SOBRANG happy na binahagi ng premyadong aktres at producer na Sylvia Sanchez na magbabalik-sinehan ang award winning MMFF movie na ‘ImPerfect’.
Post ni Sylvia sa Facebook:
“This Valentine’s Day, we’re celebrating love that knows no labels 💛
In line with National Down Syndrome Consciousness Month, I’mPerfect returns to the big screen. Reminding us that love doesn’t have to be perfect to be real.
Catch this inspiring story for a special screening at your most-loved SM Cinema.
🎟 Ticket Price: ₱275
📅 February 14–15
📍 SM Mall of Asia
📍 SM North EDSA
📍 SM Southmall
BUY YOUR TICKETS HERE:
📱 SM Cinema App
◉ Apple: https://gosm.link/SMCinemaAppApple
◉ Android: https://gosm.link/SMCinemaAppAndroid
🔗 www.smcinema.com
🎟 SM Cinema ticket booths
#ImPerfect
#ImPerfectAtSMCinema
#SMCinema
Thank you SM 😘😘😘
Part naman ni Direk Sigrid Bernardo…
“Wow!! Due to insistent (insistent talaga?!😅) public demand, “I’mPerfect” is BACK in selected SM Cinemas!!! 🎬💛🩵
This is the I’mPerfect PERFECT Valentine’s date, may jowa man o wala!
Kaya see you at the cinemas! Happy puso 💛🩵 day!
The perfect Valentine’s date is back. 🎬
The MMFF Best Picture I’mPerfect returns to cinemas this February 14–15, in line with National Down Syndrome Consciousness Month.
A celebration of love that knows no labels—because they belong, they exist, and they deserve to be seen.
Catch this inspiring story at your favorite SM Cinema.
***
MTRCB, Aprub ang anim na pelikula ngayong linggo ng FEB-ibig
NGAYONG FEB-ibig, ihanda ang mga puso sa mga kuwentong puno ng pag-ibig at katatakutan matapos aprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipapalabas ngayong linggo.
Nangunguna sa lineup ang Filipino romantic-drama na “The Loved One,” na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Jericho Rosales at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Rated R-13 ang pelikula para sa mga edad 13 pataas.
Ikinukuwento nito ang muling pagkikita ng dating magkasintahan makalipas ang isang dekada, habang binabalikan nila ang mga alaala ng pag-ibig at lungkot na hindi kailanman nawala.
Rated R-13 din ang romantic drama na “Wuthering Heights,” isang madamdamin at masalimuot na kuwento ng pag-ibig na nakasentro sa matinding ugnayan nina Heathcliff at Catherine Earnshaw, na nangyari sa makapigil-hiningang tanawin ng Yorkshire moors.
Nakakuha rin ng R-13 ang action thriller na “Shelter” dahil sa karahasan at pagdurusa na maaaring hindi angkop sa mga batang wala pang 13 taong gulang.
Ang pelikula’y tungkol sa isang dating British government assassin na namumuhay nang mag-isa sa baybayin ng Scotland.
Napilitan siyang harapin ang kanyang nakaraan habang pinoprotektahan ang isang batang babae mula sa ahensiyang nais siyang patahimikin.
Ang animated sports comedy na “Goat,” na co-produced ng basketball legend na si Stephen Curry, ay nakatanggap naman ng PG (Parental Guidance) rating.
Puwede itong panoorin ng edad 12 at pababa bastat may kasamang magulang o nakatatanda.
Tampok dito ang isang kambing na si Will Harris na nangangarap maging pinakamahusay sa isang basketball-like sport na roarball.
Ang horror films na “Diabolic” at “Strangers Chapter 3” ay kapwa R-16 (Restricted-16) dahil sa mature at supernatural na tema, matitinding katatakutan at mga imaheng maaaring makagambala sa musmos na isipan.
Para ito sa mga edad 16 pataas.
Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang mahalagang papel ng Board sa paggabay sa publiko tungo sa responsableng panonood.
“Ang mga rating na ibinibigay ng Board ay para tiyakin na ang mga pelikula ay angkop sa edad ng manonood at napoprotektahan ang kabataan mula sa mga palabas na maaaring hindi naaayon sa kanilang edad,” sabi ni Sotto.
(ROHN ROMULO)