• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:10 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 30th, 2025

Ads August 30, 2025

Posted on: August 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

30 – 4-merged

Diplomasya, hindi tanda ng kahinaan- Malakanyang

Posted on: August 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
“ANG katapangan ay hindi nadadaan sa buntalan. Ang pagiging diplomatic ay hindi nagpapakita ng kahinaan.”
Ito ang tugon nang Malakanyang kasunod ng panawagan na muling isaalang-alang ng gobyerno ng Pilipinas ang paninindigan nito sa “One China” policy sa gitna ng nagapatuloy na agresibong aksyon ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS).
“Ang direktiba ng Pangulo ay diplomacy at rule-based approach. At sinabi rin naman ng Pangulo na we are not waging any war at sinabi rin niya na hindi tayo uurong sa anumang labanan,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Sa ulat, nanawagan ang mga senador na sina Erwin Tulfo at Imee Marcos na muling busisiin ang One-China Policy ng bansa, sa gitna ng aktibidad ng China sa West Philippine Sea (WPS) at banta ng sigalot sa Taiwan Strait.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, sinabi ni Tulfo na hindi na tumutugma ang kasalukuyang polisiya sa asal ng Beijing. “I believe it is high time that we think our position if we must continue to observe this One China Policy because of the fact that we are not being respected while we respect what they want,” aniya.
Kinatigan ni Imee Marcos ang panawagan ni Tulfo. Ipinaalala niyang kinikilala ng Pilipinas ang People’s Republic of China mula pa 1975, ngunit nagpapanatili rin ng ugnayan sa Taiwan sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
“Let us remember that the One-China Policy has been in place since 1975. But the United States itself recognizes China while at the same time equipping and supporting Taiwan. This contradiction is something we cannot ignore,” paliwanag niya.
Binansagan naman ng Chinese Ministry of Defense ang Pilipinas bilang “troublemaker” sa South China Sea, kasunod ito ng kamakailan lamang na aktibidad na naglalayong palakasin ang defense cooperation sa mga kaalyadong bansa gaya ng Estados Unidos at Australia.
At nang hingan ng komento, sinabi ni Castro na hindi maaaring pigilan ng Pilipinas ang Tsina mula sa “making its own narrative.”
“But they cannot also stop us from fighting for our rights based on laws, UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), arbitral ruling, and for our being (an) independent country,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na ipagpapatuloy ng Pilipinas na magtiwala at panghawakan ang diplomasya at dayalogo sa pagharap sa Tsina sa usapin ng WPS. (Daris Jose)

Contractors sa kuwestiyonableng Bulacan projects, inimbitahan sa House Infra-Comm hearing sa September 2 

Posted on: August 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINADADALO ng House Infrastructure Committee (Infra-Comm) sa pagdinig ang contractors na sangkot sa kuwestiyonableng projects sa Bulacan.
“Very important lang po at this point na i-announce nga natin na tuloy po ‘yung House Infrastructure Committee hearing sa September 2. Magsisimula po ito ng 9 a.m. sa darating pong Martes,” ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts, isa sa tatlong komite na bumubuo sa Infra-Comm.
Sinabi ng mambabatas na ang lahat ng mga kailangan imbitahan na mga resource persons, kasama ang mga opisyal ng DPWH at mga kontratista na binabanggit ng Pangulo na nakakuha ng malalaking mga flood control projects.
“Iimbitahan din po natin ‘yung SYMS Construction Trading, yung itinuturo na kontratista ng ‘ghost projects’ sa Bulacan. Iimbitahan din po natin yung iba pang mga ahensya ng gobyerno na makapagbigay po ng konteksto dito sa proseso ng pagkakaroon ng mga proyekto ng gobyerno,” ani Ridon.
Iginiit nito na ang Government Procurement Policy Board at Philippine Contractors Accreditation Board ay dapat ding tumestigo kasunod na rin sa panibagong alegasyon na lumabas sa senado.
Sinabi ni Ridon na ang projects sa Bulacan na nasasangkot sa kontrobersiya ay hindi congressional insertions, kundi proposals na kasama sa National Expenditure Program (NEP) na inihanda ng Department of Public Works and Highways.
“So ibig sabihin, these projects originated as DPWH proposal. It was never a proposal from Congress nor was it a proposal from the Senate. … Pero nakita nga po natin ngayon na even NEP-originated projects can actually be subject to ghost projects and substandard projects. So ibig sabihin, talagang lahat po ng mga tipo ng mga proyekto, whether NEP-originated or Congressional Initiative-originated projects, dapat po masilip at masiyasat po ng House Infrastructure Committee,” pahayag nito.
Nilinaw naman ni Ridon na ang unang pagdinig kg komite ay tutuon sa Bulacan projects na binsita na ng pangulo.
Kabilang na din ang mga isyu ng ghost projects, undercapitalized firms at contractors na naakusahan ng substandard na trabaho. (Vina de Guzman)

Davao flood control funds, dapat isama sa imbestigasyon

Posted on: August 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINASASAMA ng mga mambabatas sa gaganaping imbestigasyon ng kamara ukol sa kuwestiyonableng flood control projects ang alokasyon na ginawa sa Davao City noong panahon ng Duterte administration, kabilang na ang distrito sa ilalim ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
Sinabi ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts, na hindi dapat maisantabi sa pagdinig ang pondong inilaan sa Davao flood control sa mga nakalipas na taon, dala na rin sa naganap na mga pagbaha sa nasabing lugar.
“I think very important po muna siguro na just go back to the Philippines. I don’t know where he is but very important po for mayors to be present during times of crisis. So, I think that’s the first point that we like to make,” pahayag ni Ridon, patukoy kay Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Dumanas nang matinding baha ang Davao City kung saan iniulat ng City Engineering Office na nasa 265 lugar ang lubog sa baha nitong nakalipas na araw ng pag-uulan.
Sa kabila aniya na may papel din na ginampanan ang climate change at geography sa pagbaha ay may isyu rin sa infrastructure.
“Pero meron centrality iyong flood control systems sa ating mga lugar. So very important din definitely na makita rin natin ‘yun pong mga impact ng mga flood control systems within Davao City and within Davao Region kasi I’m quite certain malaki rin po talaga ‘yung pondo eh na iginugol within this administration and more particularly in the previous administration to Davao City and to Davao Region. So I think that can be, that can serve as a basis to also look into the implementation of flood control projects within Davao City and Davao Region,” dagdag ni Ridon.
Sinabihan naman ni House Human Rights Committee chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante na dapat tanungin muna ng Davao mayor ang kanilang family record sa halip na aga ibasura ang imbestigasyon,
“Eh ako ang suggestion ko kay Mayor Baste tanungin niya yung kanyang kapatid na congressman, magkano ba ang pondong nakuha ni Cong. Pulong nung congressman siya nung panahon ng kanyang father? Magkano po yung nakuha? I-reveal niya kung magkano, kung saan ginamit, kung saan ginamit ang pondong yan. Kung papano ginamit yan, kung ilang bilyon ang napunta sa flood control project. At kung bakit malaki pa ang baha sa Davao,” ani Abante.
Sinabi pa nito na dapat tulungan ng mayor na patunayan ang kanyang pahayag kung totoo o stunt lamang ang imbestigasyon.
“Kinakailangan tanungin niya yung kanyang kapatid dyan kung talagang PR stunt ‘to patunayan niya,” dagdag ni Abante. (Vina de Guzman)

2 tiklo sa sugal at droga sa Valenzuela 

Posted on: August 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang kelot kabilang ang isang drug suspect matapos madakip ng pulisya sa anti-gambling operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela OIC Chief P/Col. Joseph Talento ang naarestong mga suspek na sina alyas “Kris”, 22, at alyas “Chris”, 29, helper at kapwa residente ng Brgy. Ugong.
Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Patrol Base 8 mula sa isang concerned citizen na may nagaganap umanong illegal gambling activity sa F. Bautista St., Brgy. Ugong.
Kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Patrol Base 8 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-8:51 ng gabi nang maaktuhang naglalaro ng sugal na ‘Dice’.
Nakumpiska sa mga suspek ang P350 bet money at isang dice habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800 ay nakuha kay ‘Kris’.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law/Dice) habang karagdagan pa na
Kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin pa ni alyas Kris. (Richard Mesa)

DUTERTE YOUTH ACCREDITATION KINANSELA

Posted on: August 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAGTIBAY ng Comelec en banc ang pagkansela ng party-list accreditation ng Duterte Youth.
Kinansela ng Comelec second division noong Hunyo ang akreditasyon ng Duterte Youth dahil sa kabiguang makapagsumite ng requirements sa umano’y kaso noong 2019 na inihain ng mga lider ng mga kabataan.
Sa boto na 5-1, pinagtibay ng en banc ang kanselasyon ng Duterte Youth registration, sinabi ni Comelec cahirman George Garcia .
Nanalo ang Duterte Youth ng tatlong upuan sa Kongreso matapos makakuha ng mahigit 2 milyng boto sa nakaraang May elections ngunit sinuspinde ng Comelec ang kanilang proklamasyon dahil sa nakabinbing kaso.(Gene Adsuara)

PBBM, inimbita ni Pacquiao sa ‘Thrilla in Manila’ 2

Posted on: August 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PERSONAL na bumisita kahapon si dating senador at boxing champ Manny Pacquiao kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang para iprisinta ang kanyang WBC belt at imbitahan ang Pangulo sa gaganaping “Thrilla in Manila” Part 2 sa Oktubre 20.
Sinabi ni Pacquiao na hiningi niya ang suporta ng Presidente para sa gagawing 50th celebration ng Thrilla in Manila nina Muhammad Ali at Joe Frazier noong October 1975.
Anniversary ng Thrilla in Manila so we asked his support saka lahat ng gobyerno to celebrate itong 50th anniversary ng Thrilla in Manila,” ayon sa dating senador.
Sinabi pa ni Pacquiao na interesado ang Presidente sa konsepto ng part 2 ng Thrilla in Manila dahil batay sa kanyang kuwento ay nakapanood ito sa practice ni Muhammad Ali noong bata pa ito at pinaakyat pa aniya ito sa boxing ring noong 1975.
Pinaakyat siya sa ring ni Muhammad Ali tapos dinemo sa kanya yung punches na gagawin. Natuwa siya at hindi niya nakalimutan,” dagdag ni Pacquiao.
Niregaluhan naman ni Pacquiao ng boxing gloves ang Pangulo sa kanyang courtesy call.