MALUGOD na tinanggap ng Lungsod ng Navotas ang 234 bagong skilled workers kasunod ng kanilang pagtatapos mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute nitong Setyembre 25, 2025.
Sa NAVOTAAS Institute Main, 20 trainees ang nakatapos ng Automotive Servicing I, at 22 naman ang nakatapos ng Shielded Metal Arc Welding II.
Habang sa NAVOTAAS Institute Annex I, 25 trainees ang nagtapos sa Bread and Pastry Production NC II, 14 sa Dressmaking NC II, at 31 sa Basic Korean Language and Culture.
Bukod dito, ang NAVOTAAS Institute Annex II ay may 26 na nagtapos sa Barista NC II, 23 sa Food and Beverage Services NC II, 21 sa Massage Therapy, 27 sa Housekeeping II, at 25 sa Bread and Pastry Production NC II.
Sa kanyang mensahe, binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga nagsipagtapos sa kanilang pagpupursige at determinasyon na matuto.
“You didn’t just learn a skill, you invested in your future,” ani Tiangco.
“Each of you now carries a toolset that can open doors to employment or business. Whether it’s in a workshop, a café, a wellness center, or even overseas, the skills you have earned will serve as your passport to better opportunities,” dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Tiangco ang patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod para sa mga programang nagpapahusay sa kakayahang magtrabaho at economic independence.
“We will always stand behind you, committed to creating more opportunities that uplift lives through education and livelihood,” aniya.
Ang Navotas ay kasalukuyang nagpapatakbo ng tatlong training centers sa ilalim ng NAVOTAAS Institute, na nag-aalok ng libreng technical at vocational courses.
Mula ng ilunsad, ang NAVOTAAS Institute ay nakatulong sa libu-libong Navoteños na makakuha ng mga certifications na kinikilala sa bansa sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na humantong sa lokal at overseas employment, small business ventures, at further vocational advancement.
Maaaring mag-aral ang Navoteños ng libre habang ang hindi residente ay welcome na mag-enroll upon payment of the applicable fee. (Richard Mesa)