• April 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Para palakasin ang ani ng mga magsasaka: PBBM, tinitingnan ang permanenteng ‘soil labs’ sa lahat ng rehiyon

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINIWALAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang plano na magtatag ng permanenteng ‘soil laboratory’ sa bawat rehiyon bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na itaas ang ‘productivity at paghusayin ang ani ng agrikultura.’

Sa pagsasalita sa isinagawang dayalogo sa 50th Gawad Saka Awardees sa Science City of Muñoz sa Nueva Ecija, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na maunawaan ang kondisyon ng lupa para gabayan ang interbensyon ng gobyerno at suporta sa sakahan.

“Para naman pagandahin pa ang inyong produksyon, nagdala kami dito… ‘yung labing-anim na mobile soil laboratory. Bawat region, magbibigay tayo. Magtatagal sa isang lugar tapos iikot para mapag-aralan kung ano ang pangangailangan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Aniya pa, ang mga mobile laboratories ay first phase lamang ng pinalawak na plano para permanenteng malagyan ng mga kailangang gamit ang mga rehiyon lalo na ang soil analysis facilities.

“Pero pagkatapos nitong mobile laboratory, maggagawa tayo ng permanent.Gusto naming maglagay ng permanent soil laboratorysa bawat region. Kaya ito, Phase 1 pa lang ito, ika nga,” aniya pa rin.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Pangulong Marcos at paghanga sa mga Gawad Saka awardees, inilarawan ang kanilang trabaho bilang mahalaga sa national development at food security.

“Maraming salamat sa inyong sakripisyo,” ayon sa Pangulo.

Samantala, may kabuuang 43 indibidwal at institusyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kinilala ngayong taon sa ilalim ng Gawad Saka program, ang Department of Agriculture ang nakatanggap ng pinakamataas na pagkilala para sa ‘excellence at innovation’ sa sektor ng pagsasaka at pangingisda. (Daris Jose)

Sensor-based traffic light palit sa countdown timer ng MMDA

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINALITAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga sensor-based na traffic light ang mga countdown timer.

Ayon sa MMDA , ang 96 countdown timers sa signalized intersections ay sensor-based traffic lights, na pagbabatayan ng mga motorista kung kailan tatawid.

Sinabi ng MMDA na ang inisyatiba ay bahagi ng kanilang adaptive signaling system na unang ipinatupad noong 2012.

Ang sensor-based traffic lights umano ay nag-a-adjust depende sa dami ng mga sasakyan sa kalsada, lalo na sa gabi.

“Mini-measure niya, lalung-lalo na sa gabi, ‘yung volume ng traffic. For example, Lane A, wala nang dumadaan. Kahit na naka-program siya initially na 1 minute, ika-cut short ngayon to 30 seconds at ililipat niya doon sa mas maraming beses dahil mas may volume,” ani MMDA Chairman Don Artes.

“I think yung warning na 5 blinks, tapos 3 seconds na yellow and then red is sufficient enough para makapag-adjust yung ating mga kababayan at malaman nila kung dapat na ba silang mag-slow down, ‘di ba? Para hindi sila mag-beat ng red light,” aniya pa. (Daris Jose)

PBBM, pumiyok: Walang agricultural policy para sa mahabang panahon

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. na kulang sa agricultural policy ang Pilipinas kaya’t matagal na hindi agad na tulungan ang sektor ng agrikultura.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pakikipag-ugnayan sa national grand winners ng 50th Gawad Saka: Parangal sa mga Natatanging Magsasaka at Mangingisda sa isang forum sa Science City of Muñoz sa Nueva Ecija.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit ang mga kabataan ay hindi man lang napapasama sa farming activities, idagdag pa na hindi nila nakikita ang ‘good career path’ agricultural sector.

”Medyo hindi natulungan ang agrikultura nang matagal eh. Wala tayong agricultural policy, masyado nang napakatagal. Kaya’t sasabihin ng mga bata, ‘Ba’t tayo papasok diyan, walang pupuntahan ‘yan, hanggang diyan na lang ‘yan.’ Kaya’t ngayon, babaguhin natin lahat ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinukoy naman ng Pangulo ang pangangailangan para sa modernong teknolohiya para gawing mahusay ang agricultural sector, particular na ang ani sa bansa.

“This will also attract the youth to engage in farming,” ayon sa Chief Executive.

”Kailangan natin pumasok sa mga bagong teknolohiya dahil ‘yun kailangan talaga natin para ‘yung bawat ektarya natin, mas malaki ang yield. Mas malaki ang ani,” ang winika pa ni Pangulong Marcos.

Tinuran pa ng Pangulo na ang mga kabataan ang magtuturo sa ibang magsasaka sa paggamit ng teknolohiya.

”Sila ang magtuturo sa atin ng mga bagong teknolohiya at ‘yan palagay ko ay magiging interesting na ‘yan para sa ating mga kabataan. Makikita nila na may magandang hanapbuhay naman ang magsasaka,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Kauna-unahang panukalang batas ni Speaker Romualdez  na ‘RICE’ bill, inihain  

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kauna-unahang panukalang batas o House bill no. 1 na naglalayong ireporma ang National Food Authority (NFA) upang makatulong na maibaba ang presyo ng bigas, ma-stabilize ang supply at mapalakas ang suporta sa mga magsasakang pinoy.

Aamyendahan ng panukalang “Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act,” ang Rice Tariffication Law at isinusulong na maibalik ang regulatory powers ng NFA upang maiwasan ang hoarding, profiteering at price manipulation.

“Rice is life, and it is the soul of every Filipino family’s dining table. That is why this bill is the very first we filed in the 20th Congress. It reflects our singular focus on the daily struggle of every Filipino family to put affordable food on the table, and the need to reward our farmers with fair prices for their hard work,” ani Romualdez.

Sinabi ng mambabatas na ang panukala ay kaakibat sa Bagong Pilipinas campaign at pangarap ni Pangulong Bongbong Marcos na maibaba ang presyo ng bigas sa ppinakamababang lebelo ng hindi naman makakaapekto ng negatibo sa magsasaka.

Kasama sa mga awtor ng panukala ay sina Tingog Party-list Reps. Andrew Julian Romualdez at Jude Acidre.

Sa ilalim ng RICE Act, ibabalik sa NFA ang awtoridad nito na magrehistro at lisensiyahan ang mga grain warehouses, magsagawa ng inspections at i-monitor ang rice trade.

May kapangyarihan din itong kumpiskahin ang itinagong o hinoard na rice stocks at ilabas sa publiko upang kontrahin ang artificial shortages o price spikes.

“Hindi na puwedeng patuloy na ginagamit ang krisis sa pagkain bilang oportunidad para kumita ang iilan. Dapat may kakampi ang konsyumer sa gobyerno, at dapat din may kakampi ang magsasaka. Through this bill, we restore that balance,” anang Leyte solon.

Inaatasan din sa panukala ang NFA na mag-maintain ng buffer stocks na kukunin mula sa local palay at magtalaga at magpatupad ng floor price para sa pagbili ng palay.

Nangangahulugan aniya na maibebenta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa tama o patas na presyo habang mabebenipisyuhan naman ang consumers nang mas maaasahan at mas murang halaga ng suplay ng bigas.

“We cannot fight hunger without confronting price manipulation. This bill is not about going backwards to failed models. It is about smarter regulation that meets today’s challenges like climate shocks, global price volatility and local production gaps,” pahayag ni Romualdez. (Vina de Guzman)

7th Navoteño Film Festival (NFF)

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Spokesman Atty. Antonio Audie Bucoy na kung sakaling i-dismissed ang impeachment ng walang paglilitis malamang aniya na magpasaklolo ang prosecution sa Korte Suprema. Para sa prosecution, mahalaga na umusad ang paglilitis sa Bise Presidente gayundin para maipaliwanag din nito ang mga alegasyon laban sa kanya. Aniya , pagsasayang lang umano ng panahon kung kukuwestyunin pa ng prosecution panel ang discretion ng mga Senator Judge sa impeachment case kung nagkaroon ba ng pang-aabuso sa kapangyarihan. (BOY MORALES SR.)

272 Navoteños, nagtapos sa tech-voc courses

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 272 trainees ang nakatanggap ng kanilang certificates matapos makakumpleto ang various tech-voc courses na alok ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Kabilang sa mga nagtapos ang 47 completed Bread and Pastry Production NC II; 20, Food and Beverage Services NC II; 24, Automotive Servicing NC I; 22, Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II, 20, Housekeeping NC II; at 43, Barista NC II.

Ang Language at culture classes ay nagkaroon din ng mataas na partisipasyon, kung saan 33 ang nagtapos ng Japanese at 63 nakatapos ng Korean.

Binigyang-diin ni Congressman Toby Tiangco ang epekto ng edukasyon at skills training sa pagpapasigla ng pamilyang Navoteños.

“Education and skills are the foundation of development—not just for individuals, but for the entire city,” ani kongresista.

“Through scholarship and training programs, we open doors for more Navoteños to build better lives and contribute to the continued growth of our city,” dagdag niya.

Samantala, binigyang-diin din ni Mayor John Rey Tiangco ang pinagsamang diskarte ng lungsod sa kabuhayan at mga serbisyo ng Navotas City Hanapbuhay Center at Public Employment Service Office (PESO).

Aniya, ang mga tanggapang ito ay nag-aalok ng capital assistance, business support, at job placement services para sa mga nagtapos at naghahangad na mga negosyante.

“Even now, we are planning new courses to meet the evolving demands of industries,” pahayag ni Mayor Tiangco.

“Our goal is for every Navoteño family to have at least one member employed or running a business,” aniya. (Richard Mesa)

Justice Secretary, interesado sa Ombudsman

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INTERESADO si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para posisyon sa Ombudsman.

Kasabay ng kanyang kumpirmasyon, sinabi ng Kalihim na magsusumite pa lamang siya ng aplikasyon sa darating o bago ang araw ng Biyernes  sa  Judicial Bar and Council (JBC).

“I think that I have a lot to offer there,” anang Justice Secretary.

Sa kabila ito ng reklamong kinakaharap sa Ombudsman na inihain ni Senator Imee Marcos kamakailan laban sa kanya at ilan pang matataas na opisyal.

Binigyang-diin ng kalihim na may kakayahang ang JBC na ma-evaluate ito ng maayos.

“Okay lang iyon, the JBC can always evaluate on it properly,” ani SOJ .

Dahil rito, kanyang inihayag ang kanyang mariing paniniwala na walang ‘conflict’ sa kanyang pagsusumite ng aplikasyon sa JBS para sa posisyon sa Ombudsman.

Sinabi rin ni Remulla na ipinaalam na niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa kanyang aplikasyon. “I told mutual contacts that I was very interested.” (Gene Adsuara)