• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 5th, 2026

Carlos Alcaraz, pinakabatang tennis player na nagwagi ng career grand slam

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMUKIT ng kasaysayan sa sports na tennis si Carlos Alcaraz.

Itinuturing siya bilang pinakabatang nakumpleto ang careers grand slam.

Nakamit nito ng talunin si Novak Djokovic sa finals ng Australian Open sa score na 2-6, 6-2, 6-3, 7-5.

Pinatunayan ng 22-anyos na si Alcaraz na siya pa rin ang nasa world number 1 sa tennis.
Pinatunayan nito ang galing niya matapos na mamamayagpag sa mga torneo gaya ng Australian Open, French Open, Wimbledon at US Open.

Mas bata pa ito ngayon noong makamit nina Rafael Nadal na nasa edad 24 noong nakuha ang Grand Slam; habang edad 27 si Roger Federer ng makamit ang Grand Slam at 29 anyos naman ang Serbian tennis star na si Djokovic.

Eala at Tjen pasok na women’s doubles quarterfinals ng Abu Dhabi Open

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ABANSE na sa womens doubles quarterfinals ng Abu Dhabi Open si Alex Eala at Janice Tjen ng Indonesia.

Tinalo ng dalawa ang magkasamang sina Filipino-Canadian Leylah Fernandez at Kristina Mladenovic ng France.

Naitala ng nina Eala ang panalo sa score na 7-5, 3-6 at 10-6.

Naresolba nina Eala ang mahinang pagsisimula ng laro sa Set 1 subalit gumanti agad sina Fernandez pagpasok ng ikalawang set.

Hindi nagpatinag sina Eala at Tjen hanggang tuluyang maisara nila ang panalo.

Tulak, swak sa selda sa Valenzuela

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inakala 52-anyos na mister na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga na pulis na ang kanyang napagbinyahan ng shabu nang maaresto siyang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng umaga.

Hindi na nakapalag ang suspek na si alyas “Chong”, ng Brgy., Malinta nang sunggaban ng mga tauhan ni P/Lt. Sherwin Dascil, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police Station.

Ayon kay Lt. Dascil, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng iligal na droga sa kanilang lugar at sa kalapit na mga barangay sa lungsod.

Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan, kaagad bumuo ng team si Lt. Dascil bago ikinasa ang buy bust operation laban kay ‘Chong’ sa koordinasyon sa PDEA.

Dakong alas-8:00 umaga nang makipagtransaksyon umano si ‘Chong’ sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Manggahan St., Brgy. Karuhatan na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P68,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 14-pirasong P500 boodle money, P300 cash at coin purse.

Ayon kay SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa suspek sa pamamagitan ng Inquest Proceedings sa Valenzuela City Prosecutors Office.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang SDEU team sa kanilang matagumpay na drug operation na bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga indibidwal na sangkot sa pagpapakalat ng iligal na droga. (Richard Mesa)

NEWS 5
Bebot na wanted sa Carnapping, nalambat sa Navotas

BINITBIT sa selda ang isang bebot na wanted sa kaso ng Carnapping sa Lungsod ng Malabon nang malambat ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Navotas City.

Sa ulat ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela kay Northern Police (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa Navotas ang 22-anyos na akusado.

Ang akusado ay kabilang umano sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Malabon City Police Station dahil sa kasong paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.

Naglabas ng arrest warrant laban sa akusado ang Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 289, Malabon City, nitong January 27, 2026, para sa naturang kaso na walang inirekomendang piyansa.

Sa isinagawang manhunt operation ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas CPS ay matagumpay na naaresto ang akusado sa Barangay Tangos South, dakong alas-6:20 ng gabi.

Nakakulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail. (Richard Mesa)

Energy Storage Systems Act, ipinasa ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bodjie” Dy III

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINASA ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bodjie” Dy III sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 6676, o Energy Storage Systems Act.

Sa botong 192 pabor, tatlong no at zero abstentions, inaprubahan ang panukalang nagsusulong sa pagkakaroon ng national policy framework para sa development, utilization, at commercialization ng energy storage systems upang suportahan ang grid reliability, renewable energy (RE) integration, at power supply security sa grid-connected at off-grid areas.

Sinabi naman ni Committee on Energy Chairperson and Palawan Rep. Jose Alvarez na “this measure puts in place a clear policy direction for developing and commercializing energy storage systems, which are essential to stabilizing our power supply and maximizing the use of renewable energy.”

Sa pamamagitan ng panukala ay inihahanda na ang power sector para sa mas magandang RE integration sa enerhiya habang sinisiguro ang reliability at affordability para sa mga consumers.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Energy (DOE) ang magsisilbing implementing agency, habang ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang siyang magbubuo ng regulatory framework para sa licensing, pricing, at cost recovery ng energy storage facilities.

Maglalaan din ng insentibo sa integrated renewable energy plants na may storage systems.
(Vina de Guzman)

House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos inihain na tanggalin ang travel tax

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ng isang mambabatas na agad i-abolish o tanggalin ang travel tax dahil tumataliwas na ito sa layunin ng bansa na makabangon ang ekonomiya at regional competitiveness.

Inihain ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos (Ilocos Norte) ang House Bill (HB) No. 7443, na nagsusulong na ibasura ng travel tax at tugunan ang panawagan ng mga biyaherong Pilipino.

“The travel tax was created in a very different economic context. Today, it has become an added cost that restricts mobility and weighs heavily on ordinary Filipinos who simply want to travel for work, family or opportunity,” ani Marcos.

Sa panukala, ang travel tax na ipinapataw sa ilalim ng Presidential Decree (PD) No. 1183 at probisyon sa Tourism Act of 2009 na ibasura at itigil ang pangongolekta ng charges na P2,700 na ipinapataw sa mga first-class passengers at P1,620 para sa mga economy class travelers.

Sinabi ni Marcos na para sa isang bumibiyaheng pamilya ay pabigat na ito dahil sa halip ibang gustusin mailalaan ay sa pagbabayad ng travel tax.

“When travel becomes more expensive, fewer people move, fewer people spend and fewer opportunities circulate through the economy. Lowering the cost of travel allows Filipino families to allocate their money where it matters most,” paliwanag ni Marcos.
(Vina de Guzman)

FRASCO SA PUNA NI TULFO: ‘I’M VERY VISIBLE BECAUSE I’M SIMPLY WORKING’

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang naging matapang na tugon ni Tourism Secretary Christina Frasco nitong Miyerkules, Pebrero 4, 2026, matapos kuwestyunin sa Senado ang tila “over-visibility” ng kanyang imahe sa mga promotional materials ng Department of Tourism (DOT).

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, iginiit ni Frasco na walang basehan ang mga akusasyon ng self-promotion at nilinaw nito na ang kanyang aktibong presensya sa publiko ay hindi paghahanda para sa susunod na eleksyon.

“There’s no reason for me to promote myself because I’m not running for any national position,” pahayag ng kalihim, sabay diin na nakatuon lamang siya sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa kagawaran.

Ang isyu ay nag-ugat sa mga puna ni Senator Tulfo sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Tourism na pinamunuan ng naturang senador, hinggil sa mga nakitang tarpaulin at magazine cover sa ibang bansa, partikular sa Japan, kung saan mas prominente umano ang mukha ng kalihim kaysa sa mga tourist destinations ng Pilipinas.

Inihalintulad pa ni Tulfo ang istilo ng mga materyales sa pagiging “vlogger.”

Bilang tugon sa kontrobersya at upang matiyak na ang atensyon ay mananatili sa kagandahan ng bansa, iniutos na ni Frasco sa lahat ng regional offices ng DOT ang pagtanggal sa anumang promotional material na nagtatampok sa kanyang imahe.

Ipinag-utos din niya na huwag nang gumawa pa ng mga bagong materyales na may kanyang mukha.

Nanawagan din ang kalihim sa mga Local Government Units (LGUs) na iwasan ang paglalagay ng kanyang litrato sa mga welcome tarpaulins o tourism ads.

Ayon kay Frasco, kahit hindi niya iniutos ang paglalagay ng mga ito, nais niyang ituon ang lahat ng resources ng DOT sa mga “high-impact national projects” kaysa sa mga isyung itinuturing niyang “distraction” lamang sa paglago ng turismo.
( FRANZ ANGELES)

Walang nilabag na protocol sa pagpili ng ASEAN venues—Malakanyang

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nilabag na protocol sa pagpili ng venue para sa gagawing pagho-host ng PIlipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-related events.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sabay sabing “no breach of protocol” kung ang pag-uusapan ay venue—ang hotel-casino ay ginamit aniya para sa international summit, at hindi sa pagsusugal.
Kasunod ito sa alalahanin mula sa mga observers, na nagsabing ang kamakailan lamang na nagtapos na ASEAN Ministers’ Meeting sa Cebu na idinaos sa hotel-casino ay kinkonsiderang hindi akma para sa Muslim delegates.
At nang tanungin kung paano iwawasto ng gobyerno ang pagpili, sinabi ni Castro na “there is nothing to resolve over the venue selection.”
“Unang-una po, there’s nothing to rectify dahil kung ito naman po ay hotel casino at ang nature ng event ay gagamitin po ito para sa isang international event like summit, hindi po para magsugal, wala naman pong nilalabag na protocol ang bansang Pilipinas,” ang sinabi ni Castro.
“So, iba po kasi ang usapan kung pupunta doon para magsugal. Pero kapag ang hotel although may kasamang casino pero ang purpose po ay um-attend ng isang event, hindi po naman …wala pong nilalabag na anumang protocol ang Office of the President or ang administrasyon na ito,” aniya pa rin.
Nagbigay naman ng katiyakan si Castro na ang procurement process para sa pagho-host ng Pilipinas ngayong taon para sa ASEAN events ay mahigpit na tinutukan at sinuri.
“Patungkol po naman sa sinasabi nating procurement, ang proseso po na ito ay mahigpit po na tinututukan at kasama na rin po ang evaluation of cost at ang nature ng event,” ang winika ni Castro.
“Pero ang katulad po nitong event ay masasabi po nating high-profile international events na karamihan po ay nagka-qualify po for exemptions from standard open competitive bidding, allowing for alternative procurement methods katulad ng negotiated procurement at direct contracting,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Malakanyang, PBBM ikinatuwa ang “insufficient in substance” na deklarasyon ng House Justice Committee

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ng Malakanyang ang naging deklarasyon ng House Committee on Justice sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang “insufficient in substance.”

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, natutuwa sila na nasunod ang proseso.
“Nagpapasalamat po tayo na nakita po ng mga mambabatas kung ano po talaga ang katotohanan, at doon tayo lagi sa katotohanan, nakita po natin wala naman po talagang merito ang mga nasabi pong complaint. At maski na po ang Pangulo ay kumpiyansa na wala siyang ginawang anumang impeachable offense. At maraming salamat po dyan,” ani Castro.
Sa ngayon aniya ay nakatutok ang Pangulo sa pag -angat ng ekonomiya ng bansa kaya sabi aniya ng Pangulo ay “Let’s move forward.”
At sa tanong kung napanood ng Pangulo ang proseso kanina ay sinabi ni Castro na hindi ito napanood ng Pangulo.
“Nasabihan lang po namin kung ano ang naging resulta, dahil po ang Pangulo ay nasa dalawang events po,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, ang initial reaction aniya ng Pangulo nang masabihan nila sa development na ito ay “natuwa po siya. Ang sabi nga po niya ay nasunod ang proseso. at yun naman po talaga ang gusto ng Pangulo, masunod ang proseso at makita ang katotohanan.”
“So, sa ating mga kababayan, sana po ay nakita nyo po, at inisa isa naman po ng mga mambabatas ang mga nasabing akusasyon at sana po at napaliwanagan na at naging maliwanag sa kanila,” aniya pa rin.
Nauna rito, tuluyan nang ibinasura ng House of Representatives ang dalawang impeachment complaints na nakabala laban kay Pangulong Marcos.

Samantala, sa panayam ng media kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, tahasan niyang pinuna ang naging desisyon ng justice committee.
“Sabi nila wala raw ebidensya, sabi nila hindi raw impeachable ang mga offense na nasa complaint. Hindi po yun ang tungkulin ng mga kinatawan ng justice committee,” ani Tinio.
Hirit pa niya, “Hindi nila tungkulin na mag-abogado para sa Presidente.”
Noong Enero 19 nang unang ihain ang kauna-unahang impeachment laban kay PBBM sa pangunguna ni Atty. De Jesus.
Habang ang ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM ay pormal na naihain noong Enero 22. (Daris Jose)

PNP, pinaigting ang paglaban sa AI-assisted ‘love scams’

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SAMPUNG araw bago Valentine’s Day, mas pinaigting ni Philippine National Police (PNP) Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ang mga hakbang laban sa tumataas na banta ng AI-assisted love scams.

Ayon kay Nartatez, pinalalakas ng Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang kakayahan nito laban sa cybercrime habang patuloy na gumaga­mit ang mga scammer ng mas makabagong sistema upang mabiktima ang mga Pilipino.
“The PNP is continuously strengthening its cybercrime units by enhancing our technical capabilities, specia­lized training, and inter-agency coordination. AI scams are evolving so we really need to step up in terms of improving the investigation skills and operational capabi­lity of our personnel,” ani Nartatez.

Sumasailalim sa tuluy-tuloy na pagsasanay ang mga tauhan ng PNP-ACG sa AI detection, deepfake analysis, at digital forensics para hadlangan ang mga umuusbong na uri ng love scams sa gitna ng artificial intelligence o AI.
Isinusulong din ng PNP ang pag-upgrade ng mga kagamitang panlaban sa cybercrime at mga kasangkapan sa imbestigasyon, habang pinaiigting ang koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at civil society groups para mapabilis ang pagbabahagi ng impormasyon at ang agarang pagpapatigil sa mga operasyon ng scam.
Ipinaliwanag nila na gumagamit na ngayon ang mga scammer ng AI para lumikha ng mga pekeng identidad at mapanatili ang emosyonal na manipulasyon, dahilan para maging mas organisado at kapani-paniwala ang kanilang mga operasyon bago tuluyang mauwi sa pananamantalang pinansyal.

Anim sa mga laganap na uri ng love scam sa bansa ang kinabibilangan ng “Sad Boi/Sad Gurl”, “Seducer”, “Investor”, “Serviceman”, “Escort”, at “Slow Burn”, na bawat isa ay may kanya-kanyang pamamaraan para makuha ang tiwala at makahingi ng pera. (Richard Mesa)

Plunder vs Estrada, Revilla umusad na

Posted on: February 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes ang preliminary investigation sa plunder complaints na inihain laban kina Sen. Jinggoy Estrada at da­ting senador Bong Revilla kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Hindi naman dumalo ang dalawa dahil ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, itinakda ang PI para lamang sa pagtanggap ng case records at ma­aring abogado na lang nila ang lumutang.

“No, because the scheduled PI this afternoon is only for the reception of the records… There’s no need for them any counter-affidavit just yet,” ani Fadullon.

Ipatatawag ang dala­wa na personal na dumalo sa oras na iutos ng panel ang pagsusumite ng kanilang counter-affidavits.

“When the time comes that the counter-affidavits have to be submitted, that’s when they would be obliged to appear here,” ani Fadullon.

Bahagi ang isinagawang PI sa tatlong plunder complaints na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakabinbin sa DOJ.

Isa sa mga reklamo ang pagiging kapwa respondents sina Estrada at Bonoan, kung saan kasama din sa respondents ang namayapang si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, suspendidong DPWH-NCR District Engineer Gerard Opulencia, at dismissed na si Bulacan First District Engineering Office chief Henry Alcantara, contractor na si Sally Santos at iba pang John at Jane Does.
Si Bonoan na dumalo sa PI, kasama ang abogado, na idinawit ni Bernardo sa “allocables” projects, ay maaari pa ring makaalis ng bansa subalit mananatili sa immigration look-out bulletin dahil sa misis na may medical condition. (Daris Jose)