Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi overload ang Roco vessel na MV Trivia Kenshin 3 na lumubog habang naglalayag patungong Jolo, Sulu madaling araw ng Enero 26.Sa ulat ng PCG ang passenger cargo -vessel na pinapatakbo ng Aleosan Shipping ay may sakay na 332 pasahero at 27 crew nang mangyari ang insidente sa 2.75 nautical miles northeast ng Baluk-Baluk Island, Basilan.Kabuuang 317 ang na rescue habang 18 ang casualty at 24 ang patuloy na pinaghahanap.Sa inisyal na imbestigasyon umalis ang arko sa Port of Zamboanga City alas 9:20 ng gabi ng Linggo kung saan may passengers maximum capacity na 352.Agad namang nakaresponde ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) mula Zamboanga City kung saan isinagawa ang rescue operations .Tumulong din ang Armed Forces of the Philippines, ilang ahensya ng gobyerno at local government units.Hindi pa masagot ng PCG ang lagay ng panahon nang mangyari ang insidente dahil nagpapatuloy pa umano ang kanilang masusing imbestigasyon. (Gene Adsuara)
MULING umigting ang pagtatalo sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang palitan ng pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Chinese Embassy, kaugnay ng isang insidenteng kinasangkutan ng umano’y pagtulong ng Chinese Navy sa isang Pilipinong mangingisda.Inilahad ni Charlie V. Manalo, sa isang kolum, ang mga posisyong umaayon sa naratibo ng China. Kabilang dito ang paniniwalang ang terminong West Philippine Sea ay wala umanong legal na batayan, na ang exclusive economic zone (EEZ) ay bukas sa sinumang nais pumasok, na hindi dapat kwestiyunin ang aksyon ng Chinese Navy dahil sa obligasyong tumulong, at na hindi umano ganap na binding ang 2016 arbitral ruling. Iginiit din na pinalala ng nakaraang administrasyong Aquino III ang sitwasyon sa pagdadala ng usapin sa arbitrasyon.Ang mga pahayag na ito ay nangangailangan ng malinaw at agarang paglilinaw batay sa umiiral na pandaigdigang batas o international law.Totoong ang paggamit ng terminong West Philippine Sea ay itinakda ng Administrative Order No. 29 noong 2012. Ngunit mali ang ipalagay na dito nagmumula ang karapatan ng Pilipinas.“Ang pangalan ay administratibo,” paliwanag ni Goitia. “Ang karapatan ay nagmumula sa batas.”Ang tunay umanong batayan ng karapatan ng Pilipinas ay ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), isang may-bisang kasunduan o treaty na nilagdaan kapwa ng Pilipinas at China. Ang administrative order ay opisyal na pagtukoy lamang ng pangalan at hindi lumilikha ng soberanya o maritime rights.Tahasan umanong itinatakda ng UNCLOS ang saklaw ng EEZ bilang 200 nautical miles mula sa baselines ng coastal state. Hindi ito interpretasyon o haka-haka.Nilinaw din ng 2016 Arbitral Award na ang Recto Bank at ilang maritime feature na mas malapit sa Palawan ay nasa loob ng EEZ ng Pilipinas.“Hindi malabo ang hangganan,” diin ni Goitia. “Malinaw ito sa batas.”Hindi teritoryo ang EEZ, ngunit hindi rin ito bukas sa pang-aabuso.Tama umano na ang EEZ ay hindi soberanong teritoryo. Ngunit mali ang palagay na dahil dito ay wala nang karapatan ang Pilipinas.Sa ilalim ng UNCLOS, ang coastal state ay may eksklusibong karapatan sa pangingisda, eksplorasyon at pagmimina ng likas-yaman, at pamamahala ng yamang-dagat. Walang karapatan ang ibang estado na magsagawa ng law-enforcement activities, military intimidation, o resource exploitation sa EEZ ng ibang bansa.“Ang kalayaan sa paglalayag ay hindi lisensya para sa pamimilit,” wika ni Goitia.May obligasyon umano ang mga barko na tumulong sa mga mangingisdang nasa panganib. Ngunit hindi nito binubura ang mas malawak na konteksto ng presensya sa lugar.Sa West Philippine Sea, may dokumentadong padron ng militarisasyon at pananakot. Sa ganitong kalagayan, ang tinatawag na humanitarian act ay hindi maaaring gamiting palusot upang gawing normal o lehitimo ang presensya ng isang dayuhang puwersa sa loob ng EEZ ng ibang estado.Mali umanong igiit na walang bisa ang arbitral ruling dahil hindi ito isang UN body o dahil hindi lumahok ang China.Ang arbitration ay lehitimo umanong mekanismo sa ilalim ng UNCLOS. Ang hindi paglahok ng isang partido ay hindi nagpapawalang-bisa sa desisyon. Ang bisa nito ay nagmumula sa kasunduan o treaty, hindi sa pahintulot ng natalong panig.Mahalaga umano ang diplomasya, ngunit hindi ito maaaring ipalit sa batas. Ang pagtalikod sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award ay kusang pagbitaw sa legal na lakas ng Pilipinas at pagpayag sa usapang pinaghaharian ng kapangyarihan, hindi ng katarungan.“Ang diplomasya na walang batas,” diin ni Goitia, “ay hindi landas ng kapayapaan kundi anyo ng kahinaan.”Ang West Philippine Sea ay hindi umanong emosyonal na imbensyon o huwad na patriotismo. Ito ay malinaw na bahagi ng EEZ ng Pilipinas, suportado ng UNCLOS, at pinagtitibay ng 2016 Arbitral Award.Sa gitna umano ng nagkakalat na maling pahayag at baluktot na pagbasa ng batas, kailangang maging mapanuri ang bawat Pilipino. Hindi lahat ng tila makatwiran ay totoo, at hindi lahat ng panawagan sa katahimikan ay naglilingkod sa kapayapaan.“Ang tunay na pagmamahal sa bayan,” pagtatapos ni Goitia, “ay ang matatag ngunit mahinahong pagtatanggol sa karapatan ng bansa gamit ang batas.” (Richard Mesa)
TULOY-TULOY lang sa pagtatrabaho si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makaraang ma- diagnosed nitong nakaraang Miyerkules na may diverticulitis.Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, ka- meeting ng Pangulo ngayong araw ng Lunes, Enero 26 ang bahagi ng kanyang economic team.Ginagawa ang Economy and Development Council o ang EDC meeting sa Malacanang kahapon ng umaga na pinangungunahan ng Punong Ehekutibo.Kasama sa nasabing meeting ang Economic managers ng pamahalaan na inaasahang dinadaluhan ngayon ng mga opisyal mula sa DBM, DOF, NEDA, DTI, BSP, at iba pa.Magugunitang, isinugod sa ospital nitong nakaraang Miyerkules ng gabi ang Pangulo dahil sa diverticulitis subalit agad ding sumabak sa trabaho kinabukasan sa pamamagitan ng pagdalo sa mga private meetings. ( DARIS JOSE)
MATAGUMPAY na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, ang unang Valenzuela City Inclusive Summit na ginanap sa Valenzuela City People’s Park, na pinagsama-sama ang mga ahensya ng gobyerno, tagapagturo, magulang, at tagapagtaguyod upang palakasin ang pangako ng lungsod sa inclusivity for persons with disabilities (PWDs).Isinagawa ito pagkatapos ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng Valenzuela Special Education (ValSPED) Center Extension at groundbreaking ceremony ng Valenzuela Education Center, na parehong matatagpuan sa Barangay Malinta, na binibigyang-diin ang patuloy na pamumuhunan ng lungsod sa inclusive at accessible na mga pasilidad sa edukasyon.Kasabay ng ika-10 anibersaryo ng ValSPED, ang Inclusive Summit ay nagsilbing plataporma upang talakayin ang mga programa at proyekto ng lungsod sa inclusivity, partikular sa edukasyon, trabaho, kalusugan, at access sa mga serbisyo ng gobyerno.Ang mga talakayan ng panel ay nakatuon sa inklusibong trabaho, mga probisyon ng segurong pangkalusugan, at mga serbisyo ng pambansang pamahalaan na sumusuporta sa pagiging kasama, na nagbibigay sa mga magulang at stakeholder ng mahalagang impormasyon at direktang access sa mga tagapagbigay ng serbisyo.Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Wes na ang inclusivity ay nananatiling isang pangunahing halaga ng pamamahala ng lungsod, na binanggit na ang pag-unlad ay dapat masukat sa kung gaano kahusay ang bawat Valenzuelano na kasama sa pag-unlad.“Ang tunay na progresibong lungsod ay ‘yung walang iniiwan. Sa Valenzuela, malinaw ang ating paninindigan – bawat bata ay may kakayahan, may pangarap, at may lugar sa ating lungsod.” aniya.Binigyang-diin ng alkalde ang diskarte sa Education 360 Degree Investment Program ng lungsod, na nagsisiguro na ang mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangan ay sinusuportahan hindi lamang sa akademiko kundi pati na rin sa pamamagitan ng kalusugan, nutrisyon, at mga serbisyong panlipunan. Sa kasalukuyan, ang ValSPED ay naglilingkod sa 1,120 mag-aaral na may mga kapansanan, na sinusuportahan ng isang multidisciplinary team ng mga physical therapist, speech language pathologist, at occupational therapist.Binigyang-diin din ni Mayor Wes na ang inclusivity sa Valenzuela ay higit pa sa silid-aralan. Sa pamamagitan ng ordinansa ng lungsod na nagtataguyod ng inklusibong trabaho, binigyan ng kapangyarihan ng Valenzuela ang 285 persons with disabilities sa pamamagitan ng self-employment programs mula 2018 hanggang 2025, na tinitiyak na ang mga PWD ay nabibigyan ng patas na pagkakataon na lumahok sa lokal na manggagawa. (Richard Mesa)
KINUMPIRMA ng Malakanyang na anim na Bureau of Immigration (BI) personnel ang sinibak sa puwesto kasunod ng di umano’y ‘unauthorized privileges’ na pinagkaloob sa Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa panahon ng kanyang pagkakakulong.Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na isang warden ang nagsumite ng kanyang courtesy resignation, na kagya’t namang tinanggap habang dalawa naman na deputy wardens ang sinibak mula sa kanilang puwesto“Three additional BI employees were also sacked in connection with the incident,” ayon kay Castro.Matatandaang inaresto si Vitaly ng mga awtoridad dahil sa umano’y pangbabastos at panggugulo sa mga Pinoy para sa kanyang content.Sa isang livestream kasama si Adin Ross kamakailan lang, lantaran niyang ikinuwento ang sinapit niya sa loob ng piitan mula sa matinding init, kakulangan sa basic needs, hanggang sa umano’y malalim na katiwalian sa detention center.Ayon kay Zdorovetskiy, hindi biro ang mga kondisyon sa loob ng kulungan na kanyang pinagdaanan.Ibinahagi ng vlogger na ang unang tatlong buwan niya sa kulungan ay isang complete isolation.Inilarawan niya ang kulungan bilang siksikan, marumi, at sobrang init, kung saan umaabot umano sa 35 degrees Celsius ang temperatura at halos walang maayos na bentilasyon.Para lang makayanan ang init, napipilitan daw ang mga preso na magbuhos ng tubig sa katawan gamit ang timba.Mas ikinabahala ng netizens ang kanyang pahayag na kontrolado raw ng mga guwardiya ang mga basic needs ng mga nakakulong mula sa inuming tubig, panglinis ng katawan, hanggang sa pagpapatingin sa doktor.“Access to basic needs depended on the guard. Sometimes I had to pretend to faint just to get water,” ang sinabi pa nito.Dagdag pa niya, madalas ay mabagal at hindi maaasahan ang tulong-medikal sa loob.Isa sa pinakamatinding rebelasyon ni Zdorovetskiy ang pag-amin na may cellphone siya sa buong panahon ng kanyang pagkakakulong.Diretsahan niyang sabi: “I had a phone the whole time in jail. I logged everything, and I will expose the corruption.”Ayon sa kanya, madaling makalusot ang mga ipinagbabawal na gamit tulad ng cellphone basta may kapalit na pera.“You pay the guard, and you are good,” pagbubunyag niya.Naipa-deport na siya pabalik sa Russia at hindi na papayagang makabalik muli sa Pilipinas.“Ang pagbibigay po at pag-a-allow ng paggamit ng cellphone ay para makausap lamang ang kanilang pamilya. At hindi po allowed na sila ay gumawa ng anumang video. Ang paggawa po ng video ng nasabing Russian vlogger ay hindi po naaayon sa rules at ito po ay walang authority o hindi awtorisado ng nasabing facility,” ang sinabi naman ni Castro.Idinagdag pa ni Castro na ipinag-utos ng Pangulo ang masusing imbestigasyon sa usapin.“Alam naman po ng bawat ahensiya…na nais ng Pangulo na malinis ang gobyernong ito mula sa korapsyon… Kung mahal nila ang kanilang trabaho at mahal nila ang bayan, sundin lamang po nila ang utos ng Pangulo,” aniya pa rin.Samantala, ang karagdagang aksyon kabilang na ang posibleng karagdagang disciplinary measures o isang reshuffle, ay depende sa kalalabasan ng nagpapatuloy na imbestigasyon. (Daris Jose)
HAHARAPIN ng Filipino tennis star na si Alex Eala ang Russian na si Alina Charaeva sa Round of 32 ng Philippine Women’s Open na ginaganap sa Rizal Memorial Tennis Center.
Si Eala, na naka-iskedyul bilang No. 2 seed sa makasaysayang WTA 125, ay maghahanap ng pagkakataon na maibsan ang isang naunang pagkatalo kay Charaeva, na tinalo siya anim na taon na ang nakalipas.
Si Charaeva, na kasalukuyang bilang na World No. 163, ay tinalo si Eala noong 2020 sa isang International Tennis Federation (ITF) sa Spain, sa score na 3-6, 3-6.
Ngunit marami na ang nagbago simula noon. Si Eala, na ngayon ay nasa top 49 ng mga WTA players at mayroong isang WTA title at maraming Grand Slam main draw appearances.
Ang mananalo sa laban ay makakaharap ang magwawagi sa pagitan ng mga Japanese na sina Nao Hibino at Himeno Sakatsume.
Samantala, ang top seed na Tatjana Maria ng Germany ay makakaharap si Leolia Jeanjean ng France.
NATAPOS ng two-time Olympians ang 5.65 meters pero bigo ito sa 5.70 meters.
Naiuwi ng Dutch pole vaulter na isi Menno Vloon ang kampeonato habang silver medals naman ang naiuwi ni Sam Kendricks ng US.
Magugunitang noong Disyembre ay nagkampeon ang 30-anyos na si Obiena ganun din sa World Pole Vault Challenge.
Kasalukuyang ranked number 11 ngayon si Obiena na ang pinakamataas na ranking na nakamit nito ay world number 2.
NANGAKO ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Giovanni Z. Lopez ng Department of Transportation (DOTr), na tutugisin ang operasyon ng mga illegal na terminal sa buong bansa, lalo na sa mga urban na lugar.Ipinahayag ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II na kasalukuyan nang binabalangkas ng ahensya ang isang polisiya upang hindi na ma-renew ang prangkisa ng mga pampublikong sasakyang bulok at hindi ligtas.“Sa napakatagal na panahon, laging binabalewala ang kapakanan ng ating mga kababayang mananakay. Dapat na itong matigil. Ngayon ay nagsisimula na kami ng agresibong reporma na nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong commuter,” ani Chairman Mendoza.Ayon kay Chairman Mendoza, ang mga ilegal na terminal ay karaniwang pugad ng mga colorum na sasakyan at pinagmumulan ng katiwalian sa kalsada. Kadalasan, ang mga ito ay matatagpuan sa mga delikadong lugar na may mababang kalidad ng pasilidad, walang maayos na silungan, malinis na palikuran, at komportableng espasyo para sa mga buntis, bata, PWDs, at nakatatanda.Binigyang-diin niya na labag ito sa polisiya ng LTFRB hinggil sa tamang pamantayan ng mga terminal ng pampublikong transportasyon, kung saan ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero ang dapat na pangunahing prayoridad.Ipinaliwanag din ng LTFRB na ang mga colorum na sasakyan ay walang insurance system, kaya’t sa oras ng aksidente, ang mga pasahero at kanilang pamilya ang magbabayad ng gastusin sa pagpapagamot o libing.Ang kampanya laban sa ilegal na terminal ay hindi lamang nakatuon sa mga kalsada at makeshift na estruktura, kundi pati na rin sa mga ilegal na terminal sa loob ng mga mall at iba pang establisyimento.“Ang mga terminal na nagpapahintulot sa operasyon ng colorum na sasakyan ay hindi maa-accredit at ang kanilang mga opisyal ay kakasuhan,” babala ni Chairman Mendoza.Magpapadala rin ang LTFRB ng mga “mystery passengers” upang matukoy ang mga ilegal na terminal, partikular sa Metro Manila at iba pang urban na lugar. Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para sa mas masusing imbestigasyon.Inatasan na rin ang lahat ng Regional Directors ng LTFRB na magsagawa ng biglaan at random na inspeksyon sa mga bus station at PUV terminal sa kani-kanilang nasasakupan.“Hindi natin dapat hintayin ang mga holiday bago magsagawa ng inspeksyon. Ang mga hindi susunod ay dapat asahan ang kaukulang parusa,” giit ni Chairman Mendoza.Dagdag pa niya, hindi lamang pagtanggal ng mga ilegal na terminal ang layunin ng operasyon, kundi pati na rin ang imbestigasyon upang papanagutin ang mga taong responsable sa pagpapanatili at pamamahala ng mga ito.Malinaw na Instruksyon: Kapakanan ng Mananakay ang Una. “Ang utos ni Secretary siguruhin ang comfort safety and convenience ng mga pasahero” Said chairman Mendoza.Pinayuhan niya ang lahat ng PUV operators na gumamit lamang ng mga terminal na accredited ng LTFRB. “Kung patuloy silang susuporta sa mga hindi accredited na terminal, maaaring masuspinde at tuluyang mabawi ang kanilang prangkisa,” aniya. (PAUL JOHN REYES)
IPINAGMALAKI ng Malakanyang na mas matibay ang tourism sector sa gitna ng target na patuloy na makapagbigay ng trabaho at pangkabuhayan sa taumbayan.Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang pagsuporta sa mga datos mula sa Tourism Department.Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na base sa ulat na ipinarating sa kanila ng DOT, umabot sa 6.48 million ang tourist arrival bitbit ang 694 billion pesos international visitors’ spending.Para kay Castro, tagumpay aniya ito sa turismo ng Pilipinas at pagpapakita sa mas matibay na sektor ng turismo ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos Jr.Aniya pa, lumawak din ang imprastraktura at konektibidad sa pagbubukas ng labing siyam na bagong international direct flight routes habang nagpatuloy din ang pag-usbong ng cruise tourism. (Daris Jose)