• February 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 6th, 2026

Kudeta sa Senado napigilan ng mayorya; Sotto nanatili sa puwesto

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAPIGILAN ang tangkang ikudeta si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Miyerkoles.

Inamin mismo ni Sotto na nagkaroon ng pagtatangka na patalsikin siya sa puwesto na napigilan lamang ng mga kasamahan niya sa mayorya.

“The majority. Not me. It’s always the majority who decides,” ani Sotto.

Natawa rin si Sotto sa tanong tungkol sa post ni Sen. Francis Pangilinan sa Facebook na may hastag na “power sharing.”
“Nagbibiro lang ‘yun. Ibig niyang sabihin ­siguro ‘yung group ng majority,” ani Sotto.
Sa selfie ni Pangilinan na ipinost sa Facebook, siyam na miyembro lamang ng mayorya ang nasa meeting na kinabibilangan niya, Sotto, Senators Loren Legarda, Bam Aquino, Panfilo Lacson, JV Ejercito, Juan Miguel Zubiri, Risa Hontiveros at Win Gatchalian.
Si Legarda ang sinasabing gustong ipalit kay Sotto.
Bago ang panayam kay Sotto, si Legarda ang umupong presiding officer at nagsara ng sesyon noong Miyerkoles.
Sinabi naman ni Sen. Pia Cayetano na dapat ay ang mga pasimuno ng tangkang kudeta ang tanungin sa isyu.
Pero walang pina­ngalan si Cayetano kung sino ang mga sinasabi niyang “instigators.”
(Daris Jose)

Valenzuela, tumatanggap na ng mga bagong scholars para sa school year 2026-2027

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na nagsisimula na silang tumanggap ng Dr. Pio Valenzuela Scholarship Program sa mga papasok sa unang taon sa kolehiyo para sa School Year 2026-2027.

Ayon sa Valenzuela Public Information Office (PIO), magsisimula ang aplikasyon sa Enero 29, hanggang Marso 20, 2026, para sa scholarship grant na papasok sa first-year college students habang itinakda naman ang pagsusulit sa Abril 12, 2026.

Ang scholarship program ay nagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na mag-aaral sa Grade 12 na naghahanap ng suporta sa pagpapatala. Ang mga aplikanteng may trabaho ang mga magulang at mayroong Annual Gross Income na hindi hihigit sa Php 120,000, gaya ng pinatunayan ng 2024 Income Tax Return (ITR), ay karapat-dapat na tumanggap ng tulong.

Sa kabilang banda, kung ang mga magulang ng aplikante ay kasalukuyang walang trabaho, dapat silang magsumite ng Affidavit at Certificate of Non-filing ng ITR. Kung ang mga magulang ng aplikante ay nagtatrabaho sa ibang bansa, dapat silang magpakita ng Employment Contract at ang kanilang huling 2 buwang halaga ng remittance. Dapat din silang makakuha ng Certificate of Residency at Indigency ng parehong mga magulang mula sa kani-kanilang barangay.

Ang mga aplikante ay kailangan magsumite ng Certified True Copy ng Grade 11, una at ikalawang semestre Report Card, bilang karagdagan sa Certified True Copy ng Grade 12 first semester Report Card, parehong walang subject grades na mas mababa sa 85 at isang Gross Weighted Average (GWA) na hindi bababa sa 85%.

Upang maging karapat-dapat sa scholarship program, ang mag-aaral ay dapat matagal ng residente sa Valenzuela, natural-born Filipino citizen, at graduate ng anumang pampubliko o pribadong senior high school sa lungsod.

Ang mga mag-aaral na nanirahan sa lungsod ng hindi bababa sa apat na taon ay maaari ding maging karapat-dapat, na napapailalim sa pag-verify ng barangay at mga rekord ng akademiko. Ipoproseso lamang ang mga kandidato kung sila ay kwalipikado at ganap na nakakatugon sa mga itinakdang kinakailangan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan at pamamaraan, bisitahin ang https://www.valenzuela.gov.ph/drpioscholarship. (Richard Mesa)

PDEA AT OSG NAG-RENEW NG PARTNERSHIP UPANG LALONG PAIGTINGIN ANG KAMPANYA LABAN SA ILEGAL NA DROGA

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING nag-renew ng partnership ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Office of the Solicitor General (OSG) upang lalong palakasin at pagtibayin ang pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ang panibagong kolaborasyon ay pormal na pinagtibay sa pamamagitan ng paglagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ng mga pangunahing lumagda: sina Solicitor General Darlene Marie B Berberabe para sa OSG at PDEA Director General Isagani R Nerez, Pebrero 4, 2026 sa OSG Office, Padilla Hall, Makati City. Binigyang-diin ng kasunduan ang pangako ng magkabilang panig na tiyakin ang mahusay na pagsasampa, mahigpit na pagsubaybay, at masigasig na pag-uusig sa mga naaangkop na kasong kriminal at sibil na kinasasangkutan ng mga paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Sa ilalim ng MOA, nangako ang OSG na magtatatag ng isang nakalaang Task Force na binubuo ng mga Solicitor na magbibigay ng legal na tulong sa PDEA sa matindi, masinsinan, at walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga at mga kaugnay na legal na pagsisikap nito. Kabilang dito ang pagsusuri ng mga sinumpaang affidavit na inihanda ng mga operating unit ng PDEA, pakikilahok sa mga case conference, at pagpapalakas ng mga testimonya ng mga saksi upang mapabuti ang matagumpay na pag-uusig sa mga kaso ng droga, bukod sa iba pang mga hakbang sa legal na suporta.

Kaugnay nito, nangako ang PDEA na ibibigay sa OSG ang lahat ng kinakailangang impormasyon at datos na may kaugnayan sa mga kaso ng droga sa ilalim ng hurisdiksyon nito. Magsasagawa rin ang Ahensya ng mga programa sa pagsasanay at seminar bilang suporta sa epektibong implementasyon ng batas laban sa droga.

“Ang kasunduang ito ay isang malinaw na indikasyon na ang mga operasyon ng pagpapatupad ng batas ay hindi natatapos sa mga pag-aresto. Ang matagumpay na pag-uusig ay kasinghalaga rin,” sabi ni Undersecretary Nerez. “Utang natin sa ating mga komunidad na tiyakin na ang bawat kaso ng droga na ating itinatayo ay nauusig nang may katatagan, katumpakan, at kasipagan hanggang sa huling resolusyon nito,” dagdag niya.

Ang panibagong pakikipagsosyo ay nagmamarka ng isang nagkakaisa at matatag na hanay sa kampanya ng gobyerno laban sa droga — isa na nagsisiguro ng pananagutan, nagpapalakas sa panuntunan ng batas, at ang hustisya ay walang humpay na isusulong mula sa imbestigasyon hanggang sa paghatol.

“Sa pagtutulungan ng PDEA at OSG, bawat kaso ay lubusang aasikasuhin, bawat nagkasala ay mananagot, at bawat paglabag ay ilalapat nang may buong bisa ng batas,” pahayag ni DG Nerez. (PAUL JOHN REYES)

DOLE: P800 umento sa kasambahay, epektibo na sa Pebrero 7

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAGIGING epektibo na sa Pebrero 7 ang P800 na umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang naturang umento sa sahod ay ipa­iiral kasunod na rin ng inilabas na Wage Order No. NCR-DW-06 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) noong Enero 15, 2026.
Alinsunod sa natu­rang bagong Wage Order, tataas ang buwanang minimum na sahod ng mga kasambahay sa rehiyon ng mula P7,000 hanggang P7,800.

Anang DOLE, tinatayang aabot sa 223,610 kasambayan ang makikinabang sa natu­rang wage increase, kung saan 62% o 138,263 sa kanila ay nasa “live-in arrangement.”
Anito pa, ang pagbabago sa buwanang sahod ay sinuri at pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Enero 21, 2026.

Naghiwalay na ba sila ni Nicole?… MARK, nag-post sa IG reel na umiiyak kaya maraming nabahala

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HIWALAY na ba ang mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa?
Pagkatapos naming makita ang ipinost na reel ni Mark sa kanyang Instagram account na umiiyak ito and obviously, may pinagdadaanan, chineck namin agad ang mga Instagram nila.

At ‘yun na, they don’t follow each others na.

So, napaka-imposible naman sigurong mag-asawa sila, bigla silang nag-unfollow.

Posible rin na dahil dito kaya umiiyak si Mark?

Ang caption ni Mark sa video n’ya ay “Kulong sa Sistema.” At napakaraming mga co-Starstrucks alumni ni Mark at iba pang artista ang nag-comment at tila pinapalakas ang loob n’ya.

Well, sana ay ‘di pang permanente kung anuman ang problema nilang mag-asawa, lalo na’t dalawa na ang anak nilang mag-asawa.

***

ANGELO mga bida ng 2025 MMFF movie na “I’mPerfect” na sina Krystel Go at Earl Amaba ay mga contract artists na ng Nathan Studio ng actress na si Sylvia Sanchez.

Hindi lamang ang dalawang bida ng movie ang mga pinapirma ng kontrata kung hindi maging ang walo pang cast na may down syndrome na sina Carl Garcia, Bea Mendoza, Royce Gian Rivera, Javi Sarmiento, Angela Batallones, Gio Dicen at Jonathan Tilos.

Ang tawag sa kanila ay mga Nathan’s Angels. Siyempre very grateful sila, maging ang kanilang mga magulang sa tiwala ni Sylvia.

Sa part ni Sylvia, alam n’ya na hindi madali ang mag-manage ng persons with disability, pero nando’n talaga siya sa gusto n’yang matulungan ang mga ito lalo na ang magkaroon ng trabaho.

Aniya, “Alam ko naman na bihira yung persons with down syndrome na limited sila na makuha sa pelikula.

“Pero hindi lang naman kasi sa loob ng Philippine cinema… hindi lang naman sa industriya natin. Kundi pati yung endorsement, pati yung job nila sa labas. Gusto ko silang ihanap ng trabaho.”

Bukod sa mga persons witg down syndrome, pumirma rin ng kontrata sa Nathan Studio si Ice Almeria na champion ng ABS CBN’s “Time to Dance.”

(ROSE GARCIA)

Endorser at spokesperson ng travel agency… SHERYL, napakasuwerte dahil nakakapag-travel sa iba’t-ibang bansa ng libre

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA panahong masarap bumiyahe pero magastos ay napakasuwerte ni Sheryl Cruz.

Nakaka-travel kasi siya for free!

Ang pagbibiyahe ang pinagkakaabalahan ni Sheryl kapag walang taping o shooting.

“Travelling! Travelling with my cousin who owns Levy Travel and Tours.”

Si Sheryl, na talent ni Rams David ng Artist Circle Talent Management, bale ang endorser ng naturang travel agency na pag-aari ng pinsan niya, si Rose Levy.

“Ako yung pinaka-spokesperson niya. Pag hindi ako busy sa mga tapings, sa engagements, I travel.

“I went to India. I went to Europe. Yun ang mga ginagawa ko.

“Sobrang saya because napaka-educational… madaming iba’t ibang klaseng cultures, iba’t ibang mga pagkain, iba yung mga religious beliefs.

“Ang gaganda ng mga artworks, ang ganda ng mga architecture. Yung ganyan. Napaka-educational.

“And, at the same time, I’m so blessed because I travel without spending money.

“I don’t travel to spend money na talagang pinaghirapan ko. Kundi I travel as part of Levy Travel and Tours.

“And at the same time, I’m able to meet different people, to meet different people from different backgrounds. So, very fortunate.”

Nagbabalik-pelikula si Sheryl Cruz sa ‘Kappa-tiran’ ng Mamay Production.

At happy si Sheryl dahil makakabiyahe na naman siya ng libre, at may talent fee pa, dahil ang shooting ng Kappa-tiran ay sa Nunungan, Lanao del Norte, kung saan Vice-Mayor doon ang producer ng Mamay Productions na si Marcos Mamay na isa rin sa mga cast members ng pelikula.

Lahad ni Sheryl, “Actually, natutuwa ako dahil napasama ako dito sa proyektong ito sa Kappa-tiran. Because nakikita niyo ngayon yung producer natin, si Mayor Mamay.

“Kahit papano yung advocacy niya is not only to help mga tao sa industriya, sa film industry kundi makatulong din sa pagpapakita kung gaano kaganda yung lugar niya sa Lanao del Norte, yung Nunungan.

“Dun kami actually magpi-first day shooting. Nalaman ko kay direk Neal,” pagtukoy ni Sheryl kay direk Neal “Buboy” Tan.

Isa pa sa mga napasyalan na ni Sheryl dito sa Pilipinas ay ang Antique.

“Ang Antique, napuntahan ko. Tuwang-tuwa ako dahil meron ng airport dun sa Antique sa San Jose.

“Iyon yung lugar kung saan ipinanganak yung Nanay Doray ko who’s been with me for… ever since I was… she’s 80 years old na ngayon,” pagtukoy naman ni Sheryl sa itinuturing niyang pangalawang ina na lagi niyang kasa-kasama.

“The last time I went with her to Antique was, like, two years ago, Christmas and New Year.

“So, tuwang-tuwa ako nang nalaman ko na sina Senator Loren Legarda, nag-open na ngayon ng ano doon, ng airport. So, mas madali na.

“Ang ganda ng Antique actually. Kasi ano, malapit lang siya sa Boracay. May part na malapit sa Boracay.

“Yung Aningalan, sobrang ganda! Because it has not yet been inhabited by ano, by tourists.

“Hindi pa siya nagagalaw ng maraming turista, hindi pa nakikita ng maraming turista.

“Once na maayos yun, I’m sure maraming turista na puwedeng dalhin doon.

“Alam mo sa totoo lang, mahal ko ang Pilipinas!

“Sana mas maging affordable siya, at saka sana mas maging friendlier sa mga families.

“Kasi, di ba? Pag sobrang pagod na sila sa katatrabaho, sana mabigyan man lang sana sila ng incentives na medyo meron silang mga ano… yung hindi bargain yung mga ganyan ba?

“Para ma-experience nila yung kagandahan ng Pilipinas.”

Hiling at dasal ni Sheryl na sana ay magawan ng paraan na maging mura at mas affordable para sa lahat ang pagbibiyahe sa buong Pilipinas dahil napakaganda nga naman ng ating bansa.

Samantala, nasa ‘Kappa-tiran’ si Ejay Falcon bilang male lead star, at sina Bembol Roco, Sam Coloso, Patricia Javier, MJ Macalintal, Bernie Batin, Mygz Molino, Jimsen Jison, Darwis Esmaeili at marami pang iba, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan with Shiela Torres Lintan as line producer.

(ROMMEL L. GONZALES)

Maraming fans ang kanyang pinakilig… ALLEN, sinorpresa ang lahat sa inihandang espesyal na Valentine’s date proposal kay SOFIA

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKILIG sa maraming fans ang Team Jolly nila Allen Ansay at Sofia Pablo last February 4 sa programang ‘TiktoClock.’

Sinorpresa ni Allen ang lahat nang maghanda siya ng isang espesyal na Valentine’s date proposal.

Matapos abutan ng bulaklak si Sofia, bigla siyang lumuhod sa gitna ng stage habang may hawak na regalo.

“Hindi ko na ulit hahayaang mawala ka ulit sa akin, Aki. Will you be my Valentine date?” tanong ni Allen.

Masayang tinanggap ni Sofia ang munting handog at agad na niyakap ang Kapuso star. Hindi mapigilang ikinatuwa ng buong Tiktropa at ALFIA fans ang nakakakilig na moment ng dalawa.

Nang tanungin si Allen ng ‘Kumusta na ang puso nating ngayong Feb-ibig?’ Sagot niya: “Grabe ‘yung heartbeat! Masayang, masaya!”

Mapapanood naman ang Team Jolly sa upcoming horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na ‘Huwag Kang Titingin. ‘

Kasama rin sa cast sina Marco Masa, Sean Lucas, Michael Sager, Charlie Fleming, Josh Ford, Kira Balinger, Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at marami pang iba.

***

BALIK sa mundo ng pageantry ang Sparkle artist na si Roxie Smith.

Siya ang napiling mag-represent ng Baguio sa Miss Universe Philippines 2026.

Suot ang sash at korona, caption ni Roxie sa Instagram: “A dream with no limits. Hello Universe! Breathe, rise, represent @missuniverseph_baguio.”

Bago na-launch si Roxie bilang isa sa Sparkada ng Sparkle GMA Artist Center noong 2022, nakoronahan na siya bilang Miss Philippines Earth 2020. Ang real name niya ay Roxanne Allison Agnaonao Baeyens.

Dahil nagkaroon ng pandemic noong manalo siya, naging online ang competition para sa Miss Earth. Hindi raw siya nakapag-travel bilang Miss Philippine Earth dahil maraming restrictions noon.

Kaya nais ng 28-year old Fil-Belgian actress na sumali ulit sa beauty pageant para mabuo ang experience niya bilang beauty queen.

Lumabas na si Roxie sa ilang shows ng GMA tulad ng Unang Hirit, Daig Kayo Ng Lola Ko, Regal Studio Presents, Magpakailanman, Sparkle U, Tols, Happy ToGetHer, Hearts On Ice, Shining Inheritance, Black Rider, Pepito Manaloto, Beauty Empire, at Sanggang-Dikit FR.

***

NAGKAROON ng “senior moment” ang film and music legend na si Cher sa nakaraang Grammy Awards.

Nagkamali ang 79-year old icon sa pag-announce ng winner sa Record of the Year. Imbes na si Kendrick Lamar, nasabi niya ay Luther Vandross dahil nakita raw niya ang name na “Luther” na title pala ng winning song.

Mabilis naman naayos ang naging blooper ni Cher at pinagtawanan na lang niya ang nangyari onstage.

First time daw na mag-present sa Grammy Awards si Cher after 18 years. Kaya kinabahan daw siya.

I”I don’t do this part very well. I mean, put a microphone in my hand, have some music, I’m great!” biro pa niya.

(RUEL J. MENDOZA)

Go behind-the-scenes with “Scream” creator Kevin Williamson as he takes the director’s chair for the first time in the franchise in “SCREAM 7”

Posted on: February 6th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

(From left) Neve Campbell as Sidney Prescott and director Kevin Williamson on the set of Scream 7

“PEOPLE ask me that all the time, have I always wanted to direct a Scream movie, and I say, yes, with all my heart,” says Kevin Williamson, who wrote the very first Scream movie, which has become a cult favorite.

He returns to the franchise as writer, producer, and for the first time, director, in Scream 7, opening in cinemas soon, on February 25.

Watch the “Kevin Williamson Directing” featurette, which includes stars Neve Campbell and Isabel May talking about Williamson as a director: https://youtu.be/ReTzG4AaEac

image.jpeg

The iconic Ghostface in Scream 7

Photo credit: Paramount Pictures

In Scream 7, when a new Ghostface killer emerges in the quiet town where Sidney Prescott (Neve Campbell) has built a new life, her darkest fears are realized as her daughter (Isabel May) becomes the next target. Determined to protect her family, Sidney must face the horrors of her past to put an end to the bloodshed once and for all. Also stars Courteney Cox, Anna Camp, Joel McHale, Mckenna Grace and Mark Consuelos.

About Scream 7: Paramount Pictures and Spyglass Media Group Present “Scream 7”

SYNOPSIS:

When a new Ghostface killer emerges in the quiet town where Sidney Prescott (Neve Campbell) has built a new life, her darkest fears are realized as her daughter (Isabel May) becomes the next target. Determined to protect her family, Sidney must face the horrors of her past to put an end to the bloodshed once and for all.

PRODUCED BY William Sherak, James Vanderbilt, Paul Neinstein

BASED ON CHARACTERS CREATED BY Kevin Williamson

STORY BY James Vanderbilt & Guy Busick

SCREENPLAY BY Kevin Williamson and Guy Busic

DIRECTED BY Kevin Williamson

CAST: Neve Campbell, Courteney Cox, Isabel May, Jasmin Savoy Brown, Mason Gooding, Anna Camp, Joel McHale, Mckenna Grace, Michelle Randolph, Jimmy Tatro, Asa Germann, Celeste O’Connor, Sam Rechner, Ethan Embry, Tim Simons and Mark Consuelos

#Scream7 @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Ads February 6, 2026

Posted on: February 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads February 5, 2026

Posted on: February 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments