• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 10th, 2026

Goitia: Paninindigan para sa Soberanya ng Pilipinas Panahon ng Linaw at Paninindigan

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA gitna ng mga pahayag na kumakalat online hinggil sa West Philippine Sea, pinaalalahanan ni Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia ang publiko na maging mapanuri sa mga naratibong nagpapahina sa tiwala ng bansa sa batas at sa sariling soberanya.

Aniya, may mga pahayag sa social media kabilang ang mula kay Sass Rogando Sasot, na kailangang suriin nang mabuti, lalo na kung ang epekto nito ay ang pagdududa sa mga karapatang matagal nang pinagtitibay ng batas internasyonal.

“Kapag ang pagdududa na walang batayan ay tinatanggap bilang normal,” ani Goitia, “ang pag-iingat ay nagiging anyo na ng pagsuko.”

Simple at malinaw ang batas. Ang West Philippine Sea ay isang katawagang heograpikal, samantalang ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ay isang ligal na sona sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Hindi kailanman pinaghalo ng Pilipinas ang dalawang ito.

Ang karapatan ng Pilipinas sa karagatan ay hindi nakabatay sa katawagan, kundi sa umiiral na batas internasyonal.

“Kapag ginagawang komplikado ang malinaw,” ani Goitia, “nagdudulot ito ng kalituhan sa publiko.”

Mahalaga umanong linawin na ang mga kasunduang internasyonal ay hindi kusang nagpapawalang-bisa ng mga umiiral na batas ng bansa.

Hindi aniya kailanman naging malabo ang paninindigan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Ito ay ipinagtatanggol bilang bahagi ng EEZ ng bansa, hindi bilang lupain. Sa ilalim ng UNCLOS, may ganap na karapatan ang Pilipinas na magpatupad ng batas, ipagtanggol ang likas-yaman, at panatilihin ang presensya nito sa loob ng EEZ. Ang mga karapatang ito ay malinaw na pinagtibay ng arbitral ruling noong 2016.

“Hindi kailangang angkinin ang lupa upang ipagtanggol ang karapatan sa dagat,” diin ni Goitia. “Iyan ang mismong prinsipyo ng UNCLOS.”

Sa ganito umanong konteksto, ang patuloy na presensya ng BRP Sierra Madre ay ligal, makatarungan, at naaayon sa batas. Ang mga pahayag na kumukuwestiyon dito ay bunga ng maling paghahalo ng soberanya at karapatang pandagat.

Ang desisyon ng Pilipinas na tahakin ang landas ng arbitration ay hindi tanda ng kahinaan, kundi patunay ng disiplina at lakas ng paninindigan ng estado. Pinili ng bansa ang larangang pinaghaharian ng batas, hindi ng pananakot o pwersa.

“Hindi tayo umatras,” ani Goitia. “Pinili natin ang prinsipyo, at ibinagsak ng batas ang mga pag-angking walang ligal na batayan.”

Ito ay maingat, matalino, at makabayang pamamalakad na naglalayong ipagtanggol ang interes ng Pilipinas sa pangmatagalan.

“Kapag ang isang bansa ay tinuruan na magduda sa sarili nitong karapatan,” babala ni Goitia, “binibigyan nito ng bentahe ang mga nais pahinain ang soberanya ng bansa.”

Wala umanong batas mula sa Kongreso at walang desisyon ng Korte Suprema na nagpawalang-bisa sa Presidential Decree No. 1596. Gayundin, walang pahayag sa arbitration na may kapangyarihang gawin ito.

Ang UNCLOS ay nakatuon sa mga karapatang pandagat, hindi sa pagbura ng mga pambansang batas. Kinilala ng arbitral ruling noong 2016 na ang Ayungin Shoal ay sakop ng EEZ ng Pilipinas, kung saan may malinaw at lehitimong karapatang pandagat ang bansa.

“Hindi binawasan ng UNCLOS ang ating paninindigan,” ani Goitia. “Sa halip, nilinaw nito ang ating mga karapatan at kinumpirma ang lakas ng ating posisyon.”

Giit niya, ito’y panawagan ng pagbabantay at pananagutan. Kailangang maging mapanuri ang mga Pilipino sa mga pahayag na kumakalat online, lalo na ang mga pro-Tsina na naratibong unti-unting nagpapahina sa loob ng bayan at sa paninindigan ng estado. (Richard Mesa)

Arraignment ni Revilla sa kasong malversation, muling ipinagpaliban

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinagpaliban ng Sandiganbayan Third Division ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay dating Senator Ramon “Bong” Revilla sa kasong malversation ngayong Lunes, Pebrero 9.

Ito ay habang nakabinbin pa para sa resolution ang mga mosyon ng kampo ng dating Senador na kumukwestyon sa kaso laban sa kanya may kaugnayan sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Bilang resulta, iniatras ang arraignment ni Revilla kasama si dating Department of Public Works and Highways Bulacan First District Engineering Office finance section chief Juanito Mendoza sa Pebrero 16 sa oras na alas-otso trenta ng umaga.
Matatandaan, nakaladkad ang pangalan ng dating Senador sa flood control scandal matapos na isiwalat ni dating DPWH USec. Roberto Bernardo na nakatanggap umano ang dating Senador ng kickbacks para sa pag-endorso ng flood control projects.
(Daris Jose)

Desisyon sa impeachment ni PBBM ipinauubaya na sa Kamara – Malakanyang

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAPAUBAYA na ng Malacañang sa House of Representatives ang anumang magiging desisyon kaugnay ng impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y matapos inakyat na sa plenaryo ang committee report na nagbabasura sa reklamo laban sa punong ehekutibo.

Ayon kay Palace Press Officer,Undersecretary Claire Castro, iginagalang ng Pangulo ang proseso sa Kamara at umaasang ibabatay ng mga mambabatas ang kanilang magiging pasya sa ebidensiyang natalakay sa justice panel.
Bagama’t binibigyang-diin ng Konstitusyon na maaaring umusad ang isang impeachment complaint kapag nakakuha ito ng hindi bababa sa one-third na boto ng plenaryo ng Kamara.

Nanindigan ang Palasyo na kumpiyansa ang Pangulo na wala siyang ginawang impeachable offense.

Ayon pa kay Castro, umaasa si Pangulong Marcos na kahit itinuturing ng ilan ang impeachment bilang isang political tool, mananaig pa rin ang patas na paghusga batay sa mga ebidensiya at talakayang isinagawa sa komite. ( Daris Jose)

NHA, DPWH NAGSANIB PUWERSA PARA SA RESETTLEMENT NG MGA ISFs SA LUZON

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGPAPATULOY ng National Housing Authority (NHA) ang mandato nitong magbigay ng ligtas, disente at abot-kayang pabahay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Layunin ng pagtutulungang ito ang implementasyon ng mga proyektong nagkakahalaga ng ₱1.8 bilyon na mapapakinabangan ng libu-libong informal settler families (ISFs).”

Ang kolaborasyong ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapatupad ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan. Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng dalawang ahensya, ang DPWH ang magpopondo sa mga proyekto sa ilalim ng Comprehensive and Integrated Housing Program (CIHP) at Resettlement Program for ISFs ng NHA. Ang mga proyektong ito ay upang tugunan ang relokasyon ng mga ISFs sa Metro Manila, CALABARZON, at Central Luzon.

Dagdag pa rito, nakasaad sa MOA na mananatiling lead agency ang NHA sa pagsasagawa at pagtatayo ng mga proyektong ito sa ilalim ng mga nabanggit na programa upang matiyak ang maayos na paglipat ng mga pamilya. Samantala, sisiguraduhin naman ng DPWH ang tuluy-tuloy na pagpopondo para sa implementasyon ng proyekto, gayundin sa pagbibigay ng tulong sa pagkuha ng mga kinakailangang clearance mula sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) at iba pang kaukulang ahensya.

Binigyang-diin ni NHA General Manager Joeben Tai na ang naturang partnership ay sinisigurado ang pinakamataas na pamantayan sa integridad ng istruktura at sa transparency ng implementasyon nito.

“Our goal is directly aligned with President Ferdinand R. Marcos, Jr. ‘s Expanded 4PH Program to fast-track the transition of our fellow Filipinos from danger zones to dignified and permanent communities,” saad ni GM Tai.

“We will ensure that every peso of these funds is utilized strictly for its purpose,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, patuloy ang koordinasyon ng NHA at DPWH para sa maayos na implementasyon ng programa.
(PAUL JOHN REYES)

CALOOCAN LGU, NAG-TURN-OVER NG HOUSING UNITS SA 4PH BENEFICIARIES

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan, ang pamamahagi ng mga housing unit sa mahigit 125 indibidwal na binubuo ng unang grupo ng mga rehistradong benepisyaryo sa Barangay 168 Deparo.

Inaasahang mahigit 10,820 residente ng Caloocan ang makikinabang sa Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH).

Ang Expanded 4PH ay nagbibigay ng mura ngunit disente at permanenteng mga pagkakataon sa pabahay sa mga mahihina at marginalized na nasasakupan ng lungsod, lalo na ang matagal nang mga informal settlers.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa mga ahensyang nakipagtulungan para maging posible ang programa, at binati rin ang kanyang mga nasasakupan para sa kanilang mga bagong tahanan.

“Maraming salamat po sa National Housing Authority (NHA), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pag-IBIG Fund sa inyong pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang matiyak na mabigyan ng tirahan ang mga kababayan nating lubos na nangangailangan,” pahayag ni Mayor Along.

“Sa ating mga benepisyaryo, sana ay magkaroon kayo ng bagong pag-asa kasabay ng mga bagong tahanan na tutuluyan ninyo, at sana ay alagaan ninyo ito nang mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ng inyong pamilya,” dagdag niya.

Ang pamamahagi ng mga bagong housing unit ay ipagpapatuloy sa ilalim ng koordinasyon ng HARO, dahil higit sa 60 units ang inaasahang ilalaan sa mahigit 200 benepisyaryo sa mga susunod na linggo. (Richard Mesa)

Operation Birth Right, paiigtingin ng Manila LGU

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Manila City Civil Registry Office (CCRO) Director Atty. Jaime Tejero na patuloy ang kanilang pagpapaigting ng Operation Birth Right para sa mga residente ng lungsod.

Ang paniniyak ay ginawa ni Tejero, kasunod ng impormasyon na marami pa rin sa mga taga-Maynila ang walang birth certificate, marriage certificate o mali sa pangalan.

Ayon kay Tejero, inilalapit na nila sa barangay ang pagkuha ng mga birth at marriage certificate na kadalasang sa mismong city hall lamang mapoproseso.
Ipinatutupad na rin ni Tejero ang Operation Birth Right sa mga barangay upang hindi na gumastos ng pamasahe ang mga nais na kumuha ng birth certificate.

Sa ilalim ng pagseserbisyo ng CCRO, bukod sa birth at marriage certificate maaari ring ipro­seso ang late registration, death certificate, consultation at evaluation ng mga requirements para sa correction of entries sa live birth, marriage at pagpapalit ng pangalan.

Nag-post pa ng throwback photo nila… ICE, sobrang grateful na makakasama sa concert sina TITO, VIC at JOEY

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA wakas, kumpleto na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon bilang special guest sa “Being Ice LIVE!” concert ni Ice Seguerra sa The New Frontier Theater, Araneta City sa February 27 na mula sa Fire and Ice Live.

Alam naman natin na nagsimula ang showbiz career niya sa “Eat Bulaga” noong Aiza Seguerra pa lang siya at naging 4th runner-up sa Miss Little Philippines noong 1987.

Kaya sobrang happy and excited ni Ice sa nalalapit na concert.
Nag-post pa siya ng throwback photo kasama ang TVJ.
May caption ito na, “Mababali ba mga buto’t kasukasuan namin kapag ni-recreate namin ‘tong picture na ‘to?
“Baka hindi n’yo pa alam ha! Sina Tito, Vic, and Joey ang special guest ko sa Being Ice LIVE at the New Frontier! Kaya grab your tickets na.”
Sobrang grateful nga ni Ice sa pagpayag ng TVJ, na malaki talaga ang nagawa sa kanyang kasikatan, mula sa pag-arte hanggang maging ganap na mang-aawit.
Kaya kaabang-abang na naman ang concert ni Ice, dahil maraming bagong kuwento at pasabog na performances.
***
SAMANTALA, opisyal nang inilunsad ng pinalawak na malikhaing ecosystem ng Fire and Ice Entertainment, na pinagsasama-sama ang mga konsiyerto, mga bagong inilabas na musika, mga orihinal na pelikula at serye, at mga produksiyon sa teatro na nakatakdang ilunsad sa buong 2026.
Ipinakilala ng Fire and Ice Entertainment ang limang magkakaibang ngunit magkakaugnay na brand: Fire and Ice LIVE!, Fire and Ice Music, Fire and Ice Studios, Fire and Ice Media, at Fire and Ice Consultancy.
“Fire and Ice Entertainment was built on the belief that artists and ideas deserve long-term support, —not just one-off projects.” Pahayag ni Liza Diño, Chief Executive Officer of Fire and Ice Entertainment.
“By formally launching these five brands, we are putting structure behind a vision that allows creativity to thrive across live performance, music, screen, theatre, and cultural development while contributing meaningfully to the growth of the Philippine creative industry.”
Inihayag ng Fire and Ice LIVE! Ang pangunahing konsiyerto at live production para sa taon ito na kinabibilangan ng:
‘Being Ice: Live!’ sa New Frontier sa Pebrero 27, New Frontier Theater
‘Love, Sessionistas’ sa Abril 18, Waterfront Cebu Hotel and Casino
‘Sittiscape: The City of Bossa’ sa Mayo 17, Newport Performing Arts Theater.
Divine Divas: Divine Rules the World sa Mayo 31, Newport Performing Arts Theater.
Kinumpirma rin ang mga plano sa paglilibot sa ibang bansa, kasama ang “Being Ice” na nakatakdang maglibot sa Australia at Europa.
Nag-anunsyo ring ng mga paparating na produksyon sa entablado:
‘Still Alice’ (Setyembre 27 – Oktubre 5)
‘’Night, Mother’ (Nobyembre 26 – Disyembre 5)
Sa Fire and Ice Music ini-launch din ang mga contract stars na sina Ice Seguerra; Princess Velasco; Divine Divas (Precious Paula Nicole, Viñas DeLuxe, Brigiding); at Louise.
Inanunsyo rin ng label ang listahan ng mga paparating na EP release: ‘Tamang Panahon’ ni Ice Seguerra, ‘Always You’ ni Louise, ‘Divine Rules The World’ ng Divine Divas at ‘Still Here’ ni Princess Velasco.
Ihahatid naman ng Fire and Ice Media ang mga orihinal na kuwento para sa screen and sound.
Ilang sa aabangang feature films: ‘Aid’ directed by Brillante Mendoza, ‘Karaoke News’ directed by John Paul Su, ‘Becoming Ice’ documentary by Tey Clamor, ‘Funeral Flowers’ – an original Fire and Ice Media project by Liza Diño and Ice Seguerra’
and ‘Island Girl’ – an original Fire and Ice Media project by Ice Seguerra.
Series in development: ‘Never The Bride’ – an original series created by Liza Diño
‘Behind The Line’ – an original series created by Liza Diño
Key announcements include the return of ‘Talk Sheets’ with Ice and Liza for its second podcast season.
Punum-puno ng mga projects ang Fire and Ice sa taong 2026, kaya marami silang matutulungan sa entertainment industry.

(ROHN ROMULO)

Binahagi sa vlog ni Ms. Charo habang bumibili ng alahas… POKWANG, nawalan ng relo na worth P350K sa shooting ng pelikula

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na nagkaroon na ng hindi magandang karanasan ang comedienne/host na si Pokwang nang mawalan siya ng mga alahas, patuloy pa rin siya sa pagbili at pangongolekta.

Nailahad ni Pokwang sa You Tube ni Ms. Charo Cordial (You Tube: @Maddox_Jewelry) nang bumisita siya sa showroom ng Maddox sa 1011 JP Rizal Street, Concepcion Uno, Marikina City, Metro Manila.

Ms. Charo asked Pokwang the incident when she lost her jewelry.
Sagot ni Pokwang, “Ay, oo! Tapos relo. Shooting ng pelikula. Pinahubad sa akin no’ng nasa wardrobe. Tapos, hindi ko na alam kung kanino ko naabot. Wala namang umaamin.

“On the set, nagmamadali kami, hindi ko na maalala. Nasa elevator kami no’n. P350,000 ang bili ko ro’n. Sige, hayaan mo na,” nasabi na lang n’ya.

Dahil parehong mga negosyante at online sellers din, kung nakabili si Pokwang ng mga alahas sa Maddox, nagbenta rin siya ng mga pagmamay-ari niya ng jewelry sa Maddox, bukod pa sa kanyang mga Mamang Pokwang gourmet products.

Being the trusted in jewelry, specifically diamond si Ms. Charo, lalo na ng mga celebrities, hindi maitatanggi that she is also now, one of the trusted vlogger or content creator.

‘Yung mga nagiging client niya sa Maddox, they turned to be interesting and inspiring vlog content. Ang dami nilang nairi-reveal kay Ms. Charo during their chikahan at habang tumitingin ang mga ito ng jewelry.

As of press time, isa sa maraming views ang content na ito ni Ms. Charo kay Pokwang. Bukod sa nawalang alahas, napag-usapan din nila ang ex-partner ng actress/host. Gayundin ang mga bashers niya at iba pa.

You can still catch it at Maddox_Jewelry You Tube and their other social media accounts in Facebook, Instagram and Tiktok. So far, for Maddox FB official account, it already has 1.8M views in just one day.

Ms. Charo Cordial from being a Licensed Agricultural Engineer to becoming a respected jewelry titan and also a trusted content creator/vlogger of celebrities

***

MAGANDA talaga ang samahan nina Jodi Sta. Maria at ex-husband niya na si Pampi Lacson.
Maging sina Jodi at Iwa ay parang best of friends.
Nag-post kasi si Iwa ng sweet message para kay Pampi sa kanyang Instagram account.
Sey nito, “The man who owns my heart. The father of my children. The love of my life. Sweet ako mahal kasi malapit na valentines. After valentines di na tayo bati ulit. hahaha. I love you mahal @iampampi.
“Kidding aside I love you mahal. To infinity and beyond.”

Nag-comment si Jodi na “Sweet nyo ready na gown ko.”
Madaling i-asssume na ang reply ni Jodi ay nagpapahiwatig na tila ikakasal na sina Pampi at Iwa at tipong okay siya na maging abay.
Sinagot naman ito ni Iwa na, “huuuuy wala pa amor. alam mo naman na ikaw ang isa sa mga unang makakaalam.”

(ROSE GARCIA)

Nakalipat na sila ni Mikee sa pinagawang mansyon… ALEX, pinagkakatiwalaang endorser dahil malakas pa rin sa social media

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKATUWA at nakabibilib namam talaga ang suportahan sa isa’t-isa ng popular couple na sina Alex Gonzaga at Lipa, Batangas Vice Mayor Mikee Morado.

Kung full support si Alex sa political career ng mister ganoon din naman si VM Mkee na parati siyang nakasuporta sa mga project ng asawa.

Like sa nakaraang contract signing-mediacon ni Alex para sa new endorsement na Captain Calamares(owned by Mr and Mrs Jolo & Kathleen Prado). From Batangas ay bumiyahe pa sa si Mikee sa venue ng event sa Tio Pepe Resto sa Molito Lifestyle Center sa Alabang.

Nakita ng inyong columnist kung gaano kamahal ni Mikee itong si Alex also her mother in-law Mommy Pinty Gonzaga.

Nagbigay pugay rin ito sa 95 years old na Lolo Johnny ni Alex sa mother side at Uncle Jojo, na very close na sa kanila ni Alex.

By the way, talagang pinag-ipunan ni Sir Jolo na may 56 branches na ng Captain Calamares para ma-afford raw nila ang TF ni Alex.

Marami raw nagsa-suggest sa kanila na si ganitong artista at vlogger ang kunin nila, na sasapat sa kanilang budget. Pero nag-stick sila ng wife na si Kathleen sa choice nilang si Alex dahil naniniwala sila sa malakas na impluwensiya nito sa social media.

Favorite pala ng top vlogger and actress-comedianne(Alex) ang honey sriracha flavor ng ineendorsong fast growing seafood kiosk. Ilan pa sa flavor ng kanilang calamares ay classic, garlic parmesian, spicy at salted egg.

Samantala, from their condo ay nakalipat na pala sina Alex at Mikee kanilang ipinagawang mansyon sa Alabang.

Regalo ng parents ni Mikee ang lupang kinatitirikan ng bahay ng mag-asawa.

***

KAHIT namayapa na si Nora Aunor ay patuloy pa ring binibigyan ng parangal ang ating nag-iisang superstar.

Sa nakaraang 3rd Newmaker of the Year Awards, pinagkalooban ng posthumous honors si Ate Guy bilang National Artist ng bansa.

Ginanap ito last Feb. 2 sa Manila Hotel at si Ian de Leon kasama ang anak na si Jayden ang tumanggap ng award ng kaniyang Mommy Guy. Pinasalamatan ni Ian ang Manila Bulletin sa pagkilala ng mga ito sa naging ambag ng ina sa entertainment industry.

Nangako ang actor na ipagpapatuloy niya ang legacy ng kanyang Mommy Guy, kabilang na ang Nora Aunor Foundation nito na muli niyang inilunsad kasama ang ilang mga Noranians.

(PETER S. LEDESMA)

Black Roses this Valentine’s Day with “The Rose: Come Back To Me” A-Exclusive Valentine’s Treat Exclusively at Ayala Malls Cinemas

Posted on: February 10th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Photo credit: Ayala Malls Cinemas

BLACK ROSES, THIS ONE’S FOR YOU!

Ayala Malls Cinemas proudly presents “The Rose: Come Back To Me,” an A-Exclusive Valentine’s Week core that transforms music, love, and healing into a touching big-screen experience, available exclusively from February 14 to 20. The Rose, a Korean Indie-Rock band, invites fans, Black Roses, to celebrate Valentine’s Day with their intimate documentary film through music connection, resilience, and shared emotion about their career and journey in the music industry.

Ayala Malls Cinemas brings this story to the big screen, continuing to be a haven for Hallyu fans, offering plush seats with generous legroom, and premium audiovisual experiences with Dolby Sound and Dolby Atmos that make every experience feel up close and personal.

“The Rose: Come Back To Me” tells the story of The Rose’s members Kim Woosung, Park Dojoon, Lee Hajoon, and Lee Jaehyeong, who left the K-pop trainee system to create their own path in the music industry. Featuring “Trauma,” an original song written for the documentary’s release, the film traces The Rose’s rise to millions of listeners across multiple music platforms, while giving voice to how they endured challenges such as legal battles and a hiatus that tested them, revealing their journey of redemption and resilience as they dedicate their craft to their fans.

Ayala Malls Cinemas encourages the fans to reserve early at www.sureseats.com to secure tickets for this exclusive theatrical run, a Valentine’s Day treat from Ayala Malls Cinemas, set to play at Ayala Malls Manila Bay, Bonifacio High Street, Glorietta 4, Greenbelt 3, U.P. Town Center, Marquee Mall, Centrio, Capitol Central, Solenad, Feliz, Vermosa, and A-Giant Cinemas at Trinoma and Ayala Center Cebu.

Spend your Valentine’s day with The Rose, and share your special movie date on social media using #TheRoseComeBackToMe #ValentinesWithTheRose #AyalaMallsCinemas, and join the fandom nationwide in celebrating love for music, hope, healing, and the brotherhood of Woosung, Dojoon, Hajoon, and Jaehyeong through their comeback, and heartfelt chronicle on the big screen—only at Ayala Malls Cinemas.

(ROHN ROMULO)