Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
HAPPY na i-share ni Shuvee Etrata ang bagong bahay na nilipatan nila ng kanyang best friend na si Ashley Ortega.Sa vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila, binigyan siya ng tour ni Shuvee sa bagong bahay.Ayon kay Shuvee: “Magkasama kami noon ni Ashley sa condo, tapos we decided to live in a bigger space. Kasi, hirap ‘yung dog tapos paakyat-akyat. Tapos lumalaki na rin yung kailangan naming space.”Living with her best friend, inamin ni Shuvee na may mga nagiging disagreements sila.“May away na kami, before wala talaga kaming away. Pero nagkaroon na kami, hindi naman away. Nung lumipat kami dito that was last, last , last month. Yun yung time na sobrang busy ko, so hindi ako masyado nakatulong,” pag-amin niya.Naging close na sina Shuvee st Ashley bago pa man sila pumasok sa reality show na ‘Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition’. Kabilang silang dalawa sa nilunsad noon na Sparkle 10.Pareho raw silang mahilig pumunta sa beach at nagdadamayan sila kapag may problema ang isa sa kanila.***NADAGDAGAN ang income property ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina.Kaka-acquire lang nila ng bagong property sa Quezon City para sa kanilang rental business.Post ni Dianne sa Instagram: “Early birthday gift from our Lord Jesus Christ. New addition to our house rental business properties. Thank you, Lord Jesus, for all the blessings! This one’s located in QC and is now up for RENT!“Thank You, Lord Jesus! @rodjuncruz — Teamwork makes the Dream work! Let’s work harder! More and more work, in Jesus’ name! Looking forward to our next investment, all for God’s glory.“Hope you’re proud of us, Mommy Vicky, Daddy Antoy, Nanay Cora, Tatay Atoy, Mama Beth, and Papa Rudy.“My grandparents and parents have always been my idols in the real estate business. I truly look up to them and hope to be like them someday.“But remember the Lord your God, for it is He who gives you the ability to produce wealth.” — Deuteronomy 8:18. ALL GLORY AND HONOR IS YOURS ALMIGHTY FATHER.”Nagsimula sina Rodjun and Dianne sa house rental business noong 2022.***SI Jonathan Bailey ang first openly gay man to be named People Magazine’s Sexiest Man Alive!Dahil sa charm and wit ng 37-year old English actor, he has become one of the most irresistible stars in Hollywood.Una siyang sumikat sa 2020 steamy Netflix series na Bridgerton.“I had the radio set for my alarm, and one morning it went off with, ‘Here’s the news at 7. But just before we go, can we talk about Jonathan Bailey?’ I was like, ‘Where is my journal? Is this real?’ It was wild.”In the past five years Bailey has captured hearts as Lord Anthony on Bridgerton and earned an Emmy nomination for his role as a closeted congressional staffer in the Showtime series Fellow Traveller.Naging huge movie star siya dahil sa 2024 big-screen debut as Prince Fiyero in the movie musical megahit Wicked, followed by this summer’s blockbuster Jurassic World Rebirth.Raised in rural Oxfordshire, Jonathan wanted to be an actor at age 5 after seeing a performance of Oliver! with his grandmother.At 7, he was performing with the Royal Shakespeare Company in London and has continued to master his craft both on stage and screen ever since.Malapit na ulit siyang mapanood sa Wicked: For Good on Nov. 21. (RUEL J. MENDOZA)
BIDA si Charlie Dizon sa horror film na “Near Death” kaya tinanong siya kung nagkaroon na ba siya, sa tunay na buhay, ng near death experience.“Sa awa po ng Diyos wala pa naman po, opo, hindi pa po umabot sa ganun,” umpisang bulalas ni Charlie.Tungkol sa suicide, anxiety, inner demons at depression ang pelikula at umamin si Charlie na dumanas rin naman siya ng malungkot na bahagi ng kanyang buhay.Aniya, “Siyempre may umabot sa buhay yung malungkot ka talaga, pero hindi ko rin masabi na-depress ako nun kasi hindi naman ako nagpa-diagnose po.“Pero yeah, parang siguro ganun, pero hindi naman po umabot din sa suicidal thoughts, iyon.“And iyon din yung gusto ko sanang iparating sa lahat, na sana mas maging kind yung mga tao sa isa’t isa.“Kasi tulad ni Julia, yung pinagdaanan niya, triny naman niya.”Gumanap si Charlie sa “Near Death” bilang pangunahing tauhan na si Julia.Pagpapatuloy pa ni Charlie, “Triny niyang bumangon kahit after nung suicidal ano niya, incident, di ba?“Triny niya lahat pero yun, may mga hindi naniwala sa kanya.“Nag-try siyang humingi ng tulong.“So sana sa susunod na tayo, halimbawa, maka-experience ng ganun or may humingi sa atin ng tulong, iyon po sana makinig talaga tayo.“Kahit yun lang, yung presence na makinig tayo, ibang klase na yan,” sabi pa ni Charlie.Sa direksyon ni Richard Somes na producer rin ng pelikula, kasali ang “Near Death” sa Sine Sindak Film Festival sa mga SM Cinemas.Nasa pelikula rin sina RK Bagatsing, Xyriel Manabat, Soliman Cruz at Lotlot de Leon.Produced ng Diamond Productions, CMB Films at RVS Studios, ang “Near Death” ay palabas pa ngayon sa mga sinehan.(ROMMEL L. GONZALES)
NAGKAROON ng blue carpet premiere night and grand media conference last Tuesday, November 4 ang newest series ng ABS-CBN Studios and Dreamscape Entertainment, in honor and legacy of Deo Endrinal, “The Alibi.”Starring Kim Chiu and Paulo Avelino, kasama sina Sam Milby, John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Romnick Sarmenta, Rafael Rosell, Sofia Andres, Angelina Cruz, Robbie Jaworski III at marami pang iba.Ang nakakaintrigang phrase nila ay ‘Everyone has a secret to hide, can we trust your alibi?’Pinasilip ang pilot episode ng “The Alibi” na Rated 13 ng MTRCB at isa nga sa inabangan ay ang sexy dance ni Kim sa isang bar habang nanonood si Paulo.Kaya natanong siya sa presscon tungkol sa mapangahas na eksena niya sa serye.“Siguro naman, as a 35 years old woman, tapos na tayo sa 16 years old role na teeny-teeny,” say ng aktres.“Pero favorite ko talaga mag-teeny-teeny, magpapatawa. Pero parang pag tina-track ko yung journey ko dito sa industriyang ito.“Parang nahati ko naman siya sa teens, twenties. Sabi ko, anong ipapakita ko sa aking thirties? ‘I think it’s my skin!’,” natatawang tugon niya.Bigla namang naging emosyonal ni Kim nang pasalamatan niya ang Dreamscape na… “malaki talaga iyong tiwala ko sa Dreamscape. As in sila talaga yung naghubog sa akin, Danica (Domingo, writer ng ‘The Alibi’) … hala, nakakaiya.Pagpapatuloy ni Kim: “Hala, bakit?! Hindi, hindi naman siya ginawa as… It’s artistic way.“Medyo mahirap na gawin pero tama na ang iyak! Gusto ko lang magpakita ng bago.“At sa mga nagsasabing hindi ako marunong sa ganitong klaseng role, eto na. Eto na yon!“So I want to prove all of them wrong. And that I can do more…”Nagpasalamat si Kim sa pagkakaloob sa kanya ng Dreamscape Entertainment ng project na tulad ng The Alibi.“And of course, si Pau din naman, malaking tulong din siya dahil nakita ko naman yung respeto niya sa akin,” sambit ni Kim.“And sa mga direktor namin na inaalagaan iyong mga shots, and yung mga cameraman namin.“Sa mga nag-iilaw, ang ganda ng launching ng body ko. Thank you so much!“And sa nag-choreo sa akin, thank you. Sa gym trainors ko, thank you so much. Pero more than the skin… it’s what’s inside me, and what I want to show to all my supporters.“And kung magkakaroon man ng bagong supporters, maraming salarequiresHiningan din ng reaksiyon si Paulo tungkol sa daring scenes ni Kim sa The Alibi.Pahayag ni Paulo: “Well, I don’t think it’s about skin or about ano… parang it comes with the maturity of the role, and what the role requires.“So, minsan talaga may mga karakter at may mga istorya na gustong ikuwento at sa mga ganitong paraan kailangan.“Dahil kung nagbebenta nga naman talaga ng aliw yung karakter, ang hirap naman kung hindi mo nakikita or napapanood, at hindi naipapakita sa audience na ginagawa niya iyon.“So it comes with… also the maturity of the actress. Pero mas character-driven po ito.“At kami po dito ay very loyal and very dedicated… yung dedikasyon na ibinibigay namin sa karakter namin ay purely for our character.”Ang ‘The Alibi’ ang ikaapat na project ng KimPau. Nauna rito ang mga teleseryeng What’s Wrong With Secretary Kim at Linlang, at ang pelikulang My Love Will Make You Disappear.Ang official theme song ng serye ay “Dito Ka Lang, Huwag Kang Lalayo” na kinanta ni Klarisse de Guzman.Ang “The Alibi” ay magsisimulang mag-streaming sa November 7, 2025 sa Prime Video.Mula ito sa direksyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes.(ROHN ROMULO)
MAGIGING active na raw uli sa kanyang showbiz career si KC Concepcion.
Balitang ang pagre-recording muna ng bagong single ang pagkakaabalahan niya. At susunod na raw ang paggawa nito ng teleserye, sa hindi pa dini-divulge na TV network.
Pero baka sa GMA-7 na raw natin siya mapapanood at recently lang ay nag-guest siya sa top-rating showbiz talk show ni Kuya Boy Abunda sa Kapuso Network na “Fast Talk With Boy Abunda.”
Ang ganda ng interview ni Kuya Boy, sa singer-actres kung saan sinagot ni ya ang tanong ng Asia’s King of Talk kung ready na ba siya to settle down.
Yes, ang sagot rito ni KC basta yung right guy for her ang pakakasalan niya.
Well, medyo heavy lang ng konti si KC, kaya dapat nitong seryosohin ang pagda-diet para bumalik ang dati nitong alindog.
I’m sure, happy si Megastar Sharon Cuneta sa comeback ng kanyang eldest daughter at susuportahan niya ang anak for sure.
***
Beaver, nagpakilig at nagpaiyak sa “When Magic Hurts”
GUSTONG-GUSTO naming mapanood ang movie ng Star Magic Talent na si Beaver Magtalas na “When Magic Hurts” dahil puro trailer lang nito ang aming napapanood sa Youtube.
At curious na rin kung bakit pawang maganda ang review kina Beaver at Mutya Orquia sa kanilang first team-up movie.
Madaling araw pa lang noong October 26, ay bumiyahe na kami from Quezon City to SM City Cabanatuan.
Hayun as expected, puno ang private screening ng “When Magic Hurts” sa Cinema 5, kung saan suportado ng fans niyang mga estudyante si Beaver.
So, ito na nga bukod sa sobrang lakas ng chemistry sa big screen nina Beaver as Earnest Buenaventura, a rich polite hobbyist photographer at Mutya bilang Olive na hardworking and cheerful and bubbly florist sa Atok Benguet.
Bilang first timer to play a lead role ay sobrang husay ni Beaver sa movie. Nakipagsabayan ang guwapong actor kay Mutya at sa gumaganap niyang daddy sa movie na premyadong veteran actor na si Soliman Cruz.
Iba rin silang magpakilig ni Mutya rito at grabe sampung beses kaming pinaiyak ng dalawa sa kanilang mga dramatic scenes. At sila talaga ni Mutya ang nagdala ng pelikula nilang ito.
At napaluha kami sa eksenang lumuhod si Beaver sa daddy na si Soliman at makiusap na huwag silang iwan ng kanyang mommy na si Angelica Jones. Mahusay ang pagkakagawa at direk ni Gabby Ramos ng 2024 film niyang ito.
Samantala after screening, ay aming na-witness kung gaano kabait at magiliw sa kanyang mga tagahanga si Beaver, na nakikipag-kuwentuhan at lahat ay pinagbibigyan niyang maka-photo op.
Ramdam na very sincere si Beaver sa pagmamahal at care sa kanyang fans.
Catch him, sa mga susunod pang private screening ng “When Magic Hurts”.
(PETER S. LEDESMA)
HEAR from The Running Man director Edgar Wright and stars Glen Powell, Colman Domingo and Josh Brolin about the deadliest game of hide and seek… with a survival rate of zero.
Watch the “Inside the World of The Running Man” featurette: https://youtu.be/MPyHCEIsNZ0
Get ready for the hunt to begin when The Running Man, directed by Wright (Baby Driver, Scott Pilgrim vs. the World, Shaun of the Dead) and starring Powell (Top Gun: Maverick, Twisters) as Ben Richards, opens only in cinemas November 12. #RunningManMovie
About The Running Man:
Paramount Pictures presents in association with Domain Entertainment A Kinberg Genre / Complete Fiction Production.
Based on the novel by Stephen King, screenplay by Michael Bacall and Michael Bacall & Edgar Wright and directed by Edgar Wright
Cast: Glen Powell, William H. Macy, Lee Pace, Michael Cera, Emilia Jones, Daniel Ezra, Jayme Lawson, Sean Hayes, Katy O’Brian with Colman Domingo and Josh Brolin
Synopsis: In a near-future society, The Running Man is the top-rated show on television—a deadly competition where contestants, known as Runners, must survive 30 days while being hunted by professional assassins, with every move broadcast to a bloodthirsty public and each day bringing a greater cash reward. Desperate to save his sick daughter, working-class Ben Richards (Glen Powell) is convinced by the show’s charming but ruthless producer, Dan Killian (Josh Brolin), to enter the game as a last resort. But Ben’s defiance, instincts, and grit turn him into an unexpected fan favorite—and a threat to the entire system. As ratings skyrocket, so does thedanger, and Ben must outwit not just the Hunters, but a nation addicted to watching him fall.
(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”)
(ROHN ROMULO)
MAY bagong Instagram post si Queen of All Media Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan, kasama ang listahan ng lugar na gusto niyang tirahan kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby, ganun din ang kanyang trusted companion at long-time personal assistant na si Alvin Gaugi, habang patuloy na nagpapagaling.
Makikita rin sa kanyang IG post ang picture na nakahiga sa bed katabi si Josh, habang kumakain naman si Bimby sa isang lamesa.
Panimula ni Kris, “Our mom had already died and i remember taking so many rides with Alvin all over the [Philippine flag emoji]- i am no economist, but nasabi ko kay Alvin prosperous and obviously maganda ang trabaho ni mayor at lalo na ni GOV kung may nadaanan kaming BDO, Union Bank, or East West na yung ATM at least 2 & ma-ilaw; Petron na maraming gasoline pumps, Starbucks McDonald’s and Jollibee face to face and even better if there was Max’s Fried Chicken (these days most celebrations are held in Max). “Several Japanese & Korean plus a European car dealerships (we love our Kia Carnival; my wish is to climb our Toyota Grandia Elite with no assistance (my nurse inside to pull me up and Bimb to push me- super struggle and for a few days painful my knees and lower back); nag-iipon ngayon for the test vehicle of BMW (alaga these cars and less than 2,000 km ang tinakbo); maraming Western Union; large, reputable hospitals either owned by multibillion conglomerates, DOCTORS, and cities in partnership with doctors; a university that has produced top 10 graduates in any of the courses that need a certificate.”
Dagdag pa niya, “It’s obvious this is a list that has evolved… from experience 24 hour gas stations with a 7/11 and clean restrooms are a blessing; strong water pressure in smaller hotels.
“SM & Robinson’s Malls; Wilcon Depot; maraming Mercury & Watson’s; several subdivisions and multi-use developments, and a well planned Memorial Park.
And dapat malakas ang cell signal and PLDT FIBR with at least 300 Mbps at home.
“Lastly i would tease Alvin, mag-impaki na sya ng maleta namin, mag-check ng possible schools for Bimb, SPED therapy for kuya, and maghanap ng bahay to rent for us to feel if this is home because nakita ko, may S&R!
“I need my wheelchair, no sun exposure, i bathe seated, yet my checklist on November 13 will have all i need. If you see someone in a colorful mask, an orange wheelchair, shopping for groceries and toilet paper- that’s me, hindi ako snob- my nurse will have ethyl alcohol and a yellow mask if you want a picture. I❤️S&R…”
Pahabol pa ni Kris, “Noy, your beloved room gets the least light, in heaven hindi pikon diba? The 2 boys & i will sleep there. Your face and your “behave kristina, joshy, BIMB!”
“We miss you [crying emoji].”
(ROHN ROMULO)
ANG tanong, “inaano ba siya ng Eat Bulaga?” patungkol kay Anjo Yllana.
Kasi naman, ilang live na pala niya sa Tiktok niya na binibira niya ang mga host, partikular na ang TVJ, lalo’t higit ai Senate President Tito Sotto.
Ilan sa mga hanash ni Anjo, nandiyang kinukuwestiyon nito at hinihingan ng resibo si Tito Sen kung totoong ibinibigay raw sa mga scholars ang kita nito sa senado. May tungkol pa sa kabit o babae raw nito na alam niya.
Damay rin sina Vic Sotto at Joey de Leon, pero pinapalabas niyang tila ang Senator ang pinaka-“leader” huh. At meron daw kasing sindikato sa loob.
Hinahanap namin kung saan nagsimula ang galit ni Anjo, pero wala kaming makita pang reference.
Ito pa rin ba yung pagkawala niya as host ng ‘Eat Bulaga’ or yung dati na may utang pa sa kanya? Pero, hindi ba dapat ay TAPE ang balikan niya?
Twenty years daw si Anjo sa longest running noontime show, kaya marami siyang alam. Pero teka, pwedeng mademanda si Anjo sa mga pinagsasabi niya kung sakali at hindi siya makakapaglabas ng resibo.
Base kasi sa mga comment, mukhang majority, hindi umaayon sa kanya.
***
IPINAKITA nga ni Will Ashley ang sample ng natatanggap niyang mga mensahe.
Ang ipinost niya ay mukhang sa private message niya natanggap at nakalagay ro’n na, “Mamamatay Ka Na,” Hayop” at “Pangit ng Nanay mo.”
Bukod dito, mukhang may mga kanya-kanyang fans, posibleng sa love triangle nila ito nina Dustin Yu at Bianca de Vera na pinag-aaway-away sila.
Dahil dito, plano raw ni Will na kumonsulta na ng lawyer para sa legal options na pwede niyang gawin.
Ayon dito na ipinost niya sa kanyang X account, “I’ve been getting a lot of messages saying they hope my mom dies. Bakit umabot tayo sa ganyan? Last week lang, nagkaroon ng online reflection about bullying and mental health, tapos lumala this week?
“We are just doing our job, working for our craft, our art – bakit kailangan itapon natin ang morality? O baka sadyang masama lang talaga kayong tao and can’t wait to wish ill on others. Wala kaming ninanakaw, wala kaming sinasaktan o tinatapakan, lalo na ang pamilya ko. Save your outrage for people who are doing evil, not people who are just making art.
“Also, my friends know better than you. Bakit sila nadadamay? Pati support system who keep us afloat and are there during the private moments of our lives, nadadrag ng walang dahilan. And this isn’t just happening to me, pati sa ibang housemates. We built a strong bond in the house, hindi nyo ito masisira.
“Not everything we do is a calculated PR move, we are humans too. 4 months kaming magkakasama, supporting each other every day through some of the toughest days of our lives, so obviously close talaga kami. Sana all the fans, including the very few of mine na gumagawa nito, let’s tone it down please. Lahat kami we are just working for our dreams. Lahat kami mahal ang trabaho namin.
“I am consulting now for legal options in case this doesn’t stop. I don’t want to tolerate this hate anymore na ibinabato nyo sa kahit sino. Not me, not my friends and especially not my family. This is not a good use of our limited time on earth. Sana use your time to spread love, positivity and support.
“Lastly, thank you to my fans who fight for me kahit minsan mahirap. Maraming salamat sa pagsama pa rin sa akin sa journey ko, kayo ang lakas ko. Know I appreciate you all and mahal ko kayong lahat.”
Sa totoo lang, grabe na ang mga netizen, ang daming toxic talaga.
(ROSE GARCIA)
NAGING puspusan na ang ensayo ng Philippine women’s national futsal team o kilala bilang Filipina5.
Mula Oktubre 29 hanggag Nobyembre 11 ay magsasanay ang koponan sa Barcelona at Madrid, Spain para sa matinding ensayo.
Ito na ang huling training ng koponan bago ang pag-host nila ng 2025 FIFA Futsal Women’s World Cup (FFWWC) na gaganapin sa Pasig City sa Nobyembre 21.
Ayon kay Philippine Football Federation President John Anthony Gutierrez na nagkaroon ng mga friendly games ang koponan.
Dagdag pa nito na isang mahalaga ang nasabing ensayo para maipakita ang kanilang kagalingan sa futsal bilang host country.
Unang makakaharap ng Pilipinas ang Poland sa Nobyembre 21 habang sa Nobyembre 24 ay makakaharap nila ang Morocco na susundan naman ng Argentina sa Nobyembre 27.
LABIS na ipinagmamalaki ni retired British soccer star David Beckham na ma-knighted ni King Charles III.
Tinanggapng dating England soccer captain ang knighthood para sa kaniyang serbisyo sa sports at charity.
Isinagawa ang seremonya sa Windsor Castle kung saan kasama nitong nakatanggap ng knighthood sina Japanese-British author at screenwriter Kazuo Ishiguro at West End Broadway star Elaine Paige.
Kasama ni Beckham na tumanggap ng knighthood ang asawang si Victoria na siyang gumawa ng suit na suot ng football star.
Ang pagkilala ay matapos ang mahigit na dalawang dekada ng irepresenta ng 50-anyos na si Beckham ang England sa 115 international games at nagwagi ng league titles sa apat na iba’t-ibang bansa.
Una rin siyang itinalagang officer ng Order of British Empire (OBE) ni Queen Elizabeth II.
Nagretiro si Beckham sa professional soccer noong 2013 at siya rin ang UNICEF goodwill ambassador.