• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 9th, 2026

Magaganap sa Marso 26 hanggang 28 sa Lipa City… ‘BarakoFest 2026’, pangungunahan ng sikat na bandang Ben&Ben

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang inanunsyo ng Mentorque ang pagbabalik ng BarakoFest.
Isa ito sa pinaka-aabangang multi experience festival sa Southern Luzon, na magaganap sa Marso 26 hanggang 28, 2026 sa kahabaan ng Manila–Batangas Bypass Road sa Lipa City, sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Batangas at ng Lipa City Government.
Pinagsasama-sama ng tatlong araw na kaganapan ang musika, kultura, pamumuhay, at komunidad sa isang purpose built open air festival ground na dinisenyo para sa sukat at nakaka-engganyong karanasan.
Sa first wave ng artist announcements, pinangunahan ito ng Ben&Ben, isa sa mga pinakasikat na banda sa bansa, na kilala sa pag-akit ng napakaraming tao at paghahatid ng malalakas na live performance.
Kinumpirma ng mga organizer na mas maraming artista at karanasan sa festival ang ihahayag sa mga darating na linggo.
Nakaposisyon ang BarakoFest 2026 bilang isang full spectrum festival na higit pa sa musika. Maaasahan ng mga dadalo ang isang dynamic blend of live performances, regional flavors, automotive showcase, competitive sports, and cultural experiences, na nagpapakita ng enerhiya at pagkakakilanlan ng Batangas.
Musika na gumagalaw. Mga lasa na tumutukoy. Mga sasakyan na nakakamangha. Mga sports na nakaka-excite at kultura na nagbubuklod.
“With BarakoFest, we are building more than a concert. We are creating a large scale shared experience that brings people together through sound, movement, and culture,” ayon sa Mentorque, ang festival’s official organizer.
“The vision is to elevate the festival standard in the region while celebrating the spirit and energy of Batangas.”
Ang mga lugar ng pagdiriwang ay binuo upang ma-accommodate ng large audiences, immersive stage production, curated concessionaires, at interactive lifestyle zone, na nagpapatibay sa posisyon ng BarakoFest bilang pangunahing destinasyon ng mga kaganapan sa kalendaryo ng mga pagdiriwang ng Pilipinas.
Dala ng BarakoFest ang opisyal na tagline na FEEL THE ENERGY, na sumasalamin sa intensity, atmosphere, at collective spirit na nilalayon ng festival.
Samantala, bukas na ang mga pakikipagsosyo, mga pagkakataon na makapag-sponsor, at mga aplikasyon ng concessionaire.
Para mga tanong sa partnership and sponsorship tumawag sa +63 992 408 3576 at +63 991 940 5983
At para naman sa concessionaire tumawag sa+63 966 241 8467 at +63 916 325 9555
Puwede ring mag-email sa inquiry@mentorque.ph
Narito naman ang link ng post: https://www.facebook.com/share/p/1DTsBWqnJc/?mibextid=wwXIfr

(ROHN ROMULO)

Suot ang promise ring na bigay ng mystery guy… SANYA, may boyfriend na at nakilala na nina GLAIZA, KYLIE at GABBI

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PUMAPAG-IBIG na rin ang self-confessed NBSB (No Boyfriend Since Birth) na si Sanya Lopez.
May suot daw kasing promise ring ito na regalo ng isang “mystery guy” na nagpapatibok ngayon ng kanyang puso. Inamin ng Kapuso star na isang foreigner ito.
Ayon kay Sanya, masaya ang lovelife niya ngayon at naipakilala na niya ang afam boyfriend sa mga kaibigan niyang sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia.
Mas masaya raw ang mga ito noong magkaroon na siya ng lovelife.
“Sila ‘yung number one na excited talaga sa akin bago pa mangyari ang lahat… sa mga bagay-bagay na paparating sa buhay natin. So, may gano’n sila lagi na, ‘Uy, kapag meron ka na, ipakilala mo agad sa amin na,’” sey ni Sanya.
Ipapakilala raw ni Sanya ang kanyang boyfriend sa publiko soon.
Ayon sa isang source, naka-base sa Dubai at Serbian ang nationality ng bf ni Sanya.
“Kapag dumating ‘yung panahon na hindi maiwasan siguro, sige, puwede naman,” sabi pa niya.
***
NAGKUWENTO si Ashley Ortega na ayaw ng boyfriend niyang si Mavy Legaspi na tawagin itong “baby boy”.
Two years lang daw ang tanda ni Ashley (27) kay Mavy (25). Pero nagulat si Ashley noong niligawan daw siya nito.
“Mavy is something new. Kasi mas bata siya sa akin. Nililigawan niya ako, sinasabi ko talaga, ‘Oh my God, baby boy lang tingin ko sa’yo.’ Nagagalit siya, ‘Oh my gosh. How dare you say that to me?’” natatawang kuwento ni Ashley.
Natuklasan ng bida ng upcoming Kapuso teleserye na ‘Apoy Sa Dugo’ na sobrang maalaga si Mavy.
“‘Pag mas younger pala, mas maalaga. Si Mavi, tutok talaga sa akin 24/7.”
***
NA-RELEASE na ang official music video ng bagong single ni Taylor Swift na ‘Opalite’ last Feb. 6. exclusively on Spotify and Apple Music.
Star-studded ang naturang music video na may ‘90s theme at tampok sina Domhnall Gleeson, Cillian Murphy, Greta Lee, Jodie Turner-Smith, Lewis Capaldi, and Graham Norton.
Si Taylor ang nag-concept ng music video na hango sa October 2025 appearance niya sa The Graham Norton Show.
Ayon kay Taylor: “Opalite is a state-of-the-art chemical potion designed to transform disappointment and frustration in relationships into happiness. I had written down the word ‘opalite’ because I learned that it’s actually a man-made opal. I thought it was kind of a cool metaphor that it’s a man-made opal, and happiness can also be man-made.”
Ang gem stone na Opal ay birthstone din ng kanyang fiance na si Travis Kelce.

(RUEL J. MENDOZA)

Ipinagdarasal na managot ang dapat managot… EJAY, nalungkot at nagwo-worry sa kalagayan ni BONG

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKATRABAHO ni Ejay Falcon si former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa season 2 ng GMA series na “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis” na umere noong 2023 hanggang 2025.
Kaya tinanong namin si Ejay kung ano ang naging saloobin niya sa pagkaka-aresto kay Sen. Bong na may kinalaman sa maanomalyang isyu ng flood control projects
“Siyempre nakakalungkot po, I mean nakakalungkot po yung nangyayari.
“Siyempre hindi naman po natin sinasabi na iyan ay totoo or ano pa man.
“Wala ako dun sa posisyon na iyon para magsabi niyan, pero nakakalungkot lang.“Kasi bago pa naman lahat ngayon, talagang ang korapsyon po kasi mahabang panahon na, matagal na iyan e, matagal na iyan.
“Iyon nga lang sana lumabas din ang katotohanan at sana ay nasa mabuti siyang kalagayan kahit papaano.
“Iyon naman yung importante.
“Kasi base sa mga napapanood ko at nababasa ko ay parang walang… walang special treatment, siyempre kahit papaano artista pa rin yung tao, senador pa rin yung tao, tapos malalagay sa ano, so hindi natin alam kung papaano magsu-survive si Sen.“So iyon, ipanalangin na lang po natin na sana dito sa nangyayaring korapsyon sa buong Pilipinas, isama niyo na ang buong mundo, ay managot yung deserve na managot, iyon na lang po.
“Iyong deserving na managot ay managot na lang po.
“At yung mga walang kasalanan ay mapawalang-sala.”
Tinanong rin namin si Ejay kung may naaalala siyang magandang payo na ibinigay sa kanya noon si Bong habang nagte-taping sila ng kanilang serye.
“Yes! Ang sabi niya sa akin, nag-start siya na Vice Governor, ganun din, at iyon nga, ‘Dapat nag-aaral ka pa rin’, sabi niya.”
Nagsimula ang political career ni Bong bilang Bise Gobernador ng Cavite (1995-1998) at si Ejay naman ay dati ring nakaupo bilang Bise Gobernador ng lalawigan naman ng Oriental Mindoro (2022-2025).
Pagpapatuloy pang kuwento ni Ejay.
“And siyempre dun sa mga action scene namin, sabi niya sa akin, e kasi ako one time nung pumunta ako [sa taping], segue ako nun e, may ginagawa din ako sa ABS, galing akong province na puyat-puyat ako.
“Tapos may fight scene kami, kino-choreograph niya ako, sabi niya, ‘Parang sa edad ko mas malakas ako ngayon sa iyo,’ gumaganun siya.
“Kasi nagte-training daw siya, e puyat nga ako, e nagte-training-training daw siya, sumusuntok-suntok daw siya sa bahay, boxing, so iyon, mga ganun lang.
“Hindi rin kami nabigyan ng maraming time kasi alam niyo naman ngayon, pagdating sa shooting, may Eddie Garcia Law so kailangang tapusin lahat iyon, di ba, may cut-off, so pagdating mo sa set trabaho na ng trabaho, diretso po.”
Magbabalik-pelikula si Ejay sa ‘Kappa-tiran’ kung saan siya ang male lead star kapareha si Sheryl Cruz.
Produced ito ng Mamay Production ni Nunungan Lanao del Norte Vice Mayor Mamay Marcos na isa rin sa mga cast members ng pelikula.
Tungkol sa fraternity, nasa Kappa-tiran rin sina Bembol Roco, Sam Coloso, Patricia Javier, MJ Macalintal, Bernie Batin, Mygz Molino, Jimsen Jison, Darwis Esmaeili at marami pang iba, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan with Shiela Torres Lintan as line producer.

(ROMMEL L. GONZALES)

A heart-pounding crime thriller awaits in “Crime 101,” starring Chris Hemsworth, Mark Ruffalo, Halle Berry, and Barry Keoghan

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HIGH stakes, higher returns. Crime 101, a crime thriller with a dazzling all-star cast consisting of Chris Hemsworth, Mark Ruffalo, Halle Berry, and Barry Keoghan. The film is adapted from Don Winslow’s acclaimed novella of the same name, and helmed by Bart Layton as writer and director.

Layton is no stranger to stories of people living outside the shadow of the law, and he saw the perfect setting for his next endeavor in Crime 101. “I felt like many of the characters are slightly trapped in that sense of ‘I’m never going to feel good about my place in the world unless I have this,’” Layton says. “L.A. is a place that really nurtures that sense of: if you want to really be somebody and feel like you are of value, you need to have all the external trappings of great success. I think status anxiety is a constant thing.”

Watch the trailer: https://youtu.be/jnrf3f4PVXI

Crime 101 is a tale of the elusive but prolific thief Davis, who has a penchant for pilfering jewels and makes his haunt around the 101 freeway in Los Angeles, California. The heist of a lifetime happens upon him, and crosses paths with jaded insurance broker Sharon Coombs, played by Halle Berry. Complications from her career selling protection for the treasures of the Los Angeles elite put her at a crossroads in her life. Meanwhile LAPD investigator Detective Lou Lubesnik, played by Mark Ruffalo, has been haunted by the 101 freeway crimes, and all three of their lives intersect as Davis sets off for the biggest job of his career.

Director Layton took inspiration from a passion of his, which was classic heist thrillers such as Steven Soderbergh’s Out of Sight (1998), Michael Mann’s Thief (1980), The Sting, and Norman Jewison’s The Thomas Crown Affair (1968). “They were grownup movies,” he says. “They had real characters and were kind of tonally not simply a comedy, a drama or a thriller. They had light and shade. I definitely thought it would be nice to remind people that those are still great experiences to have in the cinema.”

Actor Chris Hemsworth and Layton have a shared love of old-school heist dramas, so coming onboard for Crime 101 was a no-brainer for the actor. “I read the script and loved it because it felt like a real throwback to ‘90s thrillers,” Hemsworth says. “There was a sort of nostalgia to the story that you don’t see too much these days. I was a fan of Bart’s work and loved American Animals. It was a very character-driven drama with elaborate intersecting storylines. After our first meeting I thought not only has he written an incredibly compelling script, but he also has a brilliant vision for the film.”

Veteran producer Eric Fellner was convinced that Crime 101 was going to steal the imagination of the audience, and is more than proud of the film he helped shape. “I found it inspiring how good everybody was in the film, and that goes from in front of the camera to behind it,” Fellner says. “There is unbelievable production design, cinematography, costume, hair and makeup, editing, music—just every aspect.” The result is a passion project for all involved, which he hopes resonates with the viewers: “When you’re making something, the hope from a producer is that audiences will lean in, emotionally engage, and at the end breathe out a huge sigh of joy and go: ‘Wow, that was great.’”

Crime 101 delivers thrills in Philippine cinemas starting February 18. (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Alex Eala sasabak agad sa Qatar Open matapos ang laban sa Abu Dhabi

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUON agad ang atensiyon ni Pinay tennis star Alex Eala sa WTA 1000 Qatar Open 2026.

Ito ay matapos ang kampanya niya sa singles at doubles match sa Abu Dhabi Open.

Nabigo kasi si Eala at partner nitong si Janice Tjen ng Indonesia sa women’s doubles semifinals laban kina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain.

Inaasahan na makakaharap ni Eala sa Qatar ang mga malalaking pangalan sa tennis gaya nina Iga Swiatek ng Poland , Coco Gauff ng US at Elena Rybakina ng Kazakhstan.

Magsisimula ang nasabing torneo sa araw ng Lunes kung saan inaasahan na magiging mainit pa rin ang suporta ng mga Pinoy fans na nasa Qatar.

EJ Obiena, nagwagi ng gold sa Asian Indoor Championships 2026

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMANGAT muli si EJ Obiena sa pagbubukas ng kanyang 2026 season matapos masungkit ang gold medal sa pole vault sa 2026 Asian Indoor Athletics Championships noong Sabado sa Tianjin, China.

Nakamit ng two-time Olympian ang top podium spot matapos malinis ang 5.70 meters sa unang attempt.

Tinangkang tapatan ni China’s Li Chenyang ang nasabing height ngunit nabigo sa tatlong attempts, dahilan upang makakuha ng silver medal matapos lampasan ang 5.60m.

Nakumpleto naman ni Chen Yang, isa ring Chinese vaulter, ang podium sa bronze matapos ma-clear ang 5.40m.

Bagama’t hawak ni Obiena ang Asian record na 5.93m, sinubukan pa rin niyang lampasan ang 5.80m, ngunit nabigo sa lahat ng tatlong attempts.

Dalawang linggo bago ang Asian Indoor meet, nagpakitang-gilas din si Obiena matapos dominahin ang International Springer-Meeting sa Germany, patunay ng kanyang strong form sa indoor season.

Susunod na sasalihan ng Filipino pole vault ace ang INIT Indoor Meeting Karlsruhe sa Germany bilang bahagi ng kanyang sunod-sunod na international competitions ngayong taon.

Multinational Village Homeowners Associations President at Bagong Halal na Board of Director nagpaunlak ng Panayam

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAINIT ang pagtanggap ng Multinational Village Homeowners Associations sa mga miyembro ng mamamahayag na bumisita sa kanilang opisina.
Ito ay ginanap noong ika-3 ng Pebrero taon kasalukuyang sa kanilang tanggapan sa Multinational Village Barangay Moonwalk Paran̈aque City.

Isa sa nakapanayam dito ay si Ginoong Arnel Gacutan, Presidente ng Multinational Village Homeowners Associations Incorporated, gayundin ang Administrator at ang Bagong Halal na Board of Director na si Ginoong Artemio Damot ng nasabing asosasyon .

Ayon kay President Arnel Gacutan, simula nang muli siyang namuno taon 2024 sa kanilang asosasyon ay mas na-improved ang kanilang lugar tulad ng pagsasaayos ng kanilang mga gates, paglalagay ng CCTV sa bawat kalye, pagpapaayos ng mga manhole para di bumaha, pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.
Sinabi pa niya na sila ay may sariling fire trucks, dump trucks, rescue vehicle at rubbing service sa kanyang nasasakupan, at isa sa proyekto niya sa kasalukuyan ang pagsasaayos o paglalagay ng espalto sa kanilang lugar, mensahe niya at panawagan para sa kanyang nasasakupan ang maagang pagpakuha ng mga stickers para di maabala ng mga mamamayan nila gayundin ang kanilang mga tricycle toda na bumabiyahe sa kanilang lugar.
Kasunod nito ang naging panayam kay Administrator Art Damot ayon naman sa kanya, sa kabila ng pagkakahalal niya bilang Board of Director ay mananatili pa din siyang Village Manager ng kanilang Asosasyon at sinagot din niya ang pagkakapisil sa kanya bilang kaline up na Barangay Kagawad ng kanilang Barangay ng kanilang Kapitana.
Mariin niyang sinabi na di pa siya nakakapadesisyon ukol dito, ngunit labis ang kanyang pasasalamat sa tiwala na ibinibigay sa kanya ng kanilang Barangay, kahit na malayo pa ang Barangay Eleksyon.
(Yvonne Bagang / Photos by Boy Morales Sr.)

VP Duterte impeachment complaints isinumite na kay Speaker Dy

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na pormal nang isinumite ng kanyang tanggapan, ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa opisina ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Ito ay ayon na rin sa isinasaad sa konstitusyon at Rules ng House of Representatives.
“Upon receipt and verification of the complaints and their accompanying endorsements, the Office of the Secretary General forwarded the documents to the Office of the Speaker for appropriate action,” ani Garafil.
Ang unang verified impeachment complaint laban kay VP Duterte ay inihain mga miyembro ng Makabayan Coalition at inindorso nina Party-list Reps. Antonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), Sarah Jane Elago ng Gabriela Women’s Party, at Renee Louise Co ng Kabataan.
Kasama sa nagreklamo sina Francisca “France” Castro, Arlene Brosas, Liza Maza, Atty. Neri Colmenares, Renato Reyes Jr., Raymond Palatino, David Michael M. San Juan, David D. D’Angelo, Modesto Floranda, Ronaldo “Ka Jerome” Adonis, Eufemia Doringo, Jocelyn Andamo, Amirah Ali Lidasan, Jeffrey F. Ranoy, Francisco “Eco” Dangla III, Jandrie Layba, Erlinda Alfonso, Albert G. Pascual, Raymond Basilio, Cathleen Gaea B. de Guzman, Mhing Archie S. Gomez, Tiffany Faith F. Brillante, Francesca Mariae M. Duran, John Lesther Mercader, Sheila Mae L. Cupay, Raven Kristine B. Racelis, Allen Marc D. Ballesteros, Kenneth Alexander Castor, Justine Antonie D. Wagan, Santino Antonius Miguel V. Arroyo, Michael Troy C. Cabangon, John Paul Y. Azusano, Zenaida Soriano, Maria Belinda V. Sevilla, John Andre Malaca Alcala, Geraldine T. Balingit, Aliyah Mikaela C. Cruz, Jomarie Shade E. Bayona, Keith Neil Xavier C. Señido, Aries Lingad Soledad, Lucky E. Oraller, Antonio C. Fajardo, Elizabeth T. Camoral, Mario Q. Fernandez, at Ronnie C. Manalo.
Habang inendorso naman nina Party-list Reps. Leila de Lima ng Mamamayang Liberal at Perci Cendaña ng Akbayan ang ikalawang impeachment complaint na inihain naman ng mga representante mula sa progressive organizations at civil society groups.
Kabilang sa mga petitioners ay sina Francis Joseph Aquino Dee, Sylvia Estrada Claudio, Teresita Quintos Deles, Eugene Louie Gonzales, Ma. Yvonne Christina C. Jereza, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Robert Paguia Reyes,
Sister Susan Santos Esmile, Karl Patrick Suyat, Leah Lopez Navarro, Matthew Christian Silverio, former Ifugao Rep. Teodoro B. Baguilat Jr., Yzekiel Venn L. Rivera, Anna Cubacub, Alicia Murphy, Rowena Amon, at Josua Fred Tolentino Mata.
(Vina de Guzman)

AGRI-AGRA team, nagsama-sama sa Joint Senate at Congressional Hearing

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAMA-SAMA ang AGRI-AGRA team sa pangunguna ni DAR Secretary Conrado Estrella III , para sa joint Senate at Congressional hearing kaugnay ng pagbagsak ng sugar mill gate prices at ang epekto nito sa mga sugarcane farmers, kasunod ng isinagawang konsultasyon sa Negros Occidental, kasama sina Senator Kiko Pangilinan, DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Cong. Mark Enverga, at Cong.Woman Eleanor Bulut-Begtang upang higit pang palakasin ang koordinasyon ng Senado,Kongreso at mga ahensya ng pamahalaan. ( SER MORALES Sr.)

3 ESTUDYANTE TIMBOG, DRUG DEN NABUWAG SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA SA TUGUEGARAO CITY

Posted on: February 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng mga operatiba ng PDEA RO2, kasama ang mga katuwang na law enforcement agencies, ang tatlong (3) estudyante na sangkot sa iligal na droga at nabuwag ang isang drug den sa pamamagitan ng buy-bust operation noong Pebrero 6, 2026, bandang ika-3 ng hapon, sa Purok 2, Maharlika Highway, Barangay Tanza, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang operasyon ay isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng PDEA RO2 Cagayan Provincial Office, PNP Drug Enforcement Group -Special Operations Unit 2 (PDEG SOU 2), Regional Drug Enforcement Unit 2 (RDEU2), PDEU/PIU, Regional Intelligence Unit 2-PIT Cagayan South, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC), at Tuguegarao City Police Station.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina alias “Estong,” 22; alias “Gelo,” 20; at alias “Rey,” 35, pawang residente ng Aparri, Cagayan.

Nasamsam ang walo (8) na maliliit na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting kristal na substansya na pinaghihinalaang shabu, na may timbang na humigit-kumulang pitong (7) gramo, at tinatayang halaga sa merkado na Php 47,600.00. Narekober din ang buy-bust money, dalawang (2) cellphone, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Ayon kay PDEA RO2 Regional Director Gil Cesario P. Castro:
“Ipinapakita ng operasyong ito ang aming pangako na protektahan ang kabataan at komunidad laban sa iligal na droga. Hinihikayat namin ang mga magulang, guro, at publiko na maging mapagmatyag at suportahan ang mga hakbang para sa mas ligtas na komunidad.”

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA RO2 para sa dokumentasyon at tamang aksyon. Ang mga kaso laban sa kanila para sa paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 12, at 15, Article II ng Republic Act No. 9165 ay inihahanda na upang isampa sa korte. (PAUL JOHN REYES)