• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 18th, 2025

PBBM, umaasa na mananatiling tapat ang military sa Saligang Batas ng Pilipinas at mga mamamayang Filipino

Posted on: September 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling tapat ang military sa Saligang Batas ng Pilipinas at mga mamamayang  Filipino.
”Huwag kalilimutan, ang panunumpa ninyo ngayon ay sa Republika at sa bawat Pilipinong nagtitiwala at dahil sa inyo, sila ay mabubuhay nang ligtas at may dangal,” ang sinabi ni Pangulong Marcos matapos pangunahan ang swearing-in ceremony para sa mga newly promoted high-ranking officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“Today is not only a milestone but a renewed pledge that your loyalty remains with the Constitution and the Filipino people,” aniya pa rin.
Umaasa rin ang Pangulo na ang newly promoted military top brass ay palaging kikilos na may integridad, maninindigan sa rule of law, at ipagtatanggol ang demokrasya.
Bilang bagong AFP officials na nanumpa sa kanilang tungkulin, pinaalalahanan niya ang mga ito na magpakita ng magandang ehemplo sa mga kabataang kalalakihan at kababaihan sa uniformed services “who will look to you for your leadership.”
“These new stars you’ll carry will demand your utmost discipline, honor, and service,” ayon sa Pangulo.
Kinilala naman ng Pangulo na ang kanilang promosyon ay “well-deserved”, tanggap at kinilala ang iba’t ibang achievements ng AFP ngayong taon.
“These accomplishments underscore the professionalism, the dedication, and the readiness of the Armed Forces,” ayon pa rin sa Pangulo.
“They also strengthen the confidence of our people in your ability to protect our sovereignty and to uphold the values that we hold as a nation,” dagdag na wika nito.
“The military has also continued to sustain readiness through training, simulations, and command exercises,” aniya pa rin.
Ang inisyatibang ito ay nagpahusay sa ‘tactical responsiveness’ AFP, tinitiyak na mananatili itong handa para idepensa ang bansa.  ( Daris Jose)

HIGIT 40kls. NG SHABU NA NAGKAKAHALAGA NG ₱272-M NAHARANG NG PDEA SA BATANGAS PORT

Posted on: September 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAHARANG ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEA Intelligence Service; Seaport Interdiction Units (SIUs) at Provincial Offices ng PDEA Regional Offices IV-A at MIMAROPA, sa pakikipagtulungan ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA), ang humigit-kumulang 40kls. na white crystalline substance na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o kilala sa tawag na shabu sa Barangay Sta. Clara, Batangas City noong Setyembre 16, 2025 bandang 5:30 ng hapon.
Ang ilegal na droga na tinatayang may market value na ₱272-M, na inilagay sa loob ng transparent plastic bag at ikinarga sa isang sports utility vehicle. Arestado sa operasyon ang isang 30-anyos na lalaking suspek na kinilalang si alyas “Datubon”, residente ng Cotabato City.
Kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naghihintay sa suspek. Kung mapatunayang nagkasala, habambuhay na pagkakakulong at may multang mula ₱500,000 hanggang ₱10-M ang ipapataw sa kanya.
“Kailangan nating protektahan ang ating mga daungan mula sa pagiging transit at dropping point para sa malalaking volume ng ilegal na droga. Regular na isasagawa ang interdiction operations para ma-seal ang ating mga katubigan mula sa drug trafficking”, ani PDEA Director General Isagani R Nerez.
Pinuri ng PDEA Chief ang partisipasyon ng iba pang law enforcement agencies sa matagumpay na pagharang sa mga kontrabando. (PAUL JOHN REYES)

Ads September 18, 2025

Posted on: September 18th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

18 – page 4-merged