UMANI ng mga papuri mula netizens ang latest YouTube vlog ni Megastar Sharon Cuneta na may titulong ‘MEGA Day Out with my Angel.’
Caption ni Sharon, “Hi everyone! Wanted to share a Day Out that I recently had with my Angels from home. It really made me so happy seeing my girls happy that day [heart emoji]
“I hope that you all enjoy watching this new vlog! Happy Sunday, I love you all!”
#GirlsDayOut #shoppingday #bondingtime
Binida nga ni Mega ang kanyang loyal angels o mga kasambahay at staff na matagal na nilang kasama. Isa nga sa matagal niyang kasama ay ang bodyguard na bata pa lang ay nandun na, umalis lang ng saglit at bumalik din sa kanya.
Ipinasyal ni Sharon ang mga ito sa isang mall, at ipinamili ang kanyang mga angels ng mga damit at ilang gamit, na kitang-kita ang kaligayahan at may kasama pang Q & A, kaya sobrang nakakaaliw ang kanilang tsikahan na tungkol sa lovelife.
Karamihan nga ng komento ng netizens ay sinabing nakapa-generous at humble ni Sharon at masuwerte ang mga angels na siya ang kanilang pinagsisilbihan.
Ilan nga sa mababasa sa comment section ng vlog:
“Kay ma’am Sharon talaga namana ni Ms.KC yung kababaang loob. Kahit saan mu dalhin very humble at marunong makisama sa lahat.”
“The comfort and vibes between her and her yaya are so genuine. Kitang-kita kung gaano talaga kabait our Mega is!”
“Npaka bait at generous tlga idol mega. Tama yn un uniform nla presentable at pwede p nla magamit s lbas.”
“My megastar Ms. Sharon nag enjoy po ako sa vlogs nyo.Ingat palagi Ms. Sharon with your Angels.”
“So mabait naman po kayo, Ate Sharon. More blessings pa po.”
“Ang sarap maging staff ni mega shawie ang bait Nya.”
“Lahat ng kasama ni Megastar eh super blessed, mabait na tao kasi c Mega.”
“Wow sana all may pa shopping si mega sarap maging yaya love you my idol Sharon.”
“Sana ganyan lahat ng amo sobrang genuine sa mga employee . bless you more and ingat po kayo Ma’am Sharon.”
“Love your vlogs Sharon!! It’s so down to earth, very humble to your Angels!! Please make more weekly vlogs to show your normal day-in-a-life. Can you do a home tour at your new home??”
Say pa ng certified Sharonians….
“Sharonian here since elem, hi skul, college and now working with fam and kids..really like and love her so much coz she’s so kind,humble and very genuine..may d Lord bless u always and more my MEGA IDOL.”
“Sooo blessed po mga kasama po ninyo sa bahay. God bless you more Ms.Shawie mula noon untill now no.1 ka saken kasama po c Sen. Kiko po. praying for your family blessings and protection everyday.”
“Thank you for sharing this my megastars ate Shawie. Nag enjoy po ako lahat happy ang mga Angels nyo. Mula noon hangang ngayon talagang nag shares ng blessings,kaya naman more blessings to come . I am praying for your good health and safety always with your family.”
“Shawie if ever I see you, that will be one of my happiest days. I’ve been a Sharonian growing up. Back in the 80’s, my elementary years, bought magazines with your cover and the middle folded poster, happy na ako nun.”
(ROHN ROMULO)