• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 9th, 2026

PBBM pinangunahan ang groundbreaking ng PLM College of Allied Health Services Building sa Maynila

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang groundbreaking ng gusali ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Allied Health Services sa Maynila para sa pagsasanay ng susunod na henerasyon ng mga health professionals sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ang proyekto ay magpapataas ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.

“Sa pagtatayo ng College of Allied Health Sciences Building, mabibigyan ng pagkakataon ang nakakabatang henerasyon na aralin ang mga kursong pang-medisina. Sila po ang mga susunod na haligi ng ating sektor ng pangkalusugan,” wika ni Pangulong Marcos sa seremonya sa Ospital ng Maynila Medical Center sa Malate.

Layunin din ng pamahalaan na matulungan ang mga estudyanteng kapus-palad na makapag-aral sa isang de-kalidad na pamantasan.

“Hangad din nating maging halimbawa ang proyektong ito upang mas mapalawak ang sakop at mapabuti ang kalidad ng edukasyon na ating inihahatid sa ating mga kababayan,” dagdag pa ng Pangulo.

Pinuri rin ng Pangulo ang paglulunsad ng mga bagong kurso sa agham ng PLM, kabilang ang Medical Technology at Radiologic Technology at kinilala rin niya ang 16 na topnotchers at mga nagtapos ng kursong pangkalusugan.

“Nawa’y magamit ninyo ang inyong natutunan upang maglingkod sa mga pasyente at mapagaan ang kanilang pinapasan. Kailangan kayo ng ating bansa,” ayon sa Pangulo.

Ang limang-palapag na gusali ay magkakaroon ng modernong silid-aralan, laboratoryo, simulation rooms, pasilidad para sa pananaliksik, at mga tanggapan ng guro. Itatayo ito sa kanto ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard sa Malate. ( Daris Jose)

159 UCC BOARD PASSERS, NAKATANGGAP NG CASH INCENTIVE MULA SA CALOOCAN LGU/

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI ng University of Caloocan City (UCC) ang mahusay na pagganap sa akademiko dahil nakagawa ito ng kabuuang 159 board passers noong 2025, na pawang nakatanggap ng cash incentive mula sa pamahalaang lungsod bilang pagkilala sa karangalan na kanilang dinala sa lungsod at sa unibersidad.

Kabilang sa mga board passers ang 15 Certified Public Accountants, 65 Professional Teachers, at 79 Registered Psychometricians kabilang si G. Xian Arnel Pineda, na naging Top 4 passer ng Board and Licensure Exams for Psychometricians (BLEP).

Binati naman ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lahat ng passwrs at hinikayat silang magbigay ng inspirasyon at tulungan ang iba pang kabataan ng lungsod na pahalagahan ang edukasyon at bumuo ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya.

“Ang mga bagong board passers ng UCC ang patuloy na nagpapatunay na walang imposibleng pangarap para sa mga Batang Kankaloo. Congratulations sa inyong lahat!”

“Hiling ko lang, huwag ninyong kalimutan ang kapwa ninyo Batang Kankaloo at sama-sama nating silang tulungan at bigyan ng motibasyon na paghusayan pa ang pag-aaral,” dagdag ni Mayor Along.

Nangako rin ang alkalde na ipagpapatuloy ang mga programang nagsusumikap para mapabuti ang sistema ng edukasyon sa lungsod, mula elementarya hanggang sa graduate school programs.

“Mula elementary hanggang college, at kahit pa sa mga nakapagtapos na, sisiguraduhin natin na hindi mawawala ang suporta ng pamahalaang lungsod at magpapatuloy ang mga epektibong programang magbibigay pa ng mas malawak na oportunidad para sa inyong lahat,” pagtatapos niya.
(Richard Mesa)

PBBM, no reaction sa 2 impeachment complaint ni VP Sara na nasa Office of the House Speaker na

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“I HAVE no reaction.”
Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang hingan ng reaksyon kaugnay sa ulat na naisumite na ni House Secretary General Cheloy Garafil sa Office of the House Speaker ang dalawang impeachment complaints ni Vice President Sara Duterte.
Ang katwiran ng Pangulo “Hindi ko trabaho ‘yan, trabaho ng House. Pabayaan mo sila magtrabaho. I’m sure they will handle it properly.”
“Let them do their jobs,” aniya pa rin.
Nauna rito, kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil na nai-transmit na sa Office of the Speaker ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Garafil na ipinadala ito sa opisina ni Speaker Bojie Dy, araw ng Huwebes, alinsunod sa Konstitusyon at rules ng Kamara.
Ginawa aniya ang hakbang matapos matanggap at maberipika ang mga dokumento na isinumite ng complainants at endorsers.
Binigyang-diin din ni Garafil na ito ay ministerial duty ng kanyang opisina at ginagabayan ng Saligang Batas, House rules at matagal nang protocol.
Ang unang impeachment case laban kay Duterte ay isinampa ng Makabayan Coalition kabilang na si dating Congresswoman France Castro na inendorso ng Makabayan lawmakers.
Ang ikalawang complaint na inihain ng Tindig Pilipinas at ilang religious groups ay may endorsement naman nina Akbayan Representative Perci Cendaña at Mamamayang Liberal Representative Leila De Lima. ( Daris Jose)

Sa gitna ng panawagan na isuko na ang Kalayaan Island Group: Pinas, patuloy na igigiit ang karapatan sa WPS- Malakanyang

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang paggigiit sa soberanya nito sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng panawagan ni Senador Rodante Marcoleta na isuko na ang Kalayaan Island Group sa Palawan.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipagpapatuloy ng administrasyon na panindigan ang polisiya nito na huwag isuko ang anumang bahagi ng teritoryo nito sa foreign powers.
“Ipagpapatuloy ng Presidente ang kaniyang polisiya na ipaglalaban natin [ang WPS]. Even an inch of our territory ay hindi isu-surrender sa foreign powers,” ang sinabi ni Castro sa isang panayam.
“Hayaan na lamang natin ang Pangulo at DFA (Department of Foreign Affairs) at pamahalaan na mag-decide patungkol dyan,” aniya pa rin.
Sa isinagawang Committee on Appointments (CA) hearing, araw ng Miyerkules, sinabi ni Marcoleta na dapat nang siuko ng Pilipinas ang KIG sa Palawan dahil ang features nito ay “way beyond our exclusive economic zone (EEZ)”.
“Meron tayong mga isla na occupied natin ngayon, ang KIG. May apat na features sa KIG — Pag-asa, Parola, Kota, at Lankiam. Incidentally, itong apat na features ay way, way beyond our EEZ. Wala sila sa sakop ng EEZ,” ang winika ni Marcoleta.
“Ang gawin natin para madali, i-give up natin ang KIG then maco-coordinate na natin lahat,” aniya pa rin. ( Daris Jose)

Kakampi at hindi kontrabida sa entertainment industry… Chair LALA, aminadong kuripot at matipid kaya malaki ang savings ng MTRCB

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PANANAW ni MTRCB Board Member Nestor Cuartero, maganda talaga ang relasyon ngayon ng MTRCB sa mga taga-industriya ng pelikula at telebisyon.

Napagsama-sama ng MTRCB sa isang patalastas ang stakeholders, kabilang ang producers, mga artista, at ang First Family.

“I think really, it’s important to really work together,” pahayag ni MTRCB Chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio noong Pebrero 4, 2026, nang mag-courtesy call ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

“And encourage again the Filipino families to go back to the cinemas and enjoy that communal experience with their loved ones.”

Hindi na raw “kontrabida” ang imahe ng MTRCB sa mga taga-entertainment industry?

“Hindi masyado!” sambit ni Chair Lala.

“Iyon talaga ang tingin nila sa amin. Pero kami, alam namin dito sa loob — na kami ay allies.

“But hindi naman maiiwasan to feel that way and, you know, everybody’s entitled to think what they want to.
Natanong din kung power ba silang i-amend ang by-laws ng Movie and Television Review and Classification Board?
“We have the power to make a few changes in the IRR [Implementing Rules and Regulations] siguro,” tugon ni Chairperson Lala Sotto.
“By the memorandum circulars. But we cannot change the law. Kinakailangan ng amendment to the charter.
“We don’t have that power. That power belongs solely to the House of Representatives and the Senate to be approved by the President.
“Kung may gustong baguhin, ginagawa lang namin sa abot ng aming makakaya. Nagpapasa kami ng mga memorandum circular and board resolutions.
“Pero yung talagang pakikialaman ang batas? Hindi puwede. Kinakailangan ng amendment to the charter.”
May nananawagan ding i-abolish na lang daw ang MTRCB, puwede ba iyon?
“Puwede naman kung papasa both sa Congress and Senate at aaprubahan ng Presidente,” sabi ni Chair Lala.
“Kailangan both Senate and Congress ang magpapasa ng bill. It’s really up to them.”
Kuwento pa niya, mabilis silang nabibigyan ng budget at naaaprub agad.
“Mabilis at madali kaming naaaprub because we base it on the recommendation of the DBM [Department of Budget and Management],” sabi ni Chair Lala.
“And I’m very kuripot. I’m very matipid. Ha! Ha! Ha! Sobrang laki ng savings namin at bawal galawin.
“PHP670M na ang nase-save namin at bawal galawin. Ha! Ha! Ha! Unless kailangang-kailangan.
“Our MOOE [Maintenance and Other Operating Expenses] and capital outlay, diyan kinukuha. Monitoring and operational expenses.
“Lahat ng expenses ng MTRCB ay galing sa sarili naming savings.”
Bawat gagastusin ng MTRCB ay kailangan daw iaprub muna ni Chair Lala.
“Pag sinabi kong, ‘Hindi kailangan ito,’ hindi natin ire-request ito. Mas masaya kasi, di ba, pag malaki ang savings?” masayang kuwento pa ni Chair Lala.

***

NAGTIPON-TIPON ang mga delagado para sa ikalawang taon ng Mr. at Ms. Chinatown Global competition.
Mula sa iba’t ibang komunidad ng Chinatown sa buong mundo para sa isang pagdiriwang ng kultura, pamana, at tradisyon ng mga Tsino.
Para sa kompetisyon Ngayong 2026, 10 lalaki at 13 babae ang maglalaban-laban para sa mga titulong kasalukuyang hawak nina Byron Sng ng Malaysia at Khryss Go ng Pilipinas.
Ipinakilala sila sa press presentation na ginanap sa Manila Hotel.
Sa naturang event nagbigay ng inspiring speech ang MMCG Pageant Director, 2016 Binibining Pilipinas-Grand International titleholder, at Miss Grand International first runner-up na Nicole Cordoves.
“At its core, Mr. and Ms. Chinatown Global is a platform where candidates proudly celebrate their heritage and its place in the modern world, united by culture and shaped by diverse global experiences.
“We show that Chinese identity continues to evolve across borders and generations,” pahayag ni Nicole at sinabi rin niya na, “build bridges across Chinatowns across the globe.”
Narito ang 23 candidates sa ‘Mr. and Ms. Chinatown Global 2026’
Female candidates:
1. Monica Geronimo (Philippines)
2. Tyra Rosnuk (Canada)
3. Rochelle Kirsten Canlas (United States of America)
4. Liu Chunyan (Macau SAR)
5. Charlotte Yeung (United Kingdom)
6. Estellina Ah-Hon (Mauritius)
7. Sasha Viola (Myanmar)
8. Belle Nanphasorn (Malaysia)
9. Haurani Chan (French Polynesia)
10. Tang Keyuan (China)
11. Christina Cai (Singapore)
12. Khaohom Seearamroongruang (Thailand)
13. Kolianne Mailfait (Cambodia)
Male candidates:
1. Aldrich Chen Perez (Philippines)
2. Adriel Yuan (Australia)
3. Olivier Liu Xu (Switzerland)
4. Karl Chung-Tan (French Polynesia)
5. Ang Wei Yang (Malaysia)
6. Nattakhun Thitithanon (Thailand)
7. Htoo Aung Wai (Myanmar)
8. Adrien Yaw Kan Tong (Mauritius)
9. Zhang Yiwen (Hong Kong SAR)
10. Yi Fang Gao (Canada)
The highlight of the presentation was the announcement of special awards…
Ang pambato ng ‘Pinas na sina Aldrich Chen Perez and Monica Geronimo ang hinirang na Social Media Stars.
Ang nailing Darling of the Press ay sina Mr. Chinatown Global Switzerland Olivier Liu Xu and Ms. Chinatown Global Thailand Khaohom Seearamroongruang.
Sina Ms. Chinatown Global Canada, Tyra Rosnuk, and Mr. Chinatown Global Switzerland ang napiling Mr. and Ms. The Manila Hotel’s Choice Award.
Ang tinanghal na Mr. and Ms. The Color Bar’s Choice ay Mr. Chinatown Global Switzerland at Ms. Chinatown Global USA, Rochelle Kirsten Canlas.
Ang second edition ng Mr. and Ms. Chinatown Global Winners Night ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum, Araneta City sa February 10.

(ROHN ROMULO)

Balitang nagkakamabutihan na sila… ONEMIG, hindi kailangang gamitin si AIKO para kumita sa vlog

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HABANG live sa Facebook sina Onemig Bondoc at Aiko Melendez na balitang nagkakamabutihan na raw ngayon ay may nabasa kaming nag-comment ng isang netizen.
Komento nito na ginagamit lang raw ni Onemig si Councilor Aiko para magkaroon ng maraming views at subscribers sa kanyang YouTube channel.
At kung titingnan mo nga naman ngayon ang YT channel ni Uno (palayaw ni Onemig) ay ang laki na ng progress na umaabot na sa almost 500K views, na dating 50K views lang.
Siyempre panonoorin talaga ang vlog ni Onemig lalo’t madalas niyang kasama si Aiko. Marami ang mag-aabang lalo na sa interesado sa love story ng dalawa.
Well, sa isyu naman na user itong si Onemig? For us, sa yaman ng retired ng actor at businessman ay hindi na nito kailangan na manggamit pa ng tao para kumita ang kanyang vlog.
Baka happy lang siya na laging kasama ang love na si Aiko at makitang umaangat ang kanyang channel.
Dahil kung pera ang pag-uusapan at kita sa Youtube, ay wala ito kay Onemig at rich nga siya na hindi kailanman namroblema sa pera.

***

BUKAS (Feb 8), naimbitahan si Rozz Daniels sa ribbon cutting sa grand opening ng Filipino Seafood Restaurant sa Paseo De Sta. Rosa Mall, sa Sta. Rosa Laguna.
At dahil sa recording artist si Rozz, ay posibleng mag-request ang mga owner ng resto na kumanta siya sa event. At tiyak, pauunalakan naman sila.
By the way, dito sa Pinas ay first time ni Rozz, na mag-ribbon cutting sa bubuksang resto kaya’t excited na siya.
Sa Feb. 10 naman ay nasa fiesta siya ng Otis, Paco Manila. At kinuha siyang celebrity judge para sa Gay Beauty Pageant rito.
Malapit sa puso ng “Pop Rock Diva” ang LGBTQ+ at masaya raw kasama ang mga ito.
Soon ay ire-release na ang bagong single revival ni Rozz na “Bulong ng Damdamin” na likha ni Doc Mon Del Rosario.
Nasa Tiktok na rin ito na umani na ng thousand of views.

(PETER S. LEDESMA)

Imbes na maganap ang umaatikabong romansahan… KIRAY, tinulugan lang ang unang gabi nila ni STEPHAN

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Kiray Celis na noong honeymoon nila ng mister na si Stephan Estopia, imbes na umaatikabong romansahan ang kanilang naging eksena, natulog lang daw sila.
Ikinasal sina Kiray at Stephan noong December 2025 at dahil sa sobrang puyat at pagod, natulog lang sila sa halip na pinagsaluhan ang tamis ng pulot-gata.
Natatawang sabi ni Kiray, “Noong kasal namin, nakakaloka! Ikukuwento ko, sa first day, 6 am ako nagising, tapos ay may after party kami at natapos iyon ng 5:30 am. So parang pa-twenty four hours na akong gising. So, sa pagtulog namin, sa first night namin, tulog talaga!
“Kaya shout-out po sa lahat ng mag-asawa po na ikinakasal, na nagagawa po ang making love sa unang gabi, sobrang idol ko po kayo. Kasi kami as in talikuran talaga, talagang sobrang pagod, as in OA.
“So eto na, the second day, siyempre parang trinay (try) na namin, ayon, nagbilang naman kami ng pera (na mga regalo),” nakangiting sambit pa ni Kiray.
Sa Thanksgiving event ng Kiray’s Brands bilang unang anibersaryo nito noong Pebrero 1, 2026 sa The Atrium, Enderun, McKinley, Taguig, ibinisto rin ni Kiray na kinukulit na siya ng mister na si Stephan para magka-baby na sila.
Aniya, “Excited siya to have a baby. Siya po ay may plano, alam nyo ba na may application siya tuwing mens ko? Updated siya, binabantayan niya. Daig pa niya ako, ‘no? Siya talaga yung excited.
“Talagang noon pa man, kinukulit na niya ako bago ikasal, sabi niya, ‘Baka naman puwede na?’ Sabi ko, ‘Hintayin mo malapit nang ikasal, ilang araw na lang, e.”
Plano raw nila ay magkaroon ng pitong anak.
“Seven ang balak naming anak. Kasi apat kaming magkakapatid, tapos noong nabigyan ko ng bahay ang family ko. Kasi pangarap ko na sari-sarili kaming kuwarto, pero ang lungkot pala, parang hindi ko na nakikita mga kapatid ko. So sabi ko, dadamihan ko, so seven.
“Iyon ang plano ko, pero mag-thirty-two na po ako this year… kaya talagang excited na ang asawa ko. Pero sana kayanin ko pa ang seven.
“Kung naging aso siguro ako, sayang, o kung naging baboy siguro ako, hahahaha!” Nakatawang bulalas pa ni Kiray.
Si Kiray ang CEO at ang kanyang asawang si Stephan, ang COO ng Kiray’s Brands, respectively.
Ang nasabing selebrasyon ay handog bilang pasasalamat sa mga affiliate, depot partners, core team, at mahahalagang katuwang ng kompanya na may malaking ambag sa patuloy na paglago at tagumpay ng Kiray’s Brands at sa lumalawak nitong portfolio.
Dito’y pormal ding kinilala ng Superbrands Philippines ang lahat ng produkto ng Kiray’s Brands. Ang naturang organisasyon ay isang rehistradong institusyon na nagbibigay-parangal sa mga brand na kilala sa tuloy-tuloy na kalidad, kredibilidad, at layuning nakatuon sa kahusayan.

(NONIE V. NICASIO)

Embrace your destiny. Watch the official teaser trailer for “Masters of the Universe”

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Legendary hero He-Man is back on the big screen with the live-action adventure “Masters of the Universe.”

Nicholas Galitzine in Prince Adam, whose home of Eternia was ravaged by the evil Skeletor, played by Jared Leto. With the help of his allies, he must take on the mantle of He-Man to save his world.

Watch the teaser trailer: https://youtu.be/FGh8U5iW3uo

Check out the poster:

image.jpeg

“Masters of the Universe” arrives in Philippine cinemas on June 2026

About “Masters of the Universe”:

In MASTERS OF THE UNIVERSE, Director Travis Knight brings the legendary franchise back to the big screen in this epic live-action adventure. After being separated for 15 years, the Sword of Power leads Prince Adam (Nicholas Galitzine) back to Eternia where he discovers his home shattered under the fiendish rule of Skeletor (Jared Leto). To save his family and his world, Adam must join forces with his closest allies, Teela (Camila Mendes) and Duncan/Man-At-Arms (Idris Elba), and embrace his true destiny as He-Man — the most powerful man in the universe.

Starring Nicholas Galitzine, Camila Mendes, Alison Brie, James Purefoy, Morena Baccarin, Jóhannes Haukur Jóhannesson, and Charlotte Riley

Featuring Kristin Wiig as the voice of “Roboto” with Jared Leto

and Idris Elba.

Directed by Travis Knight and screenplay by Chris Butler and Aaron Nee & Adam Nee & Dave Callaham

Story by Aaron Nee & Adam Nee and Alex Litvak & Michael Finch

Based on MASTERS OF THE UNIVERSE by MATTEL

(ROHN ROMULO)

Ads February 9, 2026

Posted on: February 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments