• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 21st, 2026

Pinainit ang followers sa sexy topless photos… YASSER, kasama sa Bali ang nababalitang girlfriend na si ROBB

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAINIT ni Yasser Marta ang kanyang followers sa social media sa pag-post nito ng sexy topless photos.
Nagbakasyon kamakailan sa Bali, Indonesia ang Kapuso hunk at pinost nito ang ilang photos na nasa beach siya at kita ang kanyang balbon na katawan.
Wala ngang kiyeme si Yasser sa pag-pose na sexy, lalo na kung paiinitin niya ang kanyang mga accla followers.
Pero pikon ang ibang accla dahil hindi solo si Yasser sa Bali dahil kasama nito ang nababalitang girlfriend na si Robb Guinto. Nakilala si Robb dahil sa mga pinagbidahan nitong mga soft-core porn movies sa Vivamax o VMX.
Maraming beses nang nakikita ang dalawa na nagde-date at very sweet sila sa isa’t isa.
May ginawang sexy movie ang dalawa titled “Desperada” kunsaan hindi napigilan si Yasser na maging daring all the way kasama si Robb.

***

UNTI-UNTI na raw nakaka-move on si Jackie Lou Blanco sa pinagdaanan ng kanilang pamilya noong nakaraang taon.
Magkasunod kasing pumanaw ang kanyang inang si Pilita Corrales, at dating asawa na si Ricky Davao.
Pumanaw si Pilita noong April sa edad na 87. Si Ricky naman ay noong May sa edad na 63.
“2025 was very difficult for our family because we lost two of our loved ones. But that’s part of God’s plan.
“We may not understand, it was difficult. Mahirap. For all of us. In all aspects. More often than not, you don’t know how you’re able to go through it,” sey ni Jackie.
Ayon pa kay Jackie, naging mahirap din na hindi nila naipaliwanag ni Ricky sa publiko ang tungkol sa kanilang hiwalayan.
“Siguro, when Ricky and I separated, kasi we did not announce it to the public. So siguro, now that I’m thinking about it, siguro the lie there was, I guess when we were out, we would pretend.
“People didn’t really know that we were separated. So for me, parang, that’s also a lie because you’re pretending that things are okay.
“Parang we would, or siguro inisip na lang namin na parang let’s just be civil or people don’t have to know.”
Bukod kina Pilita at Ricky, kabahagi rin ng pamilya ni Jackie ang pumanaw na Superstar at National Artist na si Nora Aunor noong April at ang kapatid ni Ricky na si Bing Davao na pumanaw nung December.
Balik-trabaho na si Jackie sa GMA Afternoon Prime series na “House of Lies.”

***
PUMANAW noong January 19 ang legendary European designer na si Valentino.
He was 93.
Naging signature design ni Valentino ay ang red dress na kung tawagin sa fashion world ay “Valentino Red”.
The funeral will take place on Friday, January 23 at the Basilica Santa Maria degli Angeli e dei Martiri, in Piazza della Repubblica 8 in Rome.
Born Valentino Clemente Ludovico Garavani on May 11, 1932, in Voghera, Italy. Nag-aral siya ng fashion sa École des Beaux-Arts and the Chambre Syndicale de la Couture Parisienne in Paris.
Naging muse niya si Jackie Kennedy after wearing an original Valentino gown sa wedding nito kay Greek Tycoon Aristotle Onassis in 1968. Pina-auction ang gown in 2024 at nabili ito sa halagang $24K.
Naging muses din ni Valentino sina Elizabeth Taylor, Sarah Jessica Parker, Nicole Kidman, Gwyneth Paltrow, Jennifer Aniston, at Anne Hathaway. Nagkaroon pa ng guest role ang designer sa pelikulang The Devil Wears Prada in 2006.
Nine years before his retirement, Valentino sold his fashion brand for $300 million to Holding di Partecipazioni Industriali in 1998.
Naging last haute couture show ni Valentino ay noong 2008 at the Musée Rodin in Paris.

(RUEL J. MENDOZA)

Matapos na i-post ang pinagagawang dream house… BARBIE, nag-react sa blind item pero itinangging siya ang tinutukoy

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PROUD na proud na ipinakita ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram post ang design ng bahay na kanyang ipagagawa sa Bicol.
sa disenyo ng bahay na ipagagawa niya sa hometown niya sa Bicol para sa kanyang kapatid at Mama Bing Imperial.
Makikita sa kanyang post ang groundbreaking ceremony kasama ang ina na si Bing Imperial at kuya pati na ang pinsang architect at staff nito.
Caption ni Barbie, “MAY BAHAY NA AKO SA BICOL.
“Oh my… 10 years in the industry and was able to put a roof over my mama and kuya’s heads, and now I have my own home in my province.”
Pagpapatuloy niya, “Thank you to everyone who helped me achieve my dreams in life. I’m especially thankful to ABS-CBN and my Star Magic family for all the projects they trusted me with. to everyone who trusted me and continues to trust me, thank you.”
Naging emosyonal din siya sa pagsasabing inabot ng 10 taon para makaipon at maipagawa ang dream house para pamilya.
“Nakakaiyak kasi sobrang pinagpaguran ko to ng ilang taon…puyat, pagod, at ilang beses na iyak. huhu salamat sa Diyos at s’yempre sa nag-iisa kong lakas, mama.. para sayo to lahat,” say pa ng aktres.
Nagpasalamat din siya sa pinsang nag-design ng magiging bahay nila, “Thank you to my cousin, architect @ar.pattmarbella @vestaarchitectsph for this beautiful design.”
Samantala, nag-react naman si Barbie sa Blind Item lumabas sa radar.ph.
Ayon kay Lady Radar… “Is this “self-made” celebrity’s dream house really from her own sweat and tears, or from a very powerful admirer?”
“Lol this is so obvious it’s about me. Hindi na lang kayo maging masaya. I can proudly say NO MAN helped me achieve this. Kung sino pa yung sarili mong kapwa Pinoy talaga hihila sa’yo pababa.
“God bless you, whoever you are. Makagawa ka lang ng kuwento. Bye,” post ni Barbie at sinabi rin na ang item ay “fake news.”
Sinagot naman ito sa bagong post ng radar.ph.
Ayon sa post, “Barbie Imperial apparently didn’t get the memo. She claimed she’s Lady Radar’s latest blind item: a posh new home “down south” is allegedly from that Lovely Celebrity’s “rumored married influential lover.”
“Lol this is so obvious it’s [sic] about me,” Barbie declares without a shred of proof. Going full reaction mode, she rallied her followers: “Lets [sic] report this page please.” She even took her case to Instagram Story, and a direct message and an email to radar.”
Paglilinaw ni Lady Radar: “it’s obviously not you based on the clues. The details lang kasi pwedeng pwedeng ako eh. Bicol is also South.”
Dagdag pa niya, “Dear Barbie, when people talk about “the South,” they mean cities in southern Metro Manila. Not Bicol, much less Davao.
“The world doesn’t revolve around you—north, east, west, or south.
“It’s not imperial to become presumptive and paladesisyon.”
Ano kaya ang next chapter nito, subaybayan natin?

(ROHN ROMULO)

Malapit nang mapanood sa serye na pagtatambalan… IVANA, ramdam na ramdam ang kakaibang paghigop ni JOSHUA

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SI Ivana Alawi ang isa sa mga original na celebrity endorser ng Brilliant Skin Essentials.

At after ilang years na nawala ito sa brand, hindi pala nag-stop ang communication at pagiging magkaibigan nila ng C.E.O. at President na si Ms. Glenda dela Cruz.

Parang timing nga na sabay pa sila halos sa pagbabalik. Last year, nagkaroon ng health issue si Glenda. Rason kung bakit medyo nag-lie-low siya ng konti.

Pero sa pagpasok pa lang ng taon, pasabog naman ang naging pagbabalik na tinawag na “A Beautiful Return to Brilliance.”

Pareho na silang dalawa na nagbabalik. Si Ms. Glenda na nasabing mas pabobonggahin pa ang Brilliant Skin simula ngayong taon, pero at the same time, mas alam na rin n’ya kung paano pahalagahan ang kanyang health.

At si Ivana bilang nagbabalik nga. Pareho sila halos ng sagot na kung may hinahangaan sila sa isa’t-isa, ito ay ang pagiging mabuting tao.

No doubt naman, lalo na at pareho rin silang mga generous, lalo na sa mga nangangailangan.

Sa isang banda, si Ivana, bukod sa bagong endorsement, malapit na rin ipalabas ang bago n’yang teleserye with Joshua Garcia na “Love is Never Gone” na kinunan pa sa Morocco.

Inamin naman ni Ivana na ramdam na ramdam niya ang pagiging ‘Higop King’ ni Joshua sa kanilang kissing scene. Hindi raw inasahan ng sexy actress na ganun kalakas at ibang klase na humigop ang aktor.

***

NAPANOOD namin ang premiere night ng pelikulang “Spring in Prague” na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao.

Hango sa real-life story ng isang Filipino na nakatira sa Czech Republic. Produced ng Borracho Film Production ni Attorney Ferdinand Topacio at sa direksyon ni Lester Dimaranan. Leading lady ni Paolo si Sara Sandeva.

Actually, sa location pa lang ng movie from Puerto Galera at Praque, sulit na ang mga manonood. At sa kuwento tungkol sa inter-cultural romance na napakarami sa mga Pinoy.

Suwerte ni Paolo dahil napakagandang opportunity ang ibinigay sa kanya ng Borracho Films.

Sabi nga n’ya na very grateful din naman talaga, “Lahat ng projects ko before this film ay sexy. Kung hindi sexy, kontrabida.”

Tingin daw n’ya, ang challenge rin sa kanya ay kung paano maging totoong leading man

“Isa sa mga natutunan ko dito at isa sa mga naging challenge ko is how to work my way around being a leading man and how to act naturally but in a cinematic way.”

Ang “Spring in Prague” ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa February 4.

(ROSE GARCIA)

PBBM, pinarangalan ang mga nanalo ng medalya sa nakaraaang SEA GAMES

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga atletang Pilipino na nanalo ng medalya sa katatapos na ika-33 Southeast Asian (SEA) Games, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at kahusayan sa pagbigay ng karangalan sa bansa.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang “Parangal at Pasasalamat sa mga Bayaning Atleta: A Homecoming Celebration for the 33rd SEA Games Athletes” sa Foro de Intramuros sa Maynila, kung saan pinuri niya ang delegasyon sa kanilang mahusay na performance.

Sa ulat, nakakuha ang Team Philippines ng 277 medalya (50 gold, 73 silver, at 154 bronze), mas marami kumpara noong 2023 at 2021 SEA Games, na naglagay sa Pilipinas sa pang-anim na pwesto sa pinakahuling edisyon ng kompetisyon na ginanap sa Thailand mula Disyembre 9 hanggang 20, 2025.

“Pinagdiriwang natin ngayong araw ang dangal, tibay ng loob, at pambihirang kakayahan ng atletang Pilipino… Dala ang bandila ng ating bansa, pinakita ninyo kung ano ang kayang marating ng atletang Pilipino,” ani Pangulong Marcos.
“Buong pagmamalaki naming kinikilala ang husay at galing na ipinamalas ninyo. Ngunit, may medalya man o wala, panalo kayong lahat sa puso ng sambayanang Pilipino,” dagdag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, inanunsyo ni Pangulong Marcos na tatapatan ng Office of the President (OP) ang cash incentives na nakasaad sa Republic Act No.10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act” kung saan ang mga gold medalist ay binibigyan ng P300,000; P150,000 para sa mga silver medalist; at P60,000 para sa bronze medalist.
Pinuri ng Punong Ehekutibo ang mga tagumpay ng mga atletang Pilipino na naisulat sa pahina ng kasaysayan ng sports sa Pilipinas.
Kinilala ni Pangulong Marcos sina Alex Eala, ang unang Filipina na nanalo ng gintong medalya sa SEA Games women’s singles tennis sa loob ng 26 na taon; EJ Obiena, na nakamit ang kanyang ika-apat na magkakasunod na SEA Games gintong medalya sa men’s pole vault; at ang Philippine Women’s National Football Team, na gumawa ng kasaysayan sa pagkapanalo ng unang SEA Games gintong medalya ng Pilipinas sa football sa kauna-unahang SEA Games tuorneyo para sa mga kababaihan.
Inanunsyo din ng Pangulo na magbibigay ang OP ng PhP10,000 sa mga atletang nagwagi sa mga kompetisyong hindi kabilang sa SEA Games.
“Batid nating walang katumbas na halaga ang inyong sakripisyo, ngunit tanggapin ninyo ito bilang simbolo ng pagpupugay at pasasalamat ng mamamayang Pilipino sa inyong kabayanihan,” pahayag ng Pangulo.
Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan para sa de-kalidad na sports development sa bansa, upang mas marami pang mga Pilipino ang mahikayat na lumahok sa larangan ng palakasan.
“Pinapalawak natin ang grassroots and youth sports programs, dinadagdagan natin ang mga kinakailangang pasilidad, at mas pinapalakas pa natin ang suporta sa mga atletang lumalahok sa pandaigdigang entablado,” ani Pangulong Marcos.
Mahigit 1,500 atletang Pilipino ang lumahok sa SEA Games, na siyang pinakamalaking delegasyon ng Pilipinas sa kasaysayan ng kompetisyon. ( Daris Jose)

Kevin Durant nahigitan na si Nowitzki sa all-time scoring

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TARGET na ngayon ni NBA star Kevin Durant na mahabol si Michael Jordan sa pagkakaroon na maraming puntos.

Ito ay matapos na nahigitan na niya si dating Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki sa all-tiem scoring player ng NBA.

Naitala ng Houston Rockets star ang record ng talunin nila ang New Orleans Pelicans.

Dahil dito ay mayroon ng 31,562 points na mas mataas kay Nowitzki na mayroong 31.560.
Umangat na sa pang-anim na puwesto si Durant habang nasa pangpito na ang dating Mavs star.

Sa pang-limang puwesto ay si Chicago Bulls star Michael Jordan na mayroong 32, 292 kung saan hindi malabong mahabol ito ni Durant dahil sa aktibo pa ito.

Sa kasalukuyan ay nasa unang puwesto si Los Angeles Lakers star LeBron James na sinundan ni Kareem Abdul Jabbar, Karl Malone at Kobe Bryant.

NAVOTAS, MINARKAHAN ANG 120TH ANNIVERSARY SA PAGSULONG NG DIGITAL TRANSFORMATION

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA pagdiriwang ng ika-120th founding anniversary ng Lungsod ng Navotas, itinaguyod ni Mayor John Rey Tiangco ang diskarte na hinihimok ang teknolohiya sa pagbibigay ng mga pampublikong serbisyo.

Ang tema ng pagdiriwang ng Araw ng Navotas, “Navotas@120: eTAAS — Empowered Navoteños in a Tech-Driven, Accountable, Adaptive, Smart City,” na sumasalamin sa paglalakbay ng lungsod mula sa pagkakatatag hanggang sa patuloy na pagbabago nito sa isang moderno, nakasentro sa mga tao, at nababanat na komunidad ng lungsod.

Sinimulan ang mga aktibidad sa pangunguna ni Mayor Tiangco sa pagdiriwang ng Misa ng Pasasalamat noong Enero 5, na nag-aalok ng pasasalamat sa 120 taon ng paglago, pagkakaisa, at pag-unlad.

Noong Enero 9, pinarangalan ng lungsod ang mga pinahahalagahan nitong kasosyo na Top 20 Business and Realty Taxpayers at Top Stakeholder, kung saan kinikilala ang kanilang makabuluhang kontribusyon sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng Navotas.

Inilunsad din ng lungsod ang NavApp, isang mobile application na magsisilbing one-stop hub para sa lahat ng mga programa at serbisyo na pinangunahan ng pamahalaang lungsod.

Ipinamalas din ang kultural na pagmamalaki at pagkamalikhain sa Street Dance Competition, na tinawag na Pangisdaan Festival, na ginanap noong Enero 10 at nilahukan ng walong paaralan na nagtanghal ng inspirasyon ng mayamang pamanang pangingisda ng Navotas.

Enero 12, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ang Bahay Kalinga, isang pansamantalang kanlungan na nakatuon sa pagbibigay ng ligtas na kanlungan para sa mga inabandona, napabayaan, at inabusong mga bata, na nagpatibay sa dedikasyon ng lungsod sa pangangalaga sa mga pinakamahina nitong sektor.

Isinagawa rin ngayong taon ang pagbabalik ng Mutya ng Navotas pageant kung saan 18 naggagandahan babae na kumakatawan sa bawat barangay ang naglaban para sa titulo.

“Another year of triumph over challenges has passed, and this celebration allowed us to give thanks for the guidance and countless blessings we have received,” ani Mayor Tiangco.

“As we honor our journey, we remain committed to building a smarter, more accountable, and more inclusive Navotas for every Navoteño,” dagdag niya.

Kabilang din sa isang linggong pagdiriwang ang Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola, Navotas Funbikers Get-Together Ride, Invitational Judo Tournament, paglulunsad ng City-Wide HPV DNA Screening, at Navotas Polytechnic Home Collegeing Grand.

Ang iba pang makabuluhang aktibidad, ay ang financial literacy seminar, simultaneous clean-up drive, at mega job fair, na lalong nagpapatibay sa pangako ng lungsod sa sustainable development, environmental responsibility, at employment generation.

Nagpatuloy ang kasiyahan sa isang grand parade noong Enero 16, na pinangunahan nina Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco, kasama si Miss Universe 2025 3rd runner-up na si Ms. Ahtisa Manalo at model actress na si Ms. Max Collins, na nagdagdag ng kasiyahan sa milestone na pagdiriwang na nagtapos sa pamamahagi ng mga pakete ng bigas sa mga residente mula Enero 17 hanggang 24. (Richard Mesa)

LTFRB SUPORTADO ANG MALAWAKANG REHABILITASYON NG MAHARLIKA HIGHWAY, TRANSPORT GROUP NAGPAHAYAG NG PASASALAMAT

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang buong suporta sa anunsyo ng malawakang rehabilitasyon ng Maharlika Highway, na binibigyang-diin ang kahalagahan nito sa operasyon ng pampublikong transportasyon at sa araw-araw na pagbiyahe ng milyun-milyong Pilipino sa buong bansa.

Ibinahagi ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II na ang mga transport group—lalo na ang mga bus at provincial operators—ay nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat at ginhawa matapos ang desisyon ng pamahalaan na bigyang-priyoridad ang matagal nang hinihintay na rehabilitasyon ng pangunahing ruta ng bansa.

Ito ay kasunod ng anunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon hinggil sa alokasyon ng humigit-kumulang ₱16 bilyon para sa rehabilitasyon ng Maharlika Highway ngayong taon. Itinuturing itong prayoridad na proyekto dahil sa mahalagang papel nito sa pagkokonekta ng Hilagang at Katimugang Luzon. Nagsagawa ng inspeksyon noong Enero 16 hanggang 17 upang tukuyin ang mga bahagi ng kalsada na nangangailangan ng agarang pagkukumpuni.

“Simula nang inanunsyo ang rehabilitasyon, marami na sa ating mga transport groups, lalo na ang mga bus at provincial operators, ang nagpapaabot ng labis na tuwa at pasasalamat sa proyektong ito na suportado ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng buong transport sector sa pangunguna ni DOTr Giovanni Z. Lopez,” ani Chairperson Mendoza.

Sa loob ng maraming taon, tiniis ng mga provincial at bus operators ang hindi maayos na kondisyon ng kalsada—kabilang ang mga baku-bakong daan, lubak, lugar na madaling bahain, at matinding pagsisikip ng trapiko—na nagdulot ng mas mahabang biyahe, mas mataas na gastos sa gasolina at maintenance, at madalas na pagkaantala ng serbisyo. Ang mga hamong ito ay nakaapekto hindi lamang sa pagpapanatili ng negosyo kundi pati na rin sa kaligtasan ng mga drayber at pasahero na araw-araw na dumaraan sa mga mapanganib na bahagi ng kalsada upang maipagpatuloy ang mahalagang serbisyo sa transportasyon.

“Mahalaga ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway para sa kaligtasan ng mga pasahero at drayber, at makatutulong din ito upang masiguro ang mas maayos at mas episyenteng operasyon ng pampublikong transportasyon,” dagdag pa ni Chairperson Mendoza.
Habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon, muling pinagtibay ng LTFRB ang pangako nitong suportahan ang mga inisyatiba na nagtataguyod ng mas ligtas, mas episyente, at mas napapanatiling pampublikong transportasyon—alinsunod sa layunin ng pamahalaan na mapabuti ang kalidad ng buhay ng lahat ng Pilipino.
(PAUL JOHN REYES)

PBBM, walang direktiba na ‘ulitin’ ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects- Malakanyang

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na walang direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-redo o ulitin ang imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects.
Kasunod ito ng ulat na sinadyang magsumite ni dating DPWH Sec. Manny Bonoan kay Pangulong Marcos ng maling grid coordinates ng flood control project sa bansa.
”Wala pong ganyan, kailangan lang po talagang maitama kung ano po ang nangyaring pag-iimbestiga ngayon. Ang sabi naman po ng DPWH bago sila magsampa, tinitingnan po nila nang maigi, kung may pagkakamali hindi naman po nila ito agad sinasampa,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Sinabi pa ni Castro na ang usapin ay nakasalalay sa hurisdiksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
”So it’s up to Sec. Vince to make amendments, to correct everything so the real culprits will be held liable,” ani Castro.
Sa ulat, may 14 lamang mula sa 421 flood control projects na paunang pinuna bilang “ghost projects” ang kinumpirmang non-existent, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sa pagpapatuloy ng Senate blue ribbon committee hearing ukol sa di umano’y iregularidad sa flood control projects, sinabi ni acting Justice Secretary Fredderick Vida na ang mga kaso ay naihain na sa Sandiganbayan kasama na rito ang dalawa mula sa 14 na kumpirmadong ghost projects.
Ang natitirang 12 projects—iniuugnay sa SYMS Construction Trading at Waowao Construction Trading— ay nananatiling sumasailalim pa rin sa preliminary investigation. (DARIS JOSE)

Malakanyang, pinabulaanan ang patutsada ni Pulong Duterte na ang ‘impeachment complaint’ laban kay PBBM ay isa lamang ‘scripted distraction’

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ng Malakanyang ang patutsada ni Davao Rep. Paolo “Pulong” Duterte na ang impeachment case na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ‘isang pagtatanghal lamang.’
Nauna na kasing sinabi ni Pulong Duterte na nakakagulat ang sitwasyon dahil ang abogado na si Atty. Andrei De Jesus na naghanda ng impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos ay siya ring abogado ni Unang Ginang Liza Marcos na nag-file ng disbarment complaint laban kay dating Biliran Rep. Glenn Chong.
“Ang Pangulo at ang administrasyon na ito ay hindi eksperto sa paggawa ng intriga at eksperto sa pag gawa ng ebidensya,” ang pagdepensa naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
“Ang First Lady ay hindi nagsasampa ng disbarment case… kung nagsampa siya ng disbarment case, ito ay of his own volition. Hindi niya nirerepresent ang Unang Ginang,” aniya pa rin, tinukoy si De Jesus.
“Walang katotohanan… So sana po matapos na ang pagiging source of fake news ng mga kaalyado nila,” diing pahayag ni Castro.
Sinagot din ng Malakanyang ang alegasyon ni Pulong Duterte na sinadyang maghain ng kampo ng Pangulo ng mahinang impeachment case laban kay Pangulong Marcos para maiwasan ang pagbabawal ng Korte Suprema ng pagkakaroon ng multiple impeachment cases na paghahain laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon.
“Hindi maganda sa imahe ng Pangulo na siya ay masampahan ng impeachment complaint,” ayon kay Castro.
“Hindi din ito maganda sa pananaw ng mga ekonomista… Hindi ito bentahe, kahit sino pa ang nagsampa niyan,” dagdag na wika ni Castro
Samantala, humirit naman si Sen. Imee Marcos, kapatid ni Pangulong Marcos na ang impeachment complaint na isinampa laban sa huli ay isang “drama.”
“Tinatanong nyo ako. Isa na naman drama series na mukhang tatagal ng isang taon. Kilala naman natin sino nag-file at anong background. Kaya, yun nga, baka drama series lang to para sa isang taon.” ayon kay Sen. Marcos.
Kumbinsido siya na ang complaint ay naglalayon na i-preempt ang ibang reklamo.
At nang tanungin ukol sa mga prospect nito, sinabi ni Senator Marcos na, “Hindi ko nabasang maigi eh. Kasi natatawa ako sa itsura. Wala. Masyadong obvious na drama series. Marami tayong napanood na na-pelikulang ganun eh.” ( Daris Jose)

Kasong cyber libel laban kay Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, inihain ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN din si Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, miyembro ng National Unity Party (NUP), ng kasong cyberlibel laban kay Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.
Kaugnay ito sa viral social media post na nag-aakusa sa mga mambabatas ng NUP na tumanggap ng suhol kapalit ng political support.

Sa kanyang post, sinabi ni Barzaga na tumanggap umano ang mga NUP congressmen ng suhol mula sa businessman na si Enrique Razon sa iba’t ibang gatherings sa Solaire bago ang 2025 elections, kapalit ang pagbibigay suporta sa re-election ni Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Valeriano na ang statement ay isang seryosong usapin na ginawa ng walang ebidensiya sa pamamagitan ng social media platform.

Sinabi ni Valeriano na ang statement ng mambabatas ay nakasira sa reputasyon ng mga kongresista at public suspicion.

Malisyoso din aniya ang post at pagsasantabi sa katotohanan.

“Baseless accusations of bribery are not harmless political commentary. They are accusations of criminal conduct, broadcast to the public as if they were established fact. If you claim that legislators were bribed, then you have the duty to prove it. Otherwise, it is a malicious attack designed to destroy our reputations,” ani Valeriano.

Naniniwala pa ito na ang pagpo-post ay para siraan ang buong NUP.

“These accusations are especially harmful at a time when we are still rebuilding public trust. When lies are repeated as fact, they do not just malign individuals, they weaken institutions,” pagtatapos nito.
(Vina de Guzman)