• February 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 14th, 2026

Madalas gayahin ang labas dilang pose ng aktor… SHEENA, kinakiligan ang ipinost na photo kasama si ALDEN

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lang nagti-trending, pero may mga kinikilig sa iponost na picture ni BINI Sheena Catacutan kasama ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Si Sheena pala, madalas gayahin ang labas dilang pose ni Alden. Ang dami nga naming nakitang picture ni Sheena na kuhang-kuha nito ang known pose ng actor.

Hindi lang talaga malinaw sa amin kung saan sila nagkitang dalawa, pero base sa suot nila, lalo na ni Sheena, mukhang nagkasama sila sa isang event. Ang BINI at si Alden.

Sa IG story caption ni Sheena, sinabi niya na, “It’s an honor pooo @aldenrichards.”

Hayan na shippers, pasok!

***

WALA raw special na ganap sa kaarawan ni Heart Evangelista ngayong Valentine’s Day.

Kumpara sa mga past birthday celebration niya na talagang magarbo at pabongga talaga, this time, mukhang low profile ang misis ni Senator Chiz Escudero.

Hindi naman kami magtataka dahil sigurado, knows ni Heart at mga taong nakapaligid sa kanya na kung magpapaka-grand celebration siya at makikitang gagastos ng husto– kahit pa sabihin na ito ay mula sa kanyang sariling pera, tiyak na lalo lang siyang mababash at mapag-iinitan.

Eh, yung Paris Fashion Week na kasama niya ang ina, napakarami pa rin naming nabasa na nega comments at batikos.

(ROSE GARCIA)

Patuloy na pinag-uusapan ng netizens ang matitinding eksena… BIANCA, labis na hinangaan ni RURU sa mahusay na pagganap bilang Sang’gre Terra

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na pinag-uusapan ng netizens at fans ang masakit na sakripisyo ni Sang’gre Terra (Bianca Umali) sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre para protektahan ang mga mundo laban sa masasamang kamay ni Bathalang Gargan (Tom Rodriguez).
Agad namang pinusuan ng fans ang naturang eksena, marami ang nagdadalamhati para sa yumaong Sang’gre. May ilan ding humanga sa tapang ni Terra at sa matinding tagpo ng dalawang karakter.
Isa sa mga labis na humanga ay ang kapwa Sang’gre star at real-life partner ni Bianca na si Ruru Madrid.
Sa kanyang latest post, hindi napigilang magbigay ng papuri ang Kapuso actor sa husay ni Bianca sa superserye.
“Sobrang proud ako sayo, Mahal. Alam ko kung ano ang hirap ng ginagawa mo sa araw-araw lalo na para sa eksena na ito.
Deserve mo lahat ng papuri at pagmamahal para sa iyong dedikasyon at pagmamahal sa iyong ginagawa.”
Dagdag pa niya, hanga siya sa dedikasyon ni Bianca bilang isang aktres.
“Alam ko din na ginagawa mo ito para makapag bigay ng saya at magandang eksena para sa mga manonood. CONGRATULATIONS MY LOVE!”
Kaagad ding pinusuan ng fans ang post ng aktor, marami ang pumupuri kay Bianca sa kanyang pagganap.
Avisala Eshma Terra…
***
NAG-SHARE sa kanyang Instagram ang actress-comedienne na si Candy Pangilinan tungkol sa pagpanaw ng kanyang inang si Dori Espiritu, noong Tuesday evening, February 10.
“With God’s unconditonal love Mother /Sis Dori has peacefully met her creator today, February 10, 2026. We ask for your prayers for the repose of her soul and for all her loved ones. Our dear family and friends; please come and join us, as we celebrate her life of love and service,” caption niya.
Mula sa mga close friends and colleagues ni Candy sa entertainment industry ang nagpaabot ng kanilang prayers and sympathies tulad nila Amy Perez-Castillo, Claudine Barretto, Rhea Santos, Gladys Reyes, Vina Morales, and Giselle Sanchez.
Naging malaking subok kay Candy at sa kanyang family ang ilang beses na labas-masok sa ospital ang kanilang ina dahil sa declining health nito.
Panay ang post din ni Candy ng ilang videos on social media kasama ang anak na si Quentin, na binibisita ang kanyang lola sa ospital.

***

PUMANAW na ang ‘90s teen icon na si James Van Der Beek sa edad na 48.
Sumikat si James as Dawson Leery sa hit series na Dawson’s Creek na umere mula 1998 hanggang 2003.
Ayon sa report ng TMZ: “A rep for the Travis County Medical Examiner’s Office in Texas says … it was reported to them at 6:44 AM. No cause of death was given.”
Nag-post sa social media ang misis ni James na so Kimberley Van Der Beek tungkol sa pagpanaw nito: “James met his final days with courage, faith, and grace.”
She asked for privacy for their family at this time.
Nakipaglaban sa sakit na stage 3 colorectal cancer ang aktor na na-diagnose in 2024. Anim ang naiwan niyang kay Kimberley na sina Olivia, Annabel, Emilia, Gwendolyn, Joshua and Jeremiah.
Hindi nakarating sa ‘Dawson’s Creek’ reunion si James noong September 2025 sa New York dahil sa kanyang sakit. Lumabas naman siya sa two-hour special ng ‘The Real Full Monty’ noong December 2024 to raise awareness for prostate, testicular, and colorectal cancer testing and research.
Bukod sa Dawson’s Creek, lumabas si James sa mga TV shows na Don’t Trust the B—- in Apartment 23, CSI: Cyber, Friends With Better Lives, How I Met Your Mother, Modern Family, Dancing With The Stars, Ugly Betty, Pose, at One Tree Hill.
Ginawa niya ang mgq pelikulang Varsity Blues, Scary Movie, The Rules of Attraction, The Plague, Stolen, Jay and Silent Bob Reboot, Backwards. Downsizing, Texas Rangers, The Storm at Bad Hair.

Praying na umabot ng 60 para sa Senior Citizen card… KRIS, sobrang grateful na nagsi-celebrate ng 55th birthday

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

FIFTY-FIVE years old na today, February 14 si Queen of All Media Kris Aquino, kasabay siyempre ng celebration ng Valentine’s Day.
Two days bago ang kanyang birthday ay muling nagbahagi si Kris ng update sa kanyang health.
Nag-post siya ng litrato sa Instagram habang nakahiga sa kama sa loob at nakatingin sa mga baloons na katabi ng bed.
Mababasa sa kanyang caption ang ilang lyrics sa kantang “Rainbow” ng Southborder, kasunod ang kanyang mensahe para sa lahat ng nagmamahal sa kanya.
Say ni Kris,“I’m not allowed to have fresh flowers, but i’m allowed balloons which i’ve always loved.
“I’m not yet allowed to walk outside until 4 weeks after my stitches are removed, but i’m now able to walk unaided and seldom do i ask for my wheelchair.
“I hope you all realize that @rbchanco is a magician, my skin in my face is in good shape for someone turning 55 on Saturday, February 14, but i’m not allowed to have any sun exposure nor put any cream on my face or massage my neck area.
“I’ll share with you in 5 weeks why everyone is so protective and doing their best to not let me take an accidental fall because that would be seriously life threatening for me.”
Pagbabahagi pa ni Kris tungkol kay Bimby, “I like being a mama, i couldn’t see myself being a ‘mamager’… Bimb is still undergoing his training including a few skills that may surprise you.
“And i’m leaving his career planning to someone i trust because he has integrity, a solid home life, and he and his beautiful wife cared enough to invite my son over to their home to meet their children and that reassured me that Bimb will be treated like family. “They were also flexible about sharing Bimb with another group as far as music is concerned.”
Pagpapatuloy pa ng TV host-actress, “Please use this post as your receipt. I promise that i will only make pakialam with the overall styling of my son.
“All other decisions it will be up to Bimb and his manager Titos and Tita… why? Because i’ll be coproducing my oncam vlog and hopefully 5 weeks after the last of my stitches are removed i’ll start producing ‘immunity cells’ because right now i am severely immunocompromised.
“Yet i’m so grateful to reach 55. I am now praying to reach 60 so i’ll have both a PWD (Person With Disability) and Senior Citizen’s Card.
“So many online establishments don’t accept the PWD as a valid government issued ID. I never learned how to drive. I only have my passport.”
Pangako pa ni Kris na sasagutin niya ang ilan sa mga tanong sa isusulat ng netizens sa comments section.
Marami ang natutuwa at nagpahayag ng kanilang pagbati kay Kris, na nabigyan uli ng pagkakataon na makapagdiwang ng kaarawan.
Happy birthday Kris, matupad sana ang birthday wishes mo!

(ROHN ROMULO)

Love is on the Big Screen with Ayala Malls Cinemas, Featuring Two Special Valentine’s Screenings

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Still planning your date this Valentine’s Day?
Ayala Malls Cinemas has got you covered!

This Valentine’s Day, Ayala Malls Cinemas invites moviegoers and film enthusiasts to celebrate love and music on the big screen. From February 14, audiences can enjoy two exclusive screenings only at Ayala Malls Cinemas, featuring the critically acclaimed period drama Hamnet and the intimate documentary The Rose: Come Back To Me. Whether it’s a heart-wrenching period drama or an intimate Korean musical documentary, these films promise to make every patron’s Valentine’s celebration unforgettable, emotionally stirring, and captivating.

HAMNET

Perfect for literary and theater lovers who appreciate timeless stories and cinematic artistry, Hamnet is directed by Academy Award winner Chloé Zhao, and stars Jessie Buckley, Paul Mescal, Emily Watson, and Joe Alwyn.

Hamnet is not just one of the most anticipated films to arrive in the country but also an award-winning masterpiece. Adapted from Maggie O’Farrell’s acclaimed novel and inspired by William Shakespeare’s timeless classic Hamlet, the film earned eight Academy Award nominations, including Best Picture, Best Director for Chloé Zhao, and Best Actress for Jessie Buckley. It also won two Golden Globe Awards, one for Best Motion Picture in the Drama category and for Jessie Buckley’s performance as Best Actress in a Motion Picture – Drama.

Early access screenings are available at Trinoma, Glorietta, and Manila Bay at 6:30 PM on February 14, with regular release beginning February 18, giving audiences the chance to experience one of the year’s most celebrated films on the big screen.

THE ROSE: COME BACK TO ME

Ideal for Hallyu fans and music lovers, The Rose: Come Back To Me follows the journey of indie rock band The Rose. The film explores their rise to global fame, behind-the-scenes of their career, their challenges, and their love for music.

Get to know more about their music, brotherhood, and resilience on the big screen as it comes to cinemas exclusively at Ayala Malls Cinemas, including Manila Bay, Bonifacio High Street, Glorietta 4, Greenbelt 3, U.P. Town Center, Marquee Mall, Centrio, Capitol Central, Solenad, Feliz, Vermosa, and A-Giant Cinemas at Trinoma and Ayala Center Cebu, from February 14 to 20.

Delight in a variety of treats from The Movie Snackbar, from classic popcorn favorites to sweet treats perfect for sharing, while watching these stories unfold. Moviegoers can enjoy every scene from plush seats with generous legroom, experiencing every laugh, tear, and heart-fluttering moment with their loved ones.

Planning the perfect cinematic date is easier than ever when you book advance tickets at www.sureseats.com. Visit Ayala Malls Cinemas’ Facebook and Instagram official pages for more updates.

(ROHN ROMULO)

Eala pasok na sa main draw ng Dubai Open

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAGLALARO na sa main draw ng WTA 1000 Dubai Duty Free International Tennis Championship si Pinay tenni star Alex Eala.

Inanunsiyo ng organizers na mula sa qualifying draw ay na-upgrade na si Eala sa main tournament.

Isinagawa ang anunsiyo matapos na makamit ng 20-anyos na si Eala ang ranked 40 sa Women’s Tennis Associaton (WTA).

Nangangahulugan ito na may tsansa ito ng makaharap ang ilang mga malalaking pangalan sa tennis.
Kinabibilangan ito nina world No. 1 Aryna Sabalenka of Belarus, No. 2 Iga Swiatek of Poland at No. 3 Elena Rybakina ng Kazakhstan na siyang nagkampeon sa Australian Open noong nakaraang buwan.

Ang torneo sa Dubai ay siyang pangalawang laban ni Eala sa United Arab Emirates matapos ang WTA 500 Abu Dhabi Open kung saan umabot siya sa singles quarterfinals.

Pagkatapos ng torneo ay Dubai ay magtutungo si Eala sa US para sa paglahok sa ilang torneo gaya sa Indian Wells Open sa California mula Marso 4 hanggang 15 at sa paglalaro niya muli sa Miami Open na magsisimula sa Marso 17 hanggang 29.

Dillon Brooks, sinuspinde ng NBA matapos ang ika-16 na technical foul sa 49 games

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE ng National Basketball Association (NBA) si Phoenix Suns forward Dillon Brooks matapos maitala ang kaniyang ika-16 na technical foul ngayong season.

Ayon sa patakaran ng NBA, ang isang player o coach ay otomatikong masususpinde ng isang laro nang walang sahod kapag umabot na sa 16 ang natanggap na technical foul sa regular season. Sa bawat dalawang karagdagang technical foul matapos ang ika-16, muling ipapataw ang suspensiyon.

Sa kaso ni Brooks, umabot lamang siya ng 49 laro ngayong season bago makumpleto ang 16 na technical fouls. Ang pinakahuli ay nang makaharap ng Suns ang top-seeded team na Oklahoma City Thunder, kung saan sila ay natalo sa score na 136-109.

Dahil sa suspensiyon, hindi makakapaglaro si Brooks sa unang laban ng Suns pagkatapos ng All-Star break kontra San Antonio Spurs.
Hawak ni Brooks ang career average na 14.8 points per game, 3.3 rebounds per game (rpg), at 0.9 steals per game (spg). Ngayong season, umaabot siya sa 21.2 points per game at may impresibong 1.1 steals per game.

Malakanyang, hindi magsisimula ng panawagan na palitan ang Chinese ambassador

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPAUUBAYA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ., sa Beijing ang desisyon kung papalitan si Chinese ambassador to the Philippines Jing Quan sa gitna ng panawagan ng dalawang senador na palitan siya.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na igagalang ng gobyerno ng Pilipinas ang desisyon ng Beijing kung sino ang ipapadala nito bilang kanilang official envoy.
“Ang hindi gagawin ng Pangulo ang mag initiate na, ‘Ayaw ko ang ambassador na ito.’ Rerespetutin natin kung sino ang itinatalaga ng China. Kung nakikita nila na nagiging cause ito nang argumento, nasa China po ‘yan na magdecide,” aniya pa rin.
Normal aniya para sa mga opisyal lalo na sa mga senador ng Pilipinas na ihayag ang kanilang sentimyento sa iba’t ibang usapin dahil hindi sila maaaring diktahan ng Pangulo.
“Meron tayong freedom of expression. Kung nagsasalita ‘yung China, maaari ring magsalita ‘yung nasa Pilipinas. So ang maganda dito, hangga’t maaari, gumamit nang diplomasya,” ang winika ni Castro.
“Dapat pareho lang. Respetuhan lang,” aniya pa rin.
Nauna rito, kapwa hiniling nina Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo na palitan si Chinese Ambassador Jing Quan bilang envoy sa Pilipinas, kasunod ng tensiyon sa pagitan ng Senado at ng Chinese Embassy sa Manila.
Ayon kay Ejercito, dapat hindi maging hostile ang mga diplomat sa host country. Pinaigting naman ni Tulfo ang punto, sinabi niyang si Jing ay “very aggressive at very sensitive” kumpara sa kanyang predecessor na si Huang Xilian. Para sa kapakanan ng relasyon ng Pilipinas at China, mas mainam aniya na magkaroon ng bagong ambassador.
Parehong iginiit ng mga senador na ang Senado ay simpleng ipinagtatanggol ang interes ng bansa at ang karapatan nitong magpahayag.
Nanawagan si Tulfo ng mas maayos na dialogue sa pagitan ng dalawang panig, habang si Sen. Robinhood Padilla ay nagpakita ng pag-unawa sa China ngunit sa huli ay sumang-ayon sa posisyon ng kanyang mga kasamahan.
Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ayaw na niyang makipag-engage sa embassy. ( DARIS JOSE)

Lolo, kulong sa pagbabanta, panunutok ng gun replica sa pamangkin sa Valenzuela

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang 62-anyos na lolo nang pagbantaan at tutukan ng gun replica ang kanyang pamangkin makaraan ang mainitang pagtatalo ng mga ito sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, mahaharap ang suspek na si alyas “Lolo Pedro” sa kasong Grave Threats at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at 36-anyos nitong pamangkin hinggil sa paggamit umano ng tiyuhin ng kanyang kubo sa iligal na aktibidad sa Barangay Coloong II.

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha umano ang suspek ng isang piraso ng kahoy at tinangkang ihambalos sa biktima bago pumasok sa kubo.

Pagbalik ng suspek, armado na ng baril na agad itinutok sa pamangkin sabay pinagbantaan itong papatayin kaya sa labis na takot, nagtatakbo ang biktima bago himungi ng tulong mga tauhan ng Polo Police Sub-Station 5.

Kaagad inatasan ni SS5 Commander P/Capt. Doddie Aguirre ang kanyang mga tauhan na mabilis namang rumesponde sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang isang baril na napag-alaman gun replica na ginamit sa pagbabanta sa biktima.

Sinabi naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz na muling pinagtitibay ng NPD ang kanilang hindi natitinag na pangako na paigtingin ang mga operasyon ng pagpapatupad ng batas at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng komunidad laban sa lahat ng uri ng kriminalidad. (Richard Mesa)

LETTERS TO MY TOTGA, ILULUNSAD SA PACO PARK

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ILULUNSAD ng pamahalaang lungsod ang “Letters to My TOTGA,” isang karanasang pang-Valentine na gaganapin sa Paco Park mula Pebrero 14 hanggang 28, 2026, na magbibigay ng espasyo para sa pagninilay tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at paghahanap ng paghilom.

Hinango ang konsepto mula sa kuwento nina José Rizal at Leonor Rivera, na ang relasyon ay umusbong sa pamamagitan ng mga liham habang sila’y magkalayo at kalauna’y nauwi sa paghihiwalay. Ang kanilang salaysay—na hinubog ng distansya at pagkakataon—ay nananatiling isa sa mga pinakatanyag na hindi natapos na pag-iibigan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang programa ay gaganapin sa makasaysayang paikot na parke sa Maynila kung saan minsang inilibing ang mga labi ng dalawang personalidad bago ito inilipat sa ibang lugar.

Mula Pebrero 14 hanggang 28, magsisilbing isang mapagnilay at interaktibong destinasyon tuwing Araw ng mga Puso ang parke, kung saan inaanyayahan ang mga bisita na sumulat ng isang liham—nang hindi nagpapakilala—para sa kanilang “TOTGA” o “The One That Got Away.”

Maaaring iukol ang liham sa dating minahal, sa taong hindi kailanman napagtapatan ng damdamin, o maging sa dating sarili na hinubog ng kabiguan o pagbabago sa buhay.

Isusulat ang mga liham sa loob ng isang heritage-inspired na sulok ng parke at ipapaskil sa “TOTGA Wall,” na bubuo sa isang kolektibong pagpapahayag ng mga damdaming hindi kailanman naipadala.

Ang mga liham ay magkakaroon ng kulay batay sa tema:
• Asul – tamang tao, maling panahon
• Abo – pag-ibig na hindi nasabi
• Dilaw – ang walang katapusang “paano kung”
• Puti – walang paliwanag, walang pagtatapos
• Berde – pag-ibig na binitiwan upang lumago
• Lila – ang dating sarili na kinailangang iwan

Ang aktibidad ay libre at bukas sa publiko, na nag-aanyaya sa lahat na magsulat ng liham, iwan ito, at makibahagi sa isang paggunita sa Araw ng mga Puso na nakatuon sa pagninilay at pagpapalaya ng damdamin. (Gene Adsuara)

Pagsertipika sa anti-political dynasty bill bilang urgent, posible- Malakanyang

Posted on: February 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG isertipika bilang urgent ang anti-political dynasty bill lalo pa’t natuwa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa naging hakbang ng Kongreso na magsagawa ng nationwide public consultations ukol sa panukalang batas na nagbabawal na sa political dynasty.
“Natuwa po ang Pangulo dahil ang nais po ng Pangulo ay maisabatas po ang nasabing bill, anti-political dynasty bill, dahil iyan din po ang nais ng ating mga kababayan,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Nauna rito, umarangkada na kasi, araw ng Huwebes, Pebrero 12 ang public consultations ng House Committee on Electoral Reforms and Suffrage kaugnay ng mga panukalang Anti-Political Dynasty Bill.
Ang unang konsultasyon ay ginaganap sa Carsigma Gym sa Carmona, Cavite, na dinadaluhan ng tinatayang 1,500 kinatawan mula sa mga opisyal ng barangay, non-government organizations, sektor ng kabataan, at iba pang grupo.
Pinamumunuan ang konsultasyon ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng komite.
“Kapag po naibigay na po iyong version ng dalawang Kongreso para po malaman kung dapat po ba itong i-certify as urgent dahil depende po iyan sa provision, makakaasa po kayo diyan,” ang sinabi ni Castro.
Matatandaang, hinikayat ni Pangulong Marcos ang Kongreso na gawing prayoridad ang pagtalakay sa Anti-Dynasty bill.
Hiniling ng Pangulo sa Kongreso na mas mabu­ting unahing busisiing talakayin ng mga mambabatas ang nasabing panukalang batas at kaagad itong ipasa. (Daris Jose)