PERSONAL na naghatid si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) nitong Biyernes, Enero 23, ng ₱117.5 milyon na subsidiya bilang bahagi ng agarang hakbang ng lungsod upang patatagin ang pananalapi ng unibersidad at maiwasan ang pagkaantala ng mga operasyon nito.
Saklaw ng inilabas na pondo ang dalawang dating hindi nabayarang subsidy period na nagmula pa sa nakaraang administrasyon.
Gayunman, ayon sa tala ng City Finance office, nananatili pa ring hindi nababayaran ang kabuuang ₱223.75 milyon na subsidiya ng PLM mula sa mga naunang panahon.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Domagoso sa mga opisyal ng PLM na ibabalik at lalo pang palalakasin ng pamahalaang lungsod ang taunang subsidiya ng unibersidad matapos ang ilang taong pagbawas sa pondo.
“Bago ako naging Mayor, nasa ₱250 milyon ang annual subsidy ng PLM. Sa unang termino ko, itinaas natin ito sa ₱360 milyon,” ani Domagoso.
“Ang ginawa naman nila, binaba nila ng ₱210 milyon, hindi pa binigay. Ngayon, muli nating itataas ang subsidy ng PLM,” dagdag pa niya.
Ayon sa alkalde, prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pagbabayad sa mga naiwang obligasyon habang isinasagawa ang mga hakbang upang maibalik ang regular at sapat na pondo para sa pamantasanna nakararanas ng kakapusan sa pananalapi dahil sa naantalang at kulang na subsidiya.
Inatasan na rin ang City Finance team na pag-aralan ang mga pangmatagalang solusyon upang higit pang mapalakas ang kalagayang pinansyal ng PLM, na posibleng humantong sa karagdagang pagtaas ng subsidiya sa sandaling maging normal ang daloy ng mga bayad. (Gene Adsuara)
ISKO NAGHATID NG P175M SUBDIDIYA SA PLM