• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Oath-taking of newly elected public officials of Parañaque City

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MABUHAY ang mga bagong lingkod-bayan! Maraming salamat sa isang matagumpay na panunumpa na ginanap noong June 27, 2025 sa Peoples Hall Legislative Building, Parañaque City Hall na pinangungunahan ni Parañaque 2nd District Congressman-elect Brian Raymund Yamsuan.

Muli, maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Asahan nyo po ang aming tapat na paglilingkod sa aming termino. Ang Team Pag-asa ay naghahanda na ng mga programa para magampanan ng lubusan ang aming mga tungkulin at maihatid ang nararapat na tapat na serbisyo para sa mga Parañaqueño.

Bagong Paranaque, Bagong Pag-Asa, Mabuhay ang City of Paranaque!

(BOY MORALES SR.)

PBBM, tinitingnan na ayusin at paghusayin ang K-12 curriculum- Malakanyang

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI TUTOL si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa implementasyon ng K-12 program subalit nais nito na ayusin at paghusayin ang curriculum.

“Hindi na po siya tutol talaga sa K-12. Aayusin po ngayon,” ayon kay Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire CastroPalace Press Officer Claire Castro sa press briefing.

“Pero kung ano po ang magiging batas, iyan din po ang susundin. Pero sa ngayon na nandiyan ang batas, ito po ay bibigyan ng halaga at palalawigin at pagagandahin po,” aniya pa rin.

Gayunman, tanggap naman ni Pangulong Marcos ang kasalatan sa kahandaan sa pagpapatupad ng education program.

“Ang sinabi lang po niya ay hindi naging epektibo agad dahil hindi niya nai-prepare ang mga ahensya para dito,” ang sinabi ni Castro.

Nauna rito, nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Marcos hinggil sa K-12 program at inatasan si Education Secretary Sonny Angara para palakasin ang curriculum at tugunan ang long-standing gaps sa education infrastructure.

Winika ni Castro na gagawin lahat ng kasalukuyang administrasyon ang pagsisikap nito para palakasin ang K-12 program.

“Ayon po sa ating Pangulo, hanggat nandyan ang batas para sa K-12, ito po ay susuportahan at palalawigin at pag-iibayuhin na maayos para sa ating mga estudyante,” aniya pa rin.

Sa ulat, naghain ng panukalang batas si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada para alisin na ang senior high school sa ilalim ng basic education ng bansa. Ayon sa senador, bigo umano ang layunin ng K to 12 program na maihanda ang mga estudyanteng magtatapos na makapasok sa trabaho.

Paliwanag ni Estrada sa Senate Bill No. 3001, pagkaraan ng 12 taon mula nang ipatupad ang SHS sa ilalim ng K to 12 program, bigo pa rin itong makamit ang pangunahing layunin na mabigyan ng pagkakataon ang mga SHS graduate na makapasok ng trabaho.

Sa panukalang batas ni Estrada, nais niyang mapanatili ang pangunahing prinsipyo sa Republic Act No. 10533, o Enhanced Basic Education Act of 2013. Pero aalisin na ang SHS, “to simplify the high school system while still making sure students get quality education that meets global standards.”

Inirekomenda niya ang isang taon sa kindergarten education, anim na taon sa elementary education, at apat na taon sa secondary education.   (Daris Jose)

Pinangalanan ni Yorme Isko… Dating mga opisyal ng lungsod inginuso kaya nabaon sa utang ang Maynila 

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INGINUSO ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang ilang mga matataas na opisyal ng dating administrasyon na dahilan ng pagkakabaon sa utang ng Maynila matapos mag-cash advance at mag-transfer ng malalaking pondo.

Kabilang rito sina Department of Public Services (DPS) OIC Jonathan Garzo na nag-cash advance ng kabuuang P132 milyon sa loob lamang ng isang araw noong May 9 o tatlong araw bago ang election 2025.

Kasama rin sa tinukoy ni Domagoso ang Assistant City Administrator na si Joy Dawis-Asuncion na nag-transfer ng pondo mula sa General fund sa Trust fund ng P683 milyon mula January 2025 hanggang March 2025 o sa loob lamang ng tatlong buwan.

Nag-cashadvance naman ng kabuuang P641, 866,300 milyon si Fernan B. Bermejo, dating director ng Public Employment Service Office (PESO) noong February 2025 hanggang April 2025.

Si Atty. Marlon Lacson na dating Secretary to the Mayor Lacuna ay nakapagpalabas naman na may kabuuang cash advance na P1,161 bilyon noong September 2024 hanggang February 2025 o sa loob ng anim na buwan. (Gene Adsuara)

Gobyerno, binitbit ang P20/kg. rice program sa pampublikong pamilihan- Malakanyang  

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT ng gobyerno at nagsimula na ang pag-roll out ng P20 kada kilo bigas sa pampublikong pamilihan sa buong bansa.

Kasunod ito ng ginawang paglulunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa “Benteng Bigas, Meron Na!” program sa Bacoor, Cavite.

“Alinsunod ito sa panawagan ni Pangulo na palawakin pa ang sakop ng P20 rice program ng administrasyon,” ang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Diin ng Pangulo, hangad ng gobyerno na magkaroon ng sapat na pagkain sa hapag-kainan ng bawat Pilipino,” aniya pa rin.

Winika pa ni Castro na ang inisyatiba ay pumapasok na sa mas malawak na rollout phase para mapakinabangan ng mas maraming low-income families.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ang paglulunsad ng programa sa Zapote Public Market sa Bacoor, Cavite.

Tanda ito ng ‘major expansion’ ng P20 rice initiative, sa simula ay inilaan para sa pilot testing sa Visayas nito lamang buwan ng Mayo.

Sa kabilang dako, sinabi ng Agribusiness and Marketing Assistance Service ng DA, na ang programa ay umabot na sa mahigit 105,000 pamilya sa Luzon at Visayas, namahagi ng mas mahigit sa 804,000 kilo ng bigas sa pagitan ng May 13 at June 30.

Ang P20 na bigas ay kasalukuyang available sa senior citizens, solo parents, persons with disabilities, indigent families, at minimum wage earners, na may 1 milyong target na benepisaryo sa pagtatapos ng taon.

Ang layunin ay maabot ang 15 milyong Pinoy sa buong bansa sa 2026 at mapanatili ang programa hanggang 2028.

Sinusuportahan din ng programa ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng muling ipuhunan ang NFA procurement budgets sa rural economies, habang tinutulungan na mapaluwag ang bodega ng mga bigas.

Sa ngayon, may 94 outlet sites ang itinatag sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Daris Jose)

Alden, Arjo, Sid at Dennis, pawang palaban sa Best Actor ng ‘8th EDDYS’:  MARIAN at JUDY ANN, makakalaban ang apat pang nominado bilang Best Actress 

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PITO ang nominado bilang Best Actor sa 8th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Ini-reveal na nga ang nominees kahapon Hulyo 1, 2025, Martes, sa Rampa Drag Club sa Morato Ave. Ext., Quezon City.
Nominado sina Alden Richards, para sa Hello, Love, Again, Cong. Arjo Atayde para saTopakk at Vice Ganda para And The Breadwinner Is…Makakalaban nila sina Sid Lucero (Outside), Kokoy de Santos (Your Mother’s Son), Joel Torre (Lolo and the Kid), at Dennis Trillo (Green Bones).
Anim naman ang nominadong Best Actress, ito ay sina Shamaine Centenera-Buencamino (Pushcart Tales), Mylene Dizon (The Hearing), Jane Oineza (Love Child), Sue Prado (Your Mother’s Son), Marian Rivera (Balota), at Judy Ann Santos (Espantaho).
Sina Joross Gamboa (Hello, Love, Again), Patrick Garcia (A Journey), Miggy Jimenez (Your Mother’s Son), Ronnie Lazaro (The Gospel of the Beast), Ruru Madrid (Green Bones), at Aga Muhlach (Uninvited) naman ang nominadong Best Supporting Actor.
Sa Best Supporting Actress ang mga nominado ay sina Elora Españo (Your Mother’s Son), Nadine Lustre (Uninvited), Cristine Reyes (The Kingdom), Chanda Romero (Espantaho), Kakki Teodoro (Isang Himala), at Lorna Tolentino (Espantaho).
Ang mga nominadong Best Picture naman ay Green Bones, Hello, Love Again, Isang Himala, Love Child, Outside, at Under A Piaya Moon.
Sa Best Director category, maglalaban-laban sina Cathy Garcia-Sampana (Hello, Love, Again), Pepe Diokno (Isang Himala), Zig Dulay (Green Bones), Jonathan Jurilla (Love Child), Carlo Ledesma (Outside), at Kurt Soberano (Under A Piaya Moon).
Ang nag-announce ng nominees para major categories ay sina Max Eigenmann at RS Francisco, at iba pang nominees ay in-announce ng officers and members ng SPEEd.
Nag-intermission number si Dulce, na kung kinanta niya ang “What I Did for Love” na mula sa ‘A Chorus Line’ at medley ng sikat na Visayan songs.
Ang awards ceremony ng 8th EDDYS ay nakatakda sa Hulyo 20, Linggo ng gabi, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.
Ang delayed telecast ay sa Hulyo 27, Linggo, sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at iWant.
Co-presenters ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN, sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment led by Miss Pat-P Daza. Ididirek itong muli ni Eric Quizon.
Narito ang iba pang mga nominado sa 8th Eddys:
BEST SCREENPLAY
Arden Rod Condez, Arianna Martinez (Love Child)
Vicente Groyon (Under A Piaya Moon)
Carlo Ledesma, Anton Santamaria (Outside)
Ricky Lee, Angeli Atienza (Green Bones)
Ricky Lee, Jose Lorenzo Diokno (Isang Himala)
Carmi G. Raymundo, Crystal S. San Miguel (Hello, Love, Again)
BEST CINEMATOGRAPHYNathan Bringuer (Under A Piaya Moon)
Shing Fung Cheung (Outside)
Neil Daza (Espantaho)
Neil Daza (Green Bones)
Dan Villegas (Kono Basho)
BEST EDITING
Marya Ignacio (Hello, Love, Again)
Marya Ignacio (Pushcart Tales)
Vanessa Ubas de Leon (My Future You)
John Paul Ponce (Love Child)
Benjamin Tolentino (Green Bones)
BEST PRODUCTION DESIGN
Nestor Abrogena (The Kingdom)
Maolen Fadul (Green Bones)
Norico D. Santos (Hello, Love, Again)
Jed Sicangco, Kurt Soberano (Under A Piaya Moon)
Joseph Edward Sicangco (Outside)
BEST VISUAL EFFECTS
Rhance Cariño (Topakk)
Gaspar Mangarin, Walter Monte (Espantaho)
Mothership Inc. (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital)
Riot, Inc. (The Kingdom)
Santelmo Studio Inc. (My Future You)
The Post Office (Outside)
BEST SOUND
Ditoy Aguila (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital)
Mark Locsin, Teresa Barozzo, Narra Post (Isang Himala)
Jhon Eric Mancera, Donald Ilagan, Gerald Guardiano, Melvin Rivera, Albert Michael Idioma, Jannina Mikaella Minglanilla, Andrea Teresa Idioma (Topakk)
Narra Post, Studios by Wildsound (The Kingdom)
Alex Yomboc, Lamberto Casa Jr. (Espantaho)
BEST MUSICAL SCORE
Teresa Barrozo (And The Breadwinner Is…)
Len Calvo (Green Bones)
Vincent de Jesus (Isang Himala)
Jessie Lasaten (Hello, Love, Again)
Ammie Ruth Suarez (Un/Happy For You)
BEST ORIGINAL THEME SONG
“Ang Himala Ay Nasa Puso” (Isang Himala), music and lyrics by Vincent de Jesus, performed by Juan Karlos
“Hahamakin Ang Lahat” (Uninvited), music and lyrics by Quest and Arthur Nery, performed by KZ Tandingan and Arthur Nery
“Luha sa Dilim” (Guilty Pleasures), music and lyrics by Julian Juangco, performed by Yanco
“Mahal Kita” (Road to Happy), music and lyrics by Macky Alca, performed by VJ Mendoza
“Topak” (Topakk), music and lyrics by Lordivino Ignacio, Muriel Anne Jamito and Romarico Superable, performed by Bassilyo, Sisa and CrazyMix
Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).
(ROHN ROMULO)

Hinamon ng Akbayan ang Malacañang na sertipikahang urgent ang panukalang minimum wage increase.

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Kasabay nang paghahain ng Akbayan Partylist ng House Bill No. 00766 o P200 minimum wage hike, iginiit ng grupo ang pangangailangang maipasa ang panukala upang matulungan ang mga manggagawa na mabuhay sa pagtaas ng presyo ng pangunahing biliihin at serbisyo.

Dalawang magkaibang bersyon kaugnay sa minimum wage hike ang ipinasa ng Kamara nitong katatapos na ika-19th Congress ngunit nabigong naipagsama.

Isinisi ng Akbayan ang administration sa kabiguang maipasa ang panukala at hinamon nito ang Malacañang na sertipikahang urgent ito ngayong 20th Congress kung prayoridad ng palasyo ang mga manggagawa.
“Matagal nang nalulunod sa taas presyo ng mga bilihin at matagal nang sumisigaw ng saklolo ang mga Pilipino. Noong 19th Congress may mga aktibong humarang sa gabinete sa P200 wage hike–salbabida na sana naging bato pa. Kung gustong bumawi ng Malacañang dapat i-certify as urgent ng Pangulo ang wage hike,” pahayag ni Akbayan Rep. Perci Cendaña.
Kinutya rin ng mambabatas ang inaprubahang P50 wage increase ng NCR wage board para sa Metro Manila workers.

“A P50 wage increase is still a wage increase. Pero walang karapatang magyabang ang DOLE. Kakarampot itong halaga at di makikinabang ang mga non-NCR workers. Kung seryoso ang DOLE dapat suportahan nila ang panawagan naming gawing priority measure ng Pangulo ang wage hike,” pagtatapos ni Cendaña. (Vina de Guzman)

10th Inaugural Session ng City Council ng Valenzuela

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL na sinimulan ng 10th City Council ng Valenzuela City ang kanilang Inaugural Session nitong July 1, 2025, sa City Hall Session Hall sa pangunguna ng bagong halal na Vice-Mayor Marlon Alejandrino, mga miyembro ng Sanggguniang Panlungsod na sina Cris Feliciano-Tan, Ghogo Deato-Lee, Atty. Richard Enriquez, Atty. Bimbo Dela Cruz, Kisha Ancheta at Goyong Serrano mula sa unang Distrito; Lorie Natividad-Borja, Nina Lopez, Sel Sabino-Sy, Chiqui Carreon, Mickey Pineda at Louie Nolasco, para naman ikalawang Distrito.

Nakiisa sa kaganapan, minarkahan ang isa pang milestone sa public service para sa Valenzuelanos, sina Mayor WES Gatchalian, Congressman Kenneth Gatchalian at Congressman Gerald Galang. (Richard Mesa)

Sa pang-sampung sunod na taon… NAVOTAS, MULING NASUNGKIT ANG UNQUALIFIED OPINION MULA SA COA

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 MULING nasungkit ng Navotas City ang unqualified opinion mula sa Commission on Audit (COA), na minarkahan ang ika-10th magkakasunod na taon na nakakuha ang lungsod ng pinakamataas na audit rating na ibinibigay sa mga ahensya ng gobyerno at local government units.

Ang Navotas ang nag-iisang LGU sa Metro Manila na nagpapanatili ng naturang record sa loob ng isang dekada kung saan pormal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco ang 2024 COA report mula kay Venancio Herrera, Supervising Auditor ng Navotas Auditing Unit.

“We thank our constituents for their trust and support. Your confidence continues to inspire us to serve with excellence. Patuloy naming pagbubutihin ang trabaho hindi para sa parangal, kundi para sa kapakanan ng bawat Navoteño,” pahayag niya.

Nagpasalamat si Tiangco sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod at binigyang-diin ang kahalagahan ng audit rating sa konteksto ng serbisyo publiko.

“Ang unqualified opinion ay nagsasalamin ng tapat at mahusay nating pamamahala. Sa loob ng sampung taon, pinatunayan natin na sa NavLevel Up na Navotas, may disiplina sa paggamit ng pondo at may malasakit sa serbisyo,” aniya.

“Pero hindi ito dahilan para maging kampante. Paalala ito na kailangang mas maging masinop tayo sa paggamit ng pondo, mas mabilis sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, at mas bukas sa mga makabagong solusyon. Kung gusto nating mapanatili ang tiwala ng taumbayan, kailangang araw-araw nating pinagbubuti ang trabaho natin,” dagdag niya.

Ang unmodified opinion ay nagpapahiwatig na ang financial statements ng lungsod ay ipinakita nang patas sa lahat ng materyal na aspeto, alinsunod sa mga pamantayan at patakaran sa accounting ng pamahalaan.

Ang pagbibigay ng COA report ay kasabay ng pagsasara ng unang termino ni Tiangco bilang alkalde at pagsisimula ng kanyang ikalawang termino. (Richard Mesa)

Dahil last year ang basehan sa nakuhang award: ANNE, nanggigil kaya pinatulan ang naging komento ng netizen

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI nga napigilang sagutin ng TV host-actress na si Anne Curtis ang isang netizen na nag-comment tungkol sa nakuhang hosting award sa 53rd Box Office Entertainment Awards.
Sa Facebook page ng “It’s Showtime” ipinost nila ang award ni Anne, pero may nag-comment nga na isang netizen at sinabi nitong parang weird na nagkaroon ng award ang aktres kahit madalas itong absent sa programa.
Kaya sinagot ito ni Anne at pinaliwanag na ang award ay base pa last year na palagi naman siyang present sa show.
“FYI THIS WAS BASED ON LAST YEAR! When I was in my different hair girl era. Not this year,” esplika ng aktres.
Sa kanyang X (dating Twitter) nag-rant nga si Anne tungkol dito.
“GIGIL NILA AKO E. Hayaan nyo, makakaasa kayo wala akong hosting award next year because I was absent for half of this year, acting for two different projects, one that I have yet to finish. Happy? Right,” pahayag ng aktres.
Sa ibang post ni Anne, nilinaw niya na hindi siya magpapaapekto sa ganitong klaseng isyu na binabato sa kanya.
“Sticks and stones may break my bones, but as of 10:40 am, I’ve decided to not let the words hurt me. Ok!
“See you guys on @itsShowtimeNa today! Ayoko na ma bad vibes! Iwan ko lang yan kay Mia Hernandez,” sabi pa ni Anne na tumutukoy sa karakter niya sa seryeng “It’s Okay to Not be Okay”.
Muli na ngang pumasok si Anne sa “It’s Showtime” na ipinost sa social media page ng programa.  Kaya naman tuwang-tuwa ang mga naka-miss sa kanyang pagho-host at pakikipagkulitan sa mga kasamahan sa noontime show.
 
***

‘Jurassic World: Rebirth’ at dalawang klasikong pelikulang Pilipino, aprub sa MTRCB

APRUB sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “Jurassic World: Rebirth” na rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Swak para sa pamilyang Pilipino, ang PG rating ay angkop sa mga edad 13 pababa, basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

Tampok sa kwento ang isang grupo na patungo sa isang ipinagbabawal na isla para hanapin ang biomaterial mula sa tatlong pinakamalalaking nalalabing hayop mula sa lupa, himpapawid at karagatan.

Ang biomaterial ay susi sa isang makabagong gamot na maaaring makasagip ng maraming buhay.

Samantala, ang klasikong pelikulang Pilipino na “Sa Init ng Apoy” (1980) na pinagbibidahan nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, ay nabigyan ng R-13 (Restricted-13) rating, angkop para sa mga edad 13 pataas.

Tungkol ito sa karanasan ni Laura (Tolentino), na sinapian ng masamang espiritu sa mismong araw ng Biyernes Santo—ang araw na pinaniniwalaang namatay si Hesus—habang sila ay nagbabakasyon ng kanyang asawang si Emil (Fernandez).

Isa pang pelikulang nabigyan ng R-13 ay ang Korean horror-thriller na “Noise,” na batay sa totoong kwento ng katatakutan.

Ang pelikulang Pilipino na “Shake, Rattle & Roll 1” (1984), mula sa direksyon nina Emmanuel H. Borlaza, Ishmael Bernal at Peque Gallaga, ay rated R-16 (Restricted-16) dahil sa mga sensitibong tema, eksena at lenggwahe.

Ito ay para lamang sa mga edad 16 pataas.

Pinaalalahanan ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na maging responsable sa pagpili ng mga panonoorin kasama ang mga bata.

“Paalala natin sa mga magulang at nakatatanda na isaalang-alang ang tamang pagpili ng mga palabas gamit ang angkop na klasipikasyon mula sa MTRCB,” ani Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)

𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐦𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐤𝐮𝐥𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐨. 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬, Batangas

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal ng Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas sa pangunguna ng buong Team AJAM, ni City Mayor Atty.Arth Jhun Aguilar Marasigan at

Vice-Mayor Cathy Jaurigue-Perez, bilang Re-Elected City Vice- Mayor. Ginanap ito araw ng Lunes, Hunyo 30, 2025 sa Consuelo Park Pavilion, First Philippine Industrial Park (FPIP).

“Sa tulong, tiwala, at pagmamahal ng bawat Tomasino ay nanalo rin at mabibigyan ng pagkakataong makapaglingkod pa para sa bawat Tomasino, ” pahayag ni Mayor Ajam.

” Nagpapasalamat po kami higit sa Panginoon, sa pagbibigay gabay sa ating lahat para magkaroon ng ligtas at matiwasay na halalan,” turan naman ni Vice – Mayor Cathy Perez.

“Sa lahat po ng nakasama natin sa labang ito, maraming maraming salamat po! Ang tiwala at pagmamahal ninyo ang nagluklok sa amin at hinding hindi po namin kayo bibiguin, mga minamahal naming Tomasino,” pangako ng mga bagong halal na opisyal.

Tuloy ang serbisyo! Tuloy ang trabaho!

(Text & Photos by Boy Morales Sr.)