• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 12th, 2026

Lolo, kulong sa acts of lasciviousness sa Malabon

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang 60-anyos na lolo na akusado sa Acts of Lasciviousness at Lascivious Conduct matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig ang akusado na si alyas “Jaime”, vendor ng Sitio, 6, Brgy. Catmon.
Napag-alaman ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon CPS na may nakabinbing arrest warrant ang akusado na inisyu ng Malabon City Family Court Branch 4, noong December 15, 20215 para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 at Lascivious Conduct in relation to RA 7610.
Dahil dito, kaagad ikinasa ng mga tauhan ni Col. Umipig ang malawakang manhunt operation laban sa akusado na nakatala bilang No. 9 sa Top Ten Most Wanted Person ng Malabon CPS.
Ganap na alas-3:40 ng hapon nang tuluyang maaresto ng mga tauhan ni Col. Umipig ang akusado sa Ibarra Street, Barangay Acacia, sa bisa ng arrest warrant na may inirekomendang piyansa na P360,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Binati naman ni Gen. Dela Cruz si Col. Umipig at kanyang mga tauhan para sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga wanted na criminal na pinaghahanap ng batas para mapanagot sa kanilang nagawang kasalanan. (Richard Mesa)

Translacion ng Poong Jesus Nazareno, dinumog ng mga deboto

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI alinta ng libu-libong mga deboto ang siksikan at pagod makasampa lang at makahawak sa Andas ng Poong Jesus Nazareno habang sinaklolohan naman ng mga rescue volunteer ang ilang mga deboto na nawalan ng malay sa kasagsagan ng prusisyon para mabigyan ng paunang lunas. (Richard Mesa)

Sa kasagsagan ng coverage ng Traslacion… NPC NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NG PHOTOJOURNALIST

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pakikiramay ang
National Press Club (NPC) sa biglaang pagpanaw ng Photojournalist na si Itoh Son sa kasagsagan ng kanyang coverage ng Traslascion 2026 sa Maynila Enero 9 ng umaga.

Nais ng NPC, sa pamumuno ni NPC President Leonel “Boying” Abasola na ipaabot ang pakikiramay sa pamilya, kaibigan, at mga kasamahan ni Itoh Son, at isang photojournalist sa pahayagang Saksi.

Ayon sa mga kasamahan ni Son, nakakaramdam ito nang hindi magandang pakiramdam habang siya ay nag-cover ng Pahalik sa Poong Nazareno ngunit ito ay hindi niya ininda tanda ng kanyang dedikasyon sa trabaho at debosyon sa kanyang trabaho bilang isang “photo-journalist.”

Ipinakita in Itoh Son na kahit masama ang kanyang karamdaman ay kailangan niyang gawin ang trabaho na isang katunayan ng kanyang pagmamahal sa trabaho at pagnanais na maipaabot ang mga kaganapan sa publiko.

Ito ay hindi matatawarang serbisyo bilang isang photojournalist na hindi alintana ang pansariling kalusugan magampanan lamang ang kanyang tungkulin sa pinaglilingkurang pahayagan at sa publiko.

Ang NPC sa gitna ng malungkot na pangyayaring ito ay nananawagan sa ating mga kapatid sa hanapbuhay na bigyang pahalaga ang kanilang kalusugan upang mas lalo nating magampanan ng buong husay ang ating mga tungkulin sa publiko at sa ating pamilya. (Gene Adsuara)

Angara, umaasa na hindi siya kasama sa napababalitang ‘rigodon’ sa Gabinete

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Education Secretary Sonny Angara na bagaman wala namang kumpirmasyon sa sinasabing Cabinet revamp, umaasa siya na hindi siya kasama sa anumang “balasahan.”
“Hopefully hindi, hopefully hindi tayo kasama doon kung meron man,” ang sinabi ni Angara sa mga mamamahayag sa isang ambush interview sa San Francisco High School sa Quezon City.
Binigyang diin ni Angara na itinanggi na ng Malakanyang na may isinasagawang Cabinet revamp at hindi aniya nila personal na napag-usapan ng Pangulo ang bagay na ito.
“Ah kay Presidente hindi, kay Palace spokesperson sabi sa ‘kin …wala naman at saka si ES (Executive Secretary Ralph Recto), sabi wala naman,” ayon sa Kalihim.
At nang tanungin kung saan nag-ugat ang nasabing balita, tumanggi naman si Angara na mag-speculate.
Nauna rito, itinanggi ng Malakanyang na mayroong napipintong balasahan sa gabinete ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi napag-uusapan sa Malakanyang ang panibagong revamp sa gabinete.
Sa ngayon, ayon kay Castro walang naipararating sa kanya tungkol sa anumang pagbabago sa cabinet members.
Ayon pa sa Palace Official, baka mayroon lang nagpapakalat tungkol sa cabinet revamp.
Pero kinumpirma nito na nagpapatuloy pa ang performance review sa mga opisyal ng gobyerno.
Naka-depende anya sa Pangulo kung kuntento ito sa trabaho ng kanyang gabinete.
Samantala, muling umugong ang umano’y rigodon at siyam na ahensya ang sinasabing maapektuhan kabilang ang DOH, DOT, DOTr, DFA, BOC, DepEd, DPWH, DICT at DepDev. ( DARIS JOSE)

Mga sugatang deboto, mayorya sa mga isinugod sa DOH medical tents

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa mahigit 200 deboto ang nilapatan ng atensiyong medikal ng Department of Health sa gitna ng nagpapatuloy na prusisyon ng Poong Hesus Nazareno sa Maynila, Biyernes, Enero 9.

Ayon kay DOH-Health Emergency Response Team Leader, Dr. Christian Ramos, mas marami ngayon ang mga isinugod na pasyente sa mga DOH medical tents dahil sa trauma. Mayorya ay mga nagtamo ng sugat gaya ng gasgas at pasa.

Iniulat din ni Dr. Ramos na mayroong isang pasyenteng nasagasaan ang kaliwang paa ng gulong ng andas dahilan ng pagkaputol ng dulo ng kaniyang daliri sa paa. Mayroon ding ilang deboto na kinailangang isugod sa ospital kabilang ang isang 15 anyos na naipit sa kasagsagan ng prusisyon at nakaranas ng anxiety reaction.
Samantala, nasa kabuuang 20 DOH emergency stations ang nakapwesto sa ruta ng andas kung saan nakapagtala ng biglang pagdami ng mga nasugatang deboto sa Area 2 kaninang pasado alas-7:00 ng umaga.

Agad namang dinala ang mga sugatang deboto sa medical tent ng DOH sa may Ayala bridge, na bahagi ng ruta ng andas.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pakikipagtulungan ng DOH sa Philippine Red Cross para sa pagbibigay ng medical aid sa mga deboto sa kasagsagan ng Traslacion.
( Gene Adsuara)

Silence is deadly. Oscar winner Troy Kotsur brings us into his world without sound in a new featurette for horror-mystery “PRIMATE,” in cinemas January 21

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“When I was growing up, I would watch horror movies and you’d notice that so many people will react from a sound that they hear, and so I was on a journey into your world,” says Troy Kotsur, the first male deaf actor to win the Academy Award, for his performance in the 2021 film CODA.

In Primate, Kotsur plays Adam, patriarch of the Pinborough family, which includes a chimpanzee named Ben. Ben was brought home by Adam’s late wife, a linguistics professor who used to work with Ben. While Adam is away on a short work trip, his daughters and their friends’ tropical vacation turns into a terrifying, primal tale of horror and survival. Primate is directed by Johannes Roberts and also stars Johnny Sequoyah, Jessica Alexander and Victoria Wyant.

Watch the “Silence is Deadly” featurette: http://y2u.be/X1pZqaVHa2c

Get ready to go bananas for PRIMATE when it opens in Philippine cinemas January 21, 2026. #PrimateMovie

About Primate:

Paramount Pictures Presents In Association with Domain Entertainment An 18Hz Production“PRIMATE”

SYNOPSIS: In PRIMATE, a group of friends’ tropical vacation turns into a terrifying, primal tale of horror and survival.

EXECUTIVE PRODUCED BY Vicki Dee Rock, Nathan Samdahl, Johannes Roberts, Pete Chiappetta, Anthony Tittanegro, Andrew Lary

PRODUCED BY Walter Hamada, p.g.a., John Hodges, p.g.a., Bradley Pilz

WRITTEN BY Johannes Roberts & Ernest Riera

DIRECTED BYJohannes Roberts

STARRINGvJohnny Sequoyah, Jessica Alexander, and Troy Kotsur, Victoria Wyant, Gia Hunter, Benjamin Cheng, Charlie Mann, Tienne Simon

#PrimateMovie@paramountpicsph

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

Maayos ang paglipat sa Triple A mula sa Star Magic… DJ JHAI HO, hindi isyu na tawaging ‘sir’ dahil paggalang pa rin ‘yun

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access to Artists o Triple A management.
Maayos daw ang hiwalayan nila ng Star Magic na siya niyang dating management.
Lahad ni DJ Jhai Ho, “Yes po. Ang kumuha sa akin sa Star Magic was Mr. Johnny Manahan po, that’s why kung makikita niyo sa social media post ko, recently I was invited sa isang event and nagkasalubong kami ni Mr. M doon and yung pinost ko nga na malaki yung pasasalamat ko sa kanya.
“At kahit nung nagka-transition naman po hindi din naman ako kinalimutan ni Tita Mariole [Alberto, dating executive ng Star Magic] and ni Mr. M na kamustahin, at kung ano’ng mga plans.
“Nung nagpaalam po ako kay direk Lauren [Dyogi] at sa handler ko po, kay Tita Cris Navarro, hindi po siya yung basta paalam na thru text lang po, personal ko po silang pinuntahan sa office at personal po akong humingi ng basbas at sinabi ko po na ako po ay… gusto ko po na mag-explore naman at walang masamang, walang pagbu-burn ng bridge.
“Nung una po hindi agad-agad, naghintay kami ng mga two months kasi parang nagbigay din po sila ng offer po, pero sabi ko nga po dahil okay naman po ang relationship ko with them, ako po ay susubok po at uuwi dun sa pamilya naman na matagal na rin namang sumusuporta at nagmamahal rin sa akin, which is ang All Access po. “Kaya naging matagal kasi nung time na yun nasa World Tour concert sina direk Lauren, hinintay ko lang siyang bumalik para personal na nandito siya, bago ko rin makalimutan siyempre dati din akong co-managed ni Tatay Ferdie Bautista ng Artist Gallery po, ganun din po, maraming luha, nag-iyakan din naman kasi ang tagal namin.
“Mula nung projects ko na teleserye sa ABS-CBN dati and every hosting po, sila yung kasama ko.
“Maayos kasi last November 7, I’m still part of the Bida Kapamilya pa rin naman ng ABS-CBN, nagho-host pa rin ako sa kanila at okay po yung pag-e-exit ko with Star Magic, maayos po lahat at hindi po ako pumirma ng may sama ng loob sa kanila, lahat po ay idinaan sa tamang proseso po.”
Winelcome siya ng mga big bosses ng Triple A; sina Jacqui Cara(Head of Operations and Sales), Michael Tuviera (CEO and President) at Jojo Oconer (COO and Chief Financial Officer).
Officially, kailan natapos ang contract niya sa Star Magic at kay Ferdie?
“Kay Tatay po medyo matagal na, parang verbal na lang po yung aming pagsasama. Sa Star Magic po kung hindi po ako nagkakamali, first quarter of this year, kasi po hindi po talaga ako nag-sign kasi akala po namin ni Ate Jacqui matagal na… actually last year pa, nagkakausap na po kami hindi as my manager, kundi as my Ate po, na pag may bago akong project nagsasabi talaga ako kay Ate Jacqui, kung ano po yung ginagawa ko, kahit na mga outside na po sa trabaho, nagkukuwento po talaga ako kay Ate Jacqui.
“Tapos tinimbang po namin kung sure na ba talaga na may… na interested po talaga sina Sir Jo and sina Sir Mike and of course, the rest of All Access Artist family, kaya po natagalan.
“Tapos nung nagpaalam po hindi agad-agad kasi na parang go, ganyan, may mga naging pag-uusap din po sa kabila, kina Tita Cris and direk Lauren po,” pagbabahagi pa ni Jhai Ho.
Social issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga LGBTQI+ community, ano ang opinyon ni Jhai Ho tungkol dito?
“Ako po naniniwala na parang lahat naman po ay kanya-kanyang opinyon, pero ako po ay… dahil ako po ang tinatanong, hindi po issue sa akin ang tawagin akong ma’am or sir.
“The fact po kasi… naniniwala po ako na the fact na tinawag akong sir, ito po ay ginamit na itawag sa ‘yo as paggalang pa rin naman po.
“Sa mga estudyante ko po nung nagturo ako sa Lyceum, sinabi ko po agad-agad ‘yan, ‘Huwag kayong mataranta or matakot akong tawaging sir.’
“Kasi okay lang din naman sa akin kahit na kuya, kahit anong itawag, wala pong problem sa akin.
“But I do understand where my co-LGBTQI+ community is coming from po, kapag sila po ay very sensitive pagdating sa bagay na ‘yan, kasi iba-iba po yung paniniwala ng bawat tao, iba-iba po yung kanilang tingin sa ganitong usapin, kaya po nirerespeto ko lang din po sila at yung iba pa pong nagsasabi ng mga opinyon nila.
“Ang importante lang talaga po dapat ay maging kind tayo ang respect each other po, dun pa lang po okay na po yun sa akin.”

(ROMMEL GONZALES)

Pagod nang manahimik sa natatanggap na online bullying… AWRA, patuloy ang pakikipaglaban ngayong 2026 sa transphobic at homophobic attacks

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Inatake ng kilig nang maging houseguest ang Kapuso actor…
SOFIA, matagal nang inamin na crush na crush niya si MIGUEL

PATULOY ang pakikipaglaban ni Awra Briguela ngayong 2026 sa transphobic at homophobic attacks laban sa kanya on social media.

Nagsimula raw ito nang mag-viral ang reply ni Awra sa isang netizen na nanlait sa kanyang pisikal na anyo.

Agad namang naglabas ng saloobin si Awra at sinabing sa kabila ng mga pambabatikos at ilang homophobic attacks sa kanya, nanatili siyang tahimik dahil mas pinipili niya ang kapayapaan.

“You’ve all been bullying me online, picking on me every single day. You’ve been transphobic and homophobic toward me, yet you never hear anything from me in response. I chose peace. I chose to ignore everything, even though I was getting hurt every single day, despite not doing anything to any of you,” sey niya.

Double standard daw ang atake sa kanya tuwing dine-depensahan niya ang sarili laban sa mga bashers. Kaya pagod na raw si Awra na manahimik at kailangan na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa online bullying.

“It’s 2026, yet so many of you still enjoy bullying someone who is trying to grow, improve, and redeem herself from past mistakes. I’m tired of being the bigger person. This year, I’m focusing on myself and my transitioning era. I promise myself that I will no longer give transphobes the freedom to bully me. One thing I should’ve done sooner was be meaner to those transphobes. I don’t care anymore. I will stand up for myself this time.”

Nakakuha ng suporta at papuri si Awra mula sa kanyang followers, pati na rin sa mga kilalang personalidad na kontra rin sa online bullying.

***

NOON pa man ay inamin ni Sofia Pablo na crush niya si Miguel Tanfelix.

Kaya noong sorpresahin siya sa loob ng Bahay ni Kuya nang maging houseguest ang Kapuso actor, inatake ng kilig si Sofia.

Na-cute-an ang netizens sa pagkakilig ni Sofia. Halos lahat daw ng sulok ng bahay ni Kuya ay napuntahan niya para magtago.

Kinailangan ng housemates na itago di Miguel sa kuwarto ng mga lalaki. Kasabwat din ang mga girls para i-distract si Sofia sa girls room habang nagtatago si Miguel sa likod ng kurtina sa pool side.

Kaya nang lumabas na si Sofia, nagulat siya nang makita niya si Miguel. Napatakbo palayo ang kinikilig na young actress.

“Sakto po Kuya, nag-retouch ako ng hair. Nahiya po ‘ko agad Kuya kasi nakita niya reaksyon ko. Sobra po talaga ‘yung pagka-crush ko.

“Uncontrollable po talaga ‘yung kilig ko Kuya, kaya nag-crash po talaga ‘ko sa beanbag,” natatawang confession ni Sofia na unang kinilig sa pinadalang

video greeting sa kanya ni Miguel.

***

AFTER five years, muling mapapanood as Shang-Chi ang Chinese-Canadian actor na si Simu Liu sa Marvel film na Avengers: Secret Wars na ipapalabas sa Dec. 2027.

Ayon sa 36-year old Marvel actor, mauuna raw muna ipalabas ang Avengers: Doomsday sa Dec. 2026. Pero nakapag-training na siya ulit at nakapag-shoot na ng ilang malalaking eksena.

“There’s not a whole lot to tease right now, other than I think, I sound like a broken record at this point, but it is happening. I was lucky enough to be a part of and will be lucky enough to be a part of Secret Wars.”

Nag-post sa social media si Liu na kasama ang ilang Marvel actors sa set ng Doomsday na sina Channing Tatum (Gambit), Chris Hemsworth (Thor), Paul Rudd (Ant-Man), Robert Downey Jr. (Dr. Doom), Anthony Mackie (Captain America), Vanessa Kirby (Invisible Girl) at Ebon Moss-Bachrach (The Thing).

Nagbida si Liu sa Marvel film na Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings noong 2021 na kumita ng higit sa $432 million sa global box-office.

(RUEL J. MENDOZA)

Alex Eala at Jovic pasok na sa semis ng ASB Classic

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa doubles semifinals ng WTA 250 ASB Classic sa Auckland, New Zealand si Alex Eala at Iva Jovic ng US.

Ito ay matapos na talunin nila sina Jesika Maleckova ng Czechia at Renata Zarazua ng Mexico.

Sa simula ng laro ay dominado ng Pinay tennis star at kasama nito ang laro.

Susunod na makakaharap ng dalawa ang sina Yifan Xu at Zhaoxuan Yang na kapwa mula sa China ngayong Biyernes , Enero 9.
Magugunitang bago makatapak sa semifinals sina Eala ay tinalo nila sina Elina Svitolina at Venus Williams sa round of 16.

Pres. Marcos nais na pamahalaan ng DepEd ang sports

Posted on: January 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbabalik ng pamamahala ng sports sa Department of Education (DepEd).

Isinagawa ng Pangulo ang anunsiyo sa pagdalo niya sa pagbubukas ng Cagayan Provincial Athletic Association (CPAA) na ginanap sa Camalaniugan Sports Complex, Cagayan.
Ayon sa Pangulo na sa nasabing hakbang ay maisusulong ang sports sa mga mag-aaral.

Giit ng pangulo na ang pagbabalik ng sports sa DepEd para maranasan ng mga kabataan ang sports, mapalakas ang katawan at matuto ang mga ito kung paano makisama sa ibang mga koponan at ibang tao.
Magugunitang noon ay ang tawag sa DepEd ay Department of Education, Culture and Sports (DECS) kung saan tinangal ang sports sa paaralan.