• February 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 11th, 2026

Alex Eala nabigo sa unang round ng Qatar Open

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAAGANG natapos ang kampanya ni Alex Eala sa Qatar Open.

Ito ay matapos na mabigo siya kay Tereza Valentova ng Czech Republic sa score na 7-6(6), 6-1.

Sa unang set ay naging dikitan ang laban subalit nanaig pa rin ang Czech player.

Pagpasok ng ikalawang round ay nadomina ng mas batang si Valentova ang laro.
Magugunitang galing sa Abu Dhabi Open si Eala kung saan umabot pa ito ng quarterfinals.

EJ Obiena may 2 torneo pa na lalahukan ngayong buwan

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAY dalawang torneo pang lalahukan ngayong buwan si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.

Ito ay matapos na magkamit siya ng bronze medal sa INIT Indoor Meeting Karlsruhe sa Germany nitong Lunes ng umaga.

Ang nasabing tagumpay ay ilang araw lamang ang pagitan ng magwagi ito ng gintong medalya sa Asian Indoor na ginanap sa China.

Sinabi ni Obiena na ang paglahok sana niya sa Germany ay muntik ng hindi matuloy dahil sa problema sa scheduling at pagbiyahe.

Subalit sa tulong ng Embahada Pilipinas ay naresolba ang ilang usapin kaya nakapaglaro ito sa kumpetisyon sa Germany.

Sa ngayon ay mag-re-regroup muna sila ng kaniyang coach para tignan ang lagay ng katawan dahil sa naging matinding biyahe para sa dalawang torneo.

Hindi pa rin nito tiyak kung makakasabak ito sa torneo sa France sa darating na Pebrero 19 at sa Poland sa darating na Pebrero 22.

Nagpaabot ng pakikiramay si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa naiwang pamilya ni dating Speaker Jose de Venecia

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“Today, we mourn the passing of one of the greatest pillars of Philippine democracy and the political father of Lakas-CMD, former Speaker Jose de Venecia Jr.—a man whose brilliance, courage, and compassion helped shape the soul of our nation,” ani Romualdez.

Pinangunahan ni de Venecia ang ilang reporma sa Kamara at pagkakaroon ng Rainbow Coalition.

“Speaker Joe also made his mark on the world stage. He tirelessly championed interfaith dialogue long before it became a global agenda, making the Philippines a moral force in the international community. For that, and so much more, the world listened when he spoke,” pahayag pa nito.

“To Manay Gina, Cong. Christopher, and the entire De Venecia family—on behalf of Lakas-CMD and the House of Representatives—I extend our deepest condolences. We grieve with you, and we honor with you the extraordinary life of a man who gave his all for the Filipino people.”
(Vina de Guzman)

Mayor Jeannie, bumisita at nagbigay ng pagkain sa mga nasunugan sa Malabon

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na nagtungo si Mayor Jeannie Sandoval sa Malabon Evacuation Center kung saan inilikas ang may 80 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Mabolo St., Brgy., Maysilo upang kumustahin ang kalagayan ng mga ito at magbigay ng pagkaing pangtanghalian bilang agarang tulong. Naglatag din ng mga tent ang DRRMO, nagsagawa ng intake at profiling ang CSWDD, nagbigay ng agarang medikal na tulong ang City Health Office, at patuloy ang pag-aassist ng MCAT sa mga pamilyang naapektuhan upang matiyak ang kanilang kaligtasan at kapakanan. (Richard Mesa)

Prayoridad na anti-fake news bill dapat na protektahan ang kalayaan sa pagsasalita

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang anti-fake news measure kung ibabalanse nito ang regulasyon na may proteksyon at hindi masasagasaan ang freedom of expression.
Binigyang diin na ang hindi pagsang-ayon at critical views ay hindi dapat na sugpuin.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na binanggit ng Pangulo ang isyu sa isinagawa kamakailan lamang na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting, kung saan ang panukalang bill laban sa fake news at digital disinformation ay kasama sa 21 priority measures na target na ipasa sa Hunyo.
“Ang sabi lamang po ng Pangulo… ay dapat pong balansehin… dahil baka po masagasaan iyong freedom of expression. Dapat mai-define mabuti kung ano po iyong sinasabi nating fake news at disinformation,” aniya pa rin.
At nang tanungin kung maaari bang gamitin ang panukalang measure para lansagin ang kontra at critical views laban sa pamahalaan, nagbigay ng pagtiyak si Castro na “Hindi po hahayaan ng Pangulo na masagasaan ang anumang freedom of expression/freedom of speech ng ating mga kababayan.”
Maliban mula sa anti-fake news proposal, prayoridad ni Pangulong Marcos ang pagsabatas ng travel tax abolition, online child protection, Bangsamoro elections, at political dynasty reform.
Ukol naman sa panukalang anti-political dynasty bill, winika ni Castro na hindi pa nai-endorso ng Pangulo ang specific provisions, habang ang Kongreso ay nagasasagawa pa rin ng public consultations.
Sinabi nito na kailangan pang i- assess ni Pangulong Marcos kung anong bersyon ang susuportahan sa oras na isapinal na ng mga mambabatas ang nasabing panukala.
(Daris Jose)

Office of Executive Secretary, rerepasuhin ang kaso ni Veloso sa gitna ng clemency plea

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

REREPASUHIN ng Office of the Executive Secretary (OES) ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na hinatulan sa ibang bansa ng drug trafficking, sa gitna ng kanyang petition for clemency.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na rerepasuhin at rerebisahing mabuti ng OES ang pinakabagong ‘minutes of the meeting’ sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas para madetermina kung mayroong batas na malalabag sa pagkakaloob ng clemency.
Gayunman, winika ni Castro na ang pagkakaloob ng clemency ay prerogative pa rin ng Pangulo.
“Kanina lang po ay nakausap po natin mismo ang sa OES at sinasabi po nila na aaralin po kung ano pa iyong mga probisyon at kung ano ba iyong minutes of the meeting nila sa bansang Indonesia at prerogative pa rin po ng Pangulo ang masusunod,” ang sinabi pa rin ni Castro.
“Aaralin po nila iyong pinakahuling minutes of the meeting nila with Indonesia at titingnan po nila kung walang anumang malalabag na batas at, muli, prerogative po ng Pangulo kung anuman po ang kanyang igagawad dito,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na mas maganda na personal na maipaabot ng kampo ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahatulan sa ibang bansa ng kasong drug trafficking ang kanyang open letter kay Pangulong Marcos.
“Mas maganda po sana na itong open letter niya ay personal or maipaabot ito mismo sa Pangulo para magkaroon po ng tamang pagdedesisyon patungkol po dito,” ayon kay Castro.
Sa ulat, hiniling ni Mary Jane Veloso sa gobyerno ng Pilipinas na pagkalooban siya ng kalayaan upang maalagaan ang kanyang matatandang magulang at mga anak matapos ang 16 na taong pagkakawalay.
Sa kanyang liham na inilabas ng Migrante International, sinabi ni Veloso na wala na siyang ibang hiling kundi makapiling muli ang kanyang pamilya at iparamdam sa kanyang mga anak ang pagmamahal ng isang ina.
Ipinahayag din niya ang hirap ng kanyang mga magulang na bumibiyahe mula Nueva Ecija ng 8 hanggang 10 oras para lamang bisitahin siya, kasama na ang gastos sa pamasahe at pagkain.
Iginiit din ni Veloso na makalipas ang isang taon mula ng malipat siya dito sa Pilipinas, nananatili pa rin siyang nakakulong kahit wala siyang nagawang kasalanan maging sa ating bansa.
Bagama’t nagpapasalamat si Veloso sa lahat ng sumusuporta sa kanya para makalaya na siya, at dalangin na pagpalain sila ng Diyos sa kanilang kabutihan. Umapela rin si Veloso ng patuloy na suporta para ikampaniya ang kanyang paglaya.
Si Veloso ay kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong, matapos siyang ilipat mula Indonesia patungo sa Pilipinas.
Nagtagal siya ng 15 taon sa kulungan, at ang dating sentensiyang kamatayan ay pinalitan noong 2015 dahil sa apela ng gobyerno ng Pilipinas. ( Daris Jose)

Sa Third LEDAC Meeting… PBBM, inaprubahan ang 21 PRIORITY LEGISLATIVE MEASURES, kabilang na ang ANTI-DYNASTY BILL

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes ang 21 priority measures sa isinagawang Third Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) full meeting ng 20th Congress na idinaos sa Palasyo ng Malakanyang.
Target na maipasa ang mga priority proposals sa buwan ng Hunyo, dinisenyo para paghusayin ang kalidad ng buhay para sa mga Filipino, i-enhance ang social protection, at i- promote ang transparency at accountability sa gobyerno.
“Sa naganap na LEDAC meeting kaninang umaga, binigyang-prayoridad ni Pangulong Marcos Jr. ang 21 priority legislations na makakatulong na maiangat ang pamumuhay ng taumbayan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Palasyo ng Malakanyang.
“Sa kabuuan, natuwa at kuntento naman ang Pangulo sa mga priority bills na inaasahang maipapasa bago mag-Hunyo ngayong taon,” aniya pa rin.
Kabilang sa mga priority proposals ang Travel Tax Abolition; Expanded Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act of 2026; Anti-Fake News and Digital Disinformation; at maging ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Elections.
Ang iba pang priority legislative measures ay kinabibilangan ng Anti-Political Dynasty Law; Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability or CADENA Act; Independent People’s Commission Act; at Party-List System Reform Act.
Ang natitirang priority proposed laws ay ang Amendments to the Bank Deposits Secrecy Law/ Banking Reform for Integrity, Good Governance, Honesty, and Transparency (BRIGHT) Act; Right to Information Act; Amendments to the Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act;Amendments to the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act; Amendments to the Masustansyang Pagkain Para Sa Batang Pilipino Act; Amendments to the Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Act; Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act; at National Center for Geriatric Health.
Kabilang din sa priority legislations ay ang Waste-to-Energy (WTE) Bill/Waste Treatment Technology Act; Amendments to the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA)-Energy Regulatory Commission (ERC) Strengthening Bill; Amendments to the Rice Tariffication Law/Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act; Department of Water Resources; at Estate Tax Amnesty.
(Daris Jose)

Anomalya sa DPWH, lilinisin ayon kay Usec.Espiritu

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MALUGOD na tinanggap at pinaunlakan ang mga bumisitang mamamahayag para makapanayam ang Undersecretary ng Finance, HR , Procurement ng Department of Public Works and Highways o DPWH na si Usec. Atty. Rio Espiritu ukol sa mga isyu na ipinupukol sa kanilang ahensya.

Aniya, sa kabila ng mga isyu na ito ay unti – unting binabago ang imahe ng kanilang departamento dahil sa sunud sunod na mga lumabas na anomalya na galing sa nasabing ahensya. Patuloy ang kanilang pag-iimbestiga para mapanagot ang mga tunay magnanakaw sa kaban ng bayan.

Isa na rito ang mga kontraktor na nagpapayaman kasama ang mga taong nasa likod nang maanomalyang flood control projects at mga ghost projects sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Tuluyan nang sinampahan ng kaso ang mga mapapatunayan na kasabwat sa nasabing eskandalong kinasangkutan ng mga District Engineers, Assistant District Engineers, Regional Directors, Assistant Regional Directors at iba pang sangkot dito kasama ang mga senador, kongresista at kontratista ng nasabing ahensya.

Sinabi rin ni Usec. Espiritu na ang lahat ng ari-arian ay mapi -freeze, kapag mapatunayan na ito ay galing sa kaban ng bayan at ito ay mapupunta sa national treasury upang magamit ang pondo sa iba pang mga proyekto ng pamahalaan.

Dahil ayon sa utos ng ating Pangulong Marcos ay lilinisin nang husto ang ahensya at baguhin ang imahe nito.

Sinabi rin ni Usec. Espiritu, sa tulong ni Secretary Vince Dizon ay mapapanagot na ang lahat ng may sala at bukod pa rito ay malilinis ang imahe ng ahensya para maibalik ang kompyansa ng taumbayan sa DPWH. (Kim Bornella/ Photos: Boy Morales Sr.)

Libreng pay wards or shared room sa mga ospital ng DOH, pinag-aaralan ng pamahalaan ni PBBM

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Health (DoH) ang probisyon ng free pay wards o shared rooms sa DOH-run hospitals para sa mga direct contributors ng PhilHealth.
Ang inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyakin na makatatanggap ang mga Filipino ng “best possible healthcare services.”
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, bilang tugon sa hangarin ni Pangulong Marcos na walang Pilipinong mahihirapan sa mga pagamutan ay pinag-aaralan na ngayon ng DOH sa pangunguna ni Secretary Ted Herbosa ang paglabas ng department memorandum circular.
“Mag-uutos ito sa lahat ng DOH hospitals na maging zero balance billing ang mga pay wards para sa mga direct contributors ng PhilHealth,” ang sinabi pa rin ni Castro.
Ang mga pay wards ay iba pa sa basic accommodation na sa kasalukuyang sakop ng zero balance billing. Tututukan po natin ito. Nais ng Pangulo ang mas maganda at mas epektibong health care para sa mga Pilipino para sa bagong Pilipinas.
( Daris Jose)

Ikatlong impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte, isinampa sa Kamara

Posted on: February 11th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISANG sinumpaang tungkulin at moral obligation ng mga mambabatas na panagutin ang mga abusadong opisyal ng pamahalaan.
Ito ang paliwanag ng isang grupo ng mga pari, madre at mga abogado na nagsampa ng ikatlong impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte sa Kamara nitong Lunes.

Sa inihaing 98-pahinang reklamo, inakusahan ng grupo si Duterte ng hindi umano wastong paggamit sa P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at maging sa panahon ng panunungkulan nito bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Atty. Amando Ligutan, kanilang inihain ang reklamo laban sa Bise Presidente dahil sa pag-abuso ng kanyang kapangyarihan na dapat niyang panagutan sa sambayanan.

Kabilang sa mga reklamo laban kay VP Duterte ay betrayal of public trust, plunder, malversation, bribery, graft and corruption at iba pa. Ang reklamo ay inendorso ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima.

Ayon kay Ligutan, ang reklamo ay batay sa congressional inquiry ng House committee on good government and public accountability kung saan naisiwalat ang ilan sa mga impormasyon na masasabing impeachable offenses ni VP Duterte.

Kabilang dito ay ang hindi wastong paggamit ng confidential funds ni VP Duterte noong nanunungkulan siya bilang DepEd Secretary, umano’y panunuhol sa mga opisyal ng nasabing ahensiya at di maipaliwanag na kayamanan.

Isa rin dito ay pababanta ni VP Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Nakapaloob din sa ikatlong reklamo ang sinumpaang salaysay ni Ramil Madriaga, isang dating aide ni VP Duterte, na nagsabi na galing umano sa drug money ang campaign funds noong 2022 presidential elections.
(Vina de Guzman)