• April 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Halos 700 panukalang batas, inihain sa unang araw ng 20th Congress

Posted on: July 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa total na 666 panukalang batas, 16 resolusyon at isang joint resolution o nasa total na 683 ang inihain sa unang araw ng ika-20 Kongreso.

Pinangunahan ito ni Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez, na naghain ng limang panukalang batas o House Bill 1 hanggang 5.

Ang HB 1 o panukalang “Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act,” ay naglalayong ibalik sa National Food Authority’s (NFA) ang regulatory powers upang maibaba ang presyo ng bigas at maprotektahan ang magsasaka.

Kabilang sa iba pang panukala ay ang pagbibigay exemption sa Overseas Filipino Workers’ (OFWs) sa pagbabayad ng premium contributions sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), magbuo ng Philippine Centers for Disease Prevention and Control (CDC) bilang pangunahing ahensiya sa developing at implementing disease prevention and control initiatives, pag-update sa private school educational assistance at pagbuo ng Eastern Visayas Development Authority.

Kasama sina Tingog Party-list Reps. Andrew Julian Romualdez at Jude Acidre sa co-authors ng limang panukalang batas.

Si Neophyte Valenzuela City Rep. Gerald Cloyd Alexis Galang ay naghain naman ng pitong panukalang batas kabilang na ang House Bill 154 o “Magna Carta for Senior Citizens,” HB 155 o “Social Pension of Senior Citizens Act” at HB 156, na mag-aamyenda sa qualifications sa Republic Act 11768 o “Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.”

Habang ang nagbabalik na si Parañaque City Rep. Eric Olivarez ay naghain naman ng 10 panukala kabilang na ang HB 144 na nagbubuo rin ng Philippine CDC, kahalintulad sa panukala ni Speaker Romualdez, HB 148 na nagbibigay exemption sa mga senior citizens sa pagbabayad ng parking fees sa mga commercial establishments at government buildings, at HB 150 na nag-eexempt sa persons with disabilities at senior citizens sa pagbabayad ng travel tax. (Vina de Guzman)

QC MAYOR JOY BELMONTE, pormal nang nanumpa para sa kanyang ikatlo at huling termino

Posted on: July 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang nanumpa si Mayor Joy Belmonte sa kanyang tungkulin sa harap ni Supreme Court Chief Alexander Gesmundo para simulan ang kanyang ikatlo at huling termino bilang punong ehekutibo ng lungsod.

Pinangunahan ng incumbent mayor ang 2025 Inaugural Ceremony ng mga duly elected officials ng Quezon City at si Supreme Court Chief Alexander Gesmundo ang nag-officiate ng oath taking ng mga halal na opisyal ng Quezon City, at ito ay isinagawa sa MICE Center sa Quezon City Hall Compound nitong June 30, 2025.

Sa kanyang talumpati, muli niyang pinagtibay ang good governance, masinop na pananalapi, inclusivity at mas malawak na social services para sa mga vulnerable sector.

Binanggit din ng alkalde na sa mga achievements at recognition na natanggap ng lungsod, ang Quezon City na ang pamantayan ng good local governance.

Sabay ding nanumpa sina Vice Mayor Gian Carlo Sotto at ang buong konseho ng lungsod at ang mga nahalal na mga congressman.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Belmonte sa konseho ng lungsod sa buong suporta nito sa nakalipas na anim na taon at nangako siya na hindi mag-aaksaya ng anumang oras upang pagsilbihan ang tatlong milyong QCitizens sa kanyang huling termino. (PAUL JOHN REYES)

Yorme Isko idedeklara State of Health Emergency

Posted on: July 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUNSOD ng mga gabundok ng basura na iniwan ni dating Manila Mayor Honey Lacuna sa iba’t ibang lugar sa Maynila, nakatakda namang ideklara  ni Manila Mayor Isko Moreno ang State of Health Emergency.

Sa kanyang unang araw ng pagbabalik sa city hall, sinabi ni Isko na bumungad sa kanya ang reklamo na patuloy ng paglala at pagdami ng mga basura na hindi nakokolekta kaya hihilingin niya sa City Council na ipasa ang state of emergency.

Lumilitaw na hindi nakolekta ang mga ba­sura dahil sa utang ng city hall sa pamumuno umano ni Lacuna na P561 milyon sa Leonel at  habang P950 milyon naman sa MetroWaste Solid Waste Management Corporation at Phil. Ecology Systems Corp.

Ayon may Isko, hindi biro ang panganib na posibleng idulot ng ba­sura sa pamumuhay, kapaligiran at kalusu­gan ng mga taga Maynila. Ani Isko, tulad ng kanyang pangako, haharapin nila ang problema sa Maynila partikular isyu ng basura.

Kasabay nito, pinakiusapan ni Isko ang Leonel na ubusin ang mga basurang nakatiwangwang ng libre upang maiwasan ang anumang problemang pangkalusugan.

Inatasan din ni Isko ang Department of Public Services (DPS), Department of Engineering and Public Works (DEPW), at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) para sa mas mabilis na pag­lilinis ng mga kalye at kanal.

Ads July 2, 2025

Posted on: July 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

2 – 4-merged

Kaya never na niligawan noong magka-loveteam sila:

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GABBY, parang kapatid lang si SNOOKY at walang emotional attachment

MULI ngang sasabak naman sa heavy drama Kapuso series si Gabby Concepcion, sa My Father’s Wife.

Si Kylie Padilla na gaganap na anak ni Gabby sa serye.

First time din ni Gabby katrabaho si Kazel Kinouchi na gaganap na karelasyon niya.

Nasa ‘My Father’s Wife’ rin si Snooky Serna in a special role.

Kamusta ang balik-tambalan nila ni Snooky?

“Naku nami-miss ko na nga yang si Snooky e, kaya nung nakita ko si Snooky, ‘Snooky, you have not aged a single day, you still look the same. The last time I saw you sa Miracle of Love”, at tumawa si Gabby.

Ang ‘Miracle Of Love’ ay ang pelikula nila noong 1982 kasama ang flight attendant na naging aktres na si Roxanne Abad Santos na binawian ng buhay ilang linggo bago maipalabas ang kanilang pelikula dahil sa sakit na leukemia sa edad na 24.

Samantala unang beses palang na pagsasama nina Gabby at Snooky sa isang serye,  na umere na noong June 23, sa direksyon nina Dominic Zapata at Aya Topacio.

Napapanood ang ‘My Father’s Wife, 2:30 pm sa GMA Afternoon Prime.

Ano ang reaksyon niya nang nalaman magsasama sila ni Snooky?

“Si Snooky kasi was never my…you know, nothing personal. Nagkaroon kami yung love team, love team lang, pero meron siya talagang tunay na buhay na love e.

“So ang tingin ko kay Snooky parang kapatid lang na parang walang emotional attachment as far as romance is concerned.”

Never daw niyang niligawan si Snooky noong araw na mga binata at dalaga pa sila.

“Wala lang. Hindi lang ano e, masyado pa kaming bata nun. Parang hindi pa namin iniisip yun, yung kissing scene nga, hindi nga ako ano e… nag-workshop pa ako,” muling pagbibiro ni Gabby.
(ROMMEL L. GONZALES)

Pinagpiyestahan na sa social media ang video: PAUL, nag-sorry sa girl na sumalampak dahil sa pagkuha niya ng upuan

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKAKAALIW si Melai Cantiveros.
Inamin nitong na-stress, nag-anxiety raw siya nang magsasayaw na siya kasama ang ilang Sexbomb Girls.
Eh sey nga ni Melai, noon pa, idol o kilala na raw niya ang Sexbomb at alam niya ang mga kanta nito. Pero nawala naman daw ang kaba niya dahil kahit mga icon na sa sayawan, naging supportive naman daw sa kanya sina CheChe Tolentino, Jopay Paguia, Sunshine Garcia at Rochelle Pangilinan.
Sila kasi ang P-Pop girls ng Converge bilang mga Mama Mo ng Surf 2 Sawa. May bagong offering ang Converge kunsaan, exclusively prepaid ang internet, pero napakamura at surf 2 sawa. Bagay na bagay sa mga mommy, lalo na yung hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-afford. Lumalabas na P4 a day lang ito.
Pumirma na sila ng kontrata at binibiro ang mga bosses ng Converge na dapat nga raw, wala ng pirmahan dahil up to sawa rin sila as ambassadors.
Kay Melai pa rin, galing dito ang salitang ang Sexbomb daw ang original BINI.
***
NAGPAPASALIN-SALIN na ngayon sa social media ang kuhang-kuha ng buo sa video sa isang out-of-town show ni Paul Salas.
Since focused si Paul sa pagkanta at pagpapasaya ng mga tao, pinagbibigyan naman niya ang lumalapit na magpa-picture kahit na kumakanta siya.
Yung huling babaeng lumapit, nakaupo pala sa dulo kunsaan, dahil bakante ang chair, kinuha ni Paul para tuntungan niya.
Dahil nakatalikod si Paul, nang kuhanin ang silya, sabay uupo na si girl. Ending, napasalampak ito.
Bawat makapanood yata ng video ay natatawa. Merong netizen na tinawag na bastos si Paul. Pero dinipensahan naman siya ng karamihan at sinabing kitang-kita naman daw na hindi nito sinadya. At walang may gusto sa nangyari.
Mapapatawa ka naman. Pero siyempre, kahit ‘di sinadya, ay agad na nag-sorry si Paul kay girl.
Sa kanyang Facebook post, mababasa ang sagot ng aktor nang makarating sa kanya ang video, “Hindi naman kasi sa akin ang upuan kuha ako ng kuha pasensya Minamahal na binibini at hindi ko napansin eh upuan mo pala yun, bawi ako sayo i love you!!!
“Mabuti at okay ka at sana nag-enjoy ang lahat ng mga taga-Brookes Point Palawan love you guys!!”
(ROSE GARCIA)

Isang araw matapos ang pagpanaw ni Mommy Caring: Lead single na ‘Shelter of the Broken’ ni ICE, inilunsad kasabay ng Pride Day

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATAPOS ang mga taon ng nakakabighaning mga manonood na may walang hanggang mga hit, mga iconic na cover, at mga live performances na nakakapukaw ng kaluluwa, ang Icon ng musikang Pilipino at ang cultural trailblazer na si Ice Seguerra ay malapit nang ilabas kung ano ang maaaring maging pinaka-tumutukoy na proyekto ng kanyang halos apat na dekada na karera.
Ang upcoming album na ‘Being Ice’ , isang malalim na personal na 8-track na koleksyon ng mga all-original na kanta, ay nakatakdang ilunsad sa Agosto 8.
Ang lead single ng album, “Shelter of the Broken,” ay ipinalabas noong Hunyo 28 sa lahat ng major streaming platform—na kasabay sa Pride Day at pinakamalaking pagdiriwang ng LGBTQIA+ sa Metro Manila.
Higit pa sa isang pagbabalik, ito ang unang tanda.  Ito ang unang pagkakataon na maglalabas si Ice ng isang full-length na album sa ilalim Ice Seguerra, at sa unang pagkakataon na kumuha siya ng kumpletong authorship—lyrically, emotionally, artistically.
“This is the most personal I’ve ever been,” ayon kay Seguerra.
“I’ve always written songs in bits and pieces, but this is the first time I’ve allowed the world to hear all of me—every fear, every hope, every truth—in one body of work.”
Although songs like “‘Wag Kang Aalis” and “Walang Hanggang Paalam” were released under his name, this is the first time Ice is releasing an album that is fully, truly his. It’s a full-circle creative moment that signals not only a new chapter, but a homecoming.
“This isn’t just another album,” sabi naman Fire & Ice Creative Producer Liza Diño.
“This is a legacy moment. After decades of interpreting other people’s stories, Ice is finally telling his own.”
Ang nakalipas na sampung taon ay nakita ang Seguerra sa patuloy na ebolusyon.  Higit pa sa musika, siya ay lumitaw bilang isang queer trailblazer, advocate, at storyteller.  Sold-out ang kanyang 2022–2023 concert na ‘Becoming Ice. ‘
Kung ang Becoming Ice ay tungkol sa pag-claim ng space, then ang Being Ice ay tungkol sa paninirahan dito—ganap, walang patawad.
Although songs like “‘Wag Kang Aalis” and “Walang Hanggang Paalam” were released under his name, ito ang unang pagkakataon na maglalabas si Ice ng album na ganap, tunay na kanya.
Isa itong full-circle creative sandali na hudyat hindi lamang ng bagong kabanata, kundi isang homecoming.
“This isn’t just another album,” sabi naman Fire & Ice Creative Producer Liza Diño.
“This is a legacy moment. After decades of interpreting other people’s stories, Ice is finally telling his own.”
 “Ito ay hindi lamang isa pang album,” sabi ng Fire & Ice Creative Producer na si Liza Diño.
“Ito ay isang legacy sandali.  Pagkatapos ng mga dekada ng pagbibigay-kahulugan sa mga kuwento ng ibang tao, sa wakas ay sinasabi na ni Ice ang kanyang sarili.”
Pinagsama-sama rin ng album ang Seguerra kasama ang matagal nang collaborator na si Jonathan Manalo, ang bansa most-streamed songwriter at producer, kasama ang mga artist na sina Mike Villegas, Vince De Jesus, Trish Denise, Ivan Lee Espinosa, at si Diño mismo.
Ang bawat isa ay nagdudulot ng signature touch sa isang katawan ng trabaho batay sa pag-ibig, pagkakakilanlan, pagpapagaling, at katotohanan.
Ang nagsimula bilang isang gumaganang pamagat—I Am Ice—ay naging mas simboliko.
Ang ‘Becoming Ice’ kumakatawan sa isang pagbabago mula sa pahayag patungo sa sagisag.  Ito ay hindi lamang isang pangalan, ngunit isang paraan ng pamumuhay.
Tulad ni Diño paglalagay nito, “It’s Ice fully stepping into who he is. Authentically. Vulnerably. Brilliantly.”
Para sa matagal nang tagahanga, ito ay isang regalo.  Para sa mga bagong tagapakinig, isa itong imbitasyon.  At para mismo kay Ice Seguerra, ito ay isang
pinakahihintay na sagot sa tanong na minsan ay tahimik niyang itinanong sa mundo: Mamahalin mo pa ba ako kung titigil ako nagtatago?
Sayang nga lang at hindi na ito masisilayan ng kanyang pinakamamahal na ina na pumanaw noong Hunyo 27, pati na ang kanyang paparating na concert.
Pero siguradong magiging masaya si Mommy Caring kung saan man siya naroroon ngayon, sa mga bagong kaganapan sa singing career ni Ice.
(ROHN ROMULO)

Ads July 1, 2025

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

1 – page 4-merged

PBBM kay Alex Eala, “tuloy ang laban”

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

“TULOY ang laban, Alex!

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bahagi ng kanyang ‘words of ecouragement” kay tennis star Alex Eala matapos na mabigong masungkit ang kampeonato sa WTA 250 Eastbourne Open makaraang talunin ng Australian tennis player na si Maya Joint sa iskor na 6-4, 1-6, 7-6 (10).

Sa kabila ng pagkatalo, siya naman ay naging first Filipino na umabot sa Women’s Tennis Association (WTA) 250 singles final.

“You’ve made us all proud! Keep going, your best is yet to come,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa social media post.

Sa ulat, ang 20-anyos na Pilipina ay nagtala ng makasaysayang tagumpay sa naturang kompetisyon bilang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Finals ng prestihiyosong tennis tournament.

Ito ang kauna-unahang Finals appearance ni Eala sa WTA Tour at hindi niya napigilang maiyak matapos ang laban.

Para sa Pangulo, ang pagkatalo ni Eala ay hindi tanda ng pagtatapos ng kanyang journey, kundi isang makapangyarihang marka kung ano ang naghihintay para sa kanya.

Sa kabilang dako, pinuri g Pangulo ang naging achievement ni Eala, tinawag niya itong isang ‘proud moment’ hindi lamang para sa kanya kundi para sa sambayanang Filipino.

“Tuloy ang laban, Alex!,” ayon sa Pangulo sabay sabing “We all watched you make history as the first Filipino to reach a WTA 250 singles final. That alone is already a victory for our country and for the millions of Filipinos who stand proudly behind you.”

Kinilala naman nito ang kahalagahan ng laban ni Eala sa global tennis stage.

Samantala, sa kabila ng pagkatalo, magpapatuloy ang laro ni Eala habang siya’y naghahanda para sa pagbubukas ng kanyang kampanya sa Wimbledon laban sa defending champion na si Barbora Krejcikova. (Daris Jose)

Oath-taking of Newly Elected Public Officials of Parañaque City

Posted on: July 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MABUHAY ang mga bagong lingkod-bayan! Maraming salamat sa isang matagumpay na panunumpa na ginanap noong June 27, 2025 sa Peoples Hall Legislative Building, Parañaque City Hall na pinangungunahan ni Parañaque 2nd District Congressman-elect Brian Raymund Yamsuan.

Muli, maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Asahan nyo po ang aming tapat na paglilingkod sa aming termino. Ang Team Pag-asa ay naghahanda na ng mga programa para magampanan ng lubusan ang aming mga tungkulin at maihatid ang nararapat na tapat na serbisyo para sa mga Parañaqueño.

Bagong Paranaque, Bagong Pag-Asa, Mabuhay ang City of Paranaque!

(BOY MORALES SR.)