• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:48 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 31st, 2025

Don’t miss these titles, opening in cinemas in September 17 & 24, 2025! 

Posted on: August 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
#ABigBoldBeautifulJourney
Photo credit: Columbia Pictures
September 17 – A Big Bold Beautiful Journey (Columbia Pictures)
Cast: Colin Farrell, Margot Robbie
Directed by: Kogonada
What if you could open a doorway and walk through it to re-live a defining moment from your past? Sarah (Margot Robbie) and David (Colin Farrell) are single strangers who meet at a mutual friend’s wedding and soon, through a surprising twist of fate, find themselves on A Big Bold Beautiful Journey – a funny, fantastical, sweeping adventure together where they get to re-live important moments from their respective pasts, illuminating how they got to where they are in the present…and possibly getting a chance to alter their futures.
#ChainsawManMovie
Photo credit: Columbia Pictures
September 24 – Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc (Columbia Pictures)
For the first time, Chainsaw Man slashes his way onto the big screen in an epic, action-fueled adventure that continues the hugely popular anime series. Denji worked as a Devil Hunter for the yakuza, trying to pay off the debt he inherited from his parents, until the yakuza betrayed him and had him killed. As he was losing consciousness, Denji’s beloved chainsaw-powered devil-dog, Pochita, made a deal with Denji and saved his life. This fused the two together, creating the unstoppable Chainsaw Man. Now, in a brutal war between devils, hunters, and secret enemies, a mysterious girl named Reze has stepped into his world, and Denji faces his deadliest battle yet, fueled by love in a world where survival knows no rules.
#OneBattleAfterAnother
Photo credit: Warner Bros. Pictures
September 24 – One Battle After Another (Warner Bros. Pictures)
Cast: Leonardo DiCaprio, Sean Penn, Benicio del Toro
Directed by: Paul Thomas Anderson
From Warner Bros. Pictures and Academy Award-nominated, BAFTA-winning filmmaker Paul Thomas Anderson comes “One Battle After Another,” starring Academy Award and BAFTA winner Leonardo DiCaprio. Oscar and BAFTA winners Sean Penn and Benicio Del Toro also star alongside Regina Hall, Teyana Taylor and Chase Infiniti, as well as Wood Harris and Alana Haim.
#GabbysDollhousePH
Photo credit: Universal Pictures
September 24 – Gabby’s Dollhouse: The Movie (Universal Pictures)
Cast: Laila Lockhart Kraner, Kristen Wiig, Gloria Estefan, Thomas Lennon, Jason Mantzoukas, Ego Nwodim, Kyle Mooney, Melissa Villaseñor and Fortune Feimster
Directed by: Ryan Crego
DreamWorks Animation elevates its global smash streaming series into its first ever cinematic adventure with “Gabby’s Dollhouse: The Movie.” In the new film, Gabby (Laila Lockhart Kraner, reprising her role from the series) heads out on a road trip with her Grandma Gigi (four-time Grammy Award winner Gloria Estefan) to the urban wonderland of Cat Francisco. But when Gabby’s dollhouse, her most prized possession, ends up in the hands of an eccentric cat lady named Vera (Oscar® nominee Kristen Wiig), Gabby sets off on an adventure through the real world to get the Gabby Cats back together and save the dollhouse before it’s too late.
*Schedules are subject to change without prior notice.*
(ROHN ROMULO)

Bukod sa pamilya, no contact sa friends at co-workers… SHARON, nagpasyang mag-detox muna sa social media

Posted on: August 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta ipinaalam nito na magdi-detox muna siya sa social media at hindi muna gagamit ng cellphone.
“Hi, everyone! I will be taking a rest from Social Media and my phone will be off. I will only use the one phone I use for my family,” panimula ni Mega.
Say pa niya, “No contact with friends and co-workers—family lang talaga. I need to detox.”
Dagdag paliwanag pa ni Sharon tungkol sa kanyang post, “So I will be out of touch for several days. My mind and emotions are gonna take a vacation from everything extra!”
Panghuli pa niyang mensahe lalo na sa kanyang fans, “Love you all. See you again soon! God bless you always.”
Marami namang Sharonians ang nag-comment na mami-miss nila ang Megastar at maghihintay sa kanyang pagbabalik…
“Mama Sharon, mamimiss ka namin…pero lagi kaming nandito, maghihintay sayo… mahal na mahal ka namin.. sobra sobra. mag-iingat ka po palagi.”
“We love you Mama She, take care always pagbalik mo andito pa rin kaming mga babies mo, naghihintay lagi sayo iloveyou so much.”
“We are always here for you. Love you, and God bless you always Mami!”
“Hihintayin ka namin hanggang pag balik mo!!”
“Mama, you deserve this time to rest, detox, and be with your family…kami po laging nandito, patiently waiting for you.”
“Rest well, mii @reallysharoncuneta mahal ka namin and always take care of yourself po.”
“We miss you already. I think we all need a break from socmed… Ang toxic na kasi paligid natin lahat.  Nakakasuka na nangyayari… Get enough rest and enjoy with family. We love you.”
“Enjoy your precious quiet time mega!”
“Deserve mo yan Mega. Enjoy your private life!!”
“See you again soon(est) Ms. Mega”
***
Filipino Chinese Community, nag-mobilize ng P10 Million na tulong para sa mga biktima ng bagyo
BILANG pagpapahayag ng pagkakaisa at bayanihan, ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) inihayag noong Agosto 28 ay inihayag ang malawakang relief effort na nagkakahalaga ng sampung milyong piso (P10,000,000.00) para sa mga komunidad na sinalanta ng mga bagyo sa Luzon kamakailan.
Ang inisyatiba, na pinangunahan ng FFCCCII at ng “Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation,” sa pakikipagtulungan ng 30 pangunahing Filipino Chinese community associations, ay kinabibilangan ng pamamahagi ng essential goods at 50,000 pack ng 5-kilo bigas sa mga apektadong lungsod at lalawigan, kabilang ang Metro Manila, Baguio, Pangasinan, La Union, Tarlac, Bulacan, Palawan, at, Bulacan, Palawan.
Ang isang mahalagang bahagi ng pagsisikap na ito sa buong bansa ay isang naka-target, city-wide relief operation sa Quezon City, na isinagawa katuwang ang opisina ni Mayor Joy Belmonte at ang Philippine Star’s Operation Damayan na pinamumunuan ni Pangulong Miguel Belmonte.
Kasama sa iba pang dumalo sina District 2 Councilor Mikey Belmonte, District 4 Councilor Atty.  Vincent Belmonte, Councilor Egay Yap, Councilor Raquel Malangen, Councilor Migz Suntay, Councilor Imee Rillo, Councilor Nanette Daza, Brgy.  Chairman Dick Bañega at Operation Damayan team sa pangunguna ni PhilStar HR head Emie Cruz.
Ang Quezon City leg ay mula Agosto 28 hanggang 29, 2025, na kung saan namahagi ng mga relief packs sa anim na apektadong distrito, na kumakatawan sa isang nakatuong paglalaan ng tulong para sa mga residente ng lungsod.
Ang partnership ay pormal na inilunsad sa isang seremonya na ginanap sa Mabuhay Court ng Dr. Jose Jara Martinez High School sa Barangay Tatalon, District 4. Itinampok ng kaganapan ang turnover ng nakaraang isang milyong piso na donasyon mula sa FFCCCII sa Operation Damayan at nagsilbing kick-off para sa dalawang araw na distribution drive.
Si Mr. Jeffrey Ng, ang Executive Vice-President ng FFCCCII, ay humarap sa mga benepisyaryo at opisyal, na naghatid ng mensahe ng pag-asa at walang patid na suporta mula sa Filipino Chinese community.”
“On Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. and the ‘Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation,’ it is both our duty and our profound honor to stand with you today,” pahayag ni Mr. Ng.
In-emphasize niya ang collaborative spirit of the mission, “We are pleased to join hands with the PhilStar Operation Damayan and the Quezon City government in this vital mission of compassion.”
Ibinahagi rin ni Mr. Ng na, “Driving by the spirit of bayanihan, our Federation, together with 30 generous Filipino Chinese community associations and the members of our Foundation, have mobilized in the past weeks… donating over P10 Million Pesos worth of essential goods and food supplies.”
In his eloquent appeal to those affected, he offered words of encouragement: “Nakikiusap po kami sa inyo: Huwag po kayong mawawalan ng pag-asa. Ang hamon ng panahon ay malaki, nugget mas malaki ang ating puso para magtulungan… Lubos po kaming naniniwala na ang pagkakaisa ang siyang sagot sa anumang pagsubok.”
(ROHN ROMULO)

Positive sa magiging pagtanggap sa kanilang serye: Direk MAC, aware na sikat ang tambalang JEROME at HEAVEN

Posted on: August 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AWARE si direk McArthur Alejandre na sikat ang tambalang Jerome Ponce at Heaven Peralejo na mga artista niya sa Viva One romance-drama series na I Love You Since 1892 na siya ang direktor.
“Ang galing-galing ng Viva.
“Without a network and just using their own infrastructure and the app, they were able to create this fandom, a very, very interesting fandom with a varied menu of artists.
“Ang husay-husay ng Viva.”
Sa tanong kung kinakabahan siya sa magiging reception ng publiko sa kanilang serye na eere na simula sa ika-6 ng Setyembre.
“Magagaling silang mga artista. Bilang isang beterano sa industriya, hindi lang ito labanan ng pasikatan kundi labanan ng patagalan.
“At tatagal ka kung mahusay ka. So malinaw sa utak ko na ang show na ito na kinabibilangan nila ay magsisilbing isang malaking pundasyon.
“Tungkol ito sa pundasyon ng papaano sila magiging mas mahusay pa para mas tumagal sila at mas maraming magawa na makabuluhang proyekto.
“Ang tamang emosyon na naramdaman ko ay excitement. Simply because lahat kami naniniwala sa materyal at alam namin na may mga inambag kami para mas lalong ma-enhance yung original material on print form.
“So, excited kaming makita ng mga tao kung papaano namin ito na-translate onscreen.
Period series ang ‘I Love You Since 1982’ kaya hitik ito sa malalalim na Tagalog at dayalog.
“We tried very hard to be as true to the original material so yung lengguwahe ng original material ay may lalim pero may accessibility.
“Ganoon ang ginamit namin, tapos yung being true to the original material doesn’t mean merely sticking to it.
“It means speaking to it and translating it into visual terms.
“So, ito ay ayon kung ano ang pananaw ng produksiyon kung papaano palalawigin ang original material ni Binibining Mia.
“Gusto kong sabihin na lahat kami storytellers and we take our responsibility as storytellers seriously.
“At para sa mga kaibigan ko sa press na nakasama ko sa journey ko bilang direktor, halos thirty four years na akong direktor, mahal na mahal ko ang propesyon ng pagkukuwento.
“At ang pagkukuwento namin ay isang tribute hindi lamang sa materyal, hindi lamang sa mga artista o sa pagka-Pilipino natin, kundi ito ay para sa lahat ng manonood saan mang sulok ng mundo sila naroroon, simply because ang kuwento ng I Love You Since 1892 ay tungkol sa pag-ibig.
“At bilang storyteller, yan ang pinakamasarap ikuwento sa lahat.”
***
MARAMI ang humanga sa content creator na si Boss Toyo dahil sa sunud-sunod na pagbibigay niya ng tulong sa mga biktima ng sunud-sunod na bagyo at pati na rin ang Habagat na nanalanta sa iba’t-ibang lugar sa sa bansa.
Ilan sa mga pinuntahan ni Boss Toyo ay ang mga lugar ng Bauang at San Fernando sa La Union pati na rin Mindoro kung saan nagpasaya siya ng lampas 500 na mga katao kabilang na ang mga  katutubong Mangyan.
Bakit niya naisipan na mag-outreach at bakit ang mga naturang lugar ang naisipan niyang tulungan?
Lahad niya, “Okay, bakit ko naisipang mag-outreach? Actually it started nung medyo… meron na akong sobra, mga way back 2014 doon ako nagsimula ng pag-a-outreach at paggawa ng iba pang mga charity works like yung aking pang-eleven years na, yung Toys For A cause, iyon.
“So, ipinagpapatuloy ko lang siya dire-diretso lang, basta may sobra at may mga tao ka, tumutulong sa mga outreach programs ko at charity works patuloy ko siyang ginagawa at gagawin pa natin.
“Bakit sa Mindoro ulit? Pangalawang beses na namin ‘to, last month sa Mindoro rin.
“Kasi doon ko nakita yung mga binibigyan doon is naa-appreciate nila. Kahit ano’ng ibigay mo sobrang nakikita ko sa kanila yung pagtanggap at pagpapasalamat.
“Yung mga ngiti nila tsaka yung saya talagang makikita mo na very genuine at napakasarap talagang tulungan.
“Kumbaga para sa akin perfect talaga na sila yung matulungan at sila yung mabigyan ng biyaya at tulong.
“At maraming-marami pa po silang kailangan bukod doon sa aming mga binigay.”
(ROMMEL L. GONZALES)

Muling nagluksa ang Philippine showbiz: Award-winning film director na si MIKE DE LEON, pumanaw sa edad na 78

Posted on: August 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagluksa ang Philippine showbiz dahil sa pagpanaw ng award-winning film director na si Mike de Leon sa edad na 78.

Kabilang si Direk Mike sa mga naging direktor during the second Golden Age of Philippine Cinema noong ’70s kunsaan nakasabayan niya ang mga yumao ng mga direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Celso Ad Castillo, Marilou Diaz-Abaya, Mario O’Hara, Maryo J. delos Reyes, Romy Suzara, Augusto Buenaventura, Emmanuel Borlaza at Danny Zialcita.

Tanging sina Laurice Guillen at Lupita Kashiwahara na lang ang buhay na ka-batch ni Direk Mike.

Kontrobersyal at may malalalim na mensahe ang mga pelikula nita tulad ng Itim, Kisapmata, Sister Stella L, Batch ’81 at Bayaning Third World. Gumawa rin siya ng commercial films tulad ng Kung Mangarap Ka’t Magising, Kakaba-Kaba Ka Ba? at Hindi Nahahati Ang Langit.

Nakatrabaho niya sina Vilma Santos, Christopher de Leon, Hilda Koronel, Jay Ilagan, Vic Silayan, Charo Santos, Charito Solis, Lorna Tolentino, Ricky Davao, Johnny Delgado, Gloria Romero, Mark Gil, Dina Bonnevie, Edu Manzano, APO Hiking Society, Joel Torre at iba pa.

Huling pelikulang ginawa niya ay Citizen Jake na bida ang GMA broadcast journalist na si Atom Araullo.

Nagwagi ng 15 awards si Direk Mike, kabilang ang best director mula sa Film Academy of the Philippines, Gawad Urian, at Metro Manila Film Festival.

“Mike De Leon shone a light on the beauty and pain of the downtrodden and repressed, bringing their stories to the cultural forefront,” post ni Direk Joey Reyes na chairman din ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

(RUEL J. MENDOZA)