NAGDAOS ng pagpupulong para sa unang buwan sa taong 2026 ang Mayor’s League ng Quezon Chapter na ginanap Enero 15, 2026 sa Kalilayan Hall, Lucena City. Ito ay pinangunahan ni Mayor Sonny Ubana ng Bayan ng Lopez, Presidente ng Liga kasama ang mga opisyales nito na sina Mayor Lord Arnel “L.A” Ruanto ng Bayan ng Infanta bilang Bise Presidente ng Liga, Mayor Cesar Isaac ng Guinayangan, bilang Secretary General ng Liga, Mayor Ogie Suayan ng Candelaria , bilang Treasurer ng Liga at Mayor Atty. Elvis Uy bilang Legal Adviser ng Liga. Kasama ang iba pang mga opisyales nito,tulad nila Mayor Alfred Rigor Mitra ng Panukulan Quezon, bilang Board of Director ng Liga, Mayor Artem Mamburao ng Macalelon, Mayor Reynaldo Rosilla Jr. ng Buenavista, Mayor Webster Letargo ng Gumaca , Mayor Orlan Calayag ng Dolores Quezon, Mayor Alfred Pujeda ng General Nakar, Mayor Nikko Devanadera ng Sampaloc Quezon, Mayor Jhonny Escolano ng Quezon, Quezon, Mayor Charrize Escalona ng Perez Quezon, Mayor Ays Canimo ng Alabat Quezon. Dumalo rin sina Mayor Benson Sanggalang ng General Luna Quezon, Mayor Erick Wagan ng San Antonio Quezon, Mayor Marivic Gayeta ng Sariaya Quezon, Mayor Venchie Aguilar ng Agdangan Quezon, Mayor Aris ng Mulanay Quezon, Mayor Carlo Eleazar ng Tagcawayan Quezon, Mayor Piwa Lim ng Tayabas City, Mayor Tenten Villaverde ng Lucban at Mayor Ninong Erwin Pastrana ng Mauban Quezon. Isa sa naging panauhin nila ay si PCol. Romulo Albacea ng Quezon Police Provincial Office at iniulat niya ang mga kaganapan noong nakaraang taon 2025 at tinalakay ang pagsugpo sa droga na pangungunahing problema ng nasabing Lalawigan.(Kim Bornella/Photos by Boy Morales)