MARIING itinanggi ni Jillian Ward na kilala niya in any way si Chavit Singson. Hinahamon din niya ang makakapaglabas ng diumano’y cctv na diumano’y nakuha sa nakaraang debut niya na nando’n ang dating Governor ng Ilocos Sur.
Umiiyak si Jiliian sa interview niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’ Mas hindi raw niya matanggap na ang kanyang ina ang napagbibintangan pa na tila dahilan ng lahat.
“My mom would never do that to me and sobrang nasasaktan po ako kasi, hindi po talaga gano’n ang mom ko. Kasi nadadamay po siya sa lahat ng ‘to, nananahimik ang nanay ko.
“Actually, lahat po ng pinag-iipunan ko, walang kinukuha ang mother ko ro’n. Lahat po ng meron ako, hinahayaan niyang i-invest ko for myself. At uulitin ko po again, everything I have, everything I post, everything I flex, I bought it with my own money. “Alam po ng GMA ‘yan. Alam po ng mga kaibigan ko ‘yan. Alam po ng buong GMA ‘yan and I’m so angered for my mother, especially kasi, she did not raised me that way.”
Diretsahan din sinabi ni Jillian na ‘yung Porsche na luxury car niya ay second hand lang at hindi gano’n kasing-mahal tulad ng akala ng iba. Ang ginastos niya sa engrandeng debut niya ay mula rin daw sa hard-earned money niya at may resibo rin siya rito.
With regards to Chavit, tahasan din itong itinanggi ni Jillian at sinabing never pa niya itong nakita, never raw niyang nakilala at never niyang na-meet.
“Hindi ko po alam paano nila nagawa ang lahat-lahat ng ito,” sey niya
Marami namang mga netizen ang naaawa kay Jillian na at her age, kinailangan pa niyang harapin at sagutin ang ganitong issue.
***
WALA duda, ang tinutukoy nina Darren Espanto at Anne Curtis sa kanilang X post ay ang biglang nasunog na DPWH office sa Quezon City na malapit sa EDSA.
Nag-trending din ito sa social media dahil halos lahat ay ina-assume na hayan na, “nag-clearing operation na,” meaning whatever papers o document, wala na, nasunog na o abo na.
Naunang nag-X post si Darren na, “Ay wow… biglang nasunog.”
Ni-repost ito ni Anne na, “Ay wow… paano na kaya yun?”
Obvious na very open na talaga ang karamihang artista, hindi lang ang mga Filipino sa disappointment o sa galit sa matinding korapsyon sa bansa na ang sentro sa ngayon ay ang ahensiya ng DPWH.
Prior sa sunog na ito, ni-repost din ni Anne na 22 silid-aralan pa lamang hanggang ngayon ang nagagawa sa taong 2025 sa target na dapat ay 1,700 classrooms. Na maging ang DPWH Sec. Vince Dizon ay nagulat.
Hay ano na, Pilipinas!
(ROSE GARCIA)