HIGHTECH PUBLIC LIBRARY, ITATAYO SA MAYNILA
- Published on September 17, 2025
- by @peoplesbalita
ISANG hightech pubic library ang plano ng Manila LGU na ipatayo para hikayatin ang mga kabataan at mga residente na magbasa at matuto.
Isinagawa ng Mayor Isko Moreno Domagoso ang groundbreaking ceremony sa limang palapag na Manila–San Francisco Friendship Library sa Santa Cruz .
Sa itatayong library, mayroong children’s section, study areas, offices, warehouses, at pantry at lalagyan din ng Apple computers at devices para akitin ang mga kabataan at maging inclusive hub para sa lahat ng edad.
Sinabi ng alkalde na bahagi ito ng pamahalaang lungsod sa pagtutok sa “minimum basic needs” gaya ng pabahay, edukasyon, kalusugan, at trabaho. Kabilang dito ang naunang pagbubukas ng Baseco Hospital at ang planong College of Medicine ng PLM.
Ipinagmamalaki rin ng lungsod ang pagkilala bilang “Most Innovative Public Library” para sa digital literacy program nito. Ang bagong pasilidad, ani Domagoso ay simbolo na ang serbisyong publiko ay kayang magbukas ng oportunidad para sa mga Manileño. (Gene Adsuara)