• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 20th, 2026

Ads January 20, 2025

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Maraming na-shock at nag-react sa birthday message… CLAUDINE, tinawag na ‘first love’ si MARK at nag-‘I luv u EX’ pa

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING na-shock at nag-react sa ginawang pagbati ni Claudine Barretto sa kanyang ex-boyfriend at ‘first love’ na si Mark Anthony Fernandez na nag-birthday noong January 18.
Sa kanyang Facebook account, ang nakapukaw sa atensyon ng netizens ang sinabi sa dulo ng mensahe na, “I luv u EX (kasunod ang red heart and smiling face with heart emoji).
Post ni Claudine para kay 47th birthday ni Mark, “Belated happy birthday to my first love, my first everything, especially my first heart break (broken heart emoji).
“I said this before and l say it again if I were to live my life all over again I’d still choose u to be my first. I’m so proud of the Man u have become.”
Pagpapatuloy ng The Optimum Star, “I never thought I’d ever be friends with my EX but Mark definitely is the exception. A true Gentleman with one of the kindest soul I have ever met. Happy birthday (cake and gift emoji).
Dagdag pa niya, “thank you for never Talking Bad about me in fact u took all the blame and made sure I was always Protected even from a far.
“I have no Regrets only great memories. I luv u EX. #markdine #markfernandez.”
Magkasama nga sina Mark at Claudine sa “Totoy Bato” na napapanood sa TV5 at okay na okay ang kanilang pagkakaibigan.
Anyway, nabulabog ang netizens sa post ng aktres, kaya nakakaaliw ang naging komento nila…
“Bat may pa ‘I LOVE YOU EX’ ma? (crying emojis).”
“Pwdi aman pala gantung greetings ex! I love you ex whahahaa.”
“Mamaya tutularan sayang I love u X na yan.”
“Even my ex was telling me that he still loves me..”
“”Love you ex” dami na naman pong aawayin ngayon araw na to. Brace yourselves guys.”
“First love never dies daw eh.”
May nagtanong naman kay Clau ng, “I thought Rico Yan is your first love?”
Sinagot naman niya ang netizen ng, “Greatest love po.”
Kung si Mark ang first love at greatest love niya si Rico, ano naman kaya si Raymart Santiago, tanong din ng netizen?
Anyway may nag-comment din na, “Ganun po tlga kpag happy kn ns buhay ngayon is mganda n pananaw mo sa lahat ng bagay o sinumang naging bahagi ng buhay mo.”
“Mas nangibabaw s knila ang good memories… Kesa sa pagkakamali ng isat isa… Sana All ganun. Pero tama naman c Claudine, walang sinabing masama tungkol sa kanya c Mark. Madalas kasi nangyayari ngayon nagsisiraan ang magkarelasyon hanggang sa tuluyan nang paghihiwalay nagsisiraan pa rin.”
“It is normal po especially super close sila. We often hear them say nga on air sa kapwa nila artista.”
May nagsabi rin na parehong single daw ang dalawa kaya baka pwede na maging sila na lang ulit. Pero mukhang mas gusto Claudine na maging magkaibigan na lang sila Mark.
Teka, loveless nga ba ngayon ang aktres?

(ROHN ROMULO)

Performer ang kaibigan at ‘di naman macho dancer… MIKE, naiintindihan ang pagsasayaw ni MARK sa isang gay bar

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGING usapan nitong nakaraang taon ang pagsasayaw ni Mark Herras sa isang gay bar, ang Apollo male entertainment bar sa Baclaran, noong January 2025.
At dahil pareho silang Ultimate Male Survivor ng Starstruck, tinanong namin si Mike Tan tungkol dito.
“Matagal na niyang ginagawa yun,” umpisang bulalas ni Mike.
“I mean bilang performer si Mark Herras nagtatrabaho siya para sa pamilya niya.
“Nagsasayaw talaga yun, as a hip-hop dancer. So alam ko sa mga gay bar meron gine-guest talaga na mga hip-hop dancers. Nagkataon na siya yun.
“E andun lang naman siya para magtrabaho, hindi naman siya andun para maging macho dancer, e.
“Entertainer si Mark Herras. First and foremost si Mark Herras bukod sa pagiging artista ay dancer.
“At iyon yung way niya para mag-provide sa pamilya niya.
“May ginawa ba siyang imoral? Wala naman.”
Tinanong namin si Mike kung siya ba ay na-offer-an na na mag-perform sa isang gay bar?
“Hindi pa.”
Kung sakaling may mag-alok sa kanya, halimbawa ay kakanta, tatanggapin niya
“Kakanta sa gay bar? Hindi ko alam kung paano sila ie-entertain, to be honest with you,” at tumawa si Mike.
“Hindi ko rin alam kung magagandahan sila sa boses ko.
“Siguro habang kumakanta ako ng sabihin nating parang mga tipong Michael Buble baka gigilingan ko na lang para ma-entertain,” at muling tumawa si Mike.
Matalik na magkaibigan sina Mike at Mark at madalas pa rin silang nagkakasama.
“Magkasama kami last time sa… sa malayo e, para sa basketball. Oo, nagkakasama kami.”
Madalas may ginaganap na all-star basketball games sa mga probinsiya kung saan mga celebrities na tulad nina Mike at Mark ang naiimbitahan para maglaro.
Biro pa ni Mike, “Pagkatapos kong maglaro hindi ako makalakad masakit ang dalawang tuhod ko, e!”
Mapapanood si Mike sa afternoon drama series ng GMA na ‘House of Lies.’
Nasa serye rin sina Kris Bernal, Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy de Santos, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.
Bilang si Paolo, ito raw ang pinaka-mentally challenging role na ginampanan niya.
“Sobrang daming layers nitong character na ‘to, parang, may time na gusto kong mag-relax dun sa pag-arte, pero bigla akong sasabihan ng acting coach namin o ni direk na, ‘O siyempre kapag ginagawa mo ito dapat iisipin mo pa rin yung lie.’
“So nagugulo talaga yung utak ko everytime na umaarte ako kasi kailangan ko pa ring isipin yung kasalanan, yung kasinungalingan na nagawa mo kahit pa masaya ka dito,” kuwento niya.
Isa sa pinanood raw ni Mike para gawing peg ng character niya ay ang Ironman ni Robert Downey, Jr.
“Yung pagiging playboy, pagiging mayaman, yung pagiging relaxed dun sa mga unang script namin, doon ko siya kinuha.”
Bago ang House Of Lies ay napanood si Mike sa ‘Widows’ War’ bilang semi-regular cast member.
In between raw kapag wala siyang show ay abala siyang maging tatay.
Dalawa ang anak ni Mike, si Victoria na seven years old at si Empress Priscilla, six years old.

(ROMMEL L. GONZALES)

Inamin na fan siya at natuwang magkasama na sa serye… BEAUTY, nagpapaalam muna kay KRIS bago kunan ang matitinding eksena

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Beauty Gonzalez na fan siya ni Kris Bernal at natuwa siya noong magkasama sila sa GMA Afternoong Prime series na ‘House of Lies.’
“I’m so happy na si Kris ang nakasama ko. I am a big fan of her. Paborito namin ng husband ko yung teleserye niya na ‘Artikulo 247’ where was this crazy kontrabida. Ang galing-galing niya doon and nasabi ko na one day makakatrabaho ko siya. Aba, nagkatotoo!” sey niya.
Marami raw silang bardagulan ni Kris sa teleserye. Bago raw nila kunan ang sampalan, sabunutan at sakalan na eksena, nagpapaalam pa raw si Beauty kay Kris.
“I want to be careful with her. Ang petite niya kasi at baka mapalakas ang sampal ko sa kanya. Sabi ni Kris, ‘Do whatever you want. Kaya ko yan. Let’s do it!’ Kaya mas lalo akong humanga sa kanyang professionalism. Kapag wala kaming eksena together, lagi kaming nagkukuwentuhan about our kids.”

***

INARESTO ang Hollywood actor na si Kiefer Sutherland noong Jan. 12 sa Los Angeles dahil sa “alleged altercation” with a rideshare driver.
Keifer was released on $50,000 bond at ang court date ay naka-set for February 2.
Ayon sa report ng Los Angeles Police Department: “On January 12, around 12:15 a.m., officers from the Los Angeles Police Department responded to a radio call regarding an assault involving a rideshare driver near Sunset Boulevard and Fairfax Avenue. Kiefer Sutherland, entered a rideshare vehicle, physically assaulted the driver (the victim), and made criminal threats toward the victim. Officers arrested Sutherland at the scene for Criminal Threats, in violation of California Penal Code section 422.”
Ayon naman sa report ng TMZ: “The altercation happened after the driver refused to pull over and let the “24” star leave the vehicle. At one point, the driver called 911, claiming that Sutherland threatened to kill him if he didn’t pull the car over. He claims Kiefer assaulted him.”

(RUEL J. MENDOZA)

Cult curious? Watch the official trailer for horror-action-comedy “THEY WILL KILL YOU,” produced by Andy Muschietti and starring Zazie Beetz

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DISCOVER why everyone is dying to stay at The Virgil. “They Will Kill You,” starring Zazie Beetz (“Joker,” “Invincible”) Myha’La, Paterson Joseph, Tom Felton, Heather Graham and Patricia Arquette, is produced by Andy Muschietti (acclaimed director of horror hits including “It,” “It Chapter Two” and “Mama”) and directed by Kirill Sokolov. Everyone is invited to visit The Virgil when “They Will Kill You” opens only in cinemas March 25, 2026.

Watch the official trailer: https://youtu.be/mGrPBpaaGWs?si=J4-EW3ssHySOA8mF

Official synopsis:

From New Line Cinema and Nocturna comes THEY WILL KILL YOU. The film unleashes a blood-soaked, high-octane horror-action-comedy in which a young woman must survive the night at the Virgil, a demonic cult’s mysterious and twisted death-trap of a lair, before becoming their next offering in a uniquely brazen, big screen battle of epic kills and wickedly dark humor.

About “They Will Kill You”

THEY WILL KILL YOU stars Zazie Beetz, Myha’La, Paterson Joseph, Tom Felton, Heather Graham, and Patricia Arquette.

Directed by Kirill Sokolov and written by Sokolov & Alex Litvak, the film is produced by Andy Muschietti, Barbara Muschietti and Dan Kagan, and executive produced by Russell Ackerman, John Schoenfelder, Carl Hampe, Litvak and Sokolov.

Behind the camera, Sokolov is joined by director of photography Isaac Bauman, production designer Jeremy Reed, editor Luke Doolan, costume designer Neil McClean and visual effects supervisor Marc Smith. The composer is Carlos Rafael Rivera, the music supervisor is Andrea von Foerster and the casting director is Richard Delia.

New Line Cinema and Nocturna present THEY WILL KILL YOU, distributed by Warner Bros. Pictures, only in theaters in North America on March 27, 2026, and internationally beginning on 25 March 2026. #TheyWillKillYouMovie

Photo credit: Warner Bros. Pictures

(ROHN ROMULO)

Curlee Discaya, itinuro ng 2 ‘testigo’ sa Senate hearing kaugnya sa real estate property ni Romualdez sa Makati

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ITINURO ng dalawang iniharap na “testigo” sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong Lunes, Enero 19 si Curlee Discaya na contractor na kanilang nakausap at nagsabi umanong si dating House Speaker Martin Romualdez na ang bagong nagmamay-ari ng kanilang tinitirhan sa No. 30 Tamarind Street sa South Forbes Park, Makati City.
Hiniling naman ni Discaya kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, ang chairman ng komite, na matanggal ang face mask ng mga iniharap na testigo dahil hindi niya maalalang nakausap o nakatransaksiyon niya ang mga ito. Nilinaw ni Discaya na hindi siya kailanman nakakapasok pa sa Forbes Park.
Ipinaliwanag naman ni Prosecutor-General Atty. Richard Anthony Fadullon na sa pagtukoy may tamang pagkakataon para kilalanin ni Discaya ang pagkakakilanlan ng mga testigo.
Matatandaan, lumutang ang alegasyon na nagsilbi umano si Discaya bilang front kay Romualdez sa umano’y pagbili ng high-end real-estate property sa Makati City.
Subalit, nauna nang itinanggi ito ni Discaya at nilinaw na minsan lang niya nakita ang dating House Speaker sa isang public event at hindi niya kailanman ito nakausap. Ikinalungkot din ni Discaya ang pagkasangkapan sa kaniyang pangalan para kaladkarin ang pangalan ng dating House Speaker sa kontrobersiya ng flood control scandal. ( Daris Jose)

Malakanyang, nagdeklara ng special non-working days para sa lokal na kapistahan

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPROKLAMA ang Malakanyang ng serye ng special non-working days sa isang lalawigan, apat sa siyudad at para sa apat na munisipalidad para pahintulutan ang mga residente ngayong taon na ganap na magpartisipa sa lokal na selebrasyon at commemorative events.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1129, ang Feb. 10 ay isang special non-working day sa Bacolor, Pampanga para sa pagdiriwang ng Bacolor Day, habang ang Proclamation No. 1130 na nakatakda sa Feb. 21 ay bilang isang special non-working day para sa paggunita ng Araw ng Marinduque.
Samantala, ang Jan. 22 ay isang special non-working day sa Guiguinto, Bulacan sa ilalim ng Proclamation No. 1131 bilang tanda ng Halamanan Festival.
Sa pamamagitan naman ng Proclamation No. 1132, idineklara ng Malakanyang ang Feb. 17 bilang special non-working day sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay para sa pagdiriwang ng Araw ng Kabasalan.
Ang Proclamation No. 1133, idineklara noong Jan. 15 bilang special non-working days sa San Pablo City, Laguna para sa Coconut Festival at Proclamation No. 1134 ay idineklara noong May 7 para sa charter anniversary ng Lungsod.
Samantala, ang Feb. 2 ay idineklara bilang special non-working day sa Katipunan, Zamboanga del Norte para sa 112th Araw ng Katipunan sa ilalim ng Proclamations Nos. 1135; at sa Mabalacat City, Pampanga para sa 314th founding anniversary nito sa ilalim ng Proclamation No. 1139.
Sa ilalim naman ng Proclamation No. 1136, ang Feb. 6 ay idineklara bilang special non-working day sa Consolacion Cebu bilang marka ng kanilang106th founding anniversary.

Sa kabilang dako, idineklara naman sa Candoni, Negros Occidental ang special non-working day sa Feb. 11 para sa pagdiriwang ng Dinagyaw sa Tablas Festival, alinsunod sa Proclamation No. 1137. Ang Kapistahan ay pagdakila sa mga maagang naninirahan na nagbago sa kagubatan at ginawang ‘fertile communities.’
Gugunitain naman ng Cabanatuan City sa Nueva Ecija bilang isang special non-working day sa darating na Feb. 3 ang 76th founding anniversary, nakapaloob ito sa ilalim ng Proclamation No. 1138.
Samantala, ang lahat ng proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ( Daris Jose)

PBBM, ginagalang ang impeachment process, nangakong magpapatuloy ang pamamahala- PCO

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na ginagalang ni Pangulong Ferdsinadn Marcos Jr., ang paghahain ng impeachment complaint laban sa kanya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Para sa Malakanyang, ang nasabing hakbang ay bahagi ng demokratikong proseso sa ilalim ng Konstitusyon.
Sa isang kalatas, araw ng Lunes, Enero 19, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na kinikilala nito ang karapatan ng mga indibiduwal o grupo na maghain ng reklamo at nagpahayag ng kumpiyansa na ang Kongreso, bilang isang ‘coequal’ na sangay ng gobyerno, ay kikilos na may “katapatan, integridad at karangalan sa ‘rule of law’.”
Winika pa ng PCO na ang Pangulo ay “fully upholds the Constitution” at nananatiling kumpiyansa sa lakas ng democratic institutions ng bansa sa kabila ng reklamo laban sa kanya.
“The President fully upholds the Constitution and remains confident in the strength of our democratic institutions,” ang sinabi ng PCO.
Binigyang diin naman ng PCO na habang isinasagawa na ang constitutional processes, patuloy namang ginagawa ng Pangulo ang kanyang tungkulin at tinitiyak na ang government operations ay nananatiling walang-tigil.
“Public services remain uninterrupted, and the work of government stays focused on improving the lives of our people,” ang sinabi pa rin ng PCO.
Tinuran pa ng PCO na nananatiling committed ang administrasyon sa ‘stability, accountability, and good governance’ sa gitna ng political development.
“Our institutions are strong, our processes are clear, and the administration remains committed to the betterment of every Filipino,” ang pahayag ng Malakanyang.
Nauna rito, inihain na ang unang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos sa Kamara kaunay sa umano’y pagkakasangkot niya sa 2025 corruption scheme kaugnay sa unprogrammed appropriations, at iba pang issues.
Isinumite ni Atty. Andre de Jesus ang reklamo ngayong umaga sa tanggapan ni House Secretary General Cheloy Garafil.
Inindorso ang reklamo nina Deputy Minority Leader and Pusong Pinoy party-list Rep. Jernie Nisay.
Sa kanyang reklamo, tinukoy ni De Jesus ang mga sumusunod na grounds:
*Pag-utos sa pagdukot at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court

*Inakusahan niya si Marcos na drug addict, na nakakaapekto umano sa judgement at leadership ng pangulo

*Kabiguan umano nito na i-veto ang unprogrammed appropriations at ibang unconstitutional provisions sa General Appropriations Acts for 2023, 2024, 2025, at 2026

*Nakinabang umano sa kickbacks sa budget insertions at ghost flood control projects

*Pagtatakip umano sa mga tiwaling mga kaalyado nito sa pamamagitan ng pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI)

*Paglabag umano sa Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko dahil sa pagsuko kay Duterte sa ICC

*Sa ICI, sinabi ni De Jesus na ang lupon na nag-iimbestiga sa flood control controversy ay ginamit na kasangkapan para puntiryahin ang mga kalaban nila sa pulitika.
Idinagdag pa ni De Jesus na ang pagtanggi ni Marcos na direktang sagutin ang mga alegasyon ng paggamit ng iligal na droga, ay maaaring gamitin laban sa kanya.
Ayon sa kanya, hindi sumailalim si Marcos sa anomang pagsusuri o proseso para patunayan na hindi totoo ang alegasyon na siya ay adik o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Matatandaan na nitong buwan ng Nobyembre, sa isang rally ng religious group, sinabi ni Senator Imee Marcos na gumagamit ng iligal na droga ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos.
( Daris Jose)

SEC BONOAN KASAMA SA PLUNDER CASE NG FLOOD CONTROL

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa mga respondent sa kasong plunder sa Department of Justice ayon sa kumpirmasyon ni Justice spokesperson Atty.Polo Martinez.

Ayon kay Atty.Martinez , direktang inihain ng DOJ ang reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa maanomalyang flood control projects kung saan kapwa respondent ni Bonoan sa plunder case si Senator Jinggoy Estrada.
Sinabi ni Atty.Martinez na wala pang itinakdang petsa para sa preliminary investigation sa kaso .
Ito aniya ay itatalaga pa lamang sa assigned panel of prosecutors na siyang hahawak ng imbestigasyon.
Nauna nang sinabi ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon sa isang forum na nagkaroon ng fact-finding ang NBI katuwang ang mga Prosecutor saka nagkaroon ng rekomendasyon sa Office of the Ombudsman. (Gene Adsuara)

Rep. Nisay inendorso ang complaint… Impeachment complaint vs PBBM inihain sa Kamara

Posted on: January 20th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN na sa Kamara ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Presidente Bongbong Marcos Jr.

Ang reklamo ay inihain ni Atty. Andrei de Jesus, sa alegasyon ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at betrayal of public trust.
Inindorso ito ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay.
Isinumite ang impeachment complaint sa Office of the Secretary General ng Kamara.
Isa sa tinukoy ni de Jesus na grounds ay ang umano’y “order” at “enabling” sa “kidnapping” at pagsuko kay dating Presidente Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Sinabi pa ni De Jesus na ginawa ito nang wala umanong balidong Philippine warrant at sa kabila ng patuloy na operasyon ng Philippine courts.
Sinadya umano ni ang paggamit sa foreign intervention at isinantabi ang domestic legal processes.
Ang pagsuko ng isang dating pangulo sa dayuhang korte ay isang direktang pagkontra sa national sovereignty at malinaw na paglabag sa constitutional guarantees of due process.
Kabilang din sa dahilan ang “unfitness to serve” dahil sa umano’y pagkalulong nito sa droga na inihayag mismo ni Senador Imee Marcos.
Ang hindi pag-veto sa unprogrammed appropriations at iba pang unconstitutional provisions sa general appropriations bill mula 2023 hanggang 2026.
Nakinabang din umano ang pangulo sa budget insertions at ghost flood projects at pagprotekta umano sa mga korup na kaalyado.
Ang complaint ay inendorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Partylis Rep. Jett Nisay. (Vina de Guzman)