HAPPY and thankful ang dating Seiko sexy actress na si Natasha Ledesma sa GMA Network na napabilang siya sa afternoon teleserye ni Herlene Budol na “Binibining Marikit” na nagtapos last June 27 sa mataas nitong rating.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
HAPPY and thankful ang dating Seiko sexy actress na si Natasha Ledesma sa GMA Network na napabilang siya sa afternoon teleserye ni Herlene Budol na “Binibining Marikit” na nagtapos last June 27 sa mataas nitong rating.INAALIS ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga countdown times at pinalitan ng sensor-based traffic lights sa mga piling intersections sa
Metro Manila.
Pinalitan ang 96 na countdown timers sa mga signalized intersections ng sensor-
based traffic lights na siyang magbibigay ng signal kung ang mga sasakyan ay kailangan ng mag-cross ng daan.
Ang nasabing proyekto ay bahagi pa ng 2012 na adaptive signaling system na
ginawa ng MMDA.
“Sensor-based traffic lights are said to adjust depending on the volume of vehicles on the road, especially at night,” wika ng MMDA.
Sinusukat nito ang volume ng trapiko lalo na sa gabi. Kung ang isang lane ay
walang dumadaan at kahit naka program ito ng 1 minute, ang gagawin ng sensor-based traffic light ay paiigsiin ito ng 30 segundo na lamang at ililipat sa mga lansangan na may mataas na volume ng sasakyan.
“The lights are measuring the volume of traffic, especially at night. For example,
Lane A has no more cars. Even if its was programmed initially for 1 minute, it will then be cut short to 30 seconds and will be transferred to the lane that needed it more because of the volume,” saad ng MMDA.
Ang 5 warning na blinks na may kasunod na 3 segundo na yellow at ang huli ay red
ay tamang-tama lamang na makapag -adjust ang mga motorista sa mga signals at ng malaman na rin nila na dapat na silang mag slow-down. Sa ganon, di na sila mag beat ng red light.
“I think the warning of 5 blinks and 3 seconds of yellow and red is sufficient enough to allow our motorists to adjust and know when they need to slow down, right? So that they will not beat the red light,” dagdag ni MMDA chairman Romando Artes.
Ang ibang mga motorista ay mas gusto pa rin ang countdown timers dahil ayon sa kanila ay nakaka-alanganin dahil iniisip na green pa rin. Subalit, pagtingin nila ay biglang dilaw na ang traffic light. Ayon sa mga motorista na mabilis talaga ang yellow kasunod agad ang red.
Samantala, sa isang report ng MMDA, ang mga kable ng ng mga cameras na
ginagamit sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) ay ninakaw sa may Guadalupe, Makati.
Nalaman na lamang noong nakaraang Linggo ng hindi na gumagana ang CCTV.
May 8 CCTV cameras na nawalan ng mga kable. Binebenta ng mga magnanakaw sa mga junk shops ang mga kable na dahil ito ay gawa sa fiber optics.
Sa ngayon ay lalagyan na ng MMDA ng harang ang mga cameras upang maprotektahan ito sa mga magnanakaw. Binalaan ng MMDA na kung sila ay mahuli ay papatawan sila ng hindi lang penalty kasama na rin ang pagkakulong.
“We will put a barrier to protect the cameras. Remember, if you steal or destroy property, you will face a penalty, and we will make sure that you will be prosecuted,” sabi ni Artes.
Ayon sa MMDA, nang magkaroon ng re-implementation ng NCAP, ang mga bilang
nga aksidente sa kahabaan ng EDSA ay bumaba ng 18 porsiento habang ang Commonwealth Avenue naman ay may naitalang pagbaba ng 30 porsiyento. LASACMAR
WE started this club with nothing but vision, no hype, no big advertisements, just alignment. There was no strong push only a stronger pull. A pull that brought together people also saw the vision until belief turned into momentum.
Different businesses,different categories, One mission. What started quietly is now echoing across cities,provinces and soon the world.
We didn’t rush it, we built it with intention, One relationship at a time.
Because this was never just about building a club.
THIS HAS ALWAYS BEEN A MOVEMENT.
Let’s redefine the industry
And leave a mark on history.
WE ARE PREMIER LIFESTYLE CLUB!
Elevating. Connections. Empowering .Success
If interested you may contact :
Ms. Alma C. Torres
09189484771
#Premierlifestyleclub #Premierway #PLCpartnershops
MAKAKASAMA na ngayon sa loob ng kulungan ng 39-anyos na misis ang kanyang mister makaraang mabisto ang mahigit P.3 milyong halaga ng droga na kanyang tinangkang ipuslit sa loob ng Caloocn City Jail sa Lungsod ng Caloocan.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth ang naarestong suspek na si alyas “Lyn”, fish vendor ng Brgy. 8, ng lungsod
Sa tinanggap na report ni Col. Goforth, dakong alas-5:00 ng hapon nang dumating sa Caloocan City Jail sa kanto ng Talimusak at Tanigue Streets, Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan ang suspek para bisitahin ang kanyang asawang nakakulong.
Gayunman, sa isinagawang strip search sa kanya ng duty officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP), nadiskubre sa kanang singit ng suspek ang nakatagong mga illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Nakumpiska suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 46 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P306,000 at dalawang plastic sachets na naglalaman nasa 35 grams ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P4,200.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
SUPORTADO ng Department of Social Welfare and Development o (DSWD) ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng P20.00 kada kilo ng bigas at pagtiyak ng food security sa mga mahihirap na Pilipino.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, kabilang sa magbebenepisyo sa hakbang ng pangulo ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents at miyembro ng pantawid pamilyang pilipino program o 4ps.
Nilinaw ni Dumlao na kailangan dalhin ng mga benepisyaryo ang kanilang id sa tuwing magtutungo sa mga Kadiwa ng Pangulo para maka avail ng P20.00 kada kilo ng bigas.
Aniya, patunay na hindi nakakalimot ang gobyerno sa mga mahihirap na mamamayan at malaking tulong ang hakbang na ito sa araw-araw na nagsisikap upang maitawid ang kanilang pamilya.
Ang mga benepisyaryo ay makakapag-avail sa P20.00 kada kilo ng bigas sa mga piling Kadiwa ng Pangulo sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.
Bukod sa kadiwa stores, mayroon ding mga accredited non-kadiwa outlets sa Metro Manila na nag-aalok ng bigas na abot-kayang presyo. (PAUL JOHN REYES)
NANAWAGAN si Kalookan Bishop at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Pablo Virgilio Cardinal David sa gobyerno an dapat gumawa ng hakbang laban sa talamak na online gambling sa bansa.
Sinabi nito na mas matindi ang epekto ng mga online gambling dahil kahit sino ay puwedeng makapaglaro nito.
Binatikos din nito ang gobyerno dahil sa pinagbawalan nga ang offshore gaming subalit ginawang legal ang mga online gambling.
Lahat ay nakakapaglaro kahit anumang araw na gusto nila maging ang mga bata.
Itinuturing din niya na isang mga pushers ang mga celebrities at influencers na nag-eendorso ng mga online gambling.
Nilalambat umano nila ang mga inosente at mga desperado sa malawak na digital na dagat ng sugalan.
Una rito ay naghain ng panukalang batas si Senator Sherwin Gatchalian na naglalayong maghigpit sa mga online gambling.
Nakasaad sa panukala na dapat ay mayroong ipakita na ID ang mga maglalaro at ito ay edad 21 pataas.
Kasama rin dito ang minimum bet na P10,000 at ang minimum top-up ay P5,000 para hindi lahat ay makapaglaro.
ON July 9, the entire world will look up. Get tickets now for “Superman” – only in cinemas and IMAX. “Superman” is directed by James Gunn and stars David Corenswet as the new Superman / Clark Kent, together with Rachel Brosnahan (Lois Lane) and Nicholas Hoult (Lex Luthor).NAGPAMALAS ng matinding determinasyon ang Alas Pilipinas laban sa Sichuan ng China sa kanilang paghaharap nitong Lunes.
Tinalo nila ang kalaban sa apat na set, 25-12, 25-22, 19-25, at 25-15.
Matapos ang pagkabigo sa unang laban kontra Vietnam, bumawi ang pambansang koponan ng Pilipinas sa impresibong performance na ito.
Dahil dito, nakuha ng Alas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa 2025 VTV International Women’s Volleyball Cup.
Umangat naman ang kanilang kartada sa Pool A sa 1 panalo at 1 talo.
Nagbigay pag-asa ito para sa kanilang pag-abanse sa susunod na round ng torneo.
HINDI ikinaila ni World Boxing Council (WBC) Mario Barrios na ito ay kinakabahan sa nalalapit na laban niya kay Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.
Sinabi nito na alam nito ang kasikatan ni Pacquiao kaya pinag-iigihan niya ngayon ang ensayo.
Giit pa ng 30-anyos na bbxer na hindi niya hahayaan na manaig ang tinatawag na legendary status ni Pacquiao.
Sa panig naman ng Pacquiao, na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang ensasyo kung saan tumitindi na ito habang papalapit na ang laban.
Mayroon record si Pacquiao na 62 panalo , walong talo at dalawang draw na mayrong 39 knockouts habang ang Mexican boxer ay mayroong 29 panalo, dalawang talo, isang talo na may 18 knockouts.
Huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 kung saan natalo ito sa kamay ni Yordenis Ugas.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa MGM Grand sa Las Vegas sa darating na Hulyo 20.
PAG-AARALAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung kakayanin ng mga negosyante na makapagbigay ng P200 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa kasabay ng pagbubukas ng 20th Congress.
“Pag-aaralan ito kung kakayanin ba talaga kasi kung magdudulot naman ito ng lay-off dahil hindi kakayanin ng karamihang maliliit na mga negosyante, mas marami pong mahihirapang mga manggagawa dahil baka mawalan sila ng trabaho. Kaya po, itong lahat ng ito ay pag-aaralan para sa ikabubuti po ng lahat,” ang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Ani Castro, noon pa naman aniya ay gumagawa na talaga ng programa si Pangulong Marcos para sa ikagagaan ng buhay ng bawat manggagawang Pilipino.
Tinukoy nito ang mga job fairs kung saan nakapagbigay na ang gobyerno mula 2022 hanggang kasalukuyang May 1 ng 170,000 na trabaho para sa mga kababayan.
“At dahil na rin nagkaroon din po ng 27 billion US dollar investment, nakapag-create na rin po ng 350,000 na jobs nationwide. At kung nagbigay po ngayon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng P50 na wage hike, iyan po ang na-evaluate na maaaring ibigay sa ating mga manggagawa para maibsan po ang kahit kaunting hirap na lumalabas po ito ay₱1,300 per month,” ang sinabi ni Castro.
Winika pa ni Castro na ang lahat ng kakayanan ng administrasyon at pakikipag-usap sa lahat ng stakeholders – mga manggagawa, mga negosyante, mga investors , ang lahat aniyang ito ay pakikinggan para na rin sa kabutihan ng lahat, hindi lamang para sa manggagawa, hindi lang para sa mga investors o sa mga negosyante kundi para aniya sa lahat.
Sa ulat, itutuloy ng House Bill 88 ang makasaysayang kampanya para sa kauna-unahang legislated wage hike sa loob ng halos apat na dekada.
Ayon sa TUCP, ang panukalang ₱200 umento ay tugon sa lumalakas na panawagan mula sa publiko, mga taga-suporta sa Kongreso, at mga manggagawang nagkakaisa sa ilalim ng National Wage Coalition (NWC).
Ang ₱200 wage hike bill aniya ang kanilang pangunahing panukala sa pagbubukas ng Kongreso, sapagkat ito ang pangunahing hinahangad ng mayorya ng mga manggagawa.
Diin ni Mendoza, ito na lang ang natitirang pag-asa nila para sa makataong pagtaas sa kita.
Hinimok ng kinatawan ang mga kapwa mambabatas, na gawing prayoridad ang panukalang umento sa sahod upang maibsan ang nararanasang krisis ng maraming pamilyang Pilipino, sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng bilihin at serbisyo.
“We feel that the wage bill should be the priority of the majority of the House of the People. We fight for the ₱200 wage hike because honest hardworking parents need to feed their children nutritious meals, send them to school, access healthcare, and get a fighting chance at a decent life,” ani Mendoza.
Isang kaparehong panukala, ang House Bill 78, ang inihain din ni Cavite 1st district Rep. Jolo Revilla. (Daris Jose)