• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 8:59 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 1st, 2025

Alex Eala nakatuon na ang atensyon sa ibang torneo matapos ang US Open

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY mga nakapilang torneo pa na lalahukan si Pinay tennis sensation Alex Eala.
Ito ay matapos ang kauna-unahan niyang paglalaro sa US Open nitong nakaraang linggo kung saan umabot siya ng hanggang ikalawang round.
Nagpapasalamat si Eala sa mga fans na sumuporta sa kaniya lalo na ang mga nanood ng kaniyang laro sa New York.
Marami aniya siyang natutunan na mga aral mula sa pagkatalo na kaniyang gagawin sa mga torneo na lalahukan.
Magugunitang umukit ng kasaysayan si Eala matapos ang tagumpay nito sa unang round laban kay World Number 15 na si Clara Tauson.
Subalit pagdating ng ikalawang round ay nabigo na ito kay Cristina Bucsa ng Spain.
Nakatuon ngayon ito sa pagsali sa Guadalajara Open Akron sa Mexico at Sao Paulo Open sa Brazil.
Pagkatapos noon ay sasabak din ito sa mga torneo sa Beijing, Wuhan at Hong Kong at posible sa Japan bago ang pagbandera niya sa Southeast Asian Games sa buwan ng Disyembre.

PSC, DepEd at Hidilyn Diaz, magtatayo ng kauna-unahang nationwide weightlifting academy

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INANUNSYO ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, ang pagtatayo ng pinakamalaking weightlifting academy sa bansa alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang school-based sports programs.
Sa isang pulong kamakailan, sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na may 300 paaralan sa buong bansa ang may specialized sports curriculum, kaya’t target ng programa na magsilbing backbone ng mga ito ang weightlifting.
Magsisilbing inspirasyon at aktibo katuwang sa programa si Hidilyn Diaz, na nagtayo na ng sariling weightlifting academy sa Jala-Jala, Rizal matapos ang kanyang Olympic win noong 2021.
Buong suporta naman ang ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Secretary Amenah Pangandaman, na nagsabing maglalaan ng P180 million ang gobyerno para sa proyekto.

Pamamahagi ng graduation incentive

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT A 758 mag-aaral na nagsipagtapos sa Navotas Polytechnic College para sa AY 2024-2025 ang kanilang graduation incentive na P1,500 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa pag-aaral sa kolehiyo kung saan personal silang binati ni Mayor John Rey Tiangco. (Richard Mesa)

Duterte Youth Party List, maghahain ng petisyon sa SC upang ipadeklarang unconstitutional ang naging pinal na desisyon ng Comelec 

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAGHAHAIN ang Duterte Youth Party List ng petisyon sa Supreme Court upang ipadeklarang unconstitutional ang naging pinal na desisyon ng Commission on Elections na nagkakansela sa rehistrasyon ng nasabing party list.
Sinabi ni Duterte Youth Party-List Chairman Ronald Cardema na maghahain sila ng Petitioisang graven for Review sa SC sa Lunes (Setyembre 1) upang hamunin ang naging hakbang ng Comelec na malinaw umanong unconstitutional at isang grave abuse of discretion.
Pinasalamatan naman nito si Comelec Second Division Presiding Commissioner Rey Bulay, sa pagkiling sa batas at nagdeklara na walang nilabag ang Duterte Youth Party-List.
Iginiit nito na ang Comelec ang dapat na mag-publish sa partylist at hindi sila.
Gayundin, ang alegasyon laban sa kanila ng makakaliwang grupo na kahit walang pruweba ang siya pang kinatigan umano.
Aniya, ang Duterte Youth Party-List ang nakakuha ng pinakamalaking boto ng mga OFWs sa iba’t ibang bansa sa buong mundo at maging mula sa mga pulis, sundalo, at tropa ng gobyerno sa pamamagitan ng Local Absentee Voting (LAV) at boto pa ng milyon-milyong Pilipino.
“Ang ating nominees ay puro Iskolar ng Bayan galing PMA, PNPA, UP, at Philippine Science High School. Puro mga kabataang matatalino na pinag-aral ng mga Pilipino at inihalal para kanilang maging matatapang na Kinatawan sa Kongreso. Pinanalo ng todo todo ng Sambayanang Pilipino, pilit na ipinapatalo ng COMELEC. Nasa Korte Supreme ang pag-asa. Tatag Lang.” nakasaad pa sa statement.
(Vina de Guzman)

DBM, DILG tinintahan ang kasunduan ukol sa pagpapalabas ng P700-M na financial assistance para sa LGU projects

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TININTAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang joint memorandum circular (JMC) na naglalayong padaliin ang pagpapalabas ng P700 million na financial assistance para sa local government projects sa ilalim ng 2025 Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB) Program.
Ang pondo ay mapakikinabangan ng mahigit sa 40 local government units (LGUs) sa buong bansa, ayon sa DBM sa isang Facebook post, araw ng Miyerkules, kasunod ng paglagda sa JMC.
Sa kabuuang benepisaryo, may 35 LGUs ang magpapatupad ng nilalayon ng proyekto na ayusin ang access para sa ‘safe at resilient water supply at sanitation services’ habang ang siyam na disaster-prone LGUs ay makatatanggap ng suporta para sa konstruksyon ng climate-smart evacuation centers.
Sa kabilang dako, sina DBM Undersecretary Wilford Will Wong at DILG Undersecretary Marlo Iringan ang nagpormalisa ng kasunduan.
Samantala, ang mga local chief executives mula Cagayan, Ilocos Sur, at Surigao del Sur ay nakapagpakita ng ‘best practices’ sa paggamit ng SAFPB-funded projects sa kani- kanilang komunidad.
Ang programa ay kabilang sa ‘key efforts’ ng gobyerno para palakasin ang ‘participatory budgeting’ o ang participatory budgeting ay pagbibigay ng karapatan sa mga mamamayan ng isang lugar na makibahagi sa pagba-budget ng kanilang natipong buwis at tiyakin ang ‘responsive delivery’ ng mga pangunahing serbisyo sa lokal na antas. ( Daris Jose)

Malakanyang, nakikita ang pangangailangan para sa ‘responsible, ethical journalism’ sa digital age

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINIGYANG diin ng Malakanyang ang kahalagahan ng ‘responsible at ethical journalism’ para i-navigate ang mga hamon at sunggaban ang mga oportunidad sa digital era.
Sa pagsasalita sa harap ng mga media practitioners sa Ibis Styles Hotel Manila Araneta City sa Quezon City, kinilala ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang mahalagang papel ng Philippine press na pinangangalagaan ang demokrasya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘accurate, fair, at transparent information’ sa publiko.
“This conference is more than just a gathering of writers, reporters, scholars, and journalists. It is an exercise in ethical and responsible reporting – a reassurance that information is power and those who wield it have more responsibility than they can imagine,” ayon kay Castro sa idinaos na National Press Freedom Day conference.
“As we conclude this conference, I hope all the lessons you’ve learned will continue to empower you to do your absolute best in defending press freedom. May these learnings open new doors to you as you improve your craft. May they also mold into champions of responsible and ethical journalism in a rapidly evolving media landscape,” aniya pa rin.
Nanawagan naman si Castro sa mga miyembro ng media na manatiling matatag sa kanilang commitment sa ‘katotohanan, transparency, equality o pagkakapantay-pantay sa kabila ng mga hamon na kanilang hinaharap, kabilang na ang pagtaas ng misinformation at disinformation sa social media at tumataas na pag-aalinlangan ng publiko.
Sinabi pa ni Castro na patuloy ang mga mamamahayag na gampanan ang kanilang mahalagang papel na panatilihin ang demokrasya na “alive, healthy and working.”
“Challenges will always be present in any profession and era. I pray you see them just as they are and not as an obstacle to run away from it. Whether you are in print, radio, TV, or digital media, let these challenges shape you into members of the press that future generations of citizens and journalists will look up to,” ang winika ni Castro.
Muli namang pinagtibay ni Castro ang commitment ng administrasyong Marcos na panindigan ang press freedom at patuloy na pagsuporta sa media.
“As your partners in government, we, too, strive to defend the citizens’ right to free speech. We expect your desire to bring forward the truth in every article you write, in every broadcast you air, and every story you pursue,” aniya pa rin.
Pinuri naman ni Castro ang mga guest speakers gaya nina Peterno Esmaquel II ng Rappler, Presidential Task Force on Media Security executive director Undersecretary Jose Torres Jr., at Department of Information and Communication Technology Undersecretary Sarah Sisob — sa pagbabahagi ng mga ito ng kanilang mahahalagang pananaw sa pagpapanatili ng ‘journalistic integrity’ sa isang mabilis na media landscape na dino-dominahan ng digital platforms.
Binigyang diin din ng mga ito ang nagpapatuloy na government initiatives para pangalagaan ang mga journalists at talakayin ang umuusbong na digital threats at legal challenges na nakaaapekto sa media workers.
Ang event, may temang “Press Freedom in the Digital Age: Rights, Responsibilities and Realities,” pinagsama ang mga kinatawan mula sa state media, media professionals, at journalism students.
Samantala, inorganisa naman ng Presidential Communications Office ang one-day conference alinsunod sa Republic Act 11458, dinedeklara ang Aug. 30 ng bawat taon bilang National Press Freedom Day bilang pagbibigay galang kay Marcelo H. del Pilar, kilala sa kanyang pen name na Plaridel at kinokonsidera bilang Ama ng Philippine Journalism. ( Daris Jose)

Pinas, bukas na makatrabaho ang Estados Unidos sa ‘greater extent’- PBBM

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUKAS ang Pilipinas na makatrabaho ang Estados Unidos “to an even greater extent” habang mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga miyembro ng mga bumisitang US Senate Armed Services Committee Congressional Delegation sa Palasyo ng Malakanyang.
Mainit at malugod na tinanggap ni Pangulong Marcos sina Senator Roger Wicker at Senator Deb Fischer, binigyang diin ang “very, very close partnership” sa pagitan ng Maynila at Washington na nakayanan ang pagsubok ng panahon.
“We are greatly appreciative of all the support that the United States has given us in the face of the challenges that we in the Philippines are facing… and we hope to continue working with you to an even greater extent,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga bumisitang delegasyon.
Binigyang diin pa rin ng Chief Executive ang pangangailangan ng mas malalim na kolaborasyon hindi lamang sa bilateral level kundi maging sa pamamagitan ng multilateral arrangements sa Indo-Pacific.
Sa kabilang dako, ang pulong ay nakatuon sa pagpapalakas ng defense cooperation, pagsuporta sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at i-promote ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Para naman kay Wicker, inilarawan nito ang the Philippines-US alliance bnilang “one of the most important” at “growing in terms of closeness.”
Ang two-day visit ng mga mambabatas ay kasunod ng serye ng ‘high-level exchanges’ sa pagitan ng Maynila at Washington sa itna ng regional security tensions, partikular na sa South China Sea, kung saan ang Pilipinas at Tsina ay mayroong ‘overlapping claims’ sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.
( Daris Jose)

Pagsasama sa mga jeepney at tricycle drivers bilang  beneficiaries ng ₱20/kg bigas, napapanahong tulong

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAPURIHAN din ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ginawang pagsasama sa mga jeepney at tricycle driver sa “Benteng Bigas Meron Na” (BBM Na) program ng Department of Agriculture.
Ayon sa mambabatas, ang programa ay nagpapakita sa determinasyon ng pangulo para maipamahagi ang serbisyo sa publiko.
“Apektado ang ating mga jeepney at tricycle driver sa magkakasunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, kaya’t madalas silang nag-aalala kung paano pagkakasyahin ang kanilang kita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa tulong ng Department of Agriculture at ng Kadiwa ng Pangulo, makakahinga na nang maluwag ang ating mga tsuper at makakapag-uwi ng mura at de-kalidad na bigas para sa kanilang mga mahal sa buhay,” anang speaker.
Sa ginanap na paglulunsad ng ₱20 per kilo rice program para sa mga mangingisda sa Navotas Fish Port nitong Biyernes, inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa  pakikipag koordinasyon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon, ay isinama ang mga jeepney at tricycle drivers sa  BBM na beneficiaries.
“Ito ang klase ng lingkod-bayan sa ilalim ng Marcos administration—mga programang damang-dama ng ating mga kababayan dahil maingat na pinag-isipan at tunay na nakatutulong upang mapagaan ang buhay ng bawat Pilipino,” pahayag ni Romualdez.
Ang “BBM Na” program para sa  transport sector ay ilulunsad sa limang pilot areas sa buong bansa sa September 16. (Vina de Guzman)

Caloocan City Medical Center, nakatanggap ng hall of fame status mula sa DOH

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KABILANG ang Caloocan City Medical Center (CCMC) sa 35 hospitals na binigyan ng Hall of Fame recognition ng Department of Health (DOH), sa ilalim ng Mother-Baby Friendly Hospital Initiative (MBFHI), para sa mahusay at pagsunod nito bilang Breastfeeding Hospital na may Early Rooming-in.
Ito ang unang pagkakataon na iginawad ng DOH ang Hall of Fame status, na ibinibigay sa mga kinikilalang partner na ospital na sumasailalim sa matagumpay na accreditation sa ilalim ng MBFHI sa tatlong magkakasunod na beses kada tatlong taon.
Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang CCMC at binigyang-diin na patuloy na i-upgrade ng pamahalaang lungsod ang mga pasilidad at serbisyo ng mga ospital sa Caloocan upang maayos na matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasasakupan.
“Ang pagkilala sa CCMC bilang isa sa mga Hall of Famers ng DOH ay patunay lang ng pagkilos ng pamahalaang lungsod para tiyakin ang kalusugan ng mga mamamayan mula sa sinapupunan hanggang pagtanda,” pahayag ni Mayor Along.
“Mas palalakasin pa natin ang mga serbisyo at dadagdagan ang world-class facilities ng ating mga ospital at community health centers nang sa gayon ay mabawasan ang alalahanin ng mga Batang Kankaloo sa kalusugan ng kanilang mga pamilya,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Malayang pamamahayag, suportado ni Yorme Isko sa Maynila 

Posted on: September 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na suportado niya ang malayang pamamahayag sa Lungsod ng Maynila.
Sa talumpati ni Mayor  Isko sa pagdiriwang ng National Press Freedom Day sa National Press Club  (NPC) , binanggit nito ang kahalagahan ng malayang pamamahayag na mabisang armas sa paglalantad ng mga katotohanan sa likod ng nangyayaring katiwalian, hindi lamang sa pamahalaan, kundi maging sa pribadong organisasyon.
“Trabaho ninyo ang malayang pamamahayag at tungkulin ko naman bilang alkalde ang magpaliwanag at maghayag ng mga programang tatahakin ng pamahalaang lungsod,” ayon sa alkalde.
Dagdag pa ng Alkalde na nararapat lamang na maging responsable at tumanggap ng kritisismo, hindi lamang sa mga tulad nilang nasa gobyerno, kundi maging mga indibidwal tulad ng mga artista.
Sila aniya sa pamahalaan ay may pananagutan sa taumbayan kaya dapat lang nilang tupdin ang mga nakaatang sa kanilang tungkulin, tulad din ng mga mamamahayag na may tungkuling gawin ang mga istorya na mahalagang malaman ng mamamayan.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni NPC President Leonel “Boying” Abasola si Yorme Isko dahil sa ilang taon din ang nagdaan ay muli na namang nabisita ng isang alkalde ng Lungsod ng Maynila ang bahay ng NPC.
Hindi naman naiwasan ni Abasola na ibahagi ang kanyang pagkadismaya dahil natapat pa sa mismong buwan ng pagdiriwang ng ikatlong taon ng R.A. 11699 o ang Philippine Press Freedom Day ang pagbatikos sa mga mamamahayag ng isang kilalang mambabatas.
Nakiisa sa nasabing pagdiriwang ang Vice President for Public Affairs and Special Events Division ng Social Security System (SSS) na si Carlo Villacorta, apo ni Gat Marcelo H. Del Pilar na si Mrs. Marita Rita Marasita – Aguas, kinatawan ng Presidential Communication Office, at ang tagapagsalita ng Manila Police District (MPD) na si Maj. Phillip Ines.
(Gene Adsuara)