• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang ganap na suporta ng gobyerno para sa ika-50 taon ng ‘Thrilla in Manila’

INATASAN kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na suportahan ang Philippine Sports Commission na pangungunahan ang nationwide celebration ng ika-50 taon ng “Thrilla in Manila,” ang makasaysayang 1975 heavyweight boxing clash sa pagitan nina Muhammad Ali at Joe Frazier.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular (MC) 99 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, araw ng Martes, ang pagdiriwang ay mula Oct. 26 hanggang 31, magbibigay diin sa palakasan at cultural milestone kung saan “placed the Philippines on the global stage” at mananatiling isa sa ‘most legendary bouts’ sa kasaysayan ng boksing.

“All government agencies and instrumentalities, including government-owned or -controlled corporations, are hereby directed, and all LGUs, non-government organizations, and the private sector, are hereby encouraged, to extend full support and assistance to PSC in the successful celebration of the 50th Anniversary of Thrilla in Manila,” ang nakasaad sa circular.

Idaraos sa Araneta Coliseum sa Oct. 1, 1975, ang Ali-Frazier showdown ay halos itinuturing na pangkalahatan bilang “one of the best and most brutal fights in boxing history.” Si Ali ay nanalo sa pamamagitan ng corner retirement matapos na hilingin ng chief second ni Frazier na si Eddie Futch, sa referee na itigil ang laban sa pagtatapos ng 14th round. Sa three-bout rivalry, nakuha ni Ali ang 2–1.

Ang laban ay suportado ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., namayapang ama ni Pangulong BongBong Marcos Jr.

Winika ng Malakanyang na ang golden anniversary celebration ay nangangailangan ng aktibong involvement ng dalawang gobyerno at pribadong sektor para dakilain at kilalanin ang kahalagan ng palakasan at pangkultura.

Sa kabilang dako, bilang state sports agency, may mandato ang PSC na magtakda ng direksyon o panuto para sa event at makipag-ugnayan sa ibang ahensiya sa pagpo-promote ng Filipino pride sa pamamagitan ng isport.

Samantala, kamakailan lamang ay nakipagpulong si boxing icon at dating senador Manny Pacquiao kay Pangulong Marcos para humingi ng suporta para sa kanyang “Thrilla in Manila 2” boxing card, magtatampok sa ‘up-and-coming Filipino fighters.’

Ang fight card ay pangungunahan nina WBC minimumweight champion Melvin Jerusalem’s title defense laban kay Siyakholwa Kuse ng South Africa at isang WBC super featherweight eliminator sa pagitan nina Mark Magsayo at Italy’s Michael Magnesi. ( Daris Jose)