
SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta ipinaalam nito na magdi-detox muna siya sa social media at hindi muna gagamit ng cellphone.
“Hi, everyone! I will be taking a rest from Social Media and my phone will be off. I will only use the one phone I use for my family,” panimula ni Mega.
Say pa niya, “No contact with friends and co-workers—family lang talaga. I need to detox.”
Dagdag paliwanag pa ni Sharon tungkol sa kanyang post, “So I will be out of touch for several days. My mind and emotions are gonna take a vacation from everything extra!”
Panghuli pa niyang mensahe lalo na sa kanyang fans, “Love you all. See you again soon! God bless you always.”
Marami namang Sharonians ang nag-comment na mami-miss nila ang Megastar at maghihintay sa kanyang pagbabalik…
“Mama Sharon, mamimiss ka namin…pero lagi kaming nandito, maghihintay sayo… mahal na mahal ka namin.. sobra sobra. mag-iingat ka po palagi.”
“We love you Mama She, take care always pagbalik mo andito pa rin kaming mga babies mo, naghihintay lagi sayo iloveyou so much.”
“We are always here for you. Love you, and God bless you always Mami!”
“Hihintayin ka namin hanggang pag balik mo!!”
“Mama, you deserve this time to rest, detox, and be with your family…kami po laging nandito, patiently waiting for you.”
“Rest well, mii @reallysharoncuneta mahal ka namin and always take care of yourself po.”
“We miss you already. I think we all need a break from socmed… Ang toxic na kasi paligid natin lahat. Nakakasuka na nangyayari… Get enough rest and enjoy with family. We love you.”
“Enjoy your precious quiet time mega!”
“Deserve mo yan Mega. Enjoy your private life!!”
“See you again soon(est) Ms. Mega”
***
Filipino Chinese Community, nag-mobilize ng P10 Million na tulong para sa mga biktima ng bagyo
BILANG pagpapahayag ng pagkakaisa at bayanihan, ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) inihayag noong Agosto 28 ay inihayag ang malawakang relief effort na nagkakahalaga ng sampung milyong piso (P10,000,000.00) para sa mga komunidad na sinalanta ng mga bagyo sa Luzon kamakailan.
Ang inisyatiba, na pinangunahan ng FFCCCII at ng “Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation,” sa pakikipagtulungan ng 30 pangunahing Filipino Chinese community associations, ay kinabibilangan ng pamamahagi ng essential goods at 50,000 pack ng 5-kilo bigas sa mga apektadong lungsod at lalawigan, kabilang ang Metro Manila, Baguio, Pangasinan, La Union, Tarlac, Bulacan, Palawan, at, Bulacan, Palawan.
Ang isang mahalagang bahagi ng pagsisikap na ito sa buong bansa ay isang naka-target, city-wide relief operation sa Quezon City, na isinagawa katuwang ang opisina ni Mayor Joy Belmonte at ang Philippine Star’s Operation Damayan na pinamumunuan ni Pangulong Miguel Belmonte.
Kasama sa iba pang dumalo sina District 2 Councilor Mikey Belmonte, District 4 Councilor Atty. Vincent Belmonte, Councilor Egay Yap, Councilor Raquel Malangen, Councilor Migz Suntay, Councilor Imee Rillo, Councilor Nanette Daza, Brgy. Chairman Dick Bañega at Operation Damayan team sa pangunguna ni PhilStar HR head Emie Cruz.
Ang Quezon City leg ay mula Agosto 28 hanggang 29, 2025, na kung saan namahagi ng mga relief packs sa anim na apektadong distrito, na kumakatawan sa isang nakatuong paglalaan ng tulong para sa mga residente ng lungsod.
Ang partnership ay pormal na inilunsad sa isang seremonya na ginanap sa Mabuhay Court ng Dr. Jose Jara Martinez High School sa Barangay Tatalon, District 4. Itinampok ng kaganapan ang turnover ng nakaraang isang milyong piso na donasyon mula sa FFCCCII sa Operation Damayan at nagsilbing kick-off para sa dalawang araw na distribution drive.
Si Mr. Jeffrey Ng, ang Executive Vice-President ng FFCCCII, ay humarap sa mga benepisyaryo at opisyal, na naghatid ng mensahe ng pag-asa at walang patid na suporta mula sa Filipino Chinese community.”
“On Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. and the ‘Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation,’ it is both our duty and our profound honor to stand with you today,” pahayag ni Mr. Ng.
In-emphasize niya ang collaborative spirit of the mission, “We are pleased to join hands with the PhilStar Operation Damayan and the Quezon City government in this vital mission of compassion.”
Ibinahagi rin ni Mr. Ng na, “Driving by the spirit of bayanihan, our Federation, together with 30 generous Filipino Chinese community associations and the members of our Foundation, have mobilized in the past weeks… donating over P10 Million Pesos worth of essential goods and food supplies.”
In his eloquent appeal to those affected, he offered words of encouragement: “Nakikiusap po kami sa inyo: Huwag po kayong mawawalan ng pag-asa. Ang hamon ng panahon ay malaki, nugget mas malaki ang ating puso para magtulungan… Lubos po kaming naniniwala na ang pagkakaisa ang siyang sagot sa anumang pagsubok.”
(ROHN ROMULO)