• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 11:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

MTRCB classifies “Wicked: For Good” as PG

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has classified “Wicked: For Good” with a PG (Parental Guidance) ratin.
A PG rating means that the film may contain themes, language or scenes that require the
guidance of a parent or adult for younger viewers.
“While the movie is generally appropriate for viewers of all ages, we encourage parents and supervising adults to provide guidance to ensure that children understand the film’s content,” said MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto.
“Wicked: For Good” is a musical fantasy, starring Ariana Grande as Glinda and Cynthia Erivo as Elphaba.
It tells the story of the future “Wicked Witch of the West” and her relationship with the “Good Witch of the North.”
The film is the second installment of the two-part feature adaptation of the Broadway musical.
Also classified as PG is the Philippine-Korean produced film, “Finding Santos,” starring Jang Theo, known for his appearance on Netflix’s hit South Korean dating show “Single’s Inferno,” alongside members of P-pop girl group YGIG.
The movie commemorates the 76th anniversary of diplomatic relations between South Korea and the Philippines, as well as the 75th anniversary of the Philippine military’s participation in the Korean War.
Meanwhile, the action-thriller, “Wildcat,” starring Kate Beckinsale, is rated R-13 for audiences 13 years old and above.
The film follows a former black ops team that reunites to pull off a desperate heist and save the life of an eight-year-old girl.
Two Filipino classic movies, “Karnal” (1983), a drama-horror, and “Sa Aking Mga Kamay” (1996), a psychological thriller, both written by National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee and digitally restored by ABS-CBN Film Restoration, received R-18 ratings, due to mature themes and scenes not suitable for younger audiences.

(ROHN ROMULO)

Mag-isip-isip muna bago siya mag-post: DEREK, basag na basag sa mga resibong nilalabas ni ELLEN

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa mga horror films na ipalalabas ngayong taon na personally, looking forward kaming mapanood ay ang “KMJS Gabi ng Lagim” na produced ng GMA Films at GMA Public Affairs.

Trilogy ito with “Pocong” na dinirek ni Yam Laranas, “Berbalang” ni Dado Dayao at “Sanib” ni King Mark Baco. And of course, narrated by Ms. Jessica Soho.

Sampung taon na halos ang KMJS Gabi ng Lagim sa telebisyon, pero ang kaibahan nito ngayon, sa big screen mapapanood with Elijah Canlas, Rocco Nacino, Miguel Tanfelix, Sanya Lopez, Therese Malvar at Jillian Ward.

May kanya-kanya silang kuwento, lalo na habang sinu-shoot nila ang movie, pero sa kuwento ni Miguel, first time raw niyang mahimatay.

Nagkataon na ang location nila ay sa freezer, sobrang lamig dapat. Naka-makapal din siyang damit, pero in reality, sobrang init daw sa lugar na pinagsu-shootingan nila.

Nasabi pa raw niya na, “Mahihimatay yata ako,” bago siya nahimatay na nga. Hindi raw niya alam ang nangyari, paggising niya nasa labas na siya. Dahil noon lang niya ‘yon naranasan, natakot daw siyang talaga.

Ang KMJS Gabi ng Lagim ay ipalalabas na simula sa Miyerkules, November 26.

***

KUNG may ipo-post si Derek Ramsay bilang pagtatanggol siguro sa sarili niya, mabuting mag-isip muna ‘to ng maraming beses.

Natatapatan ni Ellen Adarna ng resibo na dahilan para isiping nagsisinungaling ang actor.

Naglabas kasi sa kanyang You Tube video ang US-certified dating/matchmaking coach na si Dating Coach Vee or si Vanessa Antonio na napansin niyang pagiging red flag na ni Derek sa relasyon na kunsaan, sinagot ni Derek na, “For your information I never cursed my wife mam!!! Ellen and I would always prank each other and we never got mad at each other.”

Ang ginawa ni Ellen, ini-screen shot niya ang reaction na ito ni Derek at may caption na, “Hay naku derek…” at saka n’ya itinag ang @bnc.ph at @datingcoachvee.

Kasabay nito ang hawak niyang resibo kunsaan, maririnig sa short video ang boses ni Derek na tila galit.

Sa video, maririnig na sinasabi niya na, “Napakaduwag mo. Puro ka lang salita. ‘Yan ang problema sa ‘yo. Go away you fucking conflict in life.”

At dahil nga may resibo si Ellen, pati oras at date kung kailan nangyari ang pagmumura raw sa kanya ni Derek ay naasabi niya.

Ayon pa rito, “I was 6 months pregnant here. Check time and date.”

In fairness, ang daming kampi at saludo sa ginagawang ito ni Ellen.

(ROSE GARCIA)

Dahil maraming nakatanggap sa kanilang relasyon… ION, naging emosyonal sa launch ng endorsement nila ni VICE para sa ‘Belle Dolls’

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA naganap na media launch para sa bago endorsement nina Vice Ganda at asawang si Ion Perez, hindi nga napigilan ng actor-model na maging emosyonal sa pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy.

Proud na proud din ang Phenomenal Box-office Star sa pagiging endorser nila para sa Belle Dolls ng Beautéderm na pag-aari ni Ms. Rei Anicoche Tan.

Ayon kay Vice, “Mahiyain kasi siya talaga. Kaya nao-overwhelm siya. Kaya ako naman, natutuwa ako dahil nae-experience niya ito.

“Kapag nararamdaman niya yung love ng ibang tao sa kanya at support, it really overwhelms him,” sabi pa ni Vice sa Q&A.

Natanong din ang mag-asawa kung gaano kahalaga sa kanila ang pag-aalaga sa sarili at ang magkaroon ng partner na nag-aalaga sa iyo?

Sagot ni Vice, “Kasi nga, unang-una, bahagi yon ng aming trabaho. Kailangan talagang alagain namin ang sarili namin dahil maraming bahagi ng trabaho namin ang physical, yung kalusugan namin.

“As entertainers, kailangan kapag nakita kami ng tao, kaaya-aya kami. Kasi, ano kami, e, celebrities, idols. Di ba? So, hindi kami kakapitan ng tao kung hindi maayos at matino ang mga hitsura namin, di ba?

“Personal nating obligasyon sa sarili natin na alagaan ang sarili natin, di ba? Pero bukod sa personal, professionally obligasyon din natin.

Dagdag pa niya, “At malaking bagay na nandidito siya. Kasi, may katuwang ako. At may mga bagay akong natututunan dahil sa kanya.

“Kasi when it comes to health, healthcare, parang mas marami siyang alam tungkol sa akin at isine-share niya sa akin. ”

Tugon naman ni Ion, “Sinabi niya nga kanina na hindi na siya pabata. So, kailangan ko rin siyang tulungan doon sa alam kong ikakabuti niya, ikakatagal naming magkasama.

“Kasi, bilang partner ko siya, siyempre mahal ko siya. Gusto ko siyang makasama nang matagal.

“So, kailangan kong i-less yung mga nakasanayan niyang maling pagkain, yung maling gawain. Kaya iyon ang nase-share ko sa kanya na, ‘Ganito dapat gawin natin.”

Pahabol pa ni Vice, “Your heart becomes happier and healthier when your heart feels that someone is taking care of you.”

Samantala, sobrang happy ni Ms. Rhea dahil natupad ang kanyang ipagdasal na maging endorser nga ang magka-partner.

“We believe Vice and Ion perfectly represent our Belle Dolls brand. They exude confidence and motivate others to accomplish great things.

“Aside from their positive influence, what we admire about them is their authenticity, both with and without cameras. Finally, Vice and Ion prioritize their health,” banggit pa ni Rhea.

Ini-endorse ni Vice ang Beauté Secret Stem Cell Juice Drink and Beauté Secret Collagen Juice Drink, both of which include high-quality, nutritious ingredients that promote healthy gut, enhance skin, promote healthy nails, boost mental clarity, and improve general wellness.

Si Ion naman ang magpo-promote ng Beauté Secret Black Coffee (Decaf) and Beauté Secret Healthy Coffee (Caramel Macchiato), both of which are free of toxic ingredients, sweetened with natural stevia, and enhance energy, gut health, and skin health.

Infairness, fave namin itong stem cell, collagen at healthy coffee. Susubukan pa lang namin ang black coffee na, bagong produkto ng Belle Dolls.

Congrats Vice and Ion!

(ROHN ROMULO)

Ads November 22, 2025

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ads November 21, 2025

Posted on: November 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Life imprisonment ALICE GUO, HINATULAN NG GUILTY SA KASONG QUALIFIED HUMAN TRAFFICKING

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINATULAN ng guilty si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kasong qualified human trafficking na konektado sa iligal na operasyon ng POGO hub sa nasabing bayan.Si Guo ay hinatulan ng life imprisonment kasama sina Jaimielyn Santos Cruz, Racelle Malonzo Carreon, Walter Wong Rong ng Pasig RTC Branch 167.Ayon kay Department of Justice (DOJ) Under Secretary Nicholas Ty, ito ang bunga ng lahat ng kanilang trabaho kaya masaya sila sa naging hatol ng korte .Dagdag pa, Ikinatuwa nila na nakamit ang hustisya hindi lamang sa paghatol kay Guo at iba pa kundi pati sa forfeiture ng Bamban property.Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, pinagmumulta rin ng korte ng tig P2 milyon ang nabanggit na mga indibidwal .Sinabi rin ni Ty na ang human trafficking case ang “pinakamabigat” sa mga kaso ni Guo, bukod pa sa falsification of public documents at money laundering. (Gene Adsuara)

Ibat ibang samahan nagpakita ng suporta para kay PBBM

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG QUEZON – Sa pangunguna ng Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), at iba’t ibang samahan ay nagsagawa ng isang Anti-Corruption and Peace Rally, na may temang, “Protect PBBM, protect the mandate of the Filipino People” hapon ng ika-18 ng Nobyembre 2025, sa Welcome/Mabuhay Rotonda, sa Lungsod ng Quezon, ay naglalayong ipakita ang paninindigan at suporta kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa flood control projects.“Mariin naming kinokondena ang anumang uri ng kaguluhan at katiwalian na sumisira sa kapakanan at kapayapaan ng bayan. Naninindigan kami para sa isang lipunang makatarungan, mahinahon at may paggalang sa karapatan ng bawat Pilipino. Hinihikayat namin ang bawat Pilipino na patuloy na maging mapagbantay laban sa mga gawaing hindi makakatulong sa ikakabuti ng sambayanan. Pagsunod sa mga demokratikong proseso, umiiral na mga batas, at ang mandato na ibinigay ng mamamayan sa ating mahal na Pangulo upang matiyak na may matibay na ebidensyang maihahain sa hukuman upang maipakulong at mapanagot ang lahat ng mga sangkot sa korapsyon sa flood control projects”, ayon sa pahayag ni Giselle Albano, ang tagapagsalita ng FDNY Movement.“Kami ay patuloy na maninindigan, makikipagtulungan at ipagtatanggol ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas para sa tao at para sa bayan. Ang tao, ang bayan, ayaw ng kaguluhan at katiwalian. Protect PBBM, protect the government of the people, by the people, for the people,” dagdag ni RJ Villena Jr., ang tagapagsalita ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD).Sa pagtatapos ng programa, hinikayat ng mga taga-suporta ni PBBM ang mamamayan na makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan, demokrasya at maayos na pamamahala para sa Pilipinas nating mahal. (PAUL JOHN REYES)

Pinoy boxer Criztian Laurente sasabak sa Thailand

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sasabak sa unang pagkakataon sa Thailand si Criztian Pitt “Golden Boy” Laurente.
Makakaharap niya si Sagar Singh ng India para sa anim na round na tune-up fight.
Gaganapin ang laban sa darating na Nobyembre 29 sa Bangkok, Thailand.
Si Laurente ay kasalukuyang Pan Pacific lightweight champion ng International Boxing Federation (IBF) mayroon itong 15 panalo at wala pang talo at siyam na knockouts.
Habang si Singh ay mayroong tatlong panalo at wala pang talo na mayroong dalawang knockouts.

Filipino Tennis Star Alex Eala, nagsanay kasama si Rafael Nadal

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Bumalik sa pag-eensayo si 22-time Grand Slam champion at tennis icon Rafael Nadal, halos isang taon matapos magretiro.

Sa bagong post ng tennis legend, makikitang kasama niya sa pagsasanay si Filipino tennis star Alex Eala sa Rafa Nadal Academy.

Ikinatuwa ni Nadal ang kanyang muling pagbabalik sa tennis court, habang kinikilala rin niya ang husay ng Pinay tennis player.

Biro pa ni Nadal, sa susunod ay mas malakas na siyang haharap kay Eala.

Oktubre 30 nang huling lumaban si Eala sa singles ng Hong Kong Open, kung saan nabigo siyang umusad sa Round of 16 laban kay Canadian tennis player Victoria Mboko.

Nagretiro si Nadal noong 2024 matapos ang mahaba-habang karera sa professional tennis, kung saan isa sa kanyang pinakatanyag na rekord ay ang pagiging World No. 1 sa loob ng 209 linggo.

ALLOWANCES SA MGA PISKAL AT HUKOM, INILABAS NA

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso nitong Huwebes, Nobyembre 20, ang pagpapalabas ng higit ₱22.3 milyon na allowances para sa mga piskal at hukom na naka-assign sa lungsod. Ito ay nagpapatuloy sa linggong sunod-sunod na payout matapos ilabas noong Lunes ang ₱317 milyon na year-end benefits para sa mga empleyado ng City Hall.

Ginawa ng alkalde ang anunsyo matapos ang kanyang pulong noong Miyerkules, Nobyembre 19, kasama ang mga opisyal ng Office of the City Prosecutor at mga kinatawan ng trial courts ng Maynila.

Dumalo sa pagpupulong sina Senior Assistant City Prosecutor Jolas Brutas, Assistant City Prosecutor Jasyrr J. Garcia, Metropolitan Trial Court Executive Judge Michelle Divina-Delfin, at Regional Trial Court Executive Judge Carolina Icasiano-Sison.

Ayon kay Domagoso, babayaran ng city government ang naipong allowances na nakalaan para sa Office of the City Prosecutor, mga hukom ng Metropolitan Trial Court (MeTC), at mga hukom ng Regional Trial Court (RTC).

Saklaw ng payout ang iba’t ibang panahon—mula Abril hanggang Oktubre 2025 para sa mga piskal, at mula Mayo hanggang Setyembre 2025 para sa mga hukom, depende sa kani-kanilang alokasyon.

Para sa Office of the City Prosecutor, naglaan ang lungsod ng ₱10,448,233.27 para sa Abril hanggang Oktubre 2025.

Makakatanggap naman ang MeTC Manila ng ₱4,047,000.00 para sa Mayo hanggang Setyembre 2025, habang ₱7,807,000.00 ang ilalabas para sa RTC Manila para sa Mayo hanggang Hulyo 2025.

Sa kabuuan, aabot sa ₱22,302,233.27 ang allowances na ipalalabas ng city government.

Ang hakbang na ito ay kasunod lamang ng tatlong araw matapos ipag-utos ni Domagoso ang pagpapalabas ng ₱317,014,291.84 na year-end bonuses at cash gifts para sa regular na kawani ng City Hall—na aniya’y naisakatuparan dahil sa mas mahigpit na paggastos, mas mahusay na revenue performance, at mas istriktong disiplina sa mga departamento.

Sa flag-raising ceremony noong Lunes, inamin ng alkalde ang hirap pinansyal bago maisagawa ang payout, ngunit pinuri niya ang kanyang team sa pagpapanumbalik ng kaayusan sa pananalapi.

Paulit-ulit din niyang pinaalalahanan ang mga empleyado na magbigay ng pasensya at maayos na serbisyo lalo na’t tumataas ang foot traffic sa City Hall, habang ipinaalala rin sa publiko ang nagpapatuloy na General Tax Amnesty sa ilalim ng Ordinance No. 9118 hanggang Disyembre 31, 2025, at ang mga schedule ng early-payment discounts para sa 2026 Real Property Tax.

Hinimok rin ni Domagoso ang mga residente na gamitin ang Go Manila online platform upang magbayad ng buwis, kumuha ng business permits, at magsagawa ng iba pang transaksiyon sa pamahalaan nang hindi na pumipila onsite. (Gene Adsuara)