• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:39 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 4th, 2025

Binata na wanted sa rape sa Malabon, isinelda

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LAGLAG sa selda ang 20-anyos construction worker na inakusahan ng panghahalay sa hindi na binanggit na biktimang babae matapos matiklo ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig na naispatan sa kanilang lugar sa Brgy., Catmon ang akusadong si alyas “Rov” matapos umanong magtago makaraang akusahan ng panghahalay.
Ayon kay Col. Umipig, ang akusado ay nakatala bilang No. 6 sa Ten Top Most Wanted Person sa Malabon City Police Station.
Dakong alas-5 ng hapon nang makorner ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang akusado malapit sa kanyang tirahan sa Pilapil St. Brgy. Catmon.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi ng mga operatiba ng WSS sa kanya ang warrant of arrest na may petsang Agosto 6, 2025 na inilabas ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 170 para sa kasong rape.
Sinabi ni Col. Umipig na walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Malabon Police Station. (Richard Mesa)

KARAGDAGANG PONDO, PARA SA BSKE ELECTION 

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MANGANGAILANGAN ng karagdagang halos mahigit P3 bilyon ang  Commission on Elections (Comelec)  kapag ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay gagawin sa Disyembre ngayong taon kung ipagpapaliban ito sa 2026, sinabi ng Comelec.
Inihayag ito ni Comelec Chairman George Garcia sa deliberasyon ng House Appropriations committee’s sa proposed P11.5 bilyong budegt para sa 2026 matapos siyang tanungin kung nanatiling handa ang komisyon na magsagawa ng BSKE ngayong taon kung magpasya ang SC na ang batas na nagpapaliban sa halalan ay iligal.
Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagsama-sama ng mga petisyon na ipagpaliban ang BSKE.
Nanindigan si Garcia na ang Comelec ay mayroon lamang nakalaan na P10 bilyon pondo para sa pagsasagawa ng BSKE na huling idinaos noong Oktubre 2023.
Ayon kay Garcia, ang budget deficit para sa pagsasagawa ng BSKE ay lolobo ng P9 bilyon kapag ipinagpaliban ito sa Nobyembre 2026 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdiannd Marcos Jr at parehong batas din na kinuwestyon sa Mataas na Hukuman. (Gene Adsuara)

Kompensasyon sa mga stay at home housewives, isinulong

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BILANG pagkilala sa napakahalagang papel na ginagampanan ng mga “Ina ng tahanan” inihain ng isang mambabatas ang panukalang naglalayong bigyan ng kompensasyon ang mga nanay na naiiwang nagta-trabaho sa loob ng kanilang mga bahay.
Ayon kay 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado, kinikilala ng House Bill No. 3141 ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga “housewives” na naiiwang nagtatrabaho sa loob ng tahanan para gampanan ang kanilang tungkulin tulad ng paglilinis, paglalaba, pagluluto, pag-aalaga ng mga anak at iba pang mga gawaing bahay.
Ipinaliwanag ng kongresista na pinahahalagahan din ng “Housewives Compensation Assistance Act” (HB No. 3141) ang sakripisyo ng mga stay-at-home housewives dahil sa kabila ng napakalaking trabaho at tungkuling ginagampanan nila ay wala naman silang insentibong natatanggap kapalit ng kanilang malaking hirap.
Sa katunayan, ipinahayag pa ni Oducado na noong nakalipas na 2023. Ang mga pamilyang Pilipino ay gumastos ng humigit-kumulang sa P353.23,000 kung saan ito ay mas mataas ng 15% mula sa P307.19,000 na ginastos nila noong 2021.
Kaya naniniwala si Oducado na ang pagbibigay ng financial support o kompensasyon para sa mga stay-at-home housewives lalo na ang mga nanay nasa mahirap na pamumuhay ay isang napakalaking bagay upang matulungan din nila ang kanilang pamilya kahit sila ay nagta-trabaho lamang sa loob ng bahay.
Nakapaloob sa panukala ang pagkakaloob ng P1,500 kada buwan para sa mga full-time housewives na nagmumula sa mahirap na pamilya bilang suporta at “appreciation” sa kanilang malaking kontribusyon sa loob ng bahay.
“This financial assistance, though limited signifies formal recognition of domestic work as a legitimate and essential economic contribution. This bill seeks to recognize the value of unpaid care work done by stay-at-home housewives,” paliwanag ng mambabatas. (Vina de Guzman)

Gabby and the Gabby Cats gets their big screen debut in “Gabby’s Dollhouse: The Movie”

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
GABBY takes audiences on a cinematic journey for the first time ever in Gabby’s Dollhouse: The Movie, based on the global hit streaming series. Laila Lockhart Kraner is reprising her role as the beloved Gabby, taking off on a road trip to Cat Francisco with her Grandma Gigi, played by four-time Grammy Award winner Gloria Estefan.
Trouble ensues when Gabby’s dollhouse, her most precious possession, gets stolen by the eccentric cat lady Vera (Kristen Wiig). Adventure awaits as she travels to the real world to get the Gabby Cats together and save Gabby’s dollhouse.
Watch the trailer: https://youtu.be/4bgD2Zd4qWc
With a massive fanbase of kids and parents alike, tuned to 11 successful seasons, DreamWorks Animation President Maggie Cohn felt like the jump into the big screen was the perfect next step for the franchise. “Gabby’s Dollhouse is filled with endless creativity and imagination, playing out in a deeply imagined world,” Cohn says. “Combine this with a director with a vision and a passionate fanbase wanting more from the franchise, and we had a great start for our movie.”
Passionate is the apt term for director Ryan Crego, who is already immersed in Gabby’s world from the start. “Living in a house of Gabby fans—I have three small kids who are obsessed—it was super important to me to retain the charm, character and copious amounts of glitter that have made Gabby’s such a success,” Crego says.
“All while striving to give the audience (and parents) a heightened, interactive experience, unlike anything that we have seen in the modern-day movie going era. We pushed for a much bigger journey, full of surprises and a heartfelt character arc that would only be possible given the length and structure of a feature-length film. It is a big responsibility to take one of the most successful original shows in the kids’ space of the last decade and make a movie out of it. There is so much that is great about Gabby’s Dollhouse, you just do not want to break it. Make no mistake, this is not a tv special; this is Gabby and the Gabby
Cats on their biggest big screen adventure yet!
Crego feels it’s important to always have a sense of childlike wonder in everyone, not just children, and he wants Gabby’s Dollhouse: The Movie to help maintain it. “As adults, we often lose touch with that sense of play,” Crego says. “This movie is about rediscovering it and holding on to it. It is a message not just for kids, but for their parents and grandparents too.”
He also aims for this to be a memorable first for any young moviegoers seeing a film in theaters for the first time. “We wanted this to be a child’s first cinematic adventure,” Crego says. “One that has joy and music and silliness, yes, but also a sense of emotional weight and momentum.”
Not only is Gabby’s Dollhouse: The Movie the first cinematic venture for the franchise, it’s DreamWorks Animation’s first creative venture into a multi-media film. . “This is DreamWorks Animation’s first hybrid feature,” Cohn says. “But it is more than that. It is an imaginative, interactive, in-theater experience, and I cannot wait to see kids and their families singing, dancing and ‘pinch pinching’ along.” Crego adds: “I hope kids leave the theater inspired to create and sing and play, and that they are left with the reminder that creativity is not something you outgrow. It evolves and deepens and, if we are lucky, it never leaves us.”
A fun family journey awaits as Gabby’s Dollhouse: The Movie arrives in Philippine cinemas on September 24.
(ROHN ROMULO)

Malaki na ang baby bump kaya 5 to 6 months na: LOVI, wala pang formal announcement sa kanyang pregnancy

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PREGGY na si Lovi Poe.
Kung pagbabasehan ang advertising photo ng Bench, malaki na ang baby bump niya. Tantiya namin ay parang nasa 5-6 months na rin ang pagbubuntis niya.
Wala kasing ano pang detalye. Maging si Lovi ay wala pa talagang formal announcement sa kanyang pregnancy, bukod nga sa photo shoot niya sa Bench.
Pero dahil nga may reveal na, napansin namin na yung 2 days ago na ipinost niyang video ay halatang nag-gain na siya ng weight.
Nakarampa pa si Lovi sa Bench Underwear Fashion Show noong March at siyempre, given na super sexy pa ni Lovi. Posibleng after that kunsaan siya nabuntis.
Kamakailan lang din ay nag-celebrate sila ng ikalawang taon ng kanilang kasal ng Mister na si Monty Blencowe. Kaya bonggang gift ang pagiging soon-to-be mom and dad nila.
(ROSE GARCIA)
Hindi na rin natiis ang korapsyon sa bansa:
ALDEN, nagpahayag ng kanyang saloobin, “Gising na… sobra na…”
NAKA-CHAT namin ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Katulad ng ibang mga celebrities na madalas, tahimik lang at hindi nagpapakita ng kanilang damdamin o emosyon sa mga political issues sa bansa, this time, mukhang hindi na rin natiis ni Alden.
May kinalaman pa rin sa mga corrupt pa sa kabila ng pagiging corrupt na mga contractors ng DPWH regarding flood control.
Nag-IG Story siya na background ang larawan ni Sarah Discaya at may caption na, “Gising na… sobra na…”
Kasabay nito ang pananawagan niya kung may nakakakilala raw ba sa dalawang bata? Sa kabila ng lavish lifestyle ng mga nepo babies, larawan ang 2 bata na sa murang gulang nila, nagsusumikap na mabuhay.
Maraming humanga at tumulong kay Alden na ma-locate ang dalawang bata. Kinumpirma rin ito ni Alden sa amin. Nahanap na nga raw niya. Taga-Gen San ang isang bata at sa Sultan Kudarat naman ang isa.
Hindi pa raw niya alam ang mga pangangailangan nila, pero parang plano itong puntahan ni Alden ng personal.
***
NAGUGULAT si Gladys Reyes na hindi raw pala naiintindihan ng lahat ang kaibahan ng pagpirma ng talent management at ang pagpirma sa isang network.
Binigyang-diin nga niya na sa Star Magic siya pumirma at tatlong taon ang kontrata niya rito. Ito ang tatayong manager niya, pero free siya na gumawa ng anumang  proyekto kahit saan. Una, hindi siya naka-kontrata sa Kapamilya network at never rin naman daw siyang naging contract artist ng GMA-7.
Sa ngayon, meron pa kasi siyang series sa GMA, ang “Cruz vs. Cruz” kaya wala pa raw siyang alam kung ano magiging
una niyang serye.
(ROSE GARCIA)

Carlos Yulo naghahanda na sa SEA Games

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATUON ngayon si double Olympic gold medalist Carlos Yulo sa isang event ng 33rd Southeast Asian Games.
Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na dahil sa nagkaroon ng paghihigpit ang organizer ay idedepensa na lamang nito ang parralel bars title kung saan ito ay nagkampeon noong 2023 SEA Games sa Cambodia.
Subalit kailangan pang mag-evaluate ang mga coaches kung anong event ang sasalihan niya.
Tinanggal kasi ng SEA Games organizers ang men’s and women’s individual all-around at team events.
Dahil ang papayagan na lamang ang gymnast ng sumali sa tatlong qualifications pero kailangan na mamili ng isa kung makapasa ito sa multiple finals.
Gaganapin ang SEA Games mula Disyembre 10 hanggang 20 sa Bangkok, Thailand.

Alex Eala, pasok na sa 2nd round ng Guadalajara 125 Open

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PASOK na sa 2nd round ng Guadalajara 125 Open si Filipino tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos niyang pataubin ang Dutch tennis player na si Arianne Hartono sa pamamagitan ng dominanteng performance, 6-2, 6-2
Dahil sa panalo, haharapin ni Eala ang American tennis player na si Varvara Lepchenco.
Nagawa ni Lepchenco na talunin ang kaniyang kalaban sa score na 6-4, 6-1.
Ngayong taon, tatlong beses nang tinalo ni Eala ang Dutch player na si Hartono. Bago kasi ang kaniyang panalo sa Guadalajara 125 Open sa Mexico ay una niyang pinataob si Hartono sa Bengaluru Open sa India, 6-1, 6-2.
Sinundan ito ng isa pang panalo noong Canberra Open sa Australia, 6-3, 6-3.
Magtatagal ang Guadalajara Open hanggang Setyembre 6, 2025.

Kelot na wanted sa rape sa Navotas, himas-rehas

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HIMAS-REHAS ang 23-anyos na kelot na akusado sa panggagahasa sa isang babaeng biktima matapos malambat ng pulisya sa pinaigting na operasyon kontra wanted person sa Navotas City.
          Hindi na nakapalag ang akusado na si alyas “Dodong”, residente ng Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan nang arestuhin ng mga tauhan ni Navotas Police Acting Chief P/Col. Renante Pinuela sa Kanduli St. Blk 29, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.
          Ayon kay Col. Pinuela, ang akusado ay kapwa nakatala bilang No. 5 sa Ten Top Most Wanted Person sa Navotas City Police Station at Northern Police District (NPD).
          Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section na naispatan sa kanilang lugar ang akusado ay agad ikinasa ng mga ito ang pagtugis sa kanya.
          Dakong alas-7:30 ng gabi nang isilbi ng mga tauhan ni Col. Pinuela sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Family Court, NCJR Branch 9, Navotas City para sa kasong Rape.
          Pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng Navotas CPS ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

Tulong ng LGUs sa konstruksyon ng classrooms, kukunin

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na pinag-aaralan nito ang pagpayag na ibigay sa mga local government units (LGUs) ang direktang partisipasyon sa pagpapaggawa sa mga classrooms.
Puputulin nito ang matagal ng nakagawian na ipagawa ang sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang inisyatibo ay pinag-aaralan bilang daan upang mapabilis ang pagpapagawa ng mga imprastraktura at mabawasan ang classroom backlog.
“Every classroom we add brings hope and opportunity to learners. But delays in construction mean children wait longer than they should. That is why we are looking for ways to build faster
and smarter, with partners who are closest to the ground,” ani Angara.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga school building projects ay idinadaan sa DPWH. (Vina de Guzman)

ICC pinagbawalan ang mag-anak na Duterte, ‘no more updates’ ukol kay Digong Duterte mula sa detention center

Posted on: September 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAGBAWALAN na ng detention unit ng International Criminal Court’s (ICC) ang mga bisita ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte mula sa pagbibigay ng public updates hinggil sa sitwasyon sa loob ng pasilidad.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na pinayagan lamang siyang kumpirmahin na maayos ang kalagayan ng kanyang ama.
“So, from now on, bawal ikuwento kung ano yung mga nangyari sa loob at ano yung mga pinag-usapan sa loob,” ang sinabi ni VP Sara kay dating presidential spokesman Harry Roque sa isang panayam.
“I can only say na (former) President Duterte is still alive. Yan lang po,” dagdag na pahayag ni VP Sara.
Pinaalalahanan din aniya sila ng detention unit na sundin ang kondisyon ng pagbisita.
“We are not allowed to give updates,” diing pahayag ni VP Sara.
Ang Bise-Presidente ay nasa The Hague, Netherlands mula pa noong nakaraang buwan para bisitahin ang kanyang ama kasama ang kanyang mga kapatid na sina Davao City Rep. Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte, at Veronica “Kitty” Duterte.
Ito’y matapos hilingin ni dating Pangulong Duterte na makita niya ang lahat ng kanyang mga anak ng sama-sama. ( Daris Jose)