• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Sa pagbubukas ng 13 Navotas City Council… Tiangco, binalangkas ang family-focused agenda

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA huling session ng 12th Sangguniang Panlungsod at pagbubukas ng session ng 13th City Council ng Navotas noong Lunes, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang family-centered approach sa governance.

“Lagi nating tingnan ang pamilya. Ano ba talaga ang tunay na nakakapagpasaya sa kanila?” ani alkalde na binanggit na ang mga programa ng gobyerno ay dapat nakatuon sa kung ano ang tunay na mahalaga sa mga sambahayan.

Pinasalamatan ni Tiangco ang mga outgoing councilors para sa kanilang suporta sa pagkamit ng mga pangunahing tagumpay sa ilalim ng kanyang unang termino bilang nagbabalik na alkalde.

“Napakarami na nating nagawa, pero marami pa tayong kailangang gawin. At hindi natin ito magagawa kung wala ang suporta ng Sangguniang Panlungsod,” ani Tiangco said, na pinuri si Vice Mayor Tito Sanchez para sa pamumuno ng isang supportive legislative body.

Inilatag ni Tiangco ang mga priority program para sa susunod na termino, mula sa pagpapalakas ng preventive healthcare sa pamamagitan ng Konsulta program at paghikayat sa Navoteños na magpatibay ng health-seeking behaviors bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay.

Sa kabuhayan, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng upskilling, lalo na sa mga kabataan sa gitna ng pagsulong ng teknolohiya na planong palawakin ang mga programa sa pagsasanay sa programming at artificial intelligence.

Sa edukasyon, idiniin ni Tiangco ang kahalagahan ng panghabambuhay na pag-aaral na naglalayong magkaroon ng sistemang hindi lamang nagbibigay ng diploma kundi nagtuturo din ng disiplina, values at tamang pagdedesisyon sa mga mag-aaral.

Sa safety and disaster preparedness, itinampok ni Tiangco ang papel ng city-wide trainings at systems sa buong lungsod tulad ng CCTV, Text JRT, at 911 sa pagtataguyod ng peace and order at kanyang pangako sa pangmatagalang solusyon sa flood control.

Sa pagtugon sa pabahay, sinabi niya na “Hindi lang ito tungkol sa bagong bahay, kundi sa pagbibigay ng bagong buhay,” tinutukoy ang layunin ng lungsod na magbigay ng ligtas at marangal na tirahan.

Kinilala rin niya ang mga tagumpay sa imprastraktura ng lungsod, mula sa multipurpose halls, convention center, culverts, hanggang drainage upgrade. (Richard Mesa)

Walang tunay na banta sa Speakership

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUMILITAW na naresolba na ang usapin sa pagpili ng Speaker ngayong ika-20 Kongreso sa pamamagitan ng suporta ng 287 mambabatas at kawalan ng seryosong hamon laban kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez para sa naturang posisyon.

“The question of Speakership has already been resolved many, many weeks ago,” ayon kay reelected Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Ayon sa mambabatas, sa total na 287 mambabatas ng bagong Kongreso, nasa 283 miyembro ang lumagda ng suporta para sa reelection bilang Speaker ni Romualdez.

“And I don’t think this is any more a question that needs to be resolved,” pahayag pa nito.

Nakatakda ang pormal na paghalal ng mga mambabatas para sa mga bagong lider ng Kamara ng ika-20 Kongreso sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 28.

Si Romualdez ay nagsilbing Speaker ng kamara nitong katataposna ika-19 Congress.

Nang tanungin kung may mga “naghahamon” o challenger sa House leadership post, sinabi ni Acidre na hindi na iniisip pa ang isyu dahil sa laki ng bilang ng mga mambabatas na nagpahayag na ng suporta kay Romualdez. (Vina de Guzman)

DA, binalaan ang mga rice traders na ginagamit na dahilan ang P20.00 na bigas upang bilhin ng P10.00 ang aning palay ng mga magsasaka

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Department of Agriculture o (DA) ang mga rice traders na hindi pwedeng gawing dahilan ang P20.00 kada kilo ng bigas upang baratin ng labis ang presyo ng aning palay ng mga magsasaka.

Ito ay matapos na mapaulat na pumapalag na ang mga magsasaka sa Northern at Central Luzon dahil sa walong pisong bentahan sa kada kilo ng palay.

Maging ang samahang industriya ng agrikultura o sinag ay nagsabing posibleng hindi na sila magtatanim kung mas mataas pa ang production cost kesa sa magiging kita ng mga magsasaka.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DA Spokesperson Arnel De Mesa, inatasan na ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kanilang inspectorate enforcers na imbestigahan ang pambabarat sa aning palay ng mga magsasaka.

Paliwanag ni de mesa, ang palay na ginagamit ngayon sa 20.00 pesos na bigas ay binili ng P24.00 kayat walang dahilan upang baratin ang presyo ng aning palay.

May subsidiya aniya ang gobyerno kung kayat mura itong nabibili ng mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi pa ni De Mesa na pinag-aaralan na ng DA ang pagpapataw ng parusa sa mga traders na mapapatunayang nagsasamantala sa sitwasyon. (PAUL JOHN REYES)

LTO enforcers ikakalat sa NAIA vs pasaway na PUVs

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAS madaming tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang ikakalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para magsagawa ng regular random inspections laban sa mga pasaway na public utility vehicles (PUVs) sa naturang paliparan.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, magiging isang ‘discipline zone’ ang Naia para sa mga pampasaherong sasakyan upang maiwasang maulit pa ang insidente  ng overcharging ng mga pampasaherong sasakyan laluna ng taxi sa NAIA.

Kahapon ay may kabuuang 41 taxis, motorcycle taxis at ibang sasakyan ang isinailalim sa inspeksyon ng LTO sa NAIA Terminal 3 para matiyak na walang pang-aabuso sa mga pasahero ang mga abusadong PUV drivers.

Sa naturang inspections, isang taxi at motorcycle taxi ang nahuli dahil sa paso na ang rehistro ng kanilang sasakyan. Ang mga sasakyang ito ay naka impound na sa LTO.

Sinabi ni Mendoza na plano nilang doblehin ang parusa laban sa mga mapapatunayang abusadong driver ng mga pampasaherong sasakyan.

Pinatindi ng Lto ang kampanya laban sa mga abusadong PUVs nang mag-viral ang isang taxi driver na nag overcharge ng higit P1,000 pasahe sa pasaherong nagpahatid lamang mula NAIA Terminal 1 papuntang kabilang Terminal 3.

Bago sumabak sa kani-kanilang projects: RURU at BIANCA, nag-quick getaway vacation sa Japan

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAG-QUICK getaway vacation sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa Japan kamakailan.
Nag-spend ng quality time ang dalawa bago sila sumabak sa kanilang magkakaibang trabaho sa mga darating na buwan.
“Kape, Japan, at siya… Ganito lang kasimple ang saya,” post ni Ruru sa Instagram.
Kasama si Ruru sa series of shows in Canada para sa Sparkle World Tour. Makakasama niya sina Ai-Ai delas Alas, Kyline Alcantara, and Jessica Villarubin.
“Mag-i-stay kami doon for 22 days. Medyo matagal-tagal. Matagal din kaming hindi magkikita ni Bianca,” sey pa ng aktor.
Samantalang si Bianca ay magbabakasyon naman sa Europe.
“Actually, para sa amin, okay lang ‘yun. Kahit hindi kami magkasama, basta malinaw naman ‘yung tiwala namin sa isa’t isa,” sey ni Bianca na lalabas na as Terra sa Sang’gre.
Kailan lang ay nakitang magkasama ang dalawa sa red carpet ng 75th anniversary event ng GMA-7.
(RUEL J. MENDOZA)
2024 pa ng ma-diagnose na may breast cancer: CESCA, tapos nang mag-chemotherapy
at tuloy lang ang laban sa sakit
TAPOS na sa kanyang chemotherapy si Cesca Litton at naghahanda na siya sa next steps in her battle with cancer.
Ayon sa TV personality, she is celebrating a small win in her cancer journey at nai-share niya ito sa social media.
“Found a lump. Act now, feel later. Diagnosis. Act now, feel later. Surgery. Act now, feel later. After 6 cycles of chemotherapy, later is now.

”It felt like I was holding my breath for the past few months, holding myself together because there was still so much to be done.
“The closer I got to my last chemo cycle, the more I unraveled, and last Friday, I could finally breathe and let go.
“It’s not over yet. I start hormonal treatments next month, more tests and meds for the next 5 years, and then hopefully be declared officially in remission.
“For now, I celebrate this win. I will celebrate every single win I can, big or small.
“I also celebrate the people who got me through. Every single circle in my life stepped up, the expected and the unexpected. Complete strangers who have reached out and shared their stories, prayers, words of encouragement. My doctors and nurses who ensured I got the best care. But above all else, how do I even begin to thank a God who carried me through this?
“Apologies in advance if I’m just a weepy mess, the floodgates are open and I’m not sure how long it’ll take for all the emotions to settle. Thank you for all the love and support. Job’s not done, but we keep going. God is good. Always.”
2024 nang ma-diagnose si Cesca with breast cancer. Noong March 2025 lang niya ito isinapubliko.
She stressed the importance of early detection ang regular check ups to monitor one’s health.
***
NILOOBAN pala ang bahay ng Hollywood actor na si Brad Pitt sa Los Feliz, Los Angeles.
Ayon sa LA Police Department, they responded to an alarm call and three suspects invaded the property. Dumaan ang mga ito sa front entrance ng bahay habang may mga workers na nagtatrabaho sa tapat ng property.
Wala pang report kung ano ang mga gamit na ninakaw sa loob ng bahay.
Wala si Pitt sa kanyang bahay noong pinasok ito ng mga magnanakaw.
“He’s been on overseas on a worldwide promo tour of his film F1,” ayon sa rep ng Oscar-winning actor.
Sunud-sunod ang mga nagaganap na nakawan sa mga LA homes ng mga celebrities. Naging biktima rin sina Nicole Kidman, Jeremy Piven, Marshmello, and Austin Butler.
(RUEL J. MENDOZA)

Danny and Michael Philippou unleashes true horror in haunting new A24 film, “Bring Her Back” 

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
A couple of years after their debut breakout horror film Talk to Me, brothers and filmmaker duo Danny and Michael Philippou return with a haunting new film Bring Her Back.
Their filmmaking process, they share, is one that puts emotion at the heart of their project. “With the movies that we make, whether it’s horror or any other genre, we really want our stories to have a strong emotional core. The stuff we want to create, we want it to work on multiple levels,” said Michael.
Daniel agrees, adding, “We don’t want to be scared of something that’s a horror movie. We want to embrace that it’s a horror film, and be proud of making a horror film.”
Watch the trailer: https://youtu.be/Mu1-DTIBirI
Bring Her Back tells the tale of a brother Andy (Billy Barratt), and his low-vision sister Piper (Sora Wong) as they enter the care of their new foster mother. Slowly they uncover a terrifying ritual in their new secluded home.
The inspiration of the story began close to home, as one character is inspired by an interaction with the directors’ friend. “Our friend’s little sister is non-sighted, and there was a situation with her family where she really wanted to go and catch the bus by herself, but her parents wouldn’t let her do it,” Danny says. “She was trying to communicate with them that she’s going to have to learn to navigate the world without everyone babying her all the time, that she needs to have her own independence.”
That theme carries into one of the main characters of the film, Piper, who experiences a tragedy with her brother Andy, but the aftermath spins them into horrors beyond imaginable. “Talk to Me feels like a party horror film, but this film is more character-driven,” Danny says. “We liked the challenge of a contained story about these three characters, focusing on their relationships.” (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Philippine’s own Catriona Gray joins jaw-dropping activation in Thailand for the launch of Jurassic World Rebirth.

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Philippine’s own Catriona Gray, joins an exclusive group of guests invited to Thailand on a unique Jurassic World Rebirth tour as they go behind the scenes visiting filming locations of this film.
Sharing a sneak peek of his/her upcoming experience, Catriona writes “A New Era Begins….in Thailand.
Catriona’s #JurassicJourney kicked off today as they witnessed giant Spinosaurus dinosaurs appear on the Chao Phraya River in Bangkok as part of a jaw-dropping promo for Jurassic World: Rebirth.
The massive installation is turning heads across Thailand & across the world — and it’s got fans hyped as a new era of this iconic franchise begins in Cinemas this July.
For more updates, follow Catriona’s Jurassic journey on: @catriona_gray
Jurassic World Rebirth releases in cinemas now!
About Jurassic World Rebirth:
A new era is born. This summer, three years after the Jurassic World trilogy concluded with each film surpassing $1 billion at the global box office, the enduring Jurassic series evolves in an ingenious new direction with Jurassic World Rebirth.
Anchored by iconic action superstar Scarlett Johansson, Emmy and SAG nominee Jonathan Bailey and two-time Oscar® winner Mahershala Ali, this action-packed new chapter sees an extraction team race to the most dangerous place on Earth, an island research facility for the original Jurassic Park, inhabited by the worst of the worst that were left behind. Also starring acclaimed international stars Rupert Friend and Manuel Garcia-Rulfo, the film is directed by dynamic visualist Gareth Edwards (Rogue One: A Star Wars Story) from a script by original Jurassic Park screenwriter David Koepp.
Five years after the events of Jurassic World Dominion, the planet’s ecology has proven largely inhospitable to dinosaurs. Those remaining exist in isolated equatorial environments with climates resembling the one in which they once thrived. The three most colossal creatures across land, sea and air within that tropical biosphere hold, in their DNA, the key to a drug that will bring miraculous life-saving benefits to humankind.
Jurassic World Rebirth is directed by BAFTA winner Edwards from a script by Koepp (War of the Worlds), based on characters created by Michael Crichton. The film is produced by Oscar® nominee Frank Marshall and Patrick Crowley, both longtime Jurassic franchise producers and of last summer’s blockbuster, Twisters. The film is executive produced by Steven Spielberg, Denis L. Stewart and Jim Spencer.
(ROHN ROMULO)

Kasama sina Vic, Piolo, Joshua, Julia, Ruru at Dennis: KATHRYN, ALDEN at VICE GANDA, pararangalan bilang Box Office Hero sa ‘8th EDDYS’

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SIYAM na naglalakihang bituin sa Philippine movie industry ang bibigyang-parangal para sa Box Office Hero ng 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice.
Sila ang mga bumida sa mga pelikulang nagpakitang-gilas sa takilya nitong nagdaang taon at tumaya para sa patuloy na pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood.
Sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes, gagawaran ng parangal sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa kanilang reunion film na ‘Hello, Love, Again.’
Gumawa ng kasaysayan ang naturang pelikula matapos itong kumita sa takilya ng P1.6 billion worldwide.
Nakamit ng sequel ng 2019 hit na ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Alden at Kathryn, ang pinakamalaking opening weekend para sa isang pelikulang Pilipino sa U.S. at Canada, na nakakuha ng $2.4 million sa North America at napunta pa sa No. 8 sa lingguhang box-office chart ng rehiyon.
Hawak nito ngayon ang titulong “highest-grossing Filipino film of all time.”
Samantala, ipinagpatuloy naman ni Vice Ganda ang kanyang holiday box-office streak sa ‘And the Breadwinner Is…’, na kumquat ng P460 million.
Dito, muling pinatunayan ng Phenomenal Box-office Star ang kanyang magic at karisma sa mga Pilipino tuwing panahon ng Kapaskuhan.
Kasama rin sa gagawaran ng 8th EDDYS Box Office Hero award sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa kanilang hit romance na ‘Un/Happy for You’, na lumampas sa P450 million ang hinamig sa takilya mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang tagumpay ng kanilang on-screen reunion ay siyang nagpapaalala sa mga manonood kung bakit minsan nang  namuno ang kanilang chemistry sa primetime at sa big screen.
Para kumpletuhin ang listahan ng Box Office Heroes sa ika-8 edisyon ng The EDDYS, pararangalan din sina Vic Sotto at Piolo Pascual para sa pelikula nilang ‘The Kingdom’ at sina Dennis Trillo at Ruru Madrid para naman sa ‘Green Bones.’
Pareho ring multi-awarded ang mga nasabing pelikula na napatunayang ang  kritikal na pagbubunyi at komersyal na tagumpay ay maaaring magkasabay.
Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.
At ang apat sa Box Office Hero awardee ay pawang nominado. Sina Alden, Dennis at Vice Ganda ay maglalaban-laban kasama pa ang apat para sa Best Actor category.  Si Ruru ay nominated naman para sa Best Supporting Actor.
Sino kaya ang magwawagi sa kanila at makakapag-uwi ng dalawang tropeo ng 8th EDDYS nagaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City?
Magkakaroon ito ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.
Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirek muli ni Eric Quizon.
Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.
Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).
(ROHN ROMULO)

Ads July 3, 2025

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

3 – 4-merged

Pagbabasbas sa bagong NPC

Posted on: July 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pagbabasbas ng mga bagong pasilidad sa Navotas Polytechnic College na may  28 classrooms, limang computer laboratories, tatlong science labs, isang speech lab, isang library, indoor at outdoor cafés, at isang gymnasium na nagpapatibay sa pangako ng lungsod sa libreng de-kalidad na edukasyon, bilang bahagi ng ika-18th cityhood anniversary nito. (Richard Mesa)