2026 SAMAKAPA Barangay 8 Caloocan SLP Association, pinasinayaan
- Published on November 13, 2026
- by Francis Paolo Torres
SULONG KABUHAYAN: BINUKSAN na ang 2026 SAMAKAPA Barangay 8 Caloocan SLP Association, isang benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP), kasunod ng isinagawang pagpapasinaya nito sa pangunguna ni Caloocan 2nd District Congressman Edgar “Egay” Erice.
Ang nasabing programa ay handog ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Cong. Erice.
Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kasapi na mapaunlad ang kanilang kabuhayan, magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan, at makapagtatag ng mas matatag na kinabukasan para sa kanilang pamilya. (Richard Mesa)