ALL-SET na ang House of Representatives para sa pagbubukas ng First Regular Session ng 20th Congress at ang joint session ng Congress para sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bukas July 28,2025.
Sinunod ni House Secretary General Reginald Velasco ang panawagan ni Leyte 1st district Representative Ferdinand Martin Romualdez na alisin na ang red carpet fanfare at fashion coverage upang ipahayag ang simpatiya sa mga kababayan natin na apektado ng malawakang pagbaha at bagyong Crising, Dante at Emong.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na hindi kaaya-aya na magkaroon ng fashion show gayong karamihan sa ating mga kababayan ay nahihirapan bunso ng naranasang kalamidad.
Una ng nanawagan si Romualdez na gawing simple ang pagdaraos ng SONA.
Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay pinatigil ang paglalagay ng mga tarpaulin na may kaugnayan sa SONA.
Nais ng Pangulo na unahin ang pagtulong sa ating mga kababayan.
Alas-10:00 ng umaga bukas magsisimula ang regular session at alas-4:00 ng hapon ang SONA ni Pangulong Marcos.
(Vina de Guzman)
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos mahuli sa aktong nagnininok ng alak at makuhanan pa ng marijuana sa Caloocan City.
NASAKOTE ang mag-live-in partners na nagpapatakbo ng drug den at dalawa pang indibidwal ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Cebu Provincial Office, katuwang ang Cebu City Police Office Station 5, sa Sitio Everlasting, Barangay Pahina San Nicolas, Cebu City.
IN APRIL
HINIMOK ng Palasyo ng Malacañang ang publiko na makinig at panoorin ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 28.