TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magpo-promote sa ligtas na paggamit ng nuclear energy sa pamamagitan ng paglikha ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM).
Nito lamang Sept. 18, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) 12305 o ang Philippine National Nuclear Energy Safety Act, nagbibigay ng komprehensibong legal framework para sa mapayapa, ligtas at secure na paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas.
Sa ilalim ng RA 12305, ang PhilATOM ay itinatag bilang isang independent at quasi-judicial body na may natatangi at ekslusibong hurisdiksyon para i-exercise ang regulatory control para sa ligtas na paggamit ng nuclear energy radiation sources sa bansa.
“The regulatory functions of all other government agencies with jurisdiction, functions, and authorities with respect to nuclear energy and radiation sources shall be transferred to the PhilATOM,” ang nakasaad sa batas.
Ang PhilATOM ay pamumunuan ng Director General na itatalaga ni Pangulong Marcos.
Ayon sa bagong batas, ang Director General ng PhilATOM ay magsisilbi ng five-year term na may Salary Grade na 31 at maaaring muling italaga para sa magkakasunod na termino ng parehong panahong itinagal.
“The DG shall be responsible for the overall management of the PhilATOM and shall exercise supervision of its administrative, technical, and financial operations,” ang nakasaad sa RA 12305.
Ang PhilATOM ay may mandato na “to issue and periodically update regulations, standards, and guides to specify the principles, requirements, and associated criteria for its regulatory judgments, decisions, and actions.”
Inatasan ito na magtatag ng mga proseso para sa pagbuo at pag-amiyenda sa regulasyon, standards, at patnubay o gabay kasama na ang konsultasyon sa publiko at iba pang interested parties.
Pinagbabawal naman ng RA 12305 ang “unauthorized siting, construction, operation, commissioning, and decommissioning of a nuclear or radiation facility; acquisition, production, manufacture, import, export, distribution, sale, transfer, use, storage, or disposal of nuclear or other radioactive materials; use of testing of radiation generators; and radioactive waste management activities.”
Pinahihintulutan naman ng batas ang PhilATOM na magtatag ng isang inspection program at magpatupad ng polisiya upang matiyak ang pagsunod ng awtorisadong partido.
Sa kabilang dako, ang PhilATOM ay may mandato na ipatupad ang implementing rules and regulations ng RA 12305; tulungan ang national government sa development ng national policies at estratehiya para sa ligtas na paggamit ng nuclear energy; at rebisahin at i-assess ang mga aplikasyon para sa awtorisasyon para sa nuclear at radiation facilities at kaugnay na aktibidad.
Mayroon din itong kapangyarihan na i-adopt ang ‘schedule of fees at charges for authorization’ at maging ang ‘suspend, modify, o revoke authorizations’ dahil sa pagkabigo na sumunod sa batas.
“The PhilATOM shall establish, by regulation or conditions in an authorization, a requirement that arrangement for preparedness and response for on-site nuclear or radiological emergency be prepared and approved for any regulated facility or activity that could necessitate emergency response actions,” ang nakasaad sa RA 12305 .
“The Authorized Party shall be responsible for preparing an on-site emergency plan, and for making arrangements for emergency preparedness and response, including a clear assignment of responsibility for immediate notification of an emergency coordinated with all relevant emergency intervention or response organizations,” ayon pa rin sa RA 12305.
Samantala, ang PhilATOM ay magsisilbi rin bilang ‘point of contact’ para sa mga usapin at mga bagay na may kaugnayan sa physical protection sa ilalim ng kaugnay na international instruments kung saan ang Pilipinas ay isang partido, kabilang na ang ‘cooperation at assistance arrangements’ sa ibang estado at international organizations.
(Daris Jose)