• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 17th, 2025

Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, handang harapin ang reklamong posibleng isampa sa kanya

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG harapin ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ang reklamong posibleng isampa sa kanya sa House Committee on Ethics and Privileges ng National Unity Party (NUP) dahil sa mga kilos na umano’y sumisira sa dangal ng kamara at sumisira sa tiwala ng publiko sa mga demokratikong institusyon.

Pahayag ito ng mambabatas sa sinabi ni National Unity Party Chairperson Ronaldo Puno na posibleng paglabag sa House Code of Conduct, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dahil sa ilang ginawa nito.

Kabilang na dito ang ilang litrato na ipinost ni Barzaga sa social media na nagtataglay umano ng “lewd content” tulad ng litratong ng mambabatas na may kasamang mga babaeng nakasuot ng bikini at paglalagay ng pera sa mga ito.

Dagdag nito, nagtungo si Barzaga sa opisina ni House Majority Leader at Presidential son Sandro Marcos at inihayag ang planong pagtakbo sa pagka-Speaker.

Nagbitiw si Barzaga mula sa NUP at House majority noong nakalipas na linggo matapos maakusahan na bahagi umano ng ouster plot laban kay Speaker Ferdinan Martin Romualdez, na kanyang itinanggi.

Ang NUP ay binubuo ng 43 miyembro sa House of Representatives, na ginagawa itong ikalawang pinakamalaking partidong politikal sa Kamara.

(Vina de Guzman)

HIGHTECH PUBLIC LIBRARY, ITATAYO SA MAYNILA

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG hightech pubic library ang plano ng  Manila LGU  na ipatayo para hikayatin ang mga kabataan at mga residente na magbasa at matuto.

Isinagawa ng Mayor Isko Moreno Domagoso ang groundbreaking ceremony sa limang palapag na Manila–San Francisco Friendship Library sa Santa Cruz .

Sa itatayong library, mayroong  children’s section, study areas, offices, warehouses, at pantry at lalagyan din ng Apple computers at devices para akitin ang mga kabataan at maging inclusive hub para sa lahat ng edad.

Sinabi ng alkalde na bahagi ito ng pamahalaang lungsod sa pagtutok sa “minimum basic needs” gaya ng pabahay, edukasyon, kalusugan, at trabaho. Kabilang dito ang naunang pagbubukas ng Baseco Hospital at ang planong College of Medicine ng PLM.

Ipinagmamalaki rin ng lungsod ang pagkilala bilang “Most Innovative Public Library” para sa digital literacy program nito. Ang bagong pasilidad, ani Domagoso ay simbolo na ang serbisyong publiko ay kayang magbukas ng oportunidad para sa mga Manileño. (Gene Adsuara)

P20/kilo rice, regalo ni PBBM sa Navoteños

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN sa lahat ng mga residente ng Navotas City ang P20/kilo na bigas sa ilalim ng programang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat bilang regalo ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga Navoteño sa kanyang kaarawan. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bukod sa bigas nakabili rin ng murang karne at gulay ang kanyang mga kababayan. (Richard Mesa)

PBBM, inaprubahan ang umento sa sahod, health benefits para sa mga GOCC workers

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes, ang bagong salary adjustments at medical benefits para sa mga empleyado ng government-owned or -controlled corporations (GOCCs).

Pagkilala ito sa kanilang dedikasyon sa paghahatid ng mahalagang serbisyo sa mga Filipino.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 2025 GOCCs’ Day na isinagawa sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Chief Exeuctive na ang pagreporma ay bahagi ng pagkilala ng administrasyon sa sakripisyo at kontribusyon ng mga empleyado ng GOCC.

“In support of the hardworking men and women who make this possible, I have approved the Compensation and Position Classification System II that would increase the salaries of GOCC employees. I have also approved the provision of a tiered medical allowance for GOCC employees depending on the capacity of the GOCCs,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nilinaw ng Pangulo na ang para sa korporasyon na nauna nang nagpatupad ng Compensation and Position Classification System (CPCS) 1, ang adjustments ay ia- apply ‘retroactively.’

“For GOCCs that implemented CPCS 1, the increases will retroact to January 1, 2025, upon receipt of their Authority to Implement from GCG,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ang hakbang ay para tiyakin ang patas na pagkilala para sa mga manggagawa na patuloy na panindigan ang kahusayan, transparency at accountability sa public service.

“Dahil sa inyong determinasyon at malasakit, mas maraming Pilipino ang ating natutulungan at naaabot ng ating mga serbisyo,” ayon kay Panguong Marcos.

Samantala, binigyang diin ng Pangulo na ang pamumuhunan sa kapananan ng GOCC employees ay sumasalamin sa commitment ng gobyerno na pangalagaan ang “more capable and motivated public sector workforce” na maaaring makapaghatid pa sa pananaw ng Bagong Pilipinas. (Daris Jose)

Bantay Budget tinuligsa ang Kamara sa pagtrato nito kay VP Duterte sa budget hearing

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASS. Vice President Sara Duterte appears before the appropriations committee budget hearing at the House of Representatives in Quezon City on Tuesday (Aug. 27, 2024). She declined to defend her office’s budget and said it’s up to the House to decide on what she submitted. (PNA photo by Joan Bondoc)

TINULIGSA ni Bantay Budget convenor at Makabayan president Liza Maza ang miyembro ng Kamara sa kabiguan nitong mapanagot si Vice President Sara Duterte kasabay ng pagtalakay sa budget ng Office of the Vice President ng House Committee on Appropriations.

“Nakakahiya ang karamihan ng mga miyembro ng Kamara na parang mga tuta na hindi nagtanong sa mga mahalagang isyu. Kung hindi dahil sa Makabayan bloc nina Rep. Tinio at Rep. Co walang magtatatanong kay VP Duterte tungkol sa nawalang P125 million confidential funds. We assail both members of the majority and minority who were silent during the proceedings and did not raise the issues that were flagged in past committee hearings,” ani Maza.

Sinabi ng dating mambabatas na tanging ang Makabayan bloc, na binubuo nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Louise Co ang nagtanong ng VP ukol sa ilang kritikal na isyu kabilang na ang P125 million confidential funds na nananatiling hindi naipaliwanag at ilang biyahe nito sa ibang bansa.

“VP Duterte even used the archived impeachment case against her to evade answering legitimate questions,” pahayag ni Maza.

Sinabi ni Maza na parte ng tungkulin ng Kamara ay busisiin ang paggastos ng gobyerno at hindi protektahan ang ang opisyal mula sa lehitimong pagtatanong.

“The people deserve answers on how their tax money is being spent,” pahayag pa ni Maza.

Solong dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Appropriations Committee kaugnay sa hinihinging P902.8 million budget ng Office of the Vice President para sa 2026.

(Vina de Guzman)

Pekeng pulis, arestado sa Navotas

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki nang makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang masita ng pulis dahil sa pagsusuot ng damit ng pulis sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Acting Chief P/Col. Renante Pinuela ang naarestong suspek na si alyas “Boy”, 46, welder at residente Brgy. Tanza-1, Navotas City,

Ayon kay Col. Pinuela, habang nagsasagawa ng covert patrol ang mga tauhan ng Patrol Base 2 sa Marikit St., Brgy. Tanza 1 dakong alas-9:50 ng umaga, napansin nila ang isang lalaki  na nakasuot ng olive green t-shirt na may markang “Pulis” at makikita rin ang mga tattoo nito sa kaliwang braso.

Dahil sa hindi kumpleto at hindi tama na pagsuot ng uniporme, naghinala ang mga pulis kaya nilapitan nila ang lalaki at hinanapan ng kanyang pagkakilanlan.

Nang walang maipakita na katunayan na siya ay lehitimong miyembro ng Philippine National Police (PNP), inaresto siya ng mga totoong pulis at nang kapkapan ay nakumpiska sa suspek ang isang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Mga kasong paglabag sa Article 179 of the Revised Penal Code (Illegal Use of Uniforms and Insignia) at R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

2025 PHILIPPINE BAR EXAMINATION, MOST ADMITTED APPLICANTS

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALA sa kasaysayan ng Philippine Bar na may pinakamataas na bilang na nakakumpleto sa tatlong araw na 2025 Philippine Bar Examination ayon sa Korte Suprema.

Mula sa 13,193 admitted applicants, naitala rin ang record-breaking na 11,437 examinees na dumalo sa unang araw.

Idinaos ang Bar Exams sa 14 local testing centers sa buong bansa, kabilang ang UST at San Beda sa Maynila, UP-BGC sa Taguig, Ateneo de Manila sa Makati, Saint Louis University sa Baguio, University of San Jose-Recoletos sa Cebu, Ateneo de Davao, at Mindanao State University-Iligan.

Naging maayos at payapa ang buong proseso ng 2025 Bar Exams at walang naitalang anumang aberya ayon na rin kay SC Associate Justice Amy Lazaro-Javier– ang Chairperson ng 2025 Bar.

Itinampok din ngayong taon ang tinawag niyang “magical question” na Question #20 kung saan nakatuon sa Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027 ng Korte Suprema.

Diin niya, mahalagang maging katuwang ang mga bagong abogado sa reporma ng hudikatura tungo sa mas mabilis, accessible, at makatarungang sistema ng hustisya.

Sa Turnover Ceremony sa UST, pormal niyang ipinasa ang pamumuno ng Bar Exams kay SC Associate Justice Samuel Gaerlan bilang Chairperson para sa 2026 Bar.

Nagbigay naman ng pangwakas na mensahe si Senior Associate Justice Marvic Leonen sa ngalan ni Chief Justice Alexander Gesmundo .

Sinabi niya na higit pa sa kaalaman sa batas, dapat taglayin ng mga bagong abogado ang integridad, kakayahan, at malasakit sa paglilingkod.

 (Gene Adsuara)

GABRIELA PARTY-LIST IPOPROKLAMA

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG iproklama bukas, Miyerkules ang Gabriela party-list bilang nanalong party-list sa 2025 midterm elections.

Ayon sa Comelec, pinadalhan na ng imbitasyon ang Gabriela party-list para sa nasabing kaganapan na gagawin ala-1:30 ng hapon sa Session Hall sa ika-8 palapag ng Palacio del Gobernador Building sa intramuros, Maynila.

Nakuha nito ang ika-64 puwesto sa Kamara.

Sa imbitasyon, ipoproklama ng COMELEC si dating Kabataan Partylist representative at ngayo’y first nominee ng Gabriela Partylist na si Sarah Jane Elago na nakatakdang umupo sa 20th congress.

Nauna nang inanunsyo ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang Gabriela ang kukumpleto sa 20% party-list allocation sa Kamara, na katumbas ng 64 party-list representatives.

Sinabi rin ng Comelec na ministerial duty lamang ng Kamara ang tumanggap ng certificate of proclamation, pero nasa discretion pa rin ng Komisyon kung sino ang dapat iproklama. (Gene Adsuara) 

Science-based crime probe methods kailangan para ma-improve ang investigative skills ng PNP   

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panukalang magpapalakas sa investigative skills ng law enforcers sa pamamagitan nang pagbibigay access sa forensic techniques at iba pang moderno at science-based methods sa pagiimbestiga sa crime scenes.

Sinabi ni Yamsuan na ang kanyang House Bill (HB) 2244 ay magco-complement sa inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpapalakas sa crime prevention at response efforts.

Pinapurihan naman nito ang DILG at Philippine National Police (PNP) sa pagpapalakas sa hakbang nito para sa crime prevention at gawing ligtas ang komunidad sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Unified 911 Emergency Response System na inilunsad noong nakalipas na linggo.

Ngunit, sinabi nito na kailangan na masiguro na kapag may naganap na krimen ay marunong ang mga pulis sa pagkalap ng ebidensiya at paggamit ng science-driven investigative methods.

Sinabi ni Yamsuan na ang paggamit ng obsolete crime investigation techniques ay nagbaba sa kredibilidad ng criminal investigations at nagaalis sa tiwala ng publiko sa law enforcement agencies.

 Kabilang sa mga outdated techniques ay  paraffin testing para madetermina ang pagpaputok ng baril na idineklara ng Supreme Court na inconclusive at unreliable at inabandona ng ibang bansa bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon

“Our methods of criminal investigation should keep pace with the rapid advances in science and technology. Enacting House Bill 2244 into law will form part of the reforms in our justice system,” pahayag ni Yamsuan.

 (Vina de Guzman)

NAVOTAS LGU, NAGBIGAY NG AMNESTY SA REAL PROPERTY TAX PENALTIES

Posted on: September 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPATUPAD ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Ordinansa Blg. 2025-11, na nagbibigay ng real property tax amnesty sa lahat ng penalties, surcharge, at interes mula sa hindi nabayarang buwis sa real property, kabilang ang Special Education Fund (SEF), Idle Land Tax, at iba pang mga espesyal na buwis.

Alinsunod ang panukala sa Republic Act No. 12001, na kilala bilang “Real Property Valuation and Assessment Reform Act,” na layong magbigay ng kaluwagan sa mga property owners habang hinihikayat silang bayaran ang kanilang mga obligasyon sa lungsod.

Layon din nitong palakasin ang awtonomiya sa pananalapi ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kakayahan nitong makabuo ng mga kita mula sa pagbubuwis sa real property, na tinitiyak na ang lungsod ay maaaring patuloy na maghatid ng mga mahahalagang programa at serbisyo sa mga nasasakupan nito.

Hinikayat naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga residente at may-ari ng ari-arian na samantalahin ang programa.

“This tax amnesty is an opportunity for our citizens to settle their obligations without the heavy burden of penalties and surcharges. By doing so, we not only ease the financial load of our property owners but also strengthen our city’s capacity to fund essential services for every Navoteño. We encourage everyone to avail of this amnesty before it expires,” aniya.

Ang kaluwagan na ito ay maaaring i-avail ng mga delinquent property owners na may opsyon ng isang beses o installment na pagbabayad, na nagbibigay-daan sa higit na kakayahang umangkop sa pag-aayos ng mga overdue na account. May bisa ang amnestiya hanggang Hulyo 5, 2026.

Gayunpaman, ang ordinansa ay hindi nalalapat sa delinquent real property taxes na nai-dispose na sa isang pampublikong auction upang matugunan ang real property delinquencies, mga real property na napapailalim sa mga nakabinbing kaso sa korte para sa mga real property delinquencies, at mga real property na may mga buwis na kasalukuyang binabayaran alinsunod sa isang kasunduan sa kompromiso.

Dagdag pa rito, ang City Treasurer’s Office ay hindi tatanggap ng tax payments para sa lupa maliban kung ang real property tax na kalakip o itinayo doon ay naayos o na-update, alinsunod sa City Ordinance No. 2008-09 o ang “An Ordinance Providing for a System of Ensuring that Taxes on Improvements Attached or Built on Land are Promptly and Regularly Settled and Paid”.

Maaaring bumisita ang mga taxpayers sa City Treasurer’s Office o tumawag sa 8283-74-15 loc. 201 o 202.

(Richard Mesa)