• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 16th, 2026

Matagal na siyang dine-deadma ng dating ka-loveteam KRIS, sinita-sita si ALJUR nang magkita sila sa GMA

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“TOGETHER again“ ang peg nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa backstage ng GMA Network sa set ng Kapuso program na ‘TiktoClock’ kamakailan lamang.Bago nangyari ito, sa mediacon ng ‘House Of Lies’ ay naikuwento mismo ni Kris sa amin na matagal na siyang dine-deadma ni Aljur na labis niyang ipinagtataka.Nais raw ni Kris sana, noon pa, na kunin si Aljur na maka-collab sa vlog niya.Pero ilang messages na raw siya sa dating ka-loveteam pero hindi ito sumasagot.Kaya naman kinumpronta ni Kris si Aljur noong magkita sila sa GMA.“Hoy, bakit hindi ka nagre-reply sa akin? Sumagot ka, bakit hindi ka nagre-reply sa akin, ha?”Na sinagot naman ni Aljur ng, “Nagre-reply ako.”Kaya muling tinanong ni Kris si Aljur, “That’s still your number? Ayun pa rin ba yung number mo?”“Oo, same pa rin,” ang tugon ni Aljur.“Nire-reply-an naman kita, hindi lang nagse-send,” dagdag pang sinabi nito na tumatawa.“Noong nakaraang araw, tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot.”Pagpapaliwanag naman ni Kris, “E, kasi hindi mo ako sinagot noong una, kaya sabi ko hindi ko na lang siya sasagutin kasi hindi naman niya ako sinasagot.”Deretsahan ring tinanong ni Kris si Aljur kung bakit in-unfollow nito si Kris sa Instagram.“Tsaka bakit ka naka-unfollow sa akin, ha?”Natigilan at wala agad maisagot kaya nasabi na lamang ni Aljur na, “Huwag mo namang sabihin sa camera.”Pinagaan na lamang ni Kris ang sitwasyon at iniba ang usapan sa pagsasabing, “Na-miss kita. I’m so happy for you, and congrats sa family life.”Nabuo ang loveteam nina Kris at Aljur sa Season 4 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA noong December 2006 hanggang March 2007.Si Aljur ang itinanghal bilang Ultimate Hunk, samantalang si Kris naman at si Mart Escudero ang itinanghal na Ultimate Loveteam.Nagtambal sina Kris at Aljur sa maraming GMA projects tulad ng ‘Dapat Ka Bang Mahalin?’, ‘All My Life’, ‘The Last Prince’, ‘Coffee Prince’, at ‘Prinsesa ng Buhay Ko.’Nasa ABS-CBN na ngayon si Aljur samantalang si Kris ay nananatili sa GMA, sa katunayan ay isa siya sa mga bida sa ‘House Of Lies’ sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Eere na simula sa Lunes, January 19, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.Bukod kay Kris ay nasa serye sina Beauty Gonzalez, Mike Tan at Martin del Rosario, at sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Snooky Serna at ang mga Sparkle artists na sina Kayla Davies, Angel Cadao, Geo Mhanna, at Kokoy de Santos.Kasama rin sa cast sina Tanya Gomez, Patricia Tumulak, at Gee Canlas.(ROMMEL L. GONZALES)

Buhos na agad ang projects sa simula ng 2026… ALDEN, may serye kasama si NADINE bukod pa sa medical drama

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAPAKABONGGA ng taong 2026 sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Aba, tinapos n’ya ang taon na may pasabog na isang international o Hollywood film na isa siya sa mga bida at producer via Myriad.

At ngayong January naman, halos pagkagaling niya sa kanyang US vacation noong New Year at birthday n’ya, ang pagbabalik ng “Stars on the Floor” on its second season na si Alden pa rin ang host.
Excited si Alden sa pagbabalik ng “Stars on the Floor” sa February dahil bukod sa mga P-Pop ang mga dance contestants, may twist din ngayon na kunsaan, pwede silang mamili ng partner o mag-swap.
Unlike dati na from start to end, walang palitan ng partner. So, siguradong may emosyon na iiral sa segment na ‘yon. Makakasama na rin nila si Rayver Cruz bilang isa sa mga judges.
Eh, bukod dito, lumabas na ang mga pictures nina Alden at Nadine Lustre. Gagawa sila ng series under VIU, ang “Love, Siargao.”
Bukod pa rito ang “Code Gray” na medical drama ni Alden sa Kapuso network.
Thankful naman si Alden at sabi nga n’ya, bubuhusan muna n’ya ng atensiyon ang mga ganito pa rin opportunities na dumarating. Alam rin n’ya na pwedeng sa mga susunod, wala na.

***
Statement noon ni Liza tungkol sa toxic loveteam, biglang nag-matter

BIGLANG nag-matter sa mga fan o netizens ang naging statement noon ni Liza Soberano tungkol sa toxic loveteam sa Pilipinas.
Sa X account ni Liza, napa-post ito at tila nako-confuse kung bakit ang dami raw na nagso-sorrry sa kanya.
Kahit naman nga siguro sino magugulat na pagbukas mo ng social media mo, may mga nagso-sorry sa kanya.
So yun nga ang pinanggagalingan. Dahil sa recent event kunsaan, tumanggap si Bianca de Vera ng nga hate messages kaya sinasabing naiyak na rin ito sa isang pa-block screening ng MMFF movie nila.
Sabi ni Liza, “Why are people saying sorry to me? I’m so confused.”
May mga sumagot kay Liza at ipinaliwanag dito na noon, may mga nag-cancel sa kanya dahil sa naging statement niya about loveteam at sa loveteam nila ni Enrique Gil.
“Well thank you I guess hehe. I never really got to expound on why I personally think it’s “dangerous” to be in a love team so it makes sense people got offended. They didn’t fully understand where I was coming from.”
Bakit ba feeling namin, nag-mellow si Liza ngayon? huh!

(ROSE GARCIA)

Cillian Murphy and Danny Boyle reunite at the “28 Years Later: The Bone Temple” world premiere in London

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

OG lead actor for 28 Days Later and executive producer Cillian Murphy makes an appearance at the world premiere of 28 Years Later: The Bone Temple held at the BFI IMAX theater in London on January 16. He posed along with the cast, director Nia DaCosta, and writer-producer Danny Boyle.

Watch the trailer: https://youtu.be/zjgBeVg6-Ys

28 Years Later: The Bone Temple is the second installment to the 28 Years Later trilogy, which expands upon the world of 28 Days Later that Alex Garland and Danny Boyle created more than two decades ago. Helmed by Nia DaCosta, the film continues the stories of Dr. Kelson (Ralph Fiennes), who finds himself in a shocking encounter that could change the world, and Spike (Alfie Williams) who crosses paths with disturbing cult leader Jimmy Crystal (Jack O’Connell).

Left photo: Cillian Murphy strikes a pose at the world premiere of “28 Years Later: The Bone Temple” | Right photo: Danny Boyle, Aflie Williams, and Jack O’Connell take a photo together at the world premiere of “28 Years Later: The Bone Temple”

Left photo: Jack O’Connell, who plays the unhinged cult leader Jimmy Crystal, walks the black carpet at the world premiere of “28 Years Later: The Bone Temple” | Right photo: Chi Lewis-Parry, who plays the intimidating alpha infected Samson, is all smiles at the world premiere of “28 Years Later: The Bone Temple”

The horror continues as 28 Years Later: The Bone Temple is now showing in Philippine cinemas.

Ticket prices para sa Philippine Women’s Open inanunsiyo na INILABAS na ng Philippine Tennis Association (PHILTA) ang presyo ng ticket at kung kailang ang pagsisimula ng bentahan para sa nalalapit na Philippine Women’s Open ang kauna-unahang WTA tournament sa bansa.

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Magsisimula ngayong , Enero 14 ang bentahan ng tickets para sa qualifying at main draw matches.

Ang qualifying matches ay mula Enero 24 hanggang 25 habang ang main draw matches ay mula Enero 26 hanggang 29.

Nagkakahalaga ang tickets para sa qualifying matches ng P200 kada araw habang ang unang apat na araw ng main draw matches ay nagkakahalaga ng P1,000 free seating kada araw.

Ayon kay PHILTA Executive Director Tonette Mendoza na maari silang makabili ng tickets online.

Magbabago naman ang presyo ng tickets pagdating ng semifinals at finals kung saan iaanunsiyo ang pagsisimula ng bentahan nito sa susunod na linggo.

Nagkakahalaga ang semifinals ticket ng P1,500 habang ang finals ay P2,0000 na reserved seating.
Gaganapin ang Philippine Women’s Open mula Enero 26-31 sa Rizal Memorial Stadium.

Heat coach Spoelstra hawak ang record na pinakamatagal na aktibong coach ng US

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PANIBAGONG record ngayon ang hawak ng kilalang Filipino-American coach na si Erik Spoelstra.
Itinuturing kasi na ang head coach ng Miami Heat ay siyang pinakamatagal na aktibong coach sa major sporting games sa US.
Nakuha nito trono matapos na magretiro sa pagiging coach ng American football team na Pittsburgh Steelers sa loob ng 19-taon si Mike Tomlin.
Naging coach ng Heat si Spoelstra mula pa noong 2008 kung saan maging sa NBA ay siya ang may hawak ng titulo dahil sa pagreretiro ni Gregg Popovich ng San Antonio Spurs noong nakaraang taon.
Nagpasalamat naman si Spoelstra sa pagkilala kung saan nakatuon ito ngayon sa pagpapanatili ng Heat para muling makakuha ng kampeonato.

Funbikers, pumadyak sa 120th anibersayo ng Navotas

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-120th anibersayo ng Navotas City, muling pumadyak sa buong Lungsod ang Navotas funbikers sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco. Ayon sa alkalde, regular ding nagsasagawa ng funbike sa lungsod upang magsulong ng healthy lifestyle at pag-iwas sa mga bisyo. (Richard Mesa)

News 3
PIWSI dapat na managot kasunod ng naganap na Binaliw landslide sa Cebu

PINAIIMBESTIGAHAN ni Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula sa Cebu City ang Prime Integrated Waste Solutions Inc. (PIWSI) kasunod ng naganap na Binaliw landslide na kumitil ng 18 buhay.
Sinabi ng mambabatas na dapat panagutin ng pamahalaan ang kumpanya sa sakuna.
“This was a preventable tragedy. Hindi ito aksidente. Ito ay kapabayaan,” ani Ismula.
Una nang nabanggit ng Commission on Audit (COA) ang isyu ng critical safety risks kabilang na ang leaks at overflow ng basura na lagpas sa kapasidad nito.

“The residents have been complaining to previous city administrations and the Department of Environment and Natural Resources (DENR) but their concerns were shunned throughout the years. Sa Binaliw, umaalingasaw na ang kapabayaan at 18 na mga kababayan natin ang namatay,” saad ni Ismula.
Isinusulong din ng mambabatas ang pagbibigay ng financial support at compensation mula sa private company, at local at national governments para sa pamilya ng namatayan at mga nawawala.
Inihayag nito na bukod sa burial assistance, dapat maglaan ang private contractor, local at national government ng long-term livelihood support at agarang relocation para sa survivors na naninirahan sa danger zone.
“Kailangan nang mabilis na aksyon para sa mga pamilya. More than just prayers and fingerpointing, they need justice and guaranteed compensation from the company responsible,” dagdag nito.
(Vina de Guzman)

Pagbaba ng four star rank ni General Melencio Nartatez, ipinauubaya na sa magiging rekomendasyon ng NAPOLCOM

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAPAUBAYA na sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang rekomendasyon upang ganap na masungkit ni Acting PNP chief Gen Melencio Nartatez ang ika-apat na estrella sa balikat nito.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Nartatez na kailangan ang rekomendasyon ng NAPOLCOM para sa kanyang promosyon upang maging ganap na siyang 4 star general.
Nasa ilalim aniya ng pangangasiwa ng National Police Commission ang Pambansang Pulisya ani Nartatez at nasa kanila aniya ang hurisdiksyon para irekomenda sa Pangulo ang pagtaas ng kanyang ranggo.
Ang Pangulo naman aniya ng magdedesisyon at magbibigay ng 4-star rank base sa prosesong ipinatutupad.
At sa sandaling makuha na ni Nartatez ang kanyang 4 star rank, aalisin na sa kanya ang acting capacity at magiging full.pledge PNP Chief at magsisilbing ika 32 hepe ng Pambansang Pulisya. ( DARIS JOSE)

PBBM, NAG-ALAY NG DASAL PARA SA MGA BIKTIMA NG LANDFILL TRAGEDY SA CEBU

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAG- ALAY ng panalangin si Pangulong Ferdinand R. Marcos para sa mga biktima ng nakalulunos na landfill incident sa Barangay Binaliw, Cebu City noong Enero 8.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang panandaliang pagtahimik at pagdarasal para sa mga biktima ng Binaliw landfill tragedy sa seremonya para sa kauna-unahang methanol dual-fuel KAMSARMAX bulk carrier sa buong mundo na idinaos sa West Cebu Estate industrial economic zone sa Barangay Buanoy, Balamban, Cebu.
“Before we start, let us take a moment of silence for the victims of the landfill incident in Barangay Binaliw, Cebu City, last January 08,” sinabi ng Pangulo.
“As search and rescue operations continue, we offer our prayers for the souls of the departed and strength to their grieving families,” patuloy ng Pangulo.
“Makakaasa kayo na ang pamahalaan ay nagsasagawa ng lahat ng kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan, transparency, pananagutan, at kaukulang tulong.”
Tiniyak din ng Pangulo na nagbibigay ang pamahalaan ng tulong sa pagpapalibing at iba pang suporta para sa apektadong pamilya.
Umabot na ang kabuuang nasawi sa 13, habang 23 ang nananatiling nawawala as of nitong Enero 13.
“Let us stand in solidarity with our fellow Filipinos during this difficult time,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Dahil sa nasabing trash slide, agarang nag-isyu ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng cease-and-desist order sa operator ng Binaliw sanitary landfill sa Cebu City.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DENR sa mga apektadong pamilya at nangakong magsasagawa ng imbestigasyon na patas at nakabatay-sa-ebidensiya upang matiyak ang ganap na pananagutan at maisagawa ang mga kinakailangang pagbabago upang maiwasang maulit ang ganitong insidente.
( Daris Jose)

Itinuturing na “armed and dangerous”… DILG, may alok na P10-M reward money para sa ikaaaresto ni Atong Ang

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG magbigay ng P10 million pabuya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa impormasyong magtuturo sa ikaaaresto ng negosyanteng si Atong Ang, na nahaharap kasong may kinalaman sa kidnapping ukol sa mga missing sabungero.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, pormal na inanunsiyo ang reward money Huwebes, Enero 15, kasunod ng pagpupulong ng mga opisyal, bilang paraan upang hikayatin si Ang na sumuko.
Sinabi ni Remulla na batay sa monitoring ng pamahalaan, nananatili pa rin sa Pilipinas si Ang, partikular sa Luzon.
Samantala itinuturing naman ng DILG chief na “armed and dangerous” si Ang, dahil sa mga alegasyong sangkot umano ito sa pagpatay ng mahigit isang daang katao, pati na rin sa dami ng mga bodyguard na umano’y kasama nito.
Dagdag pa niya, handa ang mga awtoridad sa anumang posibleng mangyari sakaling manlaban si Ang sa oras ng pag-aresto.
Ayon naman kay PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., mas pinalawak ang koordinasyon ng pulisya sa Bureau of Immigration bilang bahagi ng manhunt.
Si Ang ay kabilang sa 18 indibidwal na may arrest warrant kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero. Ayon sa PNP, nahaharap siya sa 15 bilang ng kidnapping at serious illegal detention at apat na bilang ng kidnapping with homicide.
Sa kabilang dako hawak na ng kustodiya ng pulisya ang iba pang 17 akusado kaugnay sa mga nawawalang sabungero. ( Daris Jose)

PMajor Flynn C. Aquisio, an officer with dignity

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAPOS ng PNPA sa Baguio at binigyan ng iba’t ibang tungkulin dahil sa kanyang talino at pagmamahal sa serbisyo. Ang pamilya ni PMajor Flynn C. Aquisio ay mga militar din halos lahat silang magkapatid simula sa kanilang ama. Maraming napagtapusan si Pmajor Flynn ng mga sitwasyon sa pananatili ng kaayusan, kaya naman mula sa probinsiya ng Abra dahil sa kanyang karanasan siya’y dinala sa Maynila at nagkaroon ng bagong assignment dito sa Sub Station 5 Pasay City.
Ayon pa dito, ” every week nagkakaroon kami ng iba’t ibang dialogue para mabantayan natin ang kaayusan at kapayapaan ng siyudad. Ang mga kasama ko ay walang tigil sa pag-iikot o pagroronda kaya naman wala kayong mabalitaan na kaguluhan at napigilan na rin namin ang mga kabataan na lulong sa droga. Nanghihinayang kami sa buhay nila na hindi nagagamit sa tama. Kaya mahigpit kong pinatatanoran ang kapaligiran para maiwasan ang nakawan , snatching o anumang insidente. Pangako namin ay tulungan ang lokal na pamahalaan sa maayos na pamamalakad at kaayusan,” ito ang pagtatapos ng butihing PMajor Flynn.
( Sonny Asignacion)