• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 24th, 2026

Rice for ALL distribution

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa pagwawakas ng pagdiriwang ng ika-120th anibersayo ng Navotas, namahagi ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng tig-limang kilong bigas para sa bawat pamilyang Navoteño. Nag-iikot sa bawat barangay ang Rice for ALL distribution teams upang mamigay ng stub para sa matatanggap nilang bigas na tatagal hanggang January 24. (Richard Mesa)

Mga natatanging alumni ng NPC, kinilala ni Mayor Tiangco

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-120th anibersayo ng Navotas, nagtipon ang mga graduate ng Navotas Polytechnic College sa isang gabi ng kasiyahan sa kanilang Grand Alumni Homecoming kung saan binigyan ng pagkilala ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang mga natatanging alumni ng NPC na namamayagpag sa mga pinili nilang propesyon at negosyo. (Richard Mesa)

PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na seguridad para sa Malampaya East 1 kasunod ng major gas discovery

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pinaigting na security measures sa Malampaya East 1 (MAE-1).
Sa katunayan, inatasan ng Pangulo ang Philippine Coast Guard (PCG) na tiyakin ang patuloy na proteksyon sa newly discovered gas reservoir, nakikita bilang napakahalagang energy security ng bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inatasan ng Pangulo ang PCG na mahigpit na bantayan ang Malampaya area para mapangalagaan ang energy resources ng Pilipinas.
Ani Castro, ang kautusan ng Pangulo ay sumasalamin sa pagtuon ng administrasyon na protektahan ang mahalagang energy infrastructure, lalo pa’t ang Malampaya East 1 ay inaasahan na makapag-aambag sa power supply stability at mababawasan ang dependence o pagsandal sa imported fuel.
“Layunin ng Pangulo na masiguro ang walang-patid na pagbabantay at pagprotekta sa Malampaya East 1 sa gitna ng importansiya nito sa seguridad ng enerhiya at pambansang interes,” ang sinabi ni Castro.
Bilang tugon, tiniyak ng PCG ang mas mahigpit na pagbabantay sa Malampaya East-1 kasunod ng natuklasang bagong natural gas reservoir.
Ani PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, magpapadala ang Coast Guard ng kanilang assets kabilang ang 97 meter at 44 meter vessels gayundin ang aircraft para protektahan ang bagong tuklas na lugar kung saan mayroong mataas na deposito ng naturang gas katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Company.
Aniya, magiging mas pro-active ang PCG at ire-realign ang kanilang mga barko para tutukan ang pagbabantay sa Malampaya, alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na ito ang kanilang topmost priority.
Giit din ni Tarriela na sa kabila ng mga agresibong aksiyon ng Chinese vessels sa lugar ay kanilang pro-protektahan ang bagong tuklas na natural gas.
Kamakailan ay ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang makasaysayang pagkakadiskubre ng natural gas sa Malampaya East-1, na maaaring makapagpataas pa ng domestic gas supply ng bansa. ( Daris Jose)

Posibleng nagtatago na sa bansang Cambodia o sa Thailand ang puganteng negosyanteng si Atong Ang

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na walang sinuman, anuman ang katayuan sa lipunan o impluwensiya ay maaaring umiwas sa pananagutan sa kaso ng “missing sabungeros” .
Ang pagtiyak na ito ng Malakanyang ay matapos na ihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na posibleng nagtatago na sa bansang Cambodia o di kaya sa Thailand ang puganteng negosyante na si Atong Ang.
Ito aniya ay batay sa pahayag sa kanya ng whistleblower na si Julie Patido­ngan dahil sa may kakayahan si Ang na bumiyahe sa Cambodia sa pamamagitan ng backdoor routes at iwasan ang mga otoridad.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang usapin ay ‘missing sabungeros’ ay matagal nang mino-monitor ng gobyerno.
“So, kung ito po nangyayari ngayon na isang malaking tao ay nasasangkot sa ganitong klaseng karumal-dumal na krimen, hindi po pababayaan ng gobyerno na hindi managot ang mga taong dapat managot sa hustisya,” ayon kay Castro.
Binigyang diin nito na nananatiling committed ang administrasyon sa pagtataguyod ng hustisya at ang high-profile cases ay nakatatanggap ng nararapat na atensyon.
Samantala, nahaharap si Ang sa multiple arrest warrants kaugnay ng di umano’y pagkawala at pagkamatay ng ilang ‘sabungeros.’ (Daris Jose)

ICI: P5 bilyong air assets ni Zaldy Co, na-freeze na

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NA- FREEZE na umano ang P5 bilyong halaga ng air assets ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Mismong si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Technical Working Group Chairperson Renato Paraiso ang nagkumpirma nito.

Nabatid na kabilang sa na-freeze ay isang helicopter na nasa Malaysia at isang Gulfstream aircraft na nasa Singapore.

Paglilinaw naman ni Paraiso, bagamat frozen na, hindi pa pisikal na naibabalik ang mga naturang air assets.
Aminado rin siya na ito ang isa sa mga hamon na kanilang kinakaharap sa ngayon.

“Na-freeze na natin sila. Hindi pa sila physically mababalik dito sa Pilipinas. Iyon nga ‘yung isa sa mga challenges namin,” ani Paraiso, sa isang media interview.

Dagdag pa niya, “Gumagastos ang gobyerno para doon sa hanger fee nila, sa mga maintenance fee nila. ‘Yun na lang ‘yung konting challenge natin, mag-order ang CA to seize the assets… pero as far as they’re frozen… frozen na ‘yang mga asset na ‘yan, hindi na magagalaw ‘yan.”
Sa kabila nito, tiwala ang ICI na agad ding maibabalik sa bansa ang air assets ni Co.
( Daris Jose)

Pinaghihinalaan din kung saan galing ang yaman nila… KRIS, natawa sa comment ng netizens tungkol sa kanyang mister na Chinese

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NASA maayos na kalagayan na raw ang Kapuso comedian-TV host na si Boobay pagkatapos na mahimatay habang nagpe-perform sa regional show ng GMA sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro.

Ayon sa official statement ng Sparkle GMA Artist Center: “Sparkle GMA Artist Center assures the public that Boobay is currently stable, and in good condition. Sparkle is fully supporting his recovery with complete medical care, rest, and regular monitoring.

We sincerely thank fans and the public for their concern and kind messages during this time. Boobay is grateful for the support and looks forward to returning once fully recovered.”

Patuloy naman na mino-monitor ang kalusugan ni Boobay at grateful ito sa natatanggap na suporta at tulong ng Sparkle.

Base sa mga video sa social media, bigla raw napahinto, nawalan ng balanse, at tuluyang bumagsak sa entablado si Boobay noong mag-perform ito. Agad siyang dinala sa backstage upang mabigyan ng first aid treatment.

Matapos ang ilang minuto, muling lumabas si Boobay sa stage para ituloy ang show kasama ang partner na si Super Tekla.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas ang host ng The Boobay And Tekla Show ng ganitong insidente. Noong 2016 ay nagka-mild stroke ito at nag-iwan ng tinatawag na “absence seizure” o biglaang pag-blanko ng isip at pagkawala ng malay sa loob ng ilang segundo.

***

NATATAWA na lang si Kris Bernal sa comments ng netizens tungkol sa kanyang mister na si Perry Choi.

Dahil Chinese ito, pinaghihinalaan na galing daw ang yaman nila sa money laundering.

“Dun ako natatawa. Porke’t Chinese si Perry, money launderer na agad? Hindi ba puwedeng alamin nila yung background niya?

“Nasa food business siya. Actually, diyan kami nagkakilala noong meron pa akong Meat Kris business. Tapos ay chef si Perry ng company nila. Mahilig siyang magnegosyo. Masipag ang asawa ko.

“Pero wala kaming mga helicopter or yacht. Wala kaming mga hotel sa China. Hindi iligal ang mga negosyo niya,” diin pa ni Kris.

Very understanding at supportive daw si Perry sa pagbalik ni Kris sa pag-arte via House of Lies. Medyo nagkaroon lang daw ng concern si Kris sa love scenes.

“Hirap na hirap ako sa mga love scenes. Hindi kasi ako comfortable na may kahalikan ako. Siguro nung single ako, okay lang. Pero ngayong kasal na ako, may anak na ako, parang medyo nako-conscious na ako na ‘ano kayang iisipin ng asawa ko pag napanood niya ito?’ Hindi ko na nga binabanggit,” tawa pa ni Kris.

***

THE HBO film Sinners made Oscar history as the most nominated film. Nakakuha ang naturang vampire movie ng 16 nominations including best picture and best director and best acting nominations for three of its stars: Michael B. Jordan, Wunmi Mosaku and Delroy Lindo.

Na-break nito ang 14 nomination record ng tatlong pelikula: All About Eve (1950), Titanic (1997) and LaLaLand (2016).

Ang iba pang pelikulang makakalaban ng Sinners sa best picture category ay One Battle After Another, Frankenstein, Hamnet, Marty Supreme, Bugonia, F1, The Secret Agent, Sentimental Value, at Train Dreams.

The 98th Academy Awards will be held Sunday, March 15, at the Dolby Theatre in Los Angeles. The awards will be televised live on ABC and streamed live on Hulu.

Ito ang iba pang nominees:

Best director
Chloé Zhao, “Hamnet”

Josh Safdie, “Marty Supreme”

Paul Thomas Anderson, “One Battle After Another”

Joachim Trier, “Sentimental Value”

Ryan Coogler, “Sinners”

Best actress in a leading role
Jessie Buckley, “Hamnet”

Rose Byrne, “If I Had Legs I’d Kick You”

Kate Hudson, “Song Sung Blue”

Renate Reinsve, “Sentimental Value”

Emma Stone, “Bugonia”

Best actor in a leading role
Timothée Chalamet, “Marty Supreme”

Leonardo DiCaprio, “One Battle After Another”

Ethan Hawke, “Blue Moon”

Michael B. Jordan, “Sinners”

Wagner Moura, “The Secret Agent”

Best actress in a supporting role
Elle Fanning, “Sentimental Value”

Inga Ibsdotter Lilleaas, “Sentimental Value”

Amy Madigan, “Weapons”

Wunmi Mosaku, “Sinners”

Teyana Taylor, “One Battle After Another”

Best actor in a supporting role
Benicio Del Toro, “One Battle After Another”

Jacob Elordi, “Frankenstein”

Delroy Lindo, “Sinners”

Sean Penn, “One Battle After Another”

Stellan Skarsgard, “Sentimental Value”

(RUEL J. MENDOZA)

Ipasa ang panukalang 4K buwanang stipend para sa Persons with Autism, paghihikayat ng mambabatas

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Bacolod City Rep. Alfredo Benitez ang Kamara na ipasa ang panukalang P4,000 buwanang stipend para sa Persons with Autism.
Kasunod ng komemorasyon ng Autism Consciousness Week, nanawagan si Benitez sa kanyang kasamahang mambabatas na ipasa ang panukalang magbibigay tulong sa pamilya na may kasamang autism.

“Assessment and treatment for autism is, sadly, still out of reach for many families in the Philippines. I believe that the National Autism Program bill is a necessary intervention to ensure that persons with autism (POS) are able to access timely assessment and treatment,” ani Benitez.

Sa isinusulong niyang House Bill No. 3379 magbubuo ng isang Autism Support Allowance Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglalaan ng regular stipend na nagkakahalaga ng P4,000 sa pamilya na may POS.

“This amount could go a long way in providing support to families, as initial consultations alone already cost around Php4,000.00 to Php5,000.00 a session. Then, for confirmed diagnoses for autism spectrum disorder, the recommended therapy of four to five times a week costs around P1,000 per session. Not many families have the capability to pay for such interventions,” pahayag ni Benitez.

Sinabi pa nito na layon pa ng panukala na maglaan ng suporta sa nasa 1.2 milyong pilipino, kabilang na ang halos 350,000 bata, na naninirahan sa may autism.

Maglalaan din ng iba pang serbisyo sa panukala, tulad ng libreng developmental assessment para sa lahat ng batang pinoy hanggang sa edad na limang taon, libreng occupational, speech, at behavioral therapy sa ospital ng Department of Health; at libreng gamot para sa POS diagnosed na may Level 3 Autism.

Importante aniya na maglaan ng suporta sa POS upang matulungan ang mga ito na maging mas produktibo.

“As experts say, autism isn’t a disease that needs to be cured—rather, it is a difference in neurological development. Being diagnosed with autism should not be a death sentence, but the sad reality is that because of the lack of support, POS who could otherwise be productive members of society are excluded from public activity,” saad nito.

Ang Autism Consciousness Week sa Pilipinas ay ginaganap sa ikatlong linggo ng Enero, dala ng Proclamation No. 711 (1996).
(Vina de Guzman)

1 MANGINGISDA, NAILIGTAS SA BATAAN

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng rescue operation ang Philippine Coast Guard para sagipin ang isang mangingisda na namataan sa karagatang sakop ng Hornos Point, Mariveles, Bataan .

Patungo ng Bajo de Masinloc para sa maritime patrol ang BRP Cape San Agustin nang mamataan ang mangingisda na humihingi ng saklolo sa pamamagitan ng pagkaway at pulang bandila.

Agad na nag-deploy ng rescue boat ang PCG at nailigtas ang 35-anyos na residente ng Barangay Biyaan, Mariveles.

Nagtamo ang biktima ng first-degree burn sa kanang hita matapos madikit sa exhaust pipe ng makina ng kanyang bangka at agad itong nabigyan ng lunas at psychosocial support ng medical team ng PCG.

Nagkaroon ng problema ang bangka nang makalas ang outrigger nito kaya hindi na napatakbo ng mangingisda kaya nakipag-ugnayan na lamang ang PCG sa
Coast Guard Station Bataan at Coast Guard Sub-Station Mariveles.

Dinala ang mangingisda sa Mariveles Harbor at isinailalim sa karagdagang tulong at monitoring ng Coast Guard Sub-Station Mariveles (Gene Adsuara)

MMDA, Valenzuela LGU nagsagawa cleanup operation sa Kalabingkoho River

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng cleanup operation bilang bahagi ng Bayanihan sa Estero program ng ahensya na isang inisyatiba na inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Pinangunahan nina MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III at Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang paglilinis sa Kalabingkoho River sa Barangay Malanday, na may suporta mula sa MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO).

Nakatuon ang aktibidad sa paglilinis ng mga naipon na basura at banlik sa tabi ng Kalabingkoho River, na may dalawang kilometro, upang mapabuti ang daloy ng tubig at makatulong na mabawasan ang pagbaha sa mga kalapit na komunidad.

Binigyang-diin ni Torre na, sa pamumuno ni Chairman Atty. Don Artes, nananatiling nakatuon ang MMDA sa rehabilitasyon ng mga pangunahing daluyan ng tubig sa buong Metro Manila.

“Upon the instruction of Chairman Artes, the agency has set a target to rehabilitate 25 major esteros or more by 2026, with the goal of completing key projects before the rainy season. This initiative underscores the importance of well-maintained waterways in flood prevention,” sabi niya.

Sa kanyang bahagi, binigyang-diin naman ni Mayor Gatchalian ang kahalagahan ng Bayanihan sa Estero program para sa Valenzuela City, lalo na sa mga lugar sa hangganan ng Meycauayan.

“When water levels rise, the flow of water toward MacArthur Highway is often obstructed, directly affecting communities along the Valenzuela–Meycauayan boundary,” ani Gatchalian.

“We are working together to continuously clean and maintain the creek. By deepening and widening it, we help ensure that it does not exceed its capacity during heavy rainfall,” dagdag niya.

Ang Bayanihan sa Estero program ay patuloy na ipinapatupad sa buong Metro Manila katuwang ang mga local government units, na nagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran habang pinapalakas ang mga hakbang sa pag-iwas sa baha at paghahanda sa kalamidad. (Richard Mesa)

Lalaki na wanted sa droga sa Valenzuela, nalambat ng PDEG

Posted on: January 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAKALIPAS ang isang taon, nadakip na ang 59-anyos na lalaki na wanted sa kasong may kinalaman sa iligal na droga sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PLTCOL Christopher Navida, OIC Chief ng PDEG SOU NCR ang akusado na si alyas “Berber”, residente ng Brgy., Karuhatan ng lungsod.

Ikinasa ng mga tauhan ni Lt. Col. Navida, katuwang ang Valenzuela City Police ang manhunt operation laban sa akusado sa koordinasyon sa PDEA makaraan ang nakatanggap na impormasyon na naispatan sa naturang barangay ang presensya nito.

Alas-9:30 ng gabi nang makorner ng mga operatiba ng PDEG SOU-NCR sa pangunguna ni PLT Juan Carlos De Ramos, kasama sina PCpl Alpha Jericho M Olegario, PCpl Raymart A Ditalo, PCpl Christian E Fabrigar, PCpl Christian Jade O Borromeo, Pat Dennis R Yang, Pat Argie S Garcia, Pat Ferdinand Mark B Belleza, Pat Joey E Uy, Pat Resty Jonh B Mejia at Pat Melwin A Eugenio ang akusado sa Karuhatan Road Brgy. Karuhatan.

Maayos namang naisilbi ng mga operatiba sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trail Court (RTC) Branch 282, noong January 22, 2025 para sa paglabag sa Article II ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)