• February 14, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 13th, 2026

49 pares, ikinasal sa Kasalang Bayan 2026 sa Navotas

Posted on: February 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pag-ibig at pangako sa Araw ng mga Puso kung saan opisyal na nagpalitan ng panata ang 49 Navoteño couples sa ginanap na Kasalang Bayan 2026.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang isang mass wedding ceremony, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsihal na sinaksihan ng pamilya ng mga ikinasal.

Kabilang sa mga ikinasal ay sina Ereneo Belino Jr. at Helen Corocoto na 38 taon nang nagsasama at nabiyayaan ng tatlong anak.

Binati ni Mayor Tiangco ang mga mag-asawa at binigyang-diin ang kahalagahan ng kasal sa pagbuo ng isang matatag na pamilya at komunidad.

“Sana ay mapuno lagi ng pagmamahalan at pag-uunawaan ang tahanan ng bawat isa sa inyo. Kung may hindi mapagkasunduan ay pag-usapan. Alagaan at irespeto ninyo ang isa’t isa. At higit sa lahat, piliin ninyo ang isa’t isa araw-araw,” pahayag ng alkalde.

Hinikayat din niya ang mga mag-asawa na magkaroon ng mga foster home na puno ng pagmamahalan at mabuting pagpapahalaga, na binibigyang-diin na ang pagpapalaki ng mga responsableng anak ay nagsisiguro ng magandang kinabukasan para sa Navotas.

Ang Kasalang Bayan ay sumasalamin sa pangako ng lungsod sa pagpapalakas ng mga pamilya at pagtataguyod ng kapakanan ng mga residente nito, na nagbibigay sa mga mag-asawa ng pagkakataong idaos ang kanilang pagsasama sa isang makabuluhan at di malilimutang seremonya.
(Richard Mesa)

FDNY MOVEMENT, LIDER NG IBA’T IBANG MAKABAYANG GRUPO NAGPASALAMAT SA SENADO DAHIL SA PAGPAPATIBAY NG RESOLUSYON BLG. 37

Posted on: February 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BUONG pagkakaisang pinupuri at pinasasalamatan ng Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, kasama ang mga lider ng iba’t ibang samahan — Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia ng Pilipinas Youth (LIPI Youth), Kabataang Artista, Manunulat, at Mananayaw para sa Sining at Kultura (KaMaSKaRa), Alyansa ng Kabataan sa Komunidad (AKK), Liga ng Magkakapitbahay sa Parola Binondo (LMPB), Cavite Volunteers and Runners for WPS, Katipunan ng Responsableng Maralita para sa Bayan (KARAMAY), mga Loyalista, at BBM Calamba Warriors — ang Senado ng Republika ng Pilipinas sa pagpapatibay ng Resolusyon Blg. 37, na kumokondena sa hindi katanggap-tanggap na asal at mga pahayag ng Embahada ng Tsina laban sa mga opisyal at institusyon ng ating pamahalaan.

Ang hakbang na ito ay malinaw na patunay na naninindigan ang Senado sa pagtatanggol sa pambansang soberanya, dignidad, at karapatan ng sambayanang Pilipino. Sa gitna ng patuloy na panghihimasok, pananakot, at agresyon sa West Philippine Sea ng mga sasakyang pandagat ng Tsina, mahalaga ang isang matatag at nagkakaisang tinig mula sa ating mga institusyon at mamamayan.

Atin ang West Philippine Sea at ang Kalayaan Island Group, hindi lamang bilang usapin ng teritoryo kundi bilang simbolo ng ating kasarinlan, dangal at kinabukasan.

Ang ating paninindigan ay nakabatay sa pandaigdigang batas, kabilang ang UNCLOS at ang 2016 Arbitral Award, na malinaw na kumikilala sa ating mga karapatan sa loob ng ating Exclusive Economic Zone.

Hindi kami nananawagan ng digmaan. Ang aming panawagan ay kapayapaang nakabatay sa batas at paggalang sa soberanya. Ngunit sa harap ng pambubully at paninindak hindi kami tatahimik, hindi kami magpapasupil at hindi kami susuko.

Ang sama-samang pagkilos na ito ay simbolikong pagpapahayag ng suporta sa Senado at matibay na mensahe sa buong mundo, nagkakaisa ang sambayanang Pilipino sa pagtatanggol sa ating karagatan at teritoryo.

Sa harap ng agresyon at maling impormasyon, ang katotohanan ang aming sandigan.
Sa harap ng pananakot, ang pagkakaisa ang aming lakas. Sa harap ng panghihimasok, ang bayan ang magpapasya.
(PAUL JOHN REYES)

Ilang Catholic schools, nagsuspinde ng klase sa February 25

Posted on: February 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ILANG Catholic schools na ang nagsuspinde ng klase sa Pebrero 25, 2026 upang bigyang-daan ang paggunita sa ika-40 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Nabatid na kabilang sa mga naturang paaralan na nag-anunsiyo na ng walang klase sa nasabing araw ay ang De La Salle Philippines, Ateneo de Manila University, at University of Santo Tomas.
Nauna rito, naglabas ng joint statement ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at CBCP Episcopal Commission on Catholic Education (ECCE), na nananawagan sa mga Catholic schools at educational institutions na ideklara ang Pebrero 25 bilang isang academic holiday.

“Forty years later, the lessons of EDSA remain urgent. Democracy is never self-sustaining. It demands vigilance, active participation, and fidelity to truth. Governance must be anchored in accountability, respect for human rights, transparency, and service to the common good,” bahagi ng pahayag.

‘Di man katangkaran ay biniyayaan ng mga talento… WILL, diretsahang sinagot ang basher na nanglalait sa height niya

Posted on: February 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DIRETSAHANG sinagot ni Will Ashley ang isang basher na nagkomento tungkol sa height niya.
Nangyari ito habang ongoing ang gaming livestream ng Sparkle actor na sa tangkad na 5’7″ ay tila naliliitan pa sa binata ang naturang basher.
“Ginagawang pangkabuhayan yung pamba-bash. Wala na ba kayong ibang pam-bash kung hindi height ko,” pagpaprangkang sagot ni Will sa basher.
“Diyos ko, five years na akong tapos diyan. Wala na ibang mahanap?”
“Anong magagawa ko ito lang binigay ni Lord, e!”
Litanya pa ni Will, hindi man siya nabiyayaan na maging matangkad na matangkad, binigyan naman daw siya ni Lord ng maraming talento.
“At least binigyan ako ng talents, singing, dancing, acting, modeling din ako, gamer ako.
“Compare mo yun sa height ko. One equals five? Anong gagawin ng height ko sa talents ko,” pagtukoy ni Will sa “1=5” na height (1) at talents (5) niya.
Hindi na bago kay Will ang ganitong isyu dahil sa isang episode noon ng ‘PBB: Celebrity Collab Edition Season 1’ (kung saan itinanghal siyang 2nd Big Placer), naikuwento ni Will isa sa madalas na natatanggap niyang pamba-bash ay tungkol sa kanyang height.
“Nakakaapekto sa akin before ay mga comments na, ‘May itsura, magaling sana kaso kulang sa height.’”
Samantala, busy si Will ngayon bilang parte ng ng bagong collab project ng GMA Network at ABS-CBN, ang suspense-thriller na The Secrets of Hotel 88.
Kasama niya rito ang Big Winners ng PBB: Celebrity Collab Edition na sina Mika Salamanca, at Brent Manalo pati na rin ang mga dating housemates na sina Bianca de Vera, Dustin Yu, Ralph de Leon AZ Martinez, Josh Ford, River Joseph, Klarisse de Guzman, Esnyr Ranollo, Xyriel Manabat at Kira Balinger.

(ROMMEL L. GONZALES)

‘90s pa ang huling nagawang horror movie… GELLI, na-excite na makatrabaho sina PILAR at Direk LOUIE

Posted on: February 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINA Gelli de Belen at Pilar Pilapil ay kabilang sa main cast ng pelikulang “Mantsa.”

Isa itong kaabang-abang na psychological thriller movie.
Bago nagsimula ang shooting nito ay nakapanayam namin ang dalawang mahusay na aktres at ang award-winning direktor nito na si Direk Louie Ignacio. Nabanggit nila ang ilang bagay na may kaugnayan sa kanilang pelikula.

Sinabi ni Direk Louie na ibang klaseng challenge sa kanya ang pelikula dahil nandoon ang veteran actress na si Ms. Pilar.

Wika niya, “Nakaka-challenge ito for me.’ Kasi nag-e-expect siya ng good quality, kasi nandoon si Pilar Pilapil. At hindi gagawa si Pilar Pilapil ng isang ka-cheap-an na pelikula. Kaya, iyon ang challenge sa akin.”

Bilang reaksiyon, ito naman ang tinuran ni Ms. Pilar. “I trust him, I know he will be able to cope with the challenge.”

Aniya pa, “It’s a good role. It’s a role that is not very long but markado siya, with a lot of nuances, body language, expressions of the eyes.

“When I get a role, I really read the whole script, not just my role. I want to be in touch with the other characters.”

Ang ‘Mantsa’ ay hatid ng Dragon Talent Management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Co-producer sa movie si Mr. Ric Valenzuela.

Ayon naman kay Gelli, nang i-pitch sa kanya ang project ay nagustuhan niya agad ito.

Aniya, “Nang ikinuwento kasi sa akin ni Bambbi yung istorya… okay, i-set aside natin na nandiyan sina Bambbi at Direk Louie, nang ikinuwento sa akin ang story – actually, I think hindi pa confirm noon si Tita Pilar, sinabi sa akin na ito iyon, medyo horror, whatever… so sabi ko, ‘Wow, sounds interesting.’ Kasi I think, the last time I did a horror movie was in the 90’s.

“So, sabi ko, ‘Uy parang bago, sige-sige gusto ko, gusto ko talaga.’ Lalo na noong ikinuwento sa akin kung ano ang magaganap. Eventually sinabi sa akin na okay na si Tita Pilar at si Direk Louie ito… Kasi I’ve never worked with Direk Louie puro kami “Sis” (dating talk show sa GMA-7), puro kami variety show, never talagang acting. So, exciting ito,” masayang sambit pa ni Gelli.

Nang usisain ang veteran actress kung sanay na ba siya na kapag gagawa ng film, yung mga baguhan ay medyo akala ay mataray siya?

Nakangiting tugon ni Ms. Pilar, “Sanay na ako dyan, because they don’t really know me. That’s why I’m reassuring them.”

Tampok din sa Mantsa sina Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Shira Tweg, Bo Bautista, Khai Flores, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto, Miles Poblete, at iba pa.

(NONI NICASIO)

Kaya pasok mga bashers at stay pangit… KITKAT, ipinagmalaki na nagparetoke dahil ayaw ma-expire

Posted on: February 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KAALIW ang Facebook post ng singer-actress at host na si KitKat na kung saan nagparetoke siya sa Montesa Aesthetics.
Nagpa-botox siya sa noo at in-avail ang collagen stimulation na nilagay sa magkabilang pisngi. At ayon sa kanya ay may instant effect dahil nawala agad ang eyebugs niya.
Siya rin ang bagong ambassador ng Montesa Medical Group sa Tomas Morato, QC kung saan isinabay na rin ang contract signing last Wednesday, Feb. 11.
Si Anna Marie Montesa ang may-ari nito na isa ring Mrs. Universe Philippines titleholder tulad ni Kitkat.
Sa video na kasama sa FB post sinabi niya na, “Magpaparetoke ako!
“Ayokong ma-expire kailangan lagi akong maganda kaya magpaparetoke ako, pasok bashers! Ha-hahaha!
“Ang ganda-ganda ko. Naku lalo pa akong gaganda kasi magpaparetoke ako dito sa Montessa Medical Group, ‘pag inggit-pikit.”

Dagdag pa ng mommy influencer and content creator, “Bashers, lalo akong gaganda kaya sa mga bashers diyan, stay pangit, beh!”
Mababasa sa kanyang Facebook post ang ginanap na contract signing.
“Another signed, sealed, and snatched moment for your girl at @montesamedicalgroup.
“Today I officially signed as the new ambassador of Montesa Medical Group and syempre hindi basta-basta — Dr. Anna Montesa herself ang gumawa sakin today!
“Buena mano pagka-sign ng contract, derecho agad sa treatment room. Ayoko ma
EXPIRE mga besh. Ha-hahaha!
“Contract signing? (check emoji).
“Botox? (check emoji).
“Collagen stimulation? (check emoji).
“Freshness locked in? DOUBLE (check emojis).
“Sabi ko nga, habang may bashers na gigil na gigil kakahanap ng panget angle ko…
eh di lalo tayong magpaganda para mas manggigil sila.
“Public service na din ‘to —para may pag-usapan sila. HAHAHA!”
Kaya super happy and thankful si KitKat kay Dra. Anna.
Say pa niya, “pag may kontrata, dapat may kasamang maintenance. Hindi pwedeng ambassador na haggard!”

***

Mr. Malaysia at Ms. Canada, wagi sa ‘Mr. and Ms. Chinatown Global’

SA second edition ng ‘Mr. and Ms. Chinatown Global’ kinoronahan ang pambato ng Malaysia na si Ang Wei Yang at Tyra Rosnuk ng Canada sa ginanap na Winners’ Night sa Smart Araneta Coliseum noong Feb. 10.
Twenty-three candidates na mula sa 15 countries ang naglaban-laban sa para sa titulo at karangalan bilang ‘Mr. and Ms. Chinatown Global.’
Nagsilbing host sa coronation night sina Janeena Chan, Mr. and Ms. Chinatown Global Pageant Director Nicole Cordoves, Kevin Tai at Marc Nelson.
Ang tinanghal namang first runner up ay sina Olivier Liu Xu (Switzerland) at Khaohom Seearamroongruang (Thailand). Sina Yi Fang Gao (Canada) at Belle Nanphasorn (Malaysia) and 2nd runner-up sa prestigious international pageant.
Marami naman ang nadismaya na hindi man lang nakapasok sa Top 12 ang panlaban ng Pilipinas, na kung saan nakakuha sila ng special awards.
Narito ang listahan ng special awards: Ang Wei Yang (Malaysia) and Rochelle Kirsten Canlas (USA), who were awarded Mr. & Ms. Friendship; Faces of Chinatown – Adrien Yaw Kan Tong, and Estellina Ah-hon, both representing Mauritius; Best in Formal Wear – Olivier Liu Xu (Switzerland) and Monica Geronimo (Philippines); Best Resort Wear – Olivier Liu Xu (Switzerland) and Monica Geronimo (Philippines).
Ipinagkaloob din sa mga candidates ang sponsor awards: Ms. Hotel101 – Ang Wei Yang (Malaysia) and Christina Cai (Singapore); Mr. & Ms. King Chef – Yi Fang Gao (Canada) and Christina Cai (Singapore); Mr. and Ms.Gibi Shoes – Ang Wei Yang (Malaysia) and Monica Geronimo (Philippines); Mr. & Ms. Youthful Confidence by Hana PH – Olivier Liu Xu (Switzerland) and Monica Geronimo (Philippines); and Mr. and Ms. Novodental – Aldrich Chen Perez (Philippines) and Khaohom Seearamroongruang (Thailand).
Congrats to Malaysia and Canada!

Ayala Malls Cinemas Takes You on an Exclusive Italian Escape with “Solo Mio”

Posted on: February 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AFTER leading new releases during its opening weekend at the U.S. box office, Solo Mio finds its way to the big screen exclusively at Ayala Malls Cinemas, inviting moviegoers to experience an international romance this Valentine season.

Ayala Malls Cinemas presents Solo Mio, a romantic comedy set in Italy, filmed across the breathtaking locations of Rome and Tuscany, starring international comedy icon Kevin James, best known for The King of Queens and Hitch.

The film also features Julie Ann Emery (Better Call Saul), Jonathan Roumie, known for the global phenomenon series “The Chosen,” Alyson Hannigan (How I Met Your Mother), acclaimed Italian actress Nicole Grimaudo (Mine Vaganti, Baarìa), Kim Coates (Sons of Anarchy), and Julee Cerda (Orange Is the New Black), bringing together a fun and heartfelt story about heartbreak, healing process, and second chances.

Watch the trailer : https://www.youtube.com/watch?v=JRHIhk4y4hM

Following its release, Solo Mio also made waves on Rotten Tomatoes, garnering 96% Popcornmeter score, reflecting strong audience approval, capturing viewers’ interest through its relatable charm and heartfelt appeal.

Solo Mio follows Matt Taylor (Kevin James), a devoted groom who spends years saving for his fiancée’s dream wedding, only to have his carefully planned future fall apart when she stands him up at the altar in Italy. Instead of returning home heartbroken, Matt decides to continue the honeymoon alone. What begins as an escape turns into a journey of healing as he encounters the highs and lows of solo travel, forms unlikely friendships with fellow honeymooners, and meets Gia (Nicole Grimaudo), a warm-hearted local who helps him rediscover joy, connection, and a fresh take on love.

Ayala Malls Cinemas transforms movie night into a cinematic escape with Solo Mio, bringing the charm of Italy and Matt’s unforgettable solo adventure to the big screen in an inviting and comfortable cinema environment. Perfect for solo viewing, romantic dates, or group get-togethers, the film offers a heartwarming and uplifting journey that proves life’s most meaningful chapters often begin after heartbreak.

To make the journey even more enjoyable, patrons can treat themselves to delicious selections from The Movie Snackbar, from must-have popcorn flavors and hotdog sandwiches to specialty burgers paired with cold, refreshing beverages.

Suit up and treat your date to an Italian escape with Solo Mio at the nearest Ayala Malls Cinemas, starting February 25. Join Matt on a journey of healing from heartbreak, discovering joy, and opening his heart in unexpected ways, exclusively at Ayala Malls Cinemas.

Book your tickets at www.sureseats.com, and visit Ayala Malls Cinemas’ Facebook and Instagram for more updates and upcoming releases.

(ROHN ROMULO)

Ads February 13, 2026

Posted on: February 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments