• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2025

Curfew sa Maynila muling ipinatupad

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinatupad ni Manila Mayor Isko ­Moreno ang curfew hours sa lungsod sa ilalim ng Executive Order No. 2 na layong masiguro ang kaligtasan ng mga may edad 17 pababa kung saan bawal gumala mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Layon nito na mai­layo, hindi lamang sa panganib sa lansangan ang mga kabataan, kundi makaiwas din sila sa masamang impluwensiya tulad ng pagkalulong sa ilegal na droga, pag-inom ng alak, at paglahok sa mga street gang na kalimitang may kagagawan sa mga riot.

Agad namang inatasan ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) Chief Jay Dela Fuente ang lahat ng District Office na buksan ang kanilang mga opisina ng 24-oras. Sa oras aniyang may mahuling lumabag sa kautusan, agad silang dadalhin sa district office ng MDSW kung saan ipapatawag ang kanilang mga magulang at ipauunawa ang kanilang responsibilidad at ang nasabing ordinansa.

Bukod sa curfew hours, nilagdaan din ni Isko ang kautusan sa ilalim ng Executive Order No. 1 na nag-aatas sa lahat ng empleyado at opisyal ng lokal na pamahalaan na dapat ay maging modelo ng kagandahang asal; EO No. 3 na nag-aatas sa lahat ng barangay officials sa lungsod na pangunahan ang pagsasagawa ng de-clogging sa mga  kanal, estero at paglilinis ng kanilang nasasakupang lugar simula Hulyo 5, 2025 tuwing araw ng Sabado; EO No. 4 na naghihigpit sa pagpapatupad ng Motor Vehicle Modified Muffler Noise Regulation, at ang Executive No. 5 na nag-aatas sa lahat ng telephone companies at iba pang cable providers na isaayos ang mga patay na linya o mas kilala na ‘spaghetti wires’ sa buong lungsod ng Maynila.

Kasama sa mga napiling sikat na personalidad: LEA, first Filipina celebrity na gagawaran ng ‘star’ sa Hollywood Walk of Fame

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nang inanunsyo na kasama ang Tony Award-winning Filipino singer-actress na si Lea Salonga sa Class 2026 ng Hollywood Walk of Fame.
Tatatak na ito sa kasaysayan dahil siya ang first Filipina celebrity na tatanggap ng naturang parangal sa kategoryang Live Theater and Live Performance, na wala pang date kung kailan magaganap.
Pasok nga si Lea sa 35 na sikat na personalidad mula sa larangan ng musika, pelikula, telebisyon, at sports entertainment at magkakaroon na ng sariling star sa sikat na landmark sa Los Angeles, California.
In-announce ito sa social media post ng Manila International Film Festival na nag-nominate sa international broadway diva, “We’re incredibly proud to share that the Manila International Film Festival had the honour of nominating the one and only Lea Salonga for a star on the Hollywood Walk of Fame – and she’s officially been selected!”
Masaya naman itong ibinahagi ni Lea, kasama ang screenshot na kasama siya sa recipients of the Walk of Fame star, at binilugan pa ang kanyang pangalan.
“Just now woke up to this bit of amazing news!!! To the Manila International Filmfest, many thanks for nominating me to be part of the class of 2025-26!”
After ng successful stint niya sa ‘Miss Saigon’ na kung saan nakatanggap siya ng Tony Award at Laurence Olivier Award, mas nakikila rin si Lea nang kantahin niya ang mga popular Disney movie theme song na “A Whole New World” (Aladdin, 1992) at “Reflections” (Mulan, 1998). Na-nominate din siya Grammy Awards at pinarangalan bilang Disney Legend noong 2011.
“Those nominations are gathered and given to an independent committee which consists of former Walk of Famers in all six categories that are honored on the Hollywood Walk of Fame,” pahayag ni Hollywood Chamber of Commerce President and CEO Steve Nissen.
Ilan pa sa kasama sa listahan ng Hollywood Walk of Fame Class 2026 ay sina Gabriel ‘Fluffy’ Iglesias, Sarah Michelle Gellar, Gordon Ramsay, Demi Moore, Emily Blunt, Molly Ringwald, Miley Cyrus, Timothée Chalamet, Chris Columbus, Marion Cotillard, Rami Malek, Rachel McAdams, Stanley Tucci, Air Supply, Josh Groban at Shaquille O’Neal.
Congrats Lea, sobrang proud ang mga Pinoy sa achievement niyang ito.  At marami ang nagsasabi na sa mga susunod na taon, puwedeng-puwede na talaga siyang hiranging bilang isang National Artist for Film and Broadcast Arts.
(ROHN ROMULO)

Tahimik rin sa kinasasangkutang isyu ng karelasyon; SUNSHINE, ayaw nang patulan ang ‘fake news’ na hiwalay na sila ni ATONG

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA gitna ng pinag-uusapang isyu ng negosyanteng si Atong Ang ay nanatiling tahimik ang aktres na si Sunshine Cruz.
Wala naman kasing dapat ipaliwanag si Sunshine dahil hindi naman siya sangkot sa isyu, huh!
Ang latest nga ay nagsampa na ng reklamo si Mr. Atong Ang laban sa isang Alyas Totoy na nagparatang sa kanya at sa aktres na si Gretchen Barretto na sangkot daw sa kontrobersiyal na kaso ng 34 nawawalang sabungero.
Bilang malapit sa aktres ay hiningan namin ng komento si Sunshine hinggil dito.
Pero kagaya ng dati ay ayaw magbigay ng kahit anumang statement ang premyadong aktres.
Tungkol naman sa isyung hiwalay na raw sila ni AA ay wala ring direktang sagot si Sunshine, na halata namang fake news.
Hindi na nga naman sila mga bata na pag uusapan pa ang lovelife nila.
48 years old na si Shine at 66 years old na si AA and one more thing hindi showbiz ang huli kaya hindi na dapat gawing isyu ang mga bagay na yun.
Sa kabila ng mainit na isyu ay nanatiling tahimik si Sunshine bukod sa pagre-repost niya ng naturang fake news.
Mababasa ang caption ni Shine sa kanyang FB post, “Sharing misinformation is not advisable especially if the news comes from a questionable site.
“Be vigilant family and friends.”
Well, sa pagkakilala namin kay Sunshine ay hindi siya ang tipong nang-iiwan sa isang mahal sa buhay sa anumang laban nito.
As long as mahal siya ng tao ay mamahalin din niya ito sa abot ng kanyang makakaya.
***
VERY much happy ang kapwa namin laking Cebu na si Debbie Lopez sa kanyang post birthday celebration.
Isinabay na rin ang launching ng kanyang Visayan song “Ang Higugmaon Ka” na may more than 16 million views na YouTube at sa Spotify.
Very timely naman dahil matagal ng crush ni Debbie ang magaling na aktor na si JM de Guzman na we all knew na meron ng karelasyon ngayon.
Teary-eyed na lang si Debbie ng iparinig sa kanya ang recorded na pagbati ni JM para sa kanyang kaarawan.
Wala pa namang chance na ma-meet in person ni Debbie ang ultimate crush niyang si JM. Pero sa ngayon mukhang iiwasan muna niya ang aktor dahil nga may kasintahan ito
Samantala given a chance ay handa na rin naman si Debbie na pasukin ang mundo ng showbiz. Nag-workshop na rin siya under Ogie Diaz at handa rin naman daw ang kilalang DJ at cosplayer na magpa-manage kay Ogie.
Well, wish namin kay Debbie na sana matupad ang pangarap niyang ma-penetrate ang music industry at maging isang kilalang singer at isang aktres.
(JIMI C. ESCALA)

Nabahiran ng lungkot at inis ang bakasyon sa Amerika: ANDREW E, na-hack ang IG account at nakatikim pa ng pamba-bash

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NABAHIRAN ng lungkot at inis ang bakasyon ng King of Pinoy Rap na si Andrew E sa Amerika.
Na-hack kasi ang Instagram account at hindi na niya ito mabuksan.
Nag-email na siya sa admin ng IG pero habang isinusulat namin ito ay wala pang balita kung naibalik na ang kanyang IG account.
“Not Available” ang lumalabas kapag sinusubukan niyang buksan ang kanyang naturang social media account.
Kaya nanawagan si Andrew sa admin at sa hacker mismo na ibalik na nila ang account niya dahil marami siyang memories at photos na naka-upload doon.
Samantala, hindi lang hacker ang tumitira sa Hari ng Rap, pati ba naman ang pagbabakasyon ng kanilang buong pamilya sa US of A ay bina-bash na mga walang magawa sa buhay.
O, e ano naman kung mag-Amerika si Andrew kasama ang kanyang pamilya? Napakasipag ni Andrew magtrabaho at rumaket, at dahil malaking pangalan siya sa industriya ng musika, siguradong malaki ang talent fee niya sa bawat event na dinadaluhan niya, kaya afford na afford ni Andrew na ipasyal ang pamilya niya saan man niya naisin.
Deadma na lang sina Andrew sa mga mapanira kaya naman naging masaya ang kanilang engrandeng US vacation kasama ang mabait niyang misis na si Mylene Yap Espiritu at ang tatlo nilang anak sina Fordy, Ichiro at ang bunsong si Jassley.
Napanood namin sa Facebook post ni Ms. Mylene na talaga namang enjoy na enjoy sila sa pamamasyal sa Amerika kung saan wala silang sinasayang na oras sa dami nilang pinuntahang lugar, isa na rito ang Disneyland sa Anaheim sa Hollywood at marami pang magagandang tanawin na makikita mo sa bawat post niya sa FB.
Speaking of Andrew and Mylene, ang pamilya nina Mylene ang nagmamay-ari ng pabulosong The District Boracay na isang class at 5-star na boutique resort sa Station 2 ng mala-paraisong isla ng Boracay.
Si SB Datu, anak ni Madam Mila Yap na ina ni Mylene, ang nagmamay-ari at nagma-manage ng class at 5-star rated na The District Boutique Resort na matatagpuan sa prime beachfront ng Boracay, as in paglabas mo ng main entrance ay dagat na ang nasa harap mo.
Napakaganda, napakalinis, at affordable ang The District, bukod pa sa masasarap na mga putahe ng pagkain sa mga restaurant sa loob mismo. Bongga rin ang pagkakaroon nito ng sariling spa, gym, at dalawang swimming pool.
Plus factor pa ang mababait at efficient na front desk staff ng The District na sina Femia Baldovia, Roger Rabang, Liana Picar, Denjilla Sacapaño, Frances Fuentes at Timothy Tan.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Ads July 5, 2025

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

5 – page 4-merged

Ads July 4, 2025

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

4 – page 4-merged

Deandre Ayton, pumirma na ng 2-year contract sa Los Angeles Lakers

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA na ng dalawang-taong kontrata ang bigman na si Deandre Ayton kasama ang Los Angeles Lakers.

Kalakip ng naturang kontrata ay ang ‘player option’ sa ikalawang taon. Ibig sabihin, mabibigyan si Ayton ng pagkakataong pumili kung mananatili pa siya sa Lakers sa huling taon o lilipat na lamang sa ibang koponan.

Ang bagong kontrata ng bigman sa Lakers ay nagkakahalaga ng $16.6 million ngunit tatanggap pa ito ng karagdagang $25.6 million mula sa kaniyang dating team na Portlands Trailblazers dahil kasunod ng naging buyout decision.

Inaasahang magiging starting center ng Lakers si Ayton pagpasok ng 2025-2026 season, kasama si Lebron James.

Makakasama rin ng bigman ang dati nakasabayan nito sa 2018 NBA draft na si Luka Doncic – si Ayton ang naging No. 1 pick sa naturang draft habang pangatlo naman si Doncic.

Sa nakalipas na season, nagposte ang naturang bigman ng double-double average na 14.4 points per game at 10.2 rebounds per game. Nagawa din niyang panatilihin ang 56.6$ shooting sa naturang season.

Lumalabas sa ilang ulat sa NBA na bago nagdesisyon si Ayton na pumirma ng kontrata sa Lakers ay nilapitan siya ng ilang bigating team tulad ng Indiana Pacers, New York Knikcs, LA Clippers, Milwaukee Bucks, Denver Nuggets, at Cleveland Cavaliers.

Filipinas tinambakan ang Cambodia 6-0 sa 2026 AFC Women’s Asian Cup qualifiers

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DOMINADO ng Philippine Women’s National Football Team ang Cambodia 6-0 sa 2026 AFC Women’s Asian Cup qualifiers.

Buy radio equipment

Dahil dito ay nasa unang puwesto ang Filipinas sa Group G matapos na talunin nila noong nakaraang araw ang Saudi Arabia 3-0.

Nakapagtala ng unang goal si Alexa Pino sa loob ng 18 minuto ng laro at pagkatapos ng isang minuto ay naipasok ni Meryll Serrano ang isa pang goal.

Pagdating ng 36 minuto ay doon muli naipasok ni Serrano ang goal at bago matapos ang unang half ay naipasok ni Sofia Wunsch ang lucky break.

Sa halftime pa lamang ng laro ay hindi pa nagkukumpiyansa ang Filipinas kahit na hawak nila ang kalamangan 4-0 laban sa host country.

Isa rin sa nagtala ng goal si Chandler McDaniel sa loob ng 56th minuto ng laro.

Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Hong Kong sa Hulyo 5.

Sa pagkakadawit sa kanya sa kaso ng pagkawala ng mga biktimang sabungero… NEGOSYANTENG SI ‘ATONG ANG, NAGHAIN NG REKLAMO VS. ALYAS TOTOY’

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NEGOSYANTENG si Charlie “Atong” Ang, pinanumpaan ang reklamong inihain sa Mandaluyong Prosecutor’s Office laban kay Julie “Dondon” Patidongan o alyas “Totoy at Alan Bantiles, kilala rin bilang “Brown.”

Isinapormal na nito ang kanyang reklamo laban sa isang nagpakilalang testigo bilang si alyas ‘Totoy’ na siyang nagbunyag ng akusasyong nagdadawit kay Ang sa kaso ng pagkawala ng mga biktimang sabungero.

Inihain ng kampo ni Atong Ang kasama ang kanyang legal team na pinangunahan ni Atty. Lorna Kapunan ang complaint-affidavit sa Mandaluyong Office of the City Prosecutor umaga ng, Hulyo 3.

Si Patidongan ang dating guwardiya sa Manila Arena na lumutang kamakailan bilang whistleblower sa kaso ng mahigit 100 nawawalang sabungero. Sa kanyang mga pahayag, idinawit niya sina Ang at aktres na si Gretchen Barretto bilang mga umano’y utak sa likod ng serye ng pagdukot at pagpatay.

Ayon sa complaint affidavit na inihain ng kampo ni Ang, sina Patidongan at Bantiles ay magkasabwat umanong gumawa ng mga krimen gaya ng attempted robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coercion, incriminating innocent persons, at paninirang-puri laban kay Ang.

Sa isang naunang pahayag nitong Miyerkules, Hulyo 2, tinawag ng kampo ni Ang ang mga akusasyon ni Patidongan bilang “malisyoso, walang basehan, at pawang kasinungalingan.”

Giit ni Ang, wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero at mula pa sa simula ay nakikipagtulungan na siya sa mga awtoridad para malinawan ang isyu.

Hinimok din ng negosyante ang publiko at media na huwag agad maniwala sa mga akusasyon na walang sapat na ebidensya at iginiit ang kahalagahan ng due process sa halip na trial by publicity.

Ayon pa sa abugado ni Ang na si Lorna Kapunan, sinubukan umanong kikilan ni Patidongan si Ang ng P300 milyon kapalit ng hindi pagbabanggit sa kanya bilang “mastermind” sa kaso. Dagdag pa niya, nawawala ang kredibilidad ni Patidongan dahil sa pagkakasangkot umano nito mismo sa mga pagdukot.

Sa panayam ng GMA News at News5, sinabi ni Patidongan na si Ang umano ang nag-utos sa serye ng pagdukot sa mga sabungero mula 2021, dahil sa umano’y pandaraya sa mga sabong. Pinangalan din niya sina Eric Dela Rosa at Celso Salazar bilang mga kasabwat, at binanggit si Barretto na palaging kasama umano ni Ang.

(Text & Photos by Boy Morales Sr.)

Key Mobile Jeannie Services, inilunsad sa Malabon

Posted on: July 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, City Administrator Alexander Rosete, at DRRMO head Roderick Tongol ang paglulunsad ng iba’t ibang Key Mobile Jeannie Services (KMJS) bilang parte ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Preparedness Month na ginanap sa C4 Road, Barangay Longos.

Ayon kay Mayor Jeannie, ang programang ito ay inilapit sa mismong pintuan ng bawat Malabueño upang mas maging accessible ang mga serbisyong kinakailangan sa araw-araw. Isa itong konkretong hakbang tungo sa mas mabilis at direktang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng komunidad. (Richard Mesa)