husay, may integridad, at higit sa lahat, may malasakit sa inyong kapwa,” dagdag niya.

Kinilala rin ng local chief executive ang UCC-COL sa pagkakamit ng 72.73% passing rate sa 2025 Bar Examinations, na higit na mataas sa national average na 48.98 percent.

“Binabati rin po natin ang UCC-College of Law para sa patuloy na paggabay at paghuhubog sa ating mga mag-aaral upang maging mahuhusay na abogado. Ipagpatuloy niyo lang po ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral,” pahayag niya. (Richard Mesa)

LIDER AT MGA KASAPI NG IBA’T IBANG SAMAHAN, KINOKONDENA ANG MAPANGHIMASOK NA PAHAYAG NG CHINESE EMBASSY

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAKAISANG tumindig ngayon araw ng Biyernes, Pebrero 13, 2026, sa harap ng China Embassy, Makati City, ang mga lider at kasapi ng Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement – ALAB ng BAYAN at mga makabayang samahan upang mariing kondenahin ang patuloy na pambabastos, paninisi at agresyon ng China laban sa Pilipinas – sa aming mga opisyal, Navy at Coast Guard at sa aming mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Ang layunin ng rally ay upang ipahayag ang pagkondena sa pahayag ng China na humahamak sa ating mga opisyal, kabilang ang mga opisyal ng Municipality of Kalayaan at sa patuloy na agresyon sa West Philippine Sea.

Ipinahahayag din ang tagumpay ng mamamayan sa pamamagitan ng Adopted Senate Resolution Blg. 37 na malinaw na kumokondena sa pambabastos at pananakot ng ibang bansa at nagpapatibay ng paninindigan ng Pilipinas sa soberanya. Ipinahahayag din ang panawagan para sa responsableng diplomasya at paggalang sa batas internasyonal, kabilang ang UNCLOS at Arbitral Award at hindi pananakot o paninisi sa ating mga opisyal.

Ang aming sama-samang pagkilos ngayon, kabilang ang die-in, pagpapakalbo bilang simbolo ng paninindigan, noise barrage at simbolong pagwasak sa mga karikatura bilang pagtuligsa sa agresyon ay simbolikong ipinapakita na handa kaming ipaglaban at ipagtanggol ang aming karapatan sa West Philippine Sea at soberanya ng bansa at simbolikong ipinapakita ang pagtutol at paglalantad sa mga ideya at naratibo na pumapabor sa agresyon ng China. Ang mga ito ay nagpapakita na ang mamamayang Pilipino ay hindi mananahimik sa harap ng panghihimasok at patuloy na pananakot. (PAUL JOHN REYES)

DA: “Benteng Bigas, Meron Na” outlet, palalawakin sa Metro Manila

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PALALAWAKIN pa ng Department of Agriculture (DA) ang “Benteng Bigas, Meron Na” outlet sa Metro Manila upang mas maraming mamamayan ang mahatiran ng mas abot-kayang bigas para sa vulnerable sectors.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, limang ‘Benteng Bigas’ outlets ang ilalagay sa bawat local government units (LGUs) sa MM.
Sa pamamagitan nito, sinabi ni Tiu-Laurel na mas mapapalapit ang mga constituents ng mga LGUs na makabili ng mas murang bigas.

Target ng ahensiya ang isang full-scale expansion ng programa hanggang sa matapos ang March 2026 para maihanda sa panahon ng anihan at ma-maximize ang suplay ng bigas.
Uunahin sa expanded Metro Manila rollout ang mga senior citizens, solo parents, persons with disabilities, Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, minimum wage earners, miyembro ng tricycle ope­rators and drivers associations, magsasaka at mangingisda.

Una nang nakipag-ugnayan ang Technical working group sa MMDA at Metro Manila LGUs para sa maayos at mabilis na pagpapatupad ng ­programa.

Ads February 14, 2026

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments