Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SIKAT na sikat ngayon ang Sparkle female star at housemate ng ‘Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition’ na si AZ Martinez.
At bilang isang PBB housemate, tinanong namin si AZ kung ano ang hinding-hindi niya makakalimutan sa kanyang PBB journey.
“Yung never ko po talagang makakalimutan from sa journey ko sa loob ng Bahay ni Kuya yung nanalo kami ni River sa Big Jump Challenge,” ang bulalas na pagtukoy ni AZ sa kapwa niya former housemate na si River Joseph.
Pagpapatuloy pa ni AZ, “Kasi iyon po yung pinakamahirap na challenge for me, for both of us kasi endurance yun, e.
“We were standing with blocks in between us for seven hours, umulan man or sobrang araw man, mainit nandun kami nakatayo.
“And parang iyon yung time na gustung-gusto na talaga namin… we were really fighting for it kasi para iyon mapabilang sa Big 4, e.
“And pangarap po talaga namin ni River na makasali sa Big 4 kaya iyon yung something na hindi ko po talaga makakalimutan.
“Kasi once na-announce ni Kuya na ‘Congratulations parte na kayo ng Big 4’, sobrang Oh my God!
“Parang naano na yung puso ko gusto ko umiyak, umiyak, umiyak. Iyon po.”
Si AZ ang bagong brand ambassador ng SCD beauty products mula sa kumpanyang pag-aari ni Gracee Angeles na CEO ng EEVOR Skin Care Depot.
(ROMMEL GONZALES)
INILAHAD ni Kuya Kim Atienza na may disadvantage rin ang pagtingin sa kanya ng mga tao bilang matalino na alam ang lahat.
Pag-amin ng Kapuso host, takot siyang sumali sa mga game show.
“Alam mo kung ano ang disadvantage? They expect you to be perfect all the time. I am not perfect. I’m human,” sabi ni Kuya Kim sa vodcast na “Your Honor.”
“Wala naman perpekto. Pero ‘pag nagkamali ako, trending. ‘Pag ‘di ako nagkamali, ‘normal matalino ‘yan eh,'” pagpapatuloy niya.
Kuwento niya, nakailang pag-imbita sa kaniya si Dingdong Dantes para sumali siya sa game show nito na “Family Feud.”
“Takot nga ako sumali ng mga game show eh. Maski ‘yung Family Feud, talagang ilang pilit sa akin ni Dong bago ako sumali diyan.
“Dahil natatakot ako, dahil ‘pag nagkamali ako, trending. Hindi puwede magkamali si Kuya Kim,” patuloy niya.
Kuwento niya, pangatlong taon na niya sa showbiz noon nang sumali siya sa isang game show ni Edu Manzano noong 2007.
“Ang style noon, may questions, multiple choice, pero may 100 na audience. At ‘yung 100 na audience, heckler. ‘Wala, wala, wala ka,’ Gina-gano’n ka. So, madi-distract ka ngayon habang nakikipagtalo ka u’n sa audience,” kuwento ni Kuya Kim.
Hanggang sa tinanong si Kuya Kim kung ano ang pinakamalaking isda sa mundo, kung saan ang tamang sagot ay butanding.
“Alam ko butanding ‘yun eh. Eh dahil busy ako. At ang yabang ko, at alam ko naman lahat,” kuwento niya.
Sa kanyang pagmamadali at ingay ng mga tao, blue whale ang naisagot ni Kuya Kim, at natalo siya sa game show.
Bago pa ang Facebook noon, at naging laman siya agad ng mga meme.
“‘Si Kuya Kim ‘di naman matalino!’ ‘Yung butanding, hindi alam.’ Lumabas sa mga meme. Hanggang ngayon, lumalabas pa rin ‘yan sa mga nakaka-alala,” sabi niya.
“Because Kuya Kim is supposed to be perfect. That is the disadvantage of becoming Kuya Kim,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Kuya Kim na may mga tao na mataas ang Intelligence Quotient (IQ), ngunit mababa ang Emotional Quotient (EQ).
“Kasi napakarami ‘yung may high IQ dahil sa pag-aaral. I don’t take it against them. Kaka-aral, na kaka-aral, nakalimutan umikot, nakalimutan magkaroon ng kaibigan, nakalimutan gumimik.
“Kaya tumaas ang IQ. Habang tumaas ang IQ, ang EQ o emotional quotient, ‘yung street smartness, pababa nang pababa nang pababa,” paliwanag niya.
Dahil dito, kulang sa social cues ang mga ganitong tao.
“‘Yun ang mga boring na hindi mabasa ang conversation. ‘Pag kausap mo ‘yun, kung ano-ano sinasabi hindi sensitibo sa ‘yo, hindi nakakaaliw, hindi nakakalibang pero bibigyan ka ng facts,” sabi pa ni Kuya Kim.
(RUEL J. MENDOZA)
ANG psychological drama-thriller na ‘Sister’s Game’ ay malapit nang mapanood sa GMA at pagbibidahan ito nina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Ashley Ortega, kasama sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, at Althea Ablan.
“I really have to do some research about it kasi ‘yung character ko si Angel, she is mentally ill. Kailangan kong alagaan kung paano ko gagawin ‘yun para mabigyan na rin ng justice ‘yung role,” kuwento ni Ashley.
Sina Derrick at Elle naman ay lalabas sa kanilang comfort zone para gampanan ang kanilang mga roles sa serye.
“Medyo challenging siya sa part na mayroon kaming kids kasi wala pa kaming kids talaga in real life, but I think with Derrick, that’s pretty easy,” sabi ni Elle.
Inamin naman ni Derrick na natutulungan naman nila ang isa’t isa pagdating sa trabaho.
“What’s good about us is if we’re working, mayroon kaming feedback sa isa’t isa at important ‘yun sa amin because doon namin nai-improve ‘yung character namin,” sabi ng aktor.
Si Thea naman ay gaganap bilang isang lawyer kaya naman inamin nito na challenging din ito para sa kaniya.
“Lawyer ako dito, so as a person na mabilis mag-isip ‘yung brain, kailangan na matutunan ko talaga ‘yung lines kasi may technical words ang pagiging lawyer and talagang strict sa lines dapat. Ako pa naman ay isang ring makakalimutin, so that’s a challenge for me,” paliwanag ni Thea.
***
NI-REVEAL na ni Taylor Swift ang anim na deluxe covers ng kanyang upcoming album na “The Life of a Showgirl” na may release date on October 3.
Nag-crash nga raw ang website ni Taylor dahil dumagsa ang pre-order sales for vinyls, CDs and cassettes.
Ayon kay Taylor: “The Life of a Showgirl was inspired by the joy that being on the Eras Tour. This album is about what was going on behind the scenes of my inner life during this tour, which was so exuberant and electric and vibrant.
“It just comes from the most infectiously joyful, wild, dramatic place I was in my life, and so that effervesence has come through on this record.”
May 12 new songs sa naturang album at ito ay The Fate of Ophelia, Elizabeth Tayloe, Opalite, Father Figure, Eldest Daughter, Ruin the Friendship, Actually Romantic, Wi$h Li$t, Wood, Cancelled!, Honey and The Life of a Showgirl featuring Sabrina Carpenter.
(RUEL J. MENDOZA)
Nanawagan ang Mayors for Good Governance kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangalanan na ang mga tiwaling politiko at kontratista sa likod ng mga palpak na proyekto sa imprastruktura, lalo na sa flood control.
Sa kanilang pahayag noong Sabado, sinabi ng grupo — na kinabibilangan nina Mayor Benjamin Magalong (Baguio), Mayor Vico Sotto (Pasig), Mayor Joy Belmonte (Quezon City), at Mayor Sitti Hataman (Isabela City) — na matagal nang may katiwalian sa ganitong proyekto at kailangang managot ang mga sangkot.
‘Flood control projects have existed for decades, but over the past years, corruption in these projects has become more alarming, pervasive, and systematic,’ pahayag ng grupo.
“Those who have stolen public funds must face the full force of the law. Once proven guilty, politicians and bureaucrats must not only be removed from office, but also prosecuted and jailed,’ dagdag pa sa pahayag. ( Daris Jose)